Subscribe:

Lunes, Mayo 14, 2012

Can it be Love (Part 32)


By: James Cornejo





“James! Open this door!” Alam kong si Mommy ang naririnig kong kumakatok, pero ewan ko ba, siguro ay dahil na din sa sobrang antok ko ay hindi ko magawang bumangon. “May bisita ka! Kayo kindly open this door!” Pagkatok pa nito.




Sa sinabi nito’y alam kong si Mena na ang tinutukoy nito, kahit labag man sa kalooban kong tumayo sa aking mahimbing na pagkakahiga ay ginawa ko pa din. Kailangan ko ng makakausap, at alam kong si Mena lang ang makakatulong sa akin sa mga panahong ito.




Mabilis akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pinagbuksan ko si Mommy at pupungas-pungas ko itong hinarap.




“Kanina pa akong nakatok dito James! Alam mo namang kinakabahan ako sa tuwing hindi ka sumasagot! The next time you do this, i will ground you for 1 week!” Mataray na salubong ni Mommy sa akin. “Your visitor is downstairs! Kaya bumaba ka na diyan at harapin mo yung bisita mo!”




“Opo ma.” Tanging naisagot ko nalang dito.




Pumasok lang ako panandalian sa kwarto ko para ayusin ang aking sarili at bumaba na din ako para harapin si Mena.




“Kanina pa ako naghihintay sayo, bakit...” Sabi ko habang bumababa ng hagdan. Nang makita ko kung sino ang taong bisita ko daw ay natigilan ako. Si Jeh pala ito.




“Good evening.” Sabi nito habang ako naman ay hindi maituloy ang paghakbang ko pababa ng hagdan.




Natulala lang ako dito, hindi dahil sa hitsura nitong bumagay ang suot nito sa maitim niyang kutis kundi dahil hindi ko alam kung paano ko ito papakitunguhan. Alam kong concerned sa akin ang isang ito, pero hindi ko pa din maalis sa aking isipan ang nalaman kong may gusto pala ito sa akin.




“Sabi ko po Good Evening.” Pagbasag muli nito sa aking pag-iisip.




“Goo.Good evening naman. Akala ko kasi si Mena, pasensya na.” Balik tugon ko dito.




“I heard from Mena na kailangan mo daw ng makakausap, so I told her na ako nalang ang pupunta, pasensya na, na-traffic kasi ako kaya ngayon lang ako dumating.” Sabi nito at ngumiti ito sa akin ng may pag-aalangan.




“Salamat. Doon tayo sa garden mag-usap.” Tanging tugon ko dito at naglakad na ako patungong garden. Agad naman itong tumayo sa sofa at sumunod sa akin.










“Pasensya na, ako pa tuloy ang nakagulo sa relasyon nyo ni Jeck.”




Nang makarating kami sa garden at makaupo ay wala ni isang gustong magsalita, para kaming nagpapakiramdaman. There is a feeling of awkwardness in me habang kasama ko ito at hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang ganoon kong pakiramdam.




“Okay lang ‘yon, at least nalaman ko diba? At hindi ako nagpapakatanga sa kanya ngayon.” Kaswal kong tugon dito.




“I’m sorry.” Mahinang tugon naman sa akin ni Jeh, pero sapat naman ito para marinig ko ang sinabi nito.




“No, don’t be, okay lang ‘yon. And I should be thankful to you, kasi, kung hindi mo naman sinabi sa akin ang lahat, edi sana, nagpapakatanga pa din ako sayo.” Tugon ko dito habang ang tingin ko ay nasa kalangitan. “And besides, natutuwa nga ako sayo, kasi, bestfriend mo ‘yon, samantalang ako ay bestfriend lamang ng girlfriend mo. Pero ako ang kinampihan mo, kaya sobrang thankful ako sayo.”




“That’s another point why ako ang pumunta dito. Wag na sanang makarating kay Mena ang partisipasyon ko dito. Alam mo naman ‘yon, sobrang boto sa inyo ni Jeck, kaya pag nalaman n’on na ako ang nagsabi sayo ay magagalit ‘yon sa akin.” Sabi nitong tinugon ko lang ng pagtango-tango.




Ewan ko ba, pero kahit naman sobrang thankful ko dito ay may pakiramdam pa din akong awkward ang moment na ito, kaya din siguro hindi ko magawang sumagot dito ng maayos.




“About what you heard sa recording.” Maya-maya’y pagbasag muli nito ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, napatingin naman ako dito at agad binasa ang kung ano mang mababasa ko sa mukha nito, pero wala akong makuha kaya sinuklian ko ito ng nagtatakang tingin. “I mean, ‘yung nalaman mo tungkol sa pagkagusto ko sayo. Sana wag na din malaman ni Mena.” Nakayukong dagdag naman nito.




“Hindi naman ako tanga Jeh, ayokong maghiwalay kayo ng best friend ko, at lalong-lalo na kung ako ang magiging dahilan n’on. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa bagay na ‘yon.” Balik tingala ako ng matapos ang aking sinasabi.




“One more thing James, I’m hoping na sana ay mapagbigyan mo ‘tong nararamdan ko. I know you’re not okay right now, pero handa kong tanggapin ang lahat ng ‘yon, handa akong maging rebound para lang makapiling ka.” Ewan ko kung anong katangahan ang pumasok sa kokote ng isang ‘to.




“Jeh...” Tanging nasabi ko nalang pero nagsalitang muli ito.




“Ayoko ng mag-aksaya ng panahon James, handa din akong hiwalayan si Mena para sayo.”




Ewan ko ba, pero para lang akong tangang napaisip sa mga sinabi nito. Hindi ko na naisip si Mena, dahil parang sinserong-sinsero ang sinasabi nito sa akin. Marahil ay dahil na din sa kalungkutan at pighating naramdaman ko sa mga nakaraang araw ay nagawa kong pumayag sa kagustuhan nito. Ngunit ang naging kasunduan namin ay hindi niya hihiwalayan si Mena. At hindi ito magbabago sa pakikitungo dito.











Ilang araw at ilang linggo din ang lumipas ay naging sobrang close namin ni Jeh. Ang siste ay sa school ay si Mena ang kasama nito, at pagkatapos naman ng klase ay ihahatid lamang nito si Mena at makikipagkita na sa akin sa kung saan man. Parang naging laro sa akin ang lahat.




Para akong isang tao na nakasuot ng isang maskera para maitago ang kalungkutan na nararamdaman ko. Oo, na-mi-miss ko si Jeck, pero hindi ko ito dapat ipakita sa kanya dahil na din ayokong magmukhang miserable sa paningin nito. Kung siya man ay nakakapagsaya sa buhay niya which is very evident simula ng maghiwalay kami, gayon din naman ang ginawa ko, with the help of Jeh.




“Nakatitig ka nanaman sa kanya. ‘wag mo na siyang isipin James, nandito na ako oh.” Si Jeh.




Saktong absent si Mena sa araw na ito kaya sa akin nakasama si Jeh. Lunch break ngayon, at heto ako’t nakatulala sa ex ko na nakikipagharutan sa ibang babae na kasama nito. Hindi ko mapigilan ang hindi mainggit sa ipinapakita nitong pagiging strong.




Akala ko noong una ay madali lang ang ganito, ang kapag nakita ko siyang masaya at makikita niya akong may kasamang iba ay magiging maayos din ang lahat. Pero nagkamali pala ako, ganito pala kahirap ang mangulila sa dati mong minamahal, ang nagparamdam sayo na may pagkakataon sa buhay mo na hindi kayang ibigay ng iba at ang magagawa mo lang ay ang ngumiti para ipakita din sa iba na strong ka kahit sa loob-loob mo ay mamamatay ka na.




Damn it! Be strong James! Be strong! Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko, tumayo ako at nagtatalon para hindi tumulo ang aking mga luha.




Ganoon naman daw iyon eh, kung namumuo na ang luha mo ay magtatalon ka lamang para hindi ito tumuloy. And effective naman base on my experiences.




Inalo ako ni Jeh pero hindi ko ito hinayaan. Para akong tanga na nagtatatalon sa gitna ng initan. Nang mapansin kong hindi na tutuloy ang aking mga luha ay bumalik ako sa aking upuan at muli kong ibinalik ang aking mga tingin kay Jeck. Laking gulat ko nang makita ko itong nakatingin sa gawi namin ni Jeh. Kung hindi ako nagkakamali ay ang nabasa ko sa mga mata nito ay lungkot at pangungulila.




Hinayaan ko lang iyon at ipinagkibit-balikat. Alam kong imposibleng totoo ang nakikita ko sa mga mata ni Jeck kaya’t hindi ko ito hinayaan na maapektohan ako.




“Tara sa canteen.” Aya ko kay Jeh.




Tumango lamang ito bilang tugon at umakbay na sa akin. Siya na din ang naggaya sa akin papunta sa canteen. Umupo kami sa isa sa mga bakanteng upuan dito. Pinabili ko ng iinumin si Jeh at agad naman niyo itong sinunod.




Hindi naman ako uhaw, pero alam ko kasi na mahaba ang pila sa bibilhan nito at madami akong oras para ayusin ang aking sarili.




Nang makaalis ito ay agad tumulo ang luha ko sa aking magkabilang mata. Hindi man masagana pero kita mo dito ang hapdi nang aking nararamdaman. Para akong sinisilaban, parang hindi ko na kaya pa na makita si Jeck na masaya sa piling ng iba.




Lumuha lang ako ng lumuha hanggang sa maramdaman kong may tumatapik na ng aking likod. Nilingon ko ito agad at nakita ko si Paeng na hinahagod ang aking likuran.




“James, nandito lang ako. If you need a shoulder to lean on, andito lang ako.” Pag-aalo pa nito sa akin.




“Kuya Paeng!” This is the first time na tinawag ko itong ‘kuya’ halos lahat naman kasi ng kaklase namin ay kuya ang tawag dito. Pero dahil na din siguro sa kabarkada ko ito ay hindi ko nakasanayang tawagin ito ng ganoon.




Napayakap ako dito at tuluyan nang kumawala ang madaming luha sa aking mga mata. I know it’s wrong na ipakita ko pa kay Jeh na ganito ang nararamdaman ko, but with kuya Paeng’s presence, hindi ko na napigilan pa ang aking nararamdaman at para akong bulkan na sumabog, pagsabog ng damdamin kong ilang linggo ko na ding tinatago.




“James, alam kong masakit. Pero hindi naman pwedeng lagi kang nagngangangawa diyan at magmumukmok.”




Ilang araw na din akong ganito, at hindi ko alam kung paano ito papatigilin lalu na kung nakikita ko si Jeck na kasama ng iba at masaya. Minsan pa ay napunta ako sa playground kung saan kami noon naguusap ni RJ para lamang dito umiyak at magmuni-muni. Dahil na din dito sa lugar na ito ay walang ibang tao kundi ako.




Lagi naman akong nahuhuli ni Paeng na nakatulala sa isang tabi sa loob ng classroom, pag nakikita niya na ganito ako ay lagi niya akong tinatabihan at pinapatahan kung ako ay umiiyak.




“Kuya Paeng, bakit ganon, bakit hindi ako maka-move on. Para akong tanga, ako na nga itong sinaktan, ako pa itong parang bitter sa nangyari sa amin.” Parang bata kong sumbong sa kanya. Hinimas-himas nito ang aking ulo na naging dahilan ng lalo ko pang pagkakaub-ob sa kanyang balikat.




“Kasi James, hindi mo pinakinggan ang side n’ya, hindi ka nalinawan sa kung ano ba talaga ang nangyari. Inignora mo lamang ang mga paliwanag niya at pinaniwalaan ang sabi-sabi ng kung sino-sino.” Paliwanag nito sa akin.




“Pero Kuya Paeng, bestfriend na n’ya ‘yon. Hindi pa ba ako maniniwala d’on?”




“James, ikaw na din ang nagsabi at kitang-kita naman sa mga nangyayari ngayon. Maybe Jeh has different agenda. Alam nating lahat na may gusto sayo si Jeh, kaya hindi imposibleng dahil doon ay nakagawa siya ng masama para lang makuha ka.”




Hindi ko naisip ang mga iyon dati, nabulag ako sa sinabi ni Jeh noon sa akin na sinegundahan naman ni Zekiel. Kung tutuusin ay totoo ang mga sinabi nito.




“Alam mo James, kausapin mo si Jeck, for you to have closure. Para at least, no regrets. You’ll not make yourself believe, at sa kanya mo mismo maririnig ang totoo. If he’s lying, mararamdaman mo naman ‘yon. But if not, alam mo din ang masasabi mo.” Nakangiting sabi na nito sa akin. “And from that point, I’m sure, matatanong mo pa ang sarili mo, Can it be Love? And kung mahal n’yo pa ang isa’t-isa, you can be back in each other’s arms. Diba sabi nga nila, love is sweeter in the second time around.” Makahulugang sabi nito sa akin.




“Oh, ayan na pala ang kaibigan mo, pahidin mo na ‘yang luha mo at nakakahiya naman kung makikita ka pa ni Jeh na umiiyak.” Sabi pa nito sa akin.




Agad kong inayos ng mabilisan ang aking sarili at isinuot muli ang maskerang nagtatago ng aking tunay na nararamdaman. Umalis ako sa pagkakayakap ko kay Kuya Paeng at agad na sinalubong ng ngiti si Jeh.










“Totoo ba ang mga sinabi mo sa akin?”




Nag-iinom kaming dalawa ni Jeh sa isang bar malapit sa village kung saan nakatirik ang bahay ni Jeh. Nakaka-anim na bote na yata ako ng pale pilsen nang magkaroon ako ng lakas ng loob komprontahin ang isang ito.




“Oo naman noh. Mukha ba akong nagsisinungaling? Tsaka sayo pa ba ako magsisinungaling? Eh mahal nga kita?” Halata na din sa boses nito ang tama ng alak na iniinom nito.




“Eh ano ‘yung script na ipinakita sa akin ni Jeck nung nasa ospital ako?”




“E.ewan ko! Baka gawa-gawa nalang niya iyon?” Tugon nito sa akin. “Teka nga, James, mag-iisang buwan na ‘yon, hindi ka pa din ba nakaka-get over?”




“Gusto ko lang malaman ‘yung totoo Jeh. Masisisi mo ba ako? Mahal ko si Jeck, at alam kong mahal ko pa din siya hanggang ngayon.” Lasing na eh, kaya malakas na ang loob.




“Ano ba naman ‘to James? Akala ko ba okay na tayo sa issue na ‘to? James, tinanggap ko naman na mahal mo pa siya nang maging tayo, pero wag mo namang ipamukha sa akin ngayon na talagang mas matimbang pa din siya sa akin!” Halata sa boses nito ang pagkapikon.




Hindi ko naman sinasadyang pikunin si Jeh, parang gusto ko lang ilabas ang kung anong nakabara sa aking puso, at ito lang ang tanging paraan na alam kong makakatulong sa akin, ang ilabas ko ang aking tunay na nararamdaman.




“S.sorry.” Nahiya naman kasi ako, partner ko na si Jeh, at dapat ay hindi na ako nagpapakita pa ng kung ano para lang masaktan ko pa ito. I’ve almost forgot that fact.




“Wag naman kasing magduda, lahat ng pinapakita ko sayo, totoo. Hindi kita sasaktan. Kahit na ano pang mangyari, kaya kong saktan ang iba, pero ikaw hindi. Sana naman ‘don palang maniwala ka na!” Halata pa din sa boses nito ang pagkapikon. Pati ang mata nito ay hindi na din makatingin ng maayos sa akin, siguro ay dahil sa sama ng loob.




“Kiss me.” Ewan ko, parang out of this world lang ang sagot ko, pero parang may gusto akong patunayan sa halik nito.




“Ano?!” Balik-tugon nito sa akin, siguro ay dahil na din sa lakas ng sounds sa loob ng bar na iyon ay hindi nito narinig ang aking sinabi.




“I said kiss me!” Malakas ko nang sabi dito.




Lumapit naman ito sa akin, sa aking mukha. At agad ko nang ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng aking labi sa kanyang labi at naramdaman ko ang masusuyong halik mula sa kanya.




Nagtagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa makarinig nalang kami ng pagbabasag ng bote sa isang parte ng bar na iyon.




Agad akong kumalas sa paghalik ni Jeh sa akin at iminulat ang aking mga mata. Hinanap ko kung saang parte ng bar nang galing ang tunog ng basag na bote at nakita ko ang isang lalakeng nakaupo sa pinakamadilim na parteng iyon ng bar at nakatingin ito sa amin. Siguro ay nang mapansin nitong nakatingin na sa kanya ang karamihan ng tao sa bar ay naglakad ito papunta sa counter para siguro bayaran ang danyos. Pagkatapos nito’y naglakad na ito papalabas ng bar na iyon.




“Jeck!??” Hindi ko naiwasang maisantinig nang makilala ko ang lalakeng iyon.




Hindi ako pwedeng magkamali, si Jeck ‘yon.




...itutuloy...

4 comments:

  1. awwww, hay nako
    hmmmm, wawa nmn c jeck
    haba ng hair, daming nagkakagusto
    anu b tlga ang 22o?
    hahahha :D

    TumugonBurahin
  2. Shet ,,.......ang sakit sa part ni jeck yun ang ,first hindi pinakinggan ang side nya,second ang malaman na may relasyon na ang sina james at jeh third ay pinaglalaruan lamang sila ng tadhana eheh ...go jeck ipaglaban mu yung dapat na sayo

    TumugonBurahin
  3. hala!? ayan kasi di tinitimbang ang bawat sitwasyun.. hayzzz

    TumugonBurahin
  4. almost forgot to leave a comment because of sadness...but since i'm your fan i read it again just for james sake..hmmm..the story seems to be going exciting..please post more often..kidding the story is extremely desperately amazing

    TumugonBurahin