By: Eusethadeus
“Ang galing mo naman Lenard!”
Matapos kong kumanta ay narinig ko nalang ang maraming palakpak mula sa
aking likuran. Nang lingunin ko ang kung sino-sino man ang mga pumapalakpak,
nakita ko ang mga kaklase ko. Hindi ko namalayan ang pagpasok nila sa aming
silid-aralan dahil na din nakaharap ako sa unahan habang ang mga ito naman ay
sa likod pumasok. Madami na sila at kitang-kita ng dalawa kong mata ang kinang,
o mas tamang sabihin na amazed ang nakikita ko sa mga mata ng mga ito.
Tinakpan ko ang aking mukha ng aking bag na dala-dala at agad na
naglakad palabas ng room. Hindi pa ko pa man napipihit ang door knob ng pintuan
ay bigla na itong bumukas, and BOOM! Nauntog ako sa kantuhan ng naturang pinto.
“Sorry Lenard.” Ang sabi ng lalakeng nagbukas ng pintuan at inalalayan
ako nitong makabangon, hawak nito ang isa kong kamay at ang isa naman ay inaalalayan
ang aking likuran. Nang makita ko kung sino ang taong tumutulong sa akin ay
napag-alaman kong si R-Kei pala ito. “Saan ka pupun...”
“UYYYYYY!!!!!” Sigawan ng mga kaklase naming ngayon ay nanunuod ng
eksena namin ni R-Kei. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang napatigil si
R-Kei sa sinasabi nito at napatulala nalang ito sa dami ng mga kaklase kong nanunuod
sa amin.
Nang maitayo na ako ni R-Kei ay agad-agad na kinuha nito ang kanyang
bag sa kaninang inuupuan naming dalawa at hinila ako nito papalabas ng
classroom.
“Bakit hindi mo sinabing madami na palang tao d’on?” Nakangiting tanong
sa akin ni R-Kei habang kami ay parehas na tumatakbo makalayo lamang sa
kahihiyang naganap kanina.
“Nagulat na nga lang ako kanina kasi bigla silang sumulpot. Kaya nga
naumpog ako kanina nung binuksan mo ang pinto, nahihiya kasi ako sa kanila.”
Sabi ko dito at tumigil na ako sa pagtakbo. “Teka lang, bakit ba tayo
tumatakbo?” Hihingal-hingal ko pang sabi dito.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakailangan naming tumakbo pa
gayong nakalayo naman na kami sa classroom na pinanggalingan naming kanina. At
lahat ng nakasalubong naming estudyante ay nakatingin sa amin habang tumatakbo.
Nakakahiya! Para kaming hinahabol ng kung sino-sino at kailangan namin itong
takasan.
Tumigil naman si R-Kei sa pagtakbo at hingal-aso itong napayuko sa
gitna ng hallway.
“Doon muna tayo sa oval, 1 hour pa naman bago ang sunod nating klase,
tsaka hapon na, hindi na ganon kainit doon ngayon.” Hihingal-hingal pa din
nitong sabi sa akin.
“Kumanta ka na kasi.” Kanina pang pilit sa akin ni R-Kei. Labing-limang
minuto na kaming nakatambay sa oval at kanina pa ako nitong pinipilit na
kumanta.
Always ready talaga ang isang ito, sa bag pala nito ay may tuwalyang
nakalagay at iyon ang ginamit naming sapin para maupuan sa oval. Inilatag
lamang niya ito sa damuhan at saka kami umupo at gumaya sa iba pang mga
nakatambay din, or should I say, nagde-date doon. (Assuming lang. Hehehe)
“Nakakahiya kaya, ang daming tao.” Tugon ko dito.
“Eh ano ngayon, proud nga ako, kasi pinalakpakan ka nila kanina sa
classroom, kaso hindi ko naman narinig.” Nakangiting sabi nito sa akin, alam
kong nakatitig ito sa akin, kita kasi sa peripheral vision ko. At ito rin ang
dahilan kung bakit kulang nalang ay ma-cardiac arrest ako sa bilis ng tibok ng
puso ko.
“Pano mo naman nalaman ‘yon?”
“Nagtext sa akin si Thep. Pilitin daw kitang sumali sa banda. Kulang
kasi kami ng vocalist.” Sa sinabi nito’y agad akong napatingin sa gawi nito at
nakumpirma kong nakatingin nga ito sa akin.
Hindi ko alam na nagbabanda pala ang mga ito, kaya’t ipinagtaka ko ang
sinabi nito.
“Nagbabanda pala kayo?” Kunot-noo kong tanong dito.
“Sana, kaso nga diba, hindi pa buo. Kasi naman, ayaw nilang ako nalang
ang vocals. Kaya ko naman. Panalo kaya ako noong fourth year high school sa
singing contest sa school namin. Champion pa!” Mahanging sabi nito sa akin.
“Oh, eh bakit hindi nalang ikaw ang kunin nila? Baka naman kasi dalawa
lang kayong naglaban? At hindi pa maalam kumanta ang napatapat sayo.” Natatawa
kong biro dito.
“Pano mo nalaman?” Pagsakay nito sa biro ko, o ‘yon talaga ang totoo? Hala,
ewan! Parang seryoso kasi ang sinabi nito.
“Totoo nga?”
“Hindi ka naman mabiro! Madaming magaling kumanta sa LaCo noh. Mapalad
lang talaga ako sa pagkakapanalo ko” Sabi nito’t tumingin ito sa malayo.
“Maiba ako R-Kei. Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo noong orientation
palang nung first day, totoo bang lola mo si Cory?” Out of curiosity, matagal
ko nang gustong itanong ito sa kanya, pero ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng
loob, bakit? Hindi ko din alam.
“Hindi, joke ko lang ‘yon, para hindi na mangulit si Ma’am Trinidad.
Ayoko kasi talaga sa mga teacher. Lalo na sa mga plastic.” Sabi nito at
napabuntong hininga.
“Bakit ba parang ang laki ng galit mo sa mga plastics? Noong acquaintance
mo pa sinasabi ang tungkod d’yan ah?”
“Ayoko lang talaga ng ganon, isipin mo naman, halimbawa ikaw ang
nasakalagayan ko. Tapos lahat ng ipinakita mo sa akin ay totoo. Malalaman mo
nalang na pinaplastic kita, anong mararamdaman mo?”
“Syempre masakit.” Pagsang-ayon ko nalang dito. “Pero R-Kei, pano ba
malalaman kung plastic sayo ang isang tao?” Parang bata kong tanong dito, sa
mga ganitong klaseng usapan kasi ay hindi talaga ako maalam, hindi ko alam kung
paano mamili ng kaibigan, maswerte lang siguro ako ngayon kay R-Kei dahil
pakiramdam ko’y totoo lahat ng ipinapakita nito sa akin.
“Mararamdaman mo naman ‘yon eh. Kaya nga noong una, ayaw ko sayo.” Sa
sinabi nito’y para naman akong nabagabag.
“B.bakit naman?”
“Eh kasi, kita naman sa kilos mo na Bi ka, tapos ayaw mo pang aminin.”
Sabi nito sa akin.
“Hindi ko naman itinanggi ah, ayoko lang talagang ipakilala ang sarili
kong gano’n R-Kei.” Sabi ko dito at nag-iba na ang hilatya ng mukha ko, pati
boses ko ay nakikisama na din dahil medyo natatakot na din akong mawala sa tabi
ko si R-Kei, nasanay na din kasi akong palagi ko itong kasama.
“Oh, wag kang malungkot d’yan, syempre first impression ko ‘yon sayo,
at nagbago na ‘yon ngayon. Tingin mo ba sasama ako sayo kung ramdam kong hindi
totoo ang sinasabi mo?” Nahimigan ko ang paglalambing sa boses nito na naging
dahilan muli ng pagbilis ng tibok ng aking puso.
“Pwede ba magtanong R-Kei?” Pagbubukas ko ng panibagong topic.
“Sure, ano ba ‘yon?” Sabi nito kasabay ang paghugot nito ng kung ano sa
kanyang bulsa, nang mailabas niya ito ay ang kanya palang CP.
“Ah. Eh. Kasi, tatanong ko lang sa...”
“Time na pala! Late na tayo! Patay nanaman tayo nito kay Sir Desamero!”
Pagputol nito sa aking sinasabi at nagpatiuna na itong tumayo, matapos ito ay
inalalayan niya akong makatayo at sabay naming kinuha ang tuwalya niya at inilagay
ito sa kanyang bag nang walang tiklop-tiklop.
Nagmadali kaming tumakbo patungo sa room ng klase namin. Doon na kami
dumaan sa ospital para madali, may shortcut kasi dito at paglabas mo ay nasa third
floor ka na ng building ng medical courses. Hawak niya ang kamay ko habang
hila-hila niya ako sa kanyang pagtakbo. It felt like I was on breeze, na
dinadala lang ako ng hangin through R-Kei’s hands. (Kayo kaya ang hawakan ang
kamay ng crush nyo? At hila-hila pa kayo nito, hindi ba kayo kikiligin no’n?)
Nang marating namin ang classroom ay agad kaming pumunta sa likurang
parte at doon kami pumasok ni R-Kei ng dahan-dahan.
“Mr. Bitervo! Mr. Cojuanco! This is the third time na na-late kayo sa
klase ko! Isang beses na nga lang ang meeting natin every week and you tend to
be late sa klase ko! Gusto ‘nyo bang gawin ko ding late ang grades ‘nyo?”
Paktay! Nasabi ko nalang sa
aking isip habang kakamot-kamot kaming dalawa ni R-Kei sa aming mga ulo.
Ewan ko pero lagi nalang kaming late ni R-Kei sa klase ni Sir Desamero,
naisipan nga naming dito nalang mag-stay kanina sa room na ito kaso,
nagsipagdatingan naman ang mga classmates namin, kaya umalis din kami.
Eh ano ba kasi ang itinatago-tago
ninyo sa mga kaklase nyo? Bakit ba kasi kailangan nyo pa ng private moments
together every break time bago ang Chemistry class nyo! Biglang sabat naman
ng maligalig kong utak
“Sir kasi nagdate pa sila!” Biglang sabi ng isang babae naming kaklase
na si Caree. Isa sa mga intrimitida naming kaklase, maganda siya, oo, at alam
naming may gusto it okay R-Kei. Pero dahil na din sa kagaspangan ng ugali nito
ay hindi ito pinapansin ni R-Kei.
“Shut up Caree!” Saway ni R-Kei dito.
“Shut up your face! Kung bakit ba naman kasi d’yan sa baklang ‘yan mo
pa naisipang magsasama!” Balik naman nit okay R-Kei.
“Students, this is not a war room! Kung gusto ninyong mag-away, doon
kayo sa labas at huwag ninyong guluhin ang klase ko!” Mataray na sabi ni Sir
Desamero. “Mr. Bitervo, Mr. Cojuanco, go to your proper places, go to my office
after this class!”
Nagmadali na kaming umupo ni R-Kei sa aming mga sari-sariling upuan, at
dahil nga uso sa college ang sitting arrangement na alphabetically arranged ay
magkatabi pa din kami nito. (Hindi naman talaga uso sa college ang sitting
arrangement, pero ewan ko ba, sa school na ‘to kasi, kailangan daw
alphabetically arranged, but am thankful dahil na din magkatabi kami ni
R-Kei... hehehe, landi much lang.)
Chemistry is one of R-Kei’s favourite subject na talaga namang kahinaan
ko, ewan ko ba pero pagdating sa science subjects talaga ay hirap na hirap ako.
Mabuti nalang talaga at katabi ko si R-Kei at itinuturo nito sa akin ang mga
hindi ko maintindihan sa sinasabi ni Sir Desamero. Minsan pa ay sa mga quiz,
pinapakoya ako nito.
Nang matapos ang klase namin kay Sir Desamero ay agad kaming nagtungo
sa opisina nito. Mataas ang posisyon ni Sir Desamero sa unibersidad na ito,
Research and Development Director, Director for Accreditation, at Executive
Dean ng College of Pharmacy. Dalawa din ang kursong kinuha nito, isa ay Medical
Technology kung saan ay top three siya sa board exam. Ang isa naman ay Pharmacy
kung saan kasali pa din siya sa Top 20 pero hindi na namin alam kung pang ilan
siya. Matalino kasi eh. Pero malaking palaisipan para sa amin ang kanyang
sekswalidad.
Tok*Tok*Tok
Tatlong beses lamang kaming kumatok sa opisina nito at pinagbuksan
kaagad kami ng kung hindi ako nagkakamali ay sekretarya nito.
“Si Sir Desamero po?” Mahiya-hiya naming tanong sa babaeng nagbukas ng
pinto.
“Waiting for you in his room. Pasok nalang kayo doon sa pintuan na
iyon.” Sabi nito sabay turo sa amin ng sinasabi nitong pintuan sa loob ng
opisinang kinatukan namin.
“Thank you po.”
Agad naman naming sinunod ang sinabi ng sekretarya nito, pero nang
kakatok na kami ay parehas kaming nagsisikuhan kung sino sa amin ang kakatok.
Nasa harap na kami ng pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang
professor naming si Sir Desamero.
“Pasok kayo.” Mabait na sabi nito sa amin.
Agad kaming pumasok sa loob ng silid niya kahit nagtataka pa kami, o
ako lang sa ipinapakitang ugali nito, kanina kasi noong pinapagalitan niya kami
ay halos parang lamunin na kami nito ng buong-buo, ngayon naman ay parang isang
mabait na tupa.
“Ano pong pag-uusapan natin sir?” Iba talaga ang isang ‘to, direct to
the point, ayaw ng paligoy-ligoy ni R-Kei. At nakatitig ito kay Sir Desamero na
parang hindi nito nagugustuhan ang nakikita nito.
“Upo muna kayo d’yan. Kukuha lang ako ng makakain natin.” Tugon naman
ni Sir Desamero na lalung nagbigay sa amin ng pagtatakang pakiramdam.
Umupo naman kami ni Jeck sa magkabilang upuan sa tapat ng lamesa ni Sir
Desamero. Habang si Sir naman ay pumunta sa kanyang mini refrigerator at kumuha
ng kung anong makakain doon. Nang matapos nito ay umupo na siya sa kanyang
trono at ngumiti sa amin.
“Heto, kainin nyo muna.” Sabi nito sa amin.
“Thank you sir.” Sabay naming sabi ni R-Kei.
“Akala kasi namin kanina papagalitan ‘nyo kami kaya ‘nyo po kami
pinatawag.” Sabi ko pa.
“Bakit ko naman kayo papagalitan? Eh diba nga, sabi ko noong
orientation, okay lang sa’kin ang late, basta ipapasa nyo ang mga exams at quizzes
nyo.” Nakangiting tugon nito sa amin. Oo nga pala, nakalimutan namin na may
ganung sinabi nga pala ang mokong na ‘to noong una namin itong mameet.
“Eh sir, bakit po palagi nyo kaming pinapagalitan pag pumapasok kami sa
klase ‘nyo?” Tanong naman ni R-Kei, hindi pa din nagbabago ang mukha nito,
parang inis pa din ang nakikita ko dito.
“Kasi, natutuwa ako sa inyong dalawa. Hindi kayo mapaghiwalay pamula pa
noong matapos ang acquaintance party.” Sabi nito’t napatawa na parang
kinikilig-kilig pa. “Matanong ko lang, if you don’t mind, ano na bang score
between the two of you?”
Ayun na nga, nalintikan na! Tumayo si R-Kei sa kanyang kinauupuan at
nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hawak-hawak nito ang kanyang tinidor
at parang nagpipigil ito sa kung ano mang gagawin niya. Mahigpit ang
pagkakahawak niya dito na parang kutsilyo.
“Ang ayoko sa lahat, ‘yung mga pakealamero! Buhay namin ‘to ni Lenard
at hindi kayo ang nagpapalamon sa amin para i-report namin sa inyo ang mga
nangyayari sa buhay namin!” Nakasigaw nitong sabi kay Sir Desamero.
“R-Kei, t.tama n.na y.yan!” Nabubulol kong pagsaway dito, natakot kasi
ako sa naging asta niya, parang sinapian ng kung sino.
“Lenard, kung gusto mo pang mag-stay dito, bahala ka, pero ako, aalis
na ako!” Sabi pa nito sa akin habang hindi pa din naaalis ang nanlilisik nitong
mata kay sir.
“Pasensya na po sir, alis n.na po k.kami.” Nabubulol-bulol kong paalam
kay sir at lumabas na kami sa naturang opisina.
Hawak-hawak ko ang braso ni R-Kei habang naglalakad kami papalabas ng
naturang unibersidad at pilit kong pinapakalma ito dahil hanggang ngayon ay
ramdam ko pa din ang tensyon sa kanyang paglalakad.
Dinala ko muna si R-Kei sa apartment namin at binigyan ng tubig para
sana mapakalma. Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalma naman na si R-Kei at
yumuko.
“S.sorry.” Unang salitang narinig ko dito matapos naming umalis sa
opisina ni Sir Desamero.
“Ano bang nangyari sayo R-Kei?” Tanong ko dito habang hinahagod ko ang
kanyang likuran.
“Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako ganito kailap sa mga
teachers? Lalung-lalo na sa mga baklang teachers?” Nakayuko pa ding tanong nito
sa akin.
Hindi ako umimik at hinyaan ko lamang itong makapagsalita.
“Noong high school ako, napakadaming indecent proposal sa akin ng mga
teachers ko. Napakadali kong makisama noon sa mga teachers at ganoon din naman
sila sa akin. Sa sobrang close namin ng iba sa mga teacher kong lalake din ay nakakainuman
ko na ang mga ito pagdating sa gabi. Itinuring ko silang kaibigan, at ang iba
dito ay mga best friends pa ang turingan namin.” Sabi nito at napatahimik
saglit dahil sa pag-inom niya ng tubig. “Contest noon, singing contest, kasali
ako at kung papalarin ay sa kauna-unahang pagkakataon ay mabibigyan ko ng award
ang nanay at tatay ko. Gustong-gusto kong maging proud sila sa akin. Kaya
pinagbutihan ko ang pagpa-practice ng kakantahin ko.”
Nakinig ko nalang na humuhikbi na pala si R-Kei na nagbigay sa akin ng
ideya na umiiyak ito. Kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa at ibinigay sa
kanya.
“Gabi noon bago ang contest, nagtext sa akin ang pinakapaborito kong
teacher noon, ang teacher ko sa physics, magaling siyang magturo at talagang
hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan nito. Sabi niya ay pumunta daw
ako sa kanila dahil mag-iinom daw ang barkada. Noong una ay ayaw ko dahil na
din may contest akong sasalihan kinabukasan, pero sabi nito ay isa daw siya sa
mag-ju-judge ng contest at sisiguraduhin daw niyang ako ang mananalo.”
Napatigil muli si R-Kei sa pagkukwento, uminom ng tubig at tumingin sa akin.
Galit ang makikita mo sa mga mata nito, galit na alam mong matagal na
nitong kinikimkim. Kahit pugto na ang mata nito ay kitang-kita mo pa din ang
panglilisik ng mata nito na talaga namang nagdala sa akin ng ibayong takot.
“Nagpunta ako sa kanila dahil na din sa pangako nitong ipapanalo daw
niya ako, kaya pinagbigyan ko na ito sa gusto niyang pakikipag-inuman. Dumating
ako sa kanila pero walang ibang tao sa bahay niya kung ‘di siya lang. Nagtaka
ako pero binalewala ko nalang dahil pinanghahawakan ko pa din ang pangako nito.
Gustong-gusto kong manalo para sa magulang ko at susuungin ko lahat para makuha
‘yon!”
“Pagdating ko sa kanila, nag-inom kami ng nag-inom. Kahit kaming dalawa
lang. Hindi ko alam na may balak pala siya sa akin. Nilasing niya ako at nung
lasing na ako ay doon na niya ako pinatulog. Okay lang naman sa akin dahil
ilang beses na din akong nakitulog noon sa kanila, pero iba ang nangyari noong
gabing ‘yon.” Nabasag ang boses nito’t parang nasaktan, sa pangalawang
pagkakataon ay nakita ko nanamang muli ang mga luha nitong kanina pa nito
pinipigilan.
“GINAPANG NIYA AKO!” Sigaw nito. “Naramdaman ko nalang na nakapatong
siya sa akin, umaayaw ako, ayaw ko, pero anong ginawa niya, itinuloy pa rin
niya at ang masaklap pa, kung hindi daw ako papayag ay kahit ako pa ang
pinakamagaling sa mga kakanta ay gagawin niya ang lahat para lang matalo ako.
Pero nagpumiglas pa din ako, ayoko, sabi ko noon sa sarili ko, kahit ‘wag
nalang akong manalo, pero nang sabihin niyang pati ang pagiging valedictorian
ko ay mawawala sa akin pag hindi ako pumayag, doon na ako nagparaya.” At
tuluyan nang kumawala ang masaganang luha nito.
Maging ako man ay napaluha din sa kwento nito. Natakot ako at the same
time, thankful dahil kahit alam niya ang sexual preference ko, hindi siya
lumayo sa akin at hindi man lang ako pinangdirihan gayong parehas kami ng “gumahasa”
sa kanya.
Nag-iyak lang ng nag-iyak si R-Kei, sumubsob ito sa aking balikat at
niyakap ko naman ito bilang pag-aalo ko dito. Nakatulog na siya sa ganoong
posisyon kaya’t inihiga ko nalang ito ng maayos sa sofa. Masyadong naging
mahaba ang araw para sa aming dalawa at ito ang karapat-dapat para sa kanya,
ang magpahinga.
...itutuloy...
wow kaw na..the best hehehe
TumugonBurahin