Subscribe:

Huwebes, Mayo 10, 2012

Can it be Love (Part 31)



By: James Cornejo





“Anong ginagawa mo dito? Nasan sila mommy? Nasan ako?” Sunod-sunod kong tanong nang magising ako, hindi kasi pamilyar ang lugar sa akin, puro puti ang pader, pati ang kobre kama ay puti.




“Nasa ospital ka, lumabas naman sila Mommy at Daddy para daw bumili ng makakain, ang ate Lyn mo naman ay pauwi na from manila. Hindi ba dapat, ako ang magtanong sayo kung anong nangyari sayo at naabutan kitang ganon ang hitsura sa inyo kahapon?” Agad na tugon ni Jeck sa akin sa maamo nitong boses.




“It’s none of your business!” Mataray kong tugon dito at tumalikod na ako sa kinaroroonan niya. “You can now leave, I can wait for mom and dad alone.”




“May nagawa ba akong masama James? If so, please tell me, dahil hindi ko alam.” Halata sa boses nito ang takot, siguro ay takot na mawala ako sa kanya, o takot na siguro ay alam na niyang alam ko ang kalokohan nila ni Zekiel.




Hindi ako kumibo sa tinanong nito sa akin, doon naman ako magaling eh, sa pang-iignora at pagtakas sa problema, all I need to do is wear another mask para maipakita sa ibang ayos lang ako at masaya ako. Pero hindi pa din mawawala diyan ang pagpaparamdam ko sa taong dahilan ng nararamdaman ko ang inis.




Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na ang pinto, si mommy at si daddy pala, may dala silang KFC para pagsaluhan naming apat.




“Ma, sa susunod po, wag na tayong magpapapasok dito ng kung sino-sino, lalo na yung mga walang dinala sa atin kundi pasakt!” Salubong kong sabi kay mommy.




“May pumunta pa ditong kaaway anak?” Nagtataka man si mommy sa itinuran ko, pero nakuha pa din nitong magbiro, muntik ko nang makalimutan, hindi nga pala alam nila mommy ang nangyari.




Hindi muli ako nagsalita sa tinanong ni mommy, baka kasi pag ipinagpatuloy ko pa ang pagpaparinig kay Jeck ay lumabas sa bibig ko ang hindi inaasahan at pati si mommy at si daddy ay magalit sakin dahil sa malalaman nila.




“Mommy, Daddy, ako na po muna ang magbabantay kay James, para naman makapagpahinga muna kayo sa inyo, pati po si Ate Lyn, panigurado po kasi, hindi pa nakakapagpahinga ‘yon dahil sa pag-aalala dito kay James.” Maya-maya’y sambit ni Jeck.




“Hindi ko na po kailangan ng bantay ma, dad, kaya ko na po mag-isa dito.” Sabi ko naman na hindi man lang pinagtuunan ng pansin nila mommy.




“Sige Jeck, mabuti pa nga, hihintayin lang namin ni Daddy nyo si Lyn para naman kasabay na din naming siya pauwi.” Tugon ni mommy dito.










“Mahal ko, ano ba problema? Sabihin mo naman sakin oh.” Paglalambing ni Jeck sa akin.




Kanina pa ako kinukulit nito nang makaalis sila Mommy, Daddy at ate Lyn dito sa ospital. Hindi ko naman ito pinapansin sa mga panglalambing kuno niya, bagkus ay nanuod nalang ako ng TV.




“May kinalaman ba dito si Jeh?” Biglang nag-iba ang tono nito ng pananalita, naging seryoso ito, nilingon ko siya at nakita kong may kung ano sa mga mata ni Jeck, galit? Galit yata ang nakikita ko.




And for the nth time, inignora ko nanaman si Jeck kahit natinutumbok na nito ang tunay na pinag-ugatan ng nangyayari ngayon sa smooth sailing sanang relasyon naming dalawa.




“May script ang narinig mo.” Maya-maya’y sabi ni Jeck, hindi ko ito nilingon pero naging interesado ako sa kung ano mang sasabihin pa nito. “Alam kong inirerecord ‘yon ni Jeh, kaya eto, itinago ko ang script na ginawa mismo ni Jeh.” Sabi pa nito sabay patong ng mga papel sa aking tagiliran. “He told me na what if, what if daw magkaron ako ng iba, pano ko sasabihin sayo. Hindi pa ako lasing that time but I pretended to. To test our friendship. Then he gave me those script and told me na sauluhin ko daw incase na magkaron ako ng iba. May mga blanko ang pangalan d’yan sa papel na ‘yan, I’m the one who decided na si Zekiel ang ilagay. Not because gusto ko si Zekiel, pero dahil na din wala akong ibang maisip na pangalan.” Mahabang paliwanag nito sa akin pero hindi ko pa din ito pinansin. Mataman akong nakatingin sa TV at pakemeng iniignora si Jeck.




Script?! What for?! Ano ba ‘to? Lokohan namin ni Jeh? Ano? Agawang syota? Putang ina naman... Sabi ng isang parte ng isip ko.




Hep hep! Easy lang James, wag kang basta maniniwala d’yan sa jowa mo! Hindi mo nga alam kung nagsasabi talaga ng totoo yan eh. Malay mo naman kung gawa-gawa lang ng boyfriend mo ‘yang script na ‘yan! Sabi naman ng kalahati pa.




“Kausapin mo naman na ako, mahal ko.” May pagsusumamong sambit ni Jeck sa akin.




“Wala akong dapat sabihin sayo, kung mag-stay ka dito, matulog ka na. Kailangan kong magpahinga.” Walang kaemo-emosyon kong sabi dito.




“Pwede, tabi tayo?”




“Hindi.” Walang kaamok-amok kong tugon dito.




Gayun pa man ay isiniksik pa din nito ang kanyang sarili sa maliit na kamang hinihigaan ko. Wala naman na akong nagawa kundi ang magpaubaya.










“James suffered from trauma, hindi ko alam kung paano at saan dahil wala naman siyang injury, pero sa MRI at CITI Scan na isinagawa, James is still in trauma, this will cause him different mood swings most of the time. But this state is not fatal, as defense mechanism of his body he is now entitled to different moods, for example, he is sad, two possibilities will happen, either he makes everyone happy out of his miserable life or he will be stuck up on the situation and faint.” Kausap nila Mommy at Daddy ang doctor ko, lingid sa kaalaman ng mga ito na gising na ako’t nakikinig sa kanila.




“Baliw po ba ang anak naming, Dok?” Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng nanay ko, pero ‘yan ang lumabas sa bibig ng nanay ko.




“Hindi naman po, it’s a normal body reflex sa mga sitwaston na nagkakaipitan ang bata, it’s very normal na magkakaganyan ang anak nyo, lalu na kung sa love.” Natawa naman ako sa sinabi ng doctor, para kasing hindi siya doctor sa sinasabi niya, para lang itong isang love expert na alam ang pasikot-sikot ng sakit na dulot nito.




“Gising na pala si James.” Baling sa akin ni daddy. “Anak, mamaya na daw babalik si Jeck, uuwi daw muna siya sa kanila para makapagpahinga, hindi yata natulog kagabi dahil sayo.”




“Gutom na ko, Ma.” Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni daddy, bagkus ay ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa nanay ko.




“May pagkain dito James, kausapin lang muna namin si Dok saglit ha.”




“It’s okay mam, aalis na din naman po ako, mamaya din ay pwede na po ninyong ilabas si James ng ospital.” Sabi ni Dok, “Next time James, wag masyadong magpaapekto sa mga bagay na hindi pa naman sigurado ang hinaharap. Basta tandaan mo palagi na there is always a much better person.” Baling ni Dok sa akin na sinamahan pa niya ng pagkindat.




Ipinagkibit balikat ko nalang ang sinabi ng doctor at hinintay na makaalis ito para makakain na kami nila mommy. Iginala ko ang aking mga mata at doon ko lang nakita si ate Lyn, matamang nakatitig sa akin.










“Anong problema mo, James?” Masungit na salubong ni ate Lyn sa akin.




Pagkatapos kumain ay umalis na muli sila mommy at daddy para asikasuhin ang business na itinatayo nila. Mamayang hapon pa naman daw ako lalabas dahil kailangang ubusin muna ang swerong nakaturok ngayon sa aking mga ugat.




“Huh?” Walang kalatoy-latoy kong tugon dito.




“Wag ka ngang magsinungaling sa akin James, alam kong may dinadala ka, kaya magsabi ka na, hangga’t willing pa akong makinig sa mga kaartehan mo!” Mataray pa ding balik nito sa akin.




“Wala naman ate, misunderstanding lang siguro.” Pagsisinungaling ko dito.




Alam man ni ate Lyn ang tungkol sa amin ni Jeck ay hindi ko pa din kayang banggitin dito ang tungkol sa mga nagiging problema namin. Alam ko naman kasing hindi ako tutulungan nito pagdating sa mga ganitong bagay dahil na din busy ito sa pag-aasikaso niya sa studies niya at isama mo pa ang hobby nila ng girlfriend niya na mag-away sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos.




“C’mon James, sabihin mo na, malay mo matulungan ka ni ate.” Sa sinabing ito ni ate Lyn ay para akong nabuhayan ng loob, dahil sa wakas, makikinig na din ito sa mga hinanakit ko at handa pa itong tumulong. Pero may isang parte pa din ng pagkatao ko na parang nagdadalawang isip na ikwento kay ate Lyn ang nangyari.




Mataman kong tinitigan si ate Lyn at nakita ko namang sinsero ito sa kanyang sinabi, kita ko ang awa sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita dito. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ito kay ate Lyn.




“Kasi...” Ang medyo mahiya-hiya kong pagsisimula sa aking ikukwento. “P.pakiramdam ko may lalake si Jeck.” Nakayuko kong sabi kay ate Lyn.




“ANO?!” Eksahiradang pagreak nito sa aking sinabi. “Putang ina naman James, dahil lang doon, nagpapakasira ka sa lalakeng ‘yon? Hiwalayan mo na kung ganon lang pala!”




“Pero ate Lyn, nagpaliwanag naman na siya kagabi. It’s just a set up sabi nya.”




“At naniwala ka naman James? Wag ka ngang tanga James, ikaw na itong iniiputan sa ulo, ikaw pa itong nagpapakatanga sa isang taong niloloko ka lang!”




Tama naman si ate Lyn, nagpapakatanga ako kay Jeck, pero hindi ko din talaga alam kung kanino maniniwala, kung kay Jeh ba o kay Jeck. When I heard the story from Jeh, and the recording that he gave me, it felt like it is so real.




But on the other hand, mahal ko si Jeck, at hindi nawala ‘yon o nabawasan man lang, naniniwala naman ako sa sinabi ni Jeck, pero may mga bagay din talagang masyadong komlikado. To think that it is scripted, as what Jeck said, may mga bagay lang talagang hindi tumutugma sa kwento ni Jeh at sa sinabi ni Jeck.




Is it really a test of friendship for them? I don’t think so, pero ‘yon ang sinabi ni Jeck, at hindi ko pa din ito inaalis sa aking isipan. There is always a room for another possibility sa aking utak.




“He has a proof ate, yung script na ginawa ni Jeh.” Nakayukong tugon ko dito sabay abot ng script na sinasabi ko.




“Damn it James, hindi mo ba naisip na gawa-gawa lang ito ni Jeck, para malinis ang pangalan niya sayo. Computerize pa! Wag ka ngang tanga!”




Again, my sister is right, bakit ba hindi ko ba naisip ‘yon kanina, na computerize ito, buti sana kung si sulat kamay ito, mabilis kong malalaman kung si Jeh ba o si Jeck ang nagsulat nito.




Dahil din sa na-realize kong ‘yon ay kumawala sa aking mata ang luhang kanina ko pang pinipigilan, ayokong makita ni Ate Lyn ang emosyon ko, pero kusa itong lumabas sa aking mga mata.











“Mahal ko, ako na.” Si Jeck. Patungkol nito sa dala kong bag na siya na daw ang magdadala nito.




Hindi nagtagal ang usapan namin ni Ate Lyn, dumating kasi si Jeck kaagad, at hindi ko na din naikwento ang buong nangyari. Pero sapat na ang impormasyon na naibigay ko sa kanya para malaman niya kung anong problema ko.




Si ate Lyn din ang naglabas sa akin sa ospital, bayad naman na ang mga bills dahil bago daw umalis sila mommy ay binayaran na nila ito.




“Ako nalang.” Walang kaemo-emosyon kong balik dito sabay higit ng kamay ko para mapakalas siya sa pagkakahawak sa bag na dala ko.




“Wag ka naman na magalit sakin, Mahal ko, I assure you, nothing of Jeh’s thoughts is true. Hindi kita kayang lokohin. At hindi din kita kayang ipagpalit sa kahit na sino, ikaw lang.” Parang tanga lang itong habol ng habol sa akin sa lobby ng ospital. Ang mga nurse naman na nakakasalubong naming ay tinitingnan kami at kitang-kita mo sa mga ito ang mapanghusgang titig.




Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makalabas ako ng ospital, ayokong nakikitang hinuhusgahan ako ng mga tao, at alam kong ayaw din ni Jeck ng ganoon kaya siguro ay hinayaan nalang ako nitong lumayo sa kanya. Nang makalabas ako ng ospital ay nakaparada na sa harap ng entrance nito ang kotse na dinadala ko sa school, dala pala ito ni Ate Lyn nang pumunta ito dito. Marahil ay para makauwi kami ng maayos kaya ito ipinadala sa kanya.




Agad-agad akong sumakay sa unahang parte ng kotse.




“Tara na ate.” Agad kong sabi kay ate Lyn nang makapasok ako sa loob nito.




“Pano si Je...”




“Let’s go!” Utos, yan ang tamang term sa ginawa kong pagsigaw kay ate Lyn na agad naman nitong sinunod, at mabilisan naming nilisan ang lugar kahit hindi pa man nakakasakay si Jeck sa kotse.










Kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungo sa bahay, walang namumutawing salita sa pagitan namin ni Ate Lyn at ang tanging maririnig mo lamang ay ang tugtog ng stereo ng kotse.




“Maybe Jeck is right.” Maya-maya’y wika ni ate Lyn na naging dahilan ng paglingon ko dito, seryoso itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. “I mean, siguro nga set up ang lahat. Hindi naman ‘yon para pumunta pa sa ospital ngayon para sunduin ka. Lalo na’t alam nitong alam mo ang kalokohang sinabi ng bestfriend niya na ginawa niya daw. Siguro nga scripted ang nangyari.” Seryosong paglilinaw nito.




Yeah, kung sa bagay, may point naman si ate Lyn sa sinabi niya, pero hindi pa din nawawala sa isip ko ang posibilidad sa sinabi nito kaninang pwedeng si Jeck nga lang ang gumawa ng script na ‘yon. Dahil din dito ay nakapagdesisyon ako na kausapin ang isa pang taong damay sa gulong kinasasangkutan namin ngayon, si Zekiel.




Nang makarating kami sa bahay ay agad kong inayos ang mga gamit na dala namin sa ospital, inilagay ito sa labahan at nang matapos ko ito ay nagpaalam ako kay ate Lyn na may pupuntahan lang saglit. Pinayagan naman ako nito pero hindi ipinadala sa akin ang kotse, kaya naglakad nalang ako patungo sa bahay nila Zekiel.




Kailangan ko siyang makausap! Siya lang ang makakapaglinaw sa akin ng lahat! Damn it, Zekiel, dapat nasa inyo ka! Ang tumatakbo sa aking kokote habang naglalakad patungo sa bahay nila.




*Tok*Tok*Tok*




“Oh, James, napadaan ka?” Salubong sa akin ng tatay ni Zekiel na si Mang Ramil.




“Ahh, tatanong ko lang po kung nad’yan po si Zekiel? May kailangan po kasi kaming pag-usapan.” Agad kong tanong naman kay Mang Ramil.




“Ahh, oo, nandoon siya sa kwarto niya, puntahan mo nalang.” Tugon naman sa akin nito at agad na din akong pinapasok sa loob ng bahay nila. Itinuro nito sa akin ang kwarto ni Zekiel at agad ko naman itong tinungo.




Agad akong pumasok sa kwarto nito kahit hindi pa man ako kumakatok, bukas naman kasi, baka lang kasi pag kumatok pa ako at malaman nitong ako ito ay hindi lalo ito magpakita sa akin kung may relasyon nga talaga sila ni Jeck.




Nang makapasok ako’y nakita ko itong nakahiga lamang at nang makita ako nito’y para siyang nakakita ng multo, kitang-kita mo ang takot sa mga mata nito na hindi naman maitanggi ng pagbalikwas nito sa kanyang kama.




“A.anong ginagawa mo dito?” Gumagaralgal ang boses nito na naging basehan ko na natatakot nga ito sa akin.




“May relasyon ba kayo ni Jeck?” Deretsahan kong tanong dito. “Wag kang magsisinungaling sakin Zekiel dahil tatamaan ka talaga sa akin!” Pagbabanta ko pa dito.




“S.so.sorry.” Mahina at nabubulol nitong tugon sa akin.




(PAK) isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kanyang mukha, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking narinig na paghingi ng tawad ni Zekiel, para na din kasing inamin nito na may relasyon nga sila ni Jeck.




Mabilis akong tumakbo papalabas ng bahay nila Zekiel patungo sa bahay namin. Agad kong tinawagan si Mena at agad kong pinapunta ito sa bahay.




Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako agad sa aking kwarto at nagkulong. Umiiyak, nagmumukmok, at nag-iisip, ‘yan ang mga ginagawa ko sa loob ng akng kwarto. Masakit, sobrang sakit ang naramdaman ko nang kompirmahin sa akin ni Zekiel na may relasyon sila ni Jeck sa pamamagitan ng paghingi nito ng tawad. Hindi ko din naman alam kung paano ko pa haharapin si Jeck  kung makikita ko ito. Parang gusto kong pumatay o gusto kong mamatay nalang sa mga oras na ito.




Iyak at nga hikbi lang ang maririnig mo sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na namalayan ang mga sunod na nangyari, at naramdaman ko nalang ang unti-unting panghihina ng aking katawan at ako’y nakatulog.




...itutuloy...

6 comments:

  1. ang sakit nmn sa damdamin :D
    ang sarap sampalin oh...
    hahahha bitter :D
    bitin, pwedeng gumanti?
    hahahha

    TumugonBurahin
  2. May isang bagay lang talaga ang kinaiinis ko kay James. Hindi marunong maging neutral. One sided kumbaga. Ang bilis mo ding maniwala. Alam kong masakit ang ginawa ni Jeck. Nakatulong talaga ng malaki ang tape recorder para mas lalo kang maging doubt ka kay Jeck at maging kapani paniwala si Jeh para sa iyo. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan sabihin ni Jeh ito. Sabihin nating hindi niya intensiyong sirain ang relasyon nila James at Jeck mali pa rin siya sa kadahilanang hindi dapat siya ang nangunguna. Naturingan pa namang bestfriend.

    Tapos hindi mo man lang pinatapos na magsalita si Zekiel malay mo iba pala intindi mo sa sorry niya. Kumbaga mabilis ka rin magjudge. Kaya nauuwi sa wala ang relasyon pag ganyan.

    Sa puntong ito immature pa tayo sa bagay bagay. Madali naman tayong matututo base na rin yan sa mga experience natin sa buhay. Kaya kung anuman kahihinatnan ng pag iibigan niyo ay aantabayanan ko pa rin.

    God Bless!

    TumugonBurahin
  3. bitin na naman...


    next chapter na po..

    TumugonBurahin
  4. kawawang james.. puro problema na lang..

    TumugonBurahin
  5. hmpz...ewan ko sa inyo...siguro mag ka kuntsaba si jeh at zekiel...gusto ni jeh si james...at gusto naman ni zekiel si jeck kaya nagawa nila iyon...wala silang mga puso...makasarili sila...dapat sa kanila mawala sa mundo..wahahaha joke joke joke...grabe naman makagawa ng kwento wahahah....haist ewan

    TumugonBurahin