Subscribe:

Huwebes, Mayo 17, 2012

Can it be Love (Part 33)


By: James Cornejo




“Ano bang problema mo!?”




Limang araw na ang lumipas nang makita kami ni Jeck sa bar na iyon. Ilang araw na din itong hindi pumasok sa school. At lahat naman ng aming mga nakakasama noon ay itinatanong ito sa akin. Pati sila mommy at daddy ay tinatanong sa akin kung bakit hindi na daw pumupunta si Jeck sa bahay.




Ito ang unang araw na nagkita kami ni Jeck at ganito pa ang nangyayari. Hawak niya ang braso ko at animo’y kinakaladkad ako as if we are alone and no one can see us. Mugto ang mata nito marahil ay hindi dahil sa pag-iyak kung hindi dahil sa pagpupuyat at pag-iinom. Halata din dito ang pagbagsak ng kanyang katawan.




“May kailangan kang malaman.” Tanging sagot nito sa akin at nakita ko nalang na papalabas kami ng school.




Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates namin. Para akong nakagawa ng kung anong kasalanan na hinuli ng pulis at heto, dadalhin sa prisinto. Pero hindi ako pumayag at nagpumiglas ako.




“Wala na akong dapat pang malaman Jeck! Alam ko na lahat!” Sigaw ko dito nang makakalas ako sa kanyang pagkaladkad sa akin. “Stop acting na tayo pa Jeck, dahil hindi na, at hinding-hindi na ako magpapaloko sayo!”




Nagtatakbo ako papalayo sa kanya at hindi na muling nilingon pa ito. Sa loob-loob ko’y nasaktan ako dahil sa mga sinabi ko. Alam kong labag sa kalooban ko ang aking mga sinabi kay Jeck, pero talaga nga yatang hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga nalaman ko dito noon. Kahit pa man walang confirmation galing dito’y sinabi naman ni Zekiel sa akin ang totoo sa pamamagitan ng paghingi nito ng tawad sa akin.




“DAMN IT JAMES!!! BAKIT BA ANG HIRAP MONG PAGPALIWANAGAN!!” Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sigaw ni Jeck na ‘yon.




Nilingon ko ito at nakita ko itong nakaluhod sa pathway at lumuluha. Nahabag ako sa aking nakita, pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipakita kay Jeck na wala na siya sa akin kahit iba naman ang sinisigaw ng puso ko. Kailangan kong...




Nasa ganoong pag-iisip ako nang makita ko si Jeh na patakbong pinuntahan ang kinaroroonan ni Jeck at hinayaan niya ito ng suntok. Hindi ko alam ang gagawin ko, nagkusa nalang ang aking katawan na tumakbo din papalapit sa kanila at pinigilan si Jeh sa balak nito.




“Tumigil nga kayo! Putang ina naman oh!” Sigaw ko sa mga ito.




“Kung ginugulo pa ng taong ‘to ang buhay mo! Pagbigyan mo ako! Isang suntok lang yan James!” Mahanging sabi ni Jeh sa akin.




“Tumigil ka na Jeh, utang na loob!” Sigaw ko dito. “At ikaw, kung ayaw mo ng ganitong gulo! ‘wag ka nang lumapit sa akin! Dahil hindi ko na kayang makinig pa ang mga kasinungalingan mo!” Baling ko naman kay Jeck.




“Suntukin mo nalang ako pare! Mapakinggan lang ni James ang side ko!”




Natameme ako sa sinabi ni Jeck, umiiyak itong parang nagmamakaawa kay Jeh na suntukin nalang siya. Parang may kumurot sa aking dibdib at nagsabing kailangan kong pakinggan ang side nito. Pero punong-puno nang alinlangan ang aking sarili kaya’t tumayo nalang ako at inilayo si Jeh sa kinaroroonan ni Jeck.




“BESTFRIEND KITA JEH! PERO IKAW PA ANG TRUMAYDOR SA’KIN!” Sigaw ni Jeck bago pa man kami nakaalis sa kinaroroonan nito.










Nang matapos ang klase naming sa araw na iyon ay dali-dali akong umuwi sa bahay. Dahil naandoon si Mena ay wala kaming tsansa ni Jeh na magkasama at may date daw ang dalawa kaya’t minabuti ko na ring umuwi at makapagpahinga.




Habang nagda-drive pauwi ay ramdam ko ang kalungkutan sa aking sarili. It felt like I was in the midst of something na alam kong hindi ko kayang takasan. Parang may kulang sa akin, at alam kong si Jeck ‘yon. Alam ko din sa sarili kong gusto kong makausap ito, pero dahil na din sa tayog ng pride na pinapairal ko ay hindi ko magawa.




Nang malapit na ako sa bahay ay nakita kong may nakaupo sa labas ng gate namin. Nakaputing damit at naka walking shorts. Nang nasa tapat na ako ng gate ay agad itong tumayo at agad ko rin namang nakilala kung sino ito. Si Zekiel.




“What the hell are you doing here!?” Agad kong salubong dito nang makababa ako ng kotse.




“Nandito ako para magpaliwanag.” Nakayukong tugon nito sa akin.




“Magpaliwanag ng ano? Hindi pa ba enough na niloko ‘nyo ako ni Jeck! Diba dapat masaya na kayo ngayon dahil finally! Magagawa nyo na ang gusto nyo, without me interfering!” Inis kong wika dito.




Itinulak ako nito para mapasandal sa pintuan ng kotse at tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay at ang kanan naman ay hinawakan ang aking mga kamay para hindi ako makapagpumiglas.




“’yan kasi ang mali sayo James, hindi mo muna pinakinggan si Jeck, at kung kani-kanino ka naniniwala! Sino bang boyfriend mo? He tried to talk to you, he even stalked you para lang alam nya kung anong nangyayari sa buhay mo habang wala siya sa tabi mo! Pero anong ginawa mo! Puro pag-iignora nalang ang nalalaman mong gawin! Kaya naglakas loob akong pumunta dito dahil ayokong nakikita ko si Jeck na ganon! Oo! Inaamin ko, nagpagamit ako kay Jeh! Dahil minsan sa buhay ko, inasam ko si Jeck! Nang makita ko siyang luhaan at walang mapuntahan, I took the chance to be with him, pero, putang ina, ikaw pa din ang hinahanap nya! At hindi kita mabura-bura sa isip nya! Hindi kami nagkaron ng relasyon ni Jeck, at hindi totoo ang nakinig mo sa record ni Jeh! Nakita mo ang script, at nakapagpaliwanag sayo si Jeck pero hindi ka naniwala!” Mahabang sabi nito kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Nakiusap sa akin si Jeh na aminin ko daw sayo na may relasyon kami ni Jeck. Kumagat naman ako at nagpaloko sa kanya. Pero hindi ko kayang magsinungaling, kaya ang nasabi ko lang noon sayo ay “sorry”. Pero naging padalos-dalos ka, sinaktan mo ako pero tinanggap ko ‘yon.” Sabi pa nito habang lumuluha at naramdaman ko nalang na lumuwag ang paghawak nito sa akin.




Hindi ako manhid para hindi malaman na totoo ang sinasabi ni Zekiel. Para akong nabuhayan ng loob sa sinabi nito, at lalung lumakas ang urge ko para makipag-usap na kay Jeck.




Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak ni Zekiel sa akin. Sumunod naman ito at inalalayan ko siya papasok ng bahay, para doon kami makapag-usap ng ayos. Alam ko namang wala pa sina mommy at daddy kaya ayos lang na mag-usap muna kami ni Zekiel.




“S.sorry.” Mahiya-hiya kong sabi dito nang makapasok kami at mai-upo ko ito sa sofa.




“Huwag ka sa aking mag-sorry James, kay Jeck dapat.” Tanging tugon nito sa akin habang pinapahid ang kanyang mga luha. “Inaamin kong naging pangahas ako James, and am sorry about that. Pero hindi kalian man nagkaron ng namamagitan sa amin ni Jeck. At...”




“Naniniwala ako sayo Zekiel.” Pagputol ko sa sinasabi ni Zekiel. Agad din namang kumawala sa aking mga mata ang luhang akala ko’y noon ay ibinaon ko na’t ipinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko lamang ulit sa taong nararapat iyakan. “And I’m sorry kung ikaw pa ang napagbuntunan ko ng galit noon. Bulag ako sa katotohanan noon. Kahit naman siguro ikaw, kung ikaw ang nasakalagayan ko ay ganoon din ang gagawin mo. What I heard kanina is enough to know what’s true Zekiel. And I’m very, very sorry kung pinaghinalaan ko kayo at inakusahan ng kung ano-ano. But I know it’s too late na para magkaayos pa kami ni Jeck.”




“Never say late James, mahal na mahal ka ni Jeck at alam kong isang text mo lang dito ay pupunta kaagad siya sayo. Ga’non ka niya kamahal James, at hindi ka niya kayang ipagpalit kahit kanino.” Tugon nito sa akin.




“Ayoko muna Zekiel, nahihiya ako. Sobrang hiya, at hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya.”




“Kung hindi ngayon, kailan pa James! Kapag nakagawa na ng masama si Jeck?”










“Kailangan nating mag-usap.” Text ko kay Jeh nang makaalis ng bahay si Zekiel.




Kinumbinsi lamang ako nang kinumbinsi ni Zekiel para makipagbalikan kay Jeck, binigyan ko lang ito ng hindi siguradong sagot dahil hindi ko pa naman din talaga sigurado kung ano ang gagawin ko. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makausap si Jeh.




Puro galit ngayon ang nararamdaman ko kay Jeh, gusto ko itong tirisin ng pinong-pino na ‘yung tipong hindi na ito makakatayo. Sinabi ko din kay Zekiel ang balak ko kay Jeh pero pinigilan ako nito. Sabi lang nito ay makipag-usap daw ako ng ayos.




“Sige, right after ng date naming ni Mena, punta ako agad diyan sa inyo.” Reply nito sa akin.




Hindi na ako nagreply pa sa sinabing iyon ni Jeh, bagkus ay nagkulong nalang muli ako sa aking kwarto at nag-isip-isip.




Kung hindi dahil sa kanya! Okay sana kami ni Jeck ngayon! Kung hindi dahil sa kanya, wala akong problema ngayon! Tang ina ka Jeh! Hindi ko papalampasin ang ginawa mong katarantaduhan sa amin ni Jeck! Sa isip ko at muling tumulo ang mga luha sa aking mata.




Jeck, sana, pagkatapos nito ay tanggapin mo pa din ako, wag ka sanang bibitiw, mahal na mahal kita Jeck, at ngayon ko lang na-realize ang mali ko, sana hindi pa huli ang lahat. Sana masabi ko pa sayo ulit na mahal na mahal kita. Ako naman ang hindi susuko na suyuin ka Jeck. Tanggapin mo lang ako ulit Jeck, gagawin ko ang lahat para maging masaya lang tayong muli.










“Sabihin mo sa akin ngayon kung anong totoo Jeh.” Malumanay kong sabi dito.




“Totoo?”




“Anong totoo sa relasyon ni Jeck at ni Zekiel?”




“Hanggang ngayon ba naman Ja...”




“Putang ina Jeh! Anong totoo!?” Nakasigaw ko nang pagpigil sa kung anong kasinungalingan nanaman ang sasabihin nito.




“Ano ba naman ‘to James? Let me guess, may nagpunta dito at pinasinungalingan ang sinabi ko sayo? James, kinig na kinig mo ang pruweba, saan ka pa ba maniniwala James?”




“H’wag mo akong lokohin Jeh! Magsabi ka lang ng totoo, magiging okay ang lahat!”




Tumawa ito ng pagak at nagsalita. “James naman, kung maniniwala ka sa mga taong puro kasinungalingan lamang ang sasabihin sayo, it’s your choice. Pero ang sinasabi ko sayo ay ang katotohanan lamang.”




“Ay, sorry, palibhasa kasi, may record ka ng mga sinabi ni Jeck.” Sarkastikong kong tugon dito.  “Well Jeh, sagutin mo nalang itong tanong ko, bakit kailangan mong irecord ang mga sinabi ni Jeck? At bakit parang alam na alam mo ang mga sasabihin nito?”




Napatahimik ito na parang nag-iisip ng kung anong kasinungalingan nanaman ang kanyang ipapaliwanag sa akin. Pero hindi ko na hinyaang makapagsalita pang muli ito.




“No answer Jeh? Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, huwag buhay namin ni Jeck ang sirain mo! Walang hiya ka! Pinapaniwala mo ako sa isang bagay na hindi totoo! At ako naman itong si tanga, naniwala naman sayo! Kung nagawa mong miserable ang buhay ko, mas gagawin kong miserable buhay mong hayop ka!” Nang-gagalaiti kong sabi dito. “UMALIS KA DITO SA BAHAY KO! HAYOP KA!”




Ipinagtulakan ko siya papalabas ng bahay. Galit na galit ko itong sinisigawan, minumura at itinutulak. Nagmamakaawa naman itong humihingi ng permisong magpaliwanag pero hindi ko na siya hinyaang makapagsinungaling pa sa akin. Wala akong maramdamang awa sa kanya. Puro galit lamang at galit lang ang tanging sumakop sa aking isip.




“Tandaan mo ‘tong araw na ‘to James! Hindi kayo sasaya ni Jeck!” Pagbabanta nito nang mapansin siguro nitong wala ng space para sa paliwanag niya ang sumisidhing galit na nararamdaman ko.




“Talaga ba Jeh?” Pang-aasar ko pang lalo dito. “Well in that case, GO AHEAD! AND GO TO HELL!!!!” Sigaw ko pa dito at itinulak ko na siya ng tuluyan palabas ng gate namin.




Nang maisara ko ang gate ay wala akong naramdaman kundi ibayong saya na sa wakas ay nailabas ko ang aking galit sa taong karapat-dapat kagalitan.




Si Mena! Biglang pumasok ang pangalan ng aking bestfriend sa aking utak.




Agad kong kinuha ang susi ng aking kotse. Kailangan kong makita si Mena at makausap tungkol sa boyfriend nya. Kailangan ko ding humingi ng tawad sa kanya dahil sa naging affair namin ni Jeh na dulot ng kasinungalingang dinala nito sa akin.




Dali-dali kong inilabas ang kotse at isinarado ang gate. Agad kong tinahak ang daan patungo sa bahay nila Mena. Kinuha ko ang aking CP at hinanap ang number ni Mena sa aking phonebook. Nang makita ko ito ay tinawagan ko ito.




“Hello Bes, napatawag ka?” Masiglang bati nito sa akin.




“Bes, papunta ako d’yan sa inyo ngayon. Labas ka na, medyo malapit na ako.” Tugon ko dito.




“Bakit Bes? May problema ba?” Balik-tanong naman nito sa akin.




“Malaki Bes, d’yan nalang natin pag-usapan. Eto na ko, isang liko nalang.” Tugon ko dito sabay putol ng linya.




Nang makaliko ako sa street nila Mena ay nakita kong papalabas naman ito ng bahay




“May dapat kang malaman sa boyfriend mo, Bes.” Pagsisimula ko sa usapan namin ni Mena nang makababa ako sa kotse.




“Kung ano mang sasabihin sayo ni James ay puro kasinungalingan lang ‘yan Hon.” Biglang singit ng isang boses mula sa aking likuran.




“Mena, listen to me first.” Pagkuha ko ng atensyon ni Mena. “Am sorry, dahil nagkaron kami ng relasyon ni Jeh behind your back. Niloko nya tayong lahat. Pinaniwala niya tayon...”




Sinuntok ako ni Jeh sa likuran ko, humarap ako sa kanya at gumanti ako ng suntok. Pinaulanan namin ang isa’t-isa ng palitan ng mga suntok. Para kaming mga manok na nagsasasabing ni Jeh, puro mura sa isa’t-isa au binahaginan din namin. Si Mena naman ay puro mga sigaw lamang nito ng paghingi ng tulong ang ginawa.




Naglapitan sa amin ang kung sino-sino mula sa street nila Mena. Napakadaming taong dumagsa sa kinaroroonan namin ni Jeh, ang iba ay nagpunta para maki-osyoso, ang iba naman ay para umawat. Nahawakan si Jeh ng isa sa mga dumating habang ako naman ay nahawakan din ng isa.




“Putang ina ka Jeh! Matapos kong makisama sayo ng maayos, ganito pa ang iginanti mo sa akin!” Sigaw ko dito nang hindi ko na maabot ng mga suntok ko si Jeh.




“Hoy bakla! Kung hindi ka lumandi sa akin, edi sana hindi kayo nagbreak ng jowa mo!”




“Huwag mong ibahin ang kwento ditong tarantado ka! Ikaw ang sumira ng relasyon namin ni Jeck! Kung hindi mo ipinarinig sa akin ang record na ‘yon! Okay sana kami ni Jeck ngayon!”




“Kasalanan mo pa din bakla! Naniwala ka!”




“Oh edi lumabas din ang totoo! Ikaw ang sumira, putang ina ka! Hayop ka Jeh! Hayop ka!” Sigaw ko pa dito at inilayo na ako ng tuluyan ng lalaking umaawat.




Nakita ko ang mga taong nakatingin sa akin, mga mapang husgang tingin ang ipinabatid nila sa akin, at wala na akong magawa kundi ang yumuko at mapahiya.




Hindi pa tayo tapos Jeh! Humanda ka! Sabi ko sa aking isip habang higit-higit pa din ako ng lalakeng umawat sa amin.




“Anong nangyari dito?” Narinig kong sabi ng hindi ko kilalang boses, nilingon ko ito at nakita kong naka-uniporme na pang barangay tanod.




“Hulihin nyo po yang baklang yan! Nang gugulo dito sa bahay ng girlfriend ko!” Si Jeh.




“H’wag kuya, etong gagong ‘to ang nang gulo dito, hindi ang bestfriend ko. ‘yan ang hulihin nyo!” Pagsingit naman ni Mena.




Nilingon ko si Mena at nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Hindi ako basagulerong tao, alam kong napuruhan ako sa ilang suntok ni Jeh sa akin. Pero hindi ko na siguro ito naramdaman dahil na din napuno ako ng galit.




Binitawan naman ako ng lalakeng nakahawak sa akin kanina. Pero napayuko nalang ako dahil na din nakatingin pa din sa akin ang mga taong naki-osyoso sa away namin ni Jeh. Marahil ay dahil na din sa narinig nitong mga ito na bakla ako kaya gan’on nalang ang panghuhusga nila sa akin.




“Bes, pasok ka muna dito sa loob. Gamutin natin ‘yang mga pasa mo.” Alok sa akin ni Mena na hindi ko naman tinanggihan. Dahil na din sa hiya ko sa mga taong nakapaligid ngayon sa bahay nila Mena, kaya pumasok na din ako agad sa bahay ng mga ito.










“Bes, bakit hindi ako ang ipinadala mo sa barangay?” Agad kong tanong dito ng makaupo kami sa sofa nila.




“Dahil alam kong nagsasabi ka ng totoo kanina Bes. And besides, ang best friend, hindi napapalitan, ang boyfriend, mabilis lang ‘yan.” Sabi nito sabay ngiti sa akin. “Akin na nga yang sugat mo, bes, gagamutin ko na.” Sabi pa nito at agad din naman akong lumapit sa kinaroroonan niya.




Ginamot ni Mena ang mga pasa ko at mga sugat na natamo ko dahil sa “square” namin ni Jeh. Brave lady si Mena, hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong emosyon sa akin dahil sa nalaman nito tungkol sa boyfriend niya. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari pamula nang maghiwalay kami ni Jeck.




“Do you want me to call Jeck?” Tanong nito sa akin matapos kong maikwento sa kanya lahat.




“Huwag na Bes. Nakakahiya na sayo. Ang laki na ng naitulong mo sa akin.”




“Nahihiya ka d’yan, eh kung sinasampal kaya kita! Eto na, tatawagan ko na.” Nakangiting balik nito sa akin.




...itutuloy...

4 comments:

  1. Thank you, James sa chapter na ito! Inabangan ko talaga 'to. Silent reader ako pero pagkakataon ko na ring mag-react kasi nagustuhan ko ang chapter na ito kahit bakbakan! Kawawa ka talaga dito. Ikaw pa ang pinahiya talaga ni kapalmuks Jeh. Nainis kasi ako kasi ikaw pa ang talagang tinawag na BAKLA ng hinayupak na si Jeh eh siya naman 'tong lumandi sa 'yo.

    Sana agaran ang Chapter 34!


    - Jhan, the emailer about the lost chapter.

    TumugonBurahin
  2. next na po mr otor galing ng magbest friend. been reading this story at ngayon lang ako nagcomment.

    ---januard

    TumugonBurahin
  3. wth..sabi ko na eh....si jeh ang may pakana...grabe nman...masunog ka sa impyerno jeh...wala kang kwentang tao...isa kang ipis na dapat tapakan hanggang mamatay...wala kang konsensya...wahahahaha

    next na...hehehe

    TumugonBurahin
  4. hala! baka huli na ng lahat? ayyyayayayyy! wag naman sana..

    TumugonBurahin