By: James Cornejo
Pauna: dahil sa sobrang bitter ko simula nang ginawa ko ang Can It Be Love ay naisipan kong ibahin ang flow ng story, gusto ko din naman kayong mapasaya kaya gagawin kong happy ending ang story na 'to. ehehhehe. Sana po ay magustuhan ninyo yung ending nito, bali yung next na chapter after this, yun na po yung ending. Salamat po sa mga sumubaybay!
Ilang minuto lang ay dumating na si Jeck sa bahay nila Mena. Nang
makita ako nito ay gulat ang ipinahiwatig nito sa akin. Shocked maybe because
he saw me with lots of bruise in my face. Kahit naman siguro ang magulang ko ay
magugulat pag nakita nilang ganito ang itsura ko.
Agad itong lumapit sa akin at yumakap. Ang yakap na mahigpit at punong
puno ng pagmamahal. Ang yakap na kailanman ay hindi ko makakalimutan at ang
yakap na nagiging dahilan nang aking mga pagluha. Gumanti ako sa yakap nito at
kasabay na rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata.
“S.sorry.” Ang tanging naisantinig ko lang habang nakayakap dito.
I was sorry for what I have done to him, I should’ve trust him. Hindi
ko dapat pinaniwalaan ang mga sinabi sa akin ng ibang tao. I was sorry for
doubting the man that gave me almost everything. I was the one to blame for all
our misery. Lahat naman kasi ng naganap ay dahil sa akin, at walang ibang
pwedeng sisihin kung hindi ako.
“Don’t be. Kasalanan ko din dahil hinayaan kong maniwala ka sa walang
kwentang taong ‘yon.” Sabi nito at halata sa boses nito na umiiyak na din siya.
Pagkasabi niya nito ay hinalikan niya ang aking noo ko, his kiss makes me feel
how sorry he is.
*EHEM*
“Nandito ako guys, baka gusto nyo munang ayusin ko ang sugat ni James
bago kayo maglampungan d’yan.” Singit ni Mena.
“Namiss ko lang ang mahal ko Mena, pagbigyan mo na ko.” Sabi ni Jeck at
bumalik sa pagkakayakap sa akin.
“Sige na Jeck, ipaayos mo muna kay Mena ‘yong mga sugat ko, hindi ako
pwedeng makita nila daddy na ganito.” Pagsang-ayon ko naman kay Mena.
“No! I’ll do it.” May panindigan nitong sabi, pinunasan niya ang
kanyang luha at kinuha kay Mena ang yelo na nakabalot sa tuwalya na ginagamit
ni Mena para padaanan ang mga pasa ko.
Agad nitongidinikit ang malamig na tuwalya sa pasa ko sa may bibig,
medyo napapaurong naman ako dahil masakit pa at sariwa pa ang mga pasang natamo
ko sa bakbakan namin ni Jeh.
“Teka nga, nasaan pala ang gagong ‘yon? Hindi na tumawag ang barangay
tanod dito sa bahay ah.” Naalala din siguro ni Mena ang gago nitong boyfriend,
ay sorry... EX boyfriend pala.
“I took care of him, may mga pinapunta na akong tao doon at kinuha nila
si Jeh.” Walang kagana-ganang tugon naman ni Jeck dito.
“Tell them to stop! Huwag nilang sasaktan si Jeh, o tayo ang
mag-aaway?” Nakisingit na din ako.
Tama na ang pagsasapakan namin ni Jeh, at ang mapahiya ito sa ginawa ni
Mena sa kanya na imbes na ako ang ipahuli nito ay ang boyfriend pa niya ang ipinahuli
niya. I guess that is more than enough para makaganti ako sa kagaguhang ginawa
nito sa amin ni Jeck.
“Pero James, tingn...”
“Sinabi ko na, huwag nilang sasaktan si Jeh, enough na ang nangyari
dito kanina at ayoko ng malaking gulo!” Pagpigil kong muli sa kung ano pa man
ang sasabihin ni Jeck.
Napayuko nalang ito, dismayado siguro dahil hindi siya makakaganti.
Pero sapat na sa akin ang nakita ko kanina. At lalong mas mahalaga sa akin ay
sa wakas, magiging okay na kami ni Jeck.
Nakita kong dinukot ni Jeck ang CP niya sa kanyang bulsa at may
tinawagan. Lumabas ito sa bahay nila Mena para siguro hindi namin marinig ang
kung ano mang sasabihin nito sa kausap niya. Agad din naman itong bumalik nang
nakasimangot.
“Oh, sino ‘yung kausap mo? Tsaka bakit ka naka-mangol?” Salubong ko
dito.
“Eh kasi, hindi ko manlang maipaghihiganti ‘yung taong mahal ko sa
nanakit sa kanya. Ipinatigil ko na sa BatVar ang pang totorture nila kay Jeh.”
Nakasimangot pa ding tugon nito sa akin.
Ang BatVar po o mas kilala sa tawag na Batangas Varsetarian ang
pumoprotekta kay Jeck sa lahat ng away nito, hindi man kasali si Jeck sa
naturang fraternity. Nagtataka man ako noon kung bakit, pero hinayaan ko
nalamang ito.
“You don’t need to do that, ang mahalaga ngayon, there would be a
chance na maging okay tayo.”
“Chance? Chance lang? Hindi ba pwedeng okay na agad?” Eksahiradang
komento ni Jeck. Alam ko namang ganito ang irereact nya, pero totoo ako sa
sinabi ko. Chance palang dahil gusto ko munang ayusin ang lahat-lahat sa akin,
bago ko siya balikan. And besides, gusto ko ding bigyan niya ng panahon ang
sarili niyang alamin talaga ang tunay niyang nararamdaman sa akin.
“Chance lang muna Jeck. Mahal kita, pero gusto ko munang ayusin ang
lahat sa akin Jeck. Sabihin na nating gusto ko din munang kilalanin ang sarili
ko.” Seryoso kong tugon dito.
“Hindi pa ba sapat yung isang buwan mo akong hindi nakasama para
makapag-isip-isip ka?” Sabi nito. Halata sa mukha ni Jeck ang pangungulila,
pagkadismaya din ang nakikita ko sa kanya, marahil ay dahil na din sa hindi ko
pagpayag na maging kaming muli.
“Sa isang buwan na hindi kita kasama, magulo ang isip ko dahil sa
bestfriend mo. Gusto ko munang maging maayos ang lahat sa akin bago ako bumalik
sayo. ‘yun ay kung willing kapang bumalik sa akin pag ready na ako.”
“Ayoko ng ganun James, tama na ang isang buwan, please naman oh, hindi
na nga tayo nakapagcelebrate ng Christmas at New Year dahil sa problemang ‘to.
Please naman James. ‘wag na nating pahirapan ang isa’t-isa.” I can hear
sincerity in his words, siguro nga ay sobra-sobrang pahirap na ang dinala ko
kay Jeck. Pero buo pa din ang desisyon kong huwag muna, alam ko namang
maiintidihan niya ang dahilan ko pagdating ng panahon.
“Please respect my decision Jeck, ‘coz my decision is final.” May
paninindigan kong tugon dito.
Ilang linggo na din akong nag-iisip-isip. Um-absent ako ng isang linggo
sa school para puntahan ang mga lugar na pinupuntahan ko kapag may problema
ako. Alam naman nila mommy at daddy na absent ako at naiintindihan daw nila
kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na iyon.
Pang-limang araw ko na sa pag-iikot sa mga magagandang lugar dito sa
laguna at ito na din ang huli, bukas ay uuwi na ako sa amin para maghanda na
para sa muli kong pagbabalik sa eskwela.
Galing sa Pagsanjan ay dumaan ako sa Liliw route going to San Pablo
City. Nang marating ko ang San Pablo ay naisipan kong doon mamalagi sa Maria Paz
ng isang gabi. Para alalahanin ang mga nangyari sa amin ni Jeck noong unang
taon namin.
Kasalukuyan kong tinatahak ang San Juan kung saan ko noon nakilala si
Zekiel. Naisip kong hindi naman ganoon kasamang tao si Zekiel dahil na rin
nagawa nitong aminin sa akin ang lahat ng kalokohan niya. Marahil ay dala
lamang ng matinding pagnanasa nito kay Jeck noon kaya niya nagawa ang bagay na
iyon.
Isang malakas na ulan ang biglang bumuhos sa tinatahak kong daan. Kaya
minadali ko na ang pagmamaneho para mabilisan akong makarating sa Maria Paz.
Nang marating ko ito ay pinagbuksan naman ako ng guard at itinuro sa akin kung
saan ako pu’pwedeng mag-park at magtanong.
Gusto ko sanang kuhanin ang kwartong noon ay tinulugan namin ni Jeck
dito, pero hindi daw available at maglilimang araw na daw bukas ang
nakacheck-in doon. Kaya’t kinuha ko nalamang ang katabi neto at doon ko
inilagak ang aking sarili.
Ito din noon ang kwartong tinuluyan nila Mena at Jeh. Naalala ko ang
mga kulitan namin noon, ang mga halinghing, mga tawa at kilig moments ng mga
parter-partners noong mga panahong iyon. Nakakatawang isipin na pagkatapos ng
isang taon ay magkakawatak-watak din ang akala namin noon na perfect
relationships. Ang sa amin ni Jeck at ang kay Jeh at kay Mena.
Ang sweet namin noon, parang walang sino man ang makakapaghiwalay noon
sa amin. Parang wala ni isa sa amin ang gustong bumitaw. Parang pang matagalan
ang lahat, pang habang buhay ba. Iniisip kong mabuti, Bakit nga ba kami nagkaganito? Anong ipinakita ko kay Jeh para
magustuhan niya ako? At bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat?
Napabuntong hininga nalang ako sa aking naisip. Lumabas akos a kwartong
tinutuluyan ko at naglakad-lakad sa buong resort. Pilit inaaalala ang lahat ng
nangyari noong mga panahon na iyon. Napakasaya, parang pag lumingon ka sa isang
lugar ay makikita ko ang sarili kong naandoon at masayang nakikipagharutan kay
Jeck.
Sa isang banda naman ay ang mga kabarkada kong suportado lahat ng
ginagawa namin ni Jeck. Walang pagdududa, walang lihiman at walang sakitan. Ang
mga pangakong noon ay akala ko’y magagawa naming lahat. Pero totoo nga yata ang
kasabihang “Ang pangako ay ginawa para mapako!”
Naisipan kong maglangoy at pumunta sa gitna ng swimming pool. Pilit
kong inaalala lahat ng nangyari, ang live band, ang island na ginawa lamang ni
Jeck, ang tulay at ang kung ano-ano pang mga bagay. Ang pagpopropose ni Jeck sa
akin at ang panunuod namin ng pagtugtog nila Mena habang magkayakap.
Nang umahon ako sa swimming pool ay nakita ko nalang ang sarili kong
lumuluha, luha ng pighati, pangungulila at sabihin na nating pagiging bitter,
dahil hindi ko nagawa ang lahat habang para lang maprotektahan ang relasyong
inaalagaan namin ni Jeck.
I wanted Jeck back, but how? Hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko
na alam kung paano pa ko lulugar sa aming dalawa. At hindi ko na alam kung
tatanggapin pa ba ako nito kung babalik ako.
Mahal ko siya, doon sigurado ako. Pero malaking katanungan ay
matatanggap pa ba ako nito sa kabila ng pang-iiwan ko dito at ang hindi ko
pagtanggap ng pakikipagbalikan nito.
Kami ay kapwa biktima ng mga pangyayari. Pangyayaring kagagawan ni Jeh.
Ang pangyayaring sinira ang napakagandang pagsasamahan namin ni Jeck. Ang
pangyayaring halos ikamatay ni Jeck dahil sa pagpapabaya nito sa sarili.
Ayokong makitang nagkakaganon si Jeck, lalu na’t alam kong ako ang
dahilan nito. Hindi ko na maaatim pang makitang nasasaktan si Jeck dahil sa
tuwing masasaktan ito ay doble ang dagok sa akin. Naisip ko nang i-let go siya
ngunit alam kong papahirapan ko lang ang sarili ko. Pero natatakot akong
mag-take muli ng risk sa kanya dahil na din sa takot kong maulit lamang ang mga
pangyayari. Ang masaktan ko ito.
“Alam kong pupunta ka dito.” Sa kalagitnaan ng pag-hikbi ko ay halos
mapatalon ako sa pagkagulat sa taong nahimigan kong si Jeck.
Mula sa aking likuran ay yumakap ito sa akin ng pagkahigpit-higpit.
Yakap na ramdam ang pagmamahal, sa mga haplos nito’y pangungulila. Ang yakap
din na ito ang naging dahilan ng pagreregudon ng aking puso.
Sabik, ‘yan ang tanging nararamdaman ko habang nakayakap ito sa akin.
Sabik sa kanyang pagmamahal, sa kanyang pag-aalaga at sa kabuoan niya.
“’wag ka nang umiyak, andito na ko ulit. Mahal kita James. Mahal na
mahal.” Bulong sa akin nito kasabay ang pagkabig nito sa aking baba at pagpihit
sa akin paharap sa kanya.
Parang nawalan ako ng lakas sa pagkakayakap nito sa akin kaya’t naging
sunod-sunuran lamang ako sa gusto nitong mangyari.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo. Sumunod ay
sa aking mata, sa aking ilong at ang huli ay sa aking mga labi. Hindi namin
alintana ang mga nanunuod sa amin. Alam kong pinapanuod na kami ng mga ito
dahil na rin sa mga naririnig kong mga komento ng iba na kung hindi ako
nagkakamali ay pandidiri ang kanilang naiisantinig.
Nagtagal kami sa ganoong posisyon namin hanggang sa marinig kong may
mga nagpapalakpakan na, agad akong lumingon sa kinaroroonan ng kung sino man
ang pumapalakpak at nakita kong ang aking mga kaibigan pala ito. Kasama ang
aking mga magulang at si Ate Lyn.
“H’wag na kayong mahiya! Suporta kami sa inyo!” Sigaw ni Paeng,
napalingon ako sa gawi nito at nakita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
“Oo nga, anak! GO LANG!” Si Mommy naman, na parang
suportadong-suportado pa ang nakikita nito sa amin.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Daddy at nakita ko rin ang mga ngiti sa
kanyang mga labi, ang ngiti ng pang-unawa. Mga ngiting nagbibigay pahintulot sa
kung ano mang ipagpaalam mo dito. Ang mga ngiting ngayon ko lang nakita sa
kanya, ang sobrang kasiyahan ang matatamasa mo sa kanyang kabuoan.
Nilingon ko din ang mga taong nakikiosyoso sa amin, hindi ko man sila
kilala ay parang makukuha mo sa kanilang mga ngiti ang pagsuporta sa amin. Ang
iba naman ay pangdidiri, what do we expect, ang San Pablo lugar kung saan
nagsisimula palang umunlad ang mga tao at hindi pa sila sanay sa mga ganitong
klaseng relasyon.
Ang takot ko kanina ay napalitan ng ligaya, wagas kung wagas! Hindi ko
alam kung saan ko pa itatago ang kasiyahang nadarama ko. Yumakap ako kay Jeck
kasabay ang muling pagdidikit ng aming mga labi.
“Anong pakana mo ngayon, Jeck?” Nakangiti kong sabi dito nang
maghiwalay ang aming mga labi.
“Actually, kadarating lang nila, I was informed by the front desk
personnel na dumating ka na, kaya tinext ko sila para pumunta dito. Your
parents know about us.” Nakangiting tugon naman nito sa akin.
Dahil sa sinabi nito ay napayakap ako ng mahigpit sa kanya at nagsabi
ng “Thank you!”, hahalik pa sana ako pero pinigilan na kami ng mga kaibigan ko.
“Tama na ‘yan! Kainan na muna!” Sigaw ni Ondoy sa amin.
Nilingon naman namin kaagad ito at sinuklian ng ngiti.
Naging masaya ang lahat sa hapunan na ipinahanda ni Jeck para sa amin.
Isang malaking salo-salo. ‘yan ang ipinamalas ni Jeck sa amin, syempre
magkatabi kaming dalawa, sa magkabilang panig naman namin ay ang magkabilang
partido samantalang sa unahan namin ay ang aming mga kaibigan.
“So, what are your plans after this?” Pagbasag ni Ate Lyn sa
katahimikan habang kumakain.
“Wala.” “Madami.” Sabay naming sabi ni Jeck, ako sa wala samantalang si
Jeck naman sa madami.
“Hala, hindi kaagad nagkasundo ang dalawa!” Komento ni Mommy. “Parang
tayo lang dati dad oh.”
“Oo nga eh, well, kahit ano pang plano meron kayo mga anak, suportado
namin kayo.” Tugon ni Daddy sa ami. “Di’ba Claire?” Baling naman nito kay Tita
Claire.
Tango lamang ang isinagot ni Tita Claire kay Daddy at isang matamis na
ngiti.
“So, kelan ang kasal?” Masiglang pagsingit ni Mena mula sa kawalan.
Wala pala ito kanina at sumunod lamang ito.
“’yon! Dumating din si singer!” Si Mike.
“Simulan na ang tugtugan!” Si Paeng naman.
“Pwede pakainin nyo muna ako?” Natatawang tugon naman ni Mena dito. “Bes,
Congrats pala. Legality award ka na, Bes!”
“Alam ko Bes, kumain ka na muna, bago pa maubos netong mga patay gutom
na ‘to ang pagkain.” Biro ko dito na inangalan naman ng mga nakarinig. Sila
Mommy, Daddy, Tita Claire at Ate Lyn ay natatawa nalang sa inaasta ng mga
kaibigan ko.
Pagkatapos kumain ay nagtugtugan sila Mena, Paeng at Mike, wala mang
stage, at acoustic guitar at beat box lang ang dala ay nakuha pa din nitong mga
itong magtugtugan. Nagsimula na din ang inuman at makulit na kwentuhan ng mga
maliligalig kong kaibigan. Sila Mommy, Daddy, Tita Claire naman ay humiwalay ng
cottage sa amin, nagsarili sila ng pag-uusap, marahil ay para sa amin ang
pag-uusapan nila (Joke. hehehhe). Kami naman ni Jeck ay ninanamnam ang
napakasayang gabi para sa aming dalawa. Kasama man ang mga makukulit na
kaibigan ay hindi na din namin sila masyadong inintindi dahil parang may
sariling mundo naman ang mga ito.
“May sasabihin ako! Magsitahimik muna kayo!” Sigaw ni Jeck sa aming
lahat.
Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat at ngumiting aso muna bago
muling nagsalita.
“Nakikita ‘nyo ba itong sigarilyong ‘to?” Sabi nito at itinaas niya ang
sigarilyong hawak niya.
“This will be the sign of my endless love kay James.” Sabi nito at
nakita nalang namin na pinatay nito ang sigarilyong hawak niya sa kanyang
kaliwang dibdib.Nakita ko pa ang reaksyon ni Mena dito na katulad din ng sa
akin. Napapikit kami at nagulat sa ginawang ito ni Jeck. Habang halata naman sa
mata nito ang sakit na ginawa niya sa kanyang sarili.
“There will be a scar na tutubo dito sa dibdib ko, and habang nandito
sa akin ang scar na ‘yan, lagi kong aalalahanin kung gaano ko kamahal si James.
Pangako sa inyo ‘yan kaya sana pagtiwalaan ninyo ako na hinding-hindi ko
sasaktan ang kaibigan ninyo.” Nang siguro ay masanay na siya sa hapding dala ng
paso ng sigarilyo na pinatay nito ay ‘yan ang nasabi niya.
“LET’S CHEERS TO THAT!” Sigaw naman ni Paeng. Agad nagtaasan ang baso
naming lahat at sinakyan ang trip ni Paeng para na din sa pagtatapos ng
sinasabi ni Jeck.
“Guys, wait lang huh, punta muna ako sa powder room.” Sabi ni Mena.
Kahit hindi pa man kami nakakasagot ay agad na ring umalis si Mena. May
pagtataka kong sinundan ng tingin kung saan pupunta si Mena dahil kung papunta
sa kaliwa ang CR ay sa kanan ito pumunta kung saan palabas ng resort ang
tinatahak nito. Pero ipinagkibit balikat ko nalang ang kanyang ginawa marahil
ay may nakalimutan ito sa kanyang kotse kaya hinayaan ko nalang.
Naging masaya pa ang inuman at kwentuhan. Pati ako’y napapakanta na din
at nakikisabay sa tugtugan na ginagawa ni Paeng at Mike.
May labing-limang munuto nang wala si Mena sa aming inuman. Kaya
nagpaalam ako kay Jeck na hahanapin ko muna si Mena. Sabi lang sakin ni Jeck ay
sasamahan na niya ako pero hindi ko hinayaan dahil na din nagkakatuwaan pa sila
sa inuman nila Paeng.
Agad kong tinungo ang daan kung saan ko huling nakita si Mena.
...itutuloy...
Bunso!!!! Kailan matatapos itong kwento mo? HAHAHA Ang galing mo! Nakaya mong pagsabayan ang dalawang kwento! Hurry!!!
TumugonBurahinganda.. nabitin ako.. next chapter na po.. :)
TumugonBurahinja
SI MENA ANG NAGKALAT NG SEX VIDEO NI JAMES....
TumugonBurahinSYA NGA BA?
SYA!!!!
James! Can't wait for the ending! Salamat na naman para dito!
TumugonBurahin- Jhan, the emailer abt the lost chapter.
Sayang magtatapos na ang kwento ang ganda pa namn,.,.syang lang nawala sa eksena si Brent gusto ko sila ni james ang mag katuluyan.,hehhehe.,.,
TumugonBurahinnice aman at nagkaayus na ung 2 w there parents approval. next napo.
TumugonBurahinJames? Wala pa ba next chapter? Hehehe. Kamusta na po?
TumugonBurahin- Jhan, the emailer abt the lost chapters
bakit wala pa pong update? :))))
TumugonBurahinsana kung anong nangyari sa inyo ayun padin ang ending. para masaya. sabi mo kasi real life ito db??
TumugonBurahin-allendoggie
Ano na po ang nangyari sa karugtong nito at sa writer? Ngayon ko lang po kasi na-diskubre ang blog na to.
TumugonBurahin