By: Eusethadeus
Salamat po sa mainit na pagtanggap ng story ko, sana po ay magustuhan ninyo ang gawa ko, and sana din po magcomment po kayo.
This is a work of fiction, kung meron man pong kaparehas na storya o kung meron mang bahagi ng inyong buhay ang katulad nito, pasensya na po, hindi ko sinasadya. hehehhe. salamat po ulit.
“Lenard, gising na! 6:30 na ng umaga, 7 pa ang pasok mo! Ano ba!?”
Paggising sakin ng yaya ko.
Ito ang simula ng college life ko, ilang araw na din ang lumipas nang
lumipat ako sa mumunting apartment dito sa Biñan, hindi ko din akalain na
ipapasama sa akin ng Mama ko ang pinsan ng Papa ko dito sa amin para lang masiguradong
mag-aaral akong mabuti. Hay, mga nanay nga naman. Ito din ang nagsilbing “yaya”
ko pang samantala dito sa apartment.
Well, Ate Nyebes is quite cool, he knows my real identity and I have
nothing to hide from her. Actually, siya ang nagtatanggol sa akin kapag ako ay
pinag-iisipan ng kung ano nila Mama at Papa. Hindi ko man ito hilingin sa kanya
ay ibinibigay niya ito sa akin.
“E.eto na po, babangon na.” Tugon ko naman ditong pupungas-pungas pa.
“Hay nako Lenard, kelan ka ba matututong gumising ng maaga?
Ke-bata-bata mo pa, ganyan ka na, pano pa kaya kung matanda ka na.” Sermon pa
nito sa akin pero hindi ko na pinansin, nagtungo nalang ako sa banyo para
mabilisang maligo, katabi lang naman ng inuupahan kong apartment ang school naming
kaya ayos lang na medyo ma-late ako ng kilos.
Ako nga pala si Lenard, kaka-graduate ko lang ng highschool sa
probinsya namin. Isa lang akong tipikal na estudyante na may tipikal na
pangarap, ang maipasa ang lahat ng kukunin kong subject at maipasa din ang
board exam ng kukuhanin kong kurso. 5’3 lamang ang aking tangkad, namana ko ito
sa aking ama at ina na talaga namang hindi pinagkabiyayaan ng tangkad. Siguro
ay nung nagsabog ang Diyos ng tangkad ay natutulog ang dalawang ito.
Maliit man ako ay makikita mo pa din sa akin ang kakisigan ng tindig,
makinis at maamong muka. ‘Yun lang, hindi ako biniyayaan ng puti ng kutis,
dahil na din noong highscool ako ay banat ako sa training ng lawn tennis, na
talaga naman sa arawan namin ginagawa.
At syempre, ano pa bang sense netong pagsusulat ko kung hindi naman ito
bromance diba, hahahaha, ako ay isang Bisexual, hindi man in-born sa akin ang
ganitong kalakaran, pero naramdaman ko ito noong may nanligaw sa akin na
naturingan pa naman na bestfriend ko. Hindi din maipagkakaila na nagkakagusto
pa din ako sa babae, pero mas lamang sa akin ang pagka-attracted sa mga tulad
kong lalake.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis lang ako at dumiretso na sa
school, first day of class, hindi dapat
malate, yan ang mga huling kataga sa akin ni Papa bago ito umalis noong
ihatid ako nito dito sa Biñan tatlong araw na ang nakakalipas.
Naglalakad ako sa pathway ng school namin nang...
“Kuya, kuya.” Hindi ko alam kung ako ang pinapatungkulan nito pero wala
akong choice, dahil sa lahat ng naglalakad noon sa pathway ay ako lang ang
lalake, I think??
Nang lingunin ko ito, napa-damn it ako sa aking sarili, pagkagwapong
bata ang ngayon ay nasa harapan ko at nakangiting mabuti sa akin. Hindi naman
ako makakibo o makapagsalita dito dahil na din sa pagka-amaze sa hitsurahin ng
lalakeng kanina lang ay pandi-kuya dito sa pathway.
“Pharma ka ba?” Ang unang tanong sa akin ng lalakeng pinagpala ng
kagwapuhan, mas matangkad ito sa akin, sa tingin ko ay 5’8 ang taas nito, payat
ito na talaga namang bumagay sa postura nitong lalaking lalake.
“Ah, eh... Oo, pano mo nalaman?” Ang nahihiya kong tugon dito, para
kasing akong timang habang nakatingin sa kanya, kulang nalang ay maglaway ako
sa taglay na kakisigan ng lalaking ito.
“’coz of your ID lace.” Ang maikli nitong tugon sa akin. “Section A ka
ba?”
“H.hindi ko alam ih. Basta ang room ko ngayong 7am, 311.”
“Same here, by the way, I’m Renz Kristoffer Limliman Cojuangco. But you
can call me R-Kei for short.” Pagpapakilala nito sa akin sabay abot ng kaliwang
kamay nito sa akin.
“Ahh, nice meeting you po.” Mahiya-hiya kong tugon dito sabay abot ng
kamay nito.
“Hindi ka manlang ba magpapakilala sa akin?” Parang batang tanong nito
sa akin nang makalimutan kong ipakilala ang sarili ko.
“Ay, sorry, Lenard Tiongco Bitervo po, Lenard for short.” Mahiya-hiya
kong pagpapakilala sa aking sarili. And from this point ko lang naalala ang
kanina pa palang magkahawak naming kamay habang naglalakad sa pagka-haba-habang pathway
ng University of Perpetual Help System Laguna. Kaya agod kong ikinalas ang
aking kamay at ibinalik ang aking tingin sa nilalakaran ko.
“Okay lang ba if sabayan kita papunta sa room natin? Nahihiya pa kasi
akong mag-isang pumunta sa room eh.” Maya-maya’y tanong nito sa akin nang
papasok na kami sa building kung saan naandoon ang room na tinutukoy nito.
“Okay lang naman, pero may mga naghihintay na din sa akin doon, kasi,
yung classmate ng ate ko dati, classmate natin ngayon.” Kaswal kong tugon dito.
“That’s great! Mamaya, ipapakilala din kita sa mga classmate ko nung
Highscool, tapos, ipakilala mo din ako sa mga kakilala mo na dito huh, para
friends-friends.” Tugon nito sa akin na ikinatawa ko.
“Good
Morning Class, I’m Mrs. Lorna Trinidad, and I will be your adviser for this
semester. I am also your professor in Pharmacy 1, which happens to be scheduled
at this hour. But since it is the first day of class, I want us to have an
activity, you will introduce yourself in front of the class and tell us what is
your favourite hubby, subject in highschool, and how did you decide to take up
pharmacy as your course.” Paunang bati sa amin ng professor namin sa History of
Pharmacy.
Unang
nagpakilala an gaming professor, maganda ito, pero half moon ang shape ng mukha
nito. Gayun pa man, hindi naman ito naging hadlang sa kagandahang taglay nito.
Napag-alaman naming hindi pa pala siya nagkakaanak since malayo ang asawa nito
sa kanya, nasa Dubai daw kasi. Nalaman din naming terror pala ang isang ito
pagdating sa mga freshmen, dahil na din gusto nito ang maayos na standards ng
College naming sa University na ito. At ang huli niyang sinabi ay siya daw ang
former Dean ng College of Pharmacy sa University na ito na talaga namang
ikinahanga naming lahat sa kanya.
Alphabetical
nitong tinawag sa kanya-kanyang apelyido ang bawat magpapakilala sa unahan. Sa
kasamaang palad, pang-apat ako sa listahan ni Mrs. Trinidad.
“Ay,
ito, favourite ko ang isang ito. Si Mr. Bitervo.” Sa sinabi nito ay para akong
nang-liit, kung tutuusin kasi ay hindi naman ako kilala netong professor namin,
pero dahil na nga dito din pumapasok ang Ate ko, kilalang-kilala na ang apilyedong
Bitervo sa unibersidad na ito dahil na din sa katalinuhang taglay ng Ate ko. “I
heard much things about you Mr. Bitervo. Magpakilala ka na dito sa unahan.” Dahil
na din siguro sa sinabi ng professor namin ay nagtinginan ang lahat sa akin na
makikita mo sa mata ng mga ito ang expectation.
Kaya ayokong sundan ang yapak ni ate eh!
Ganito ang mangyayari, noong Highschool, palagi kaming napagkukumpara, pati ba
namang ngayong college! Nakakainins! Biglang sumagi sa isip ko.
“Good
Morning, I’m Lenard Bitervo, pero Lenard nalang po ang itawag ninyo sa akin. Am
a graduate of Canossa College in San Pablo City, am currently 16 years old, my
favourite subject is mathematics and, hmmmmm, why pharmacy? ‘Coz this is the
course of my mother and my sister, but if I were given the chance to choose my
path, I would like to be in BS Accountancy or Civil Engineering. That’s all,
thank you.” Maikling pagpapakilala ko sa mga kaklase ko, uupo n asana ako nang
biglang nagsalitang muli ang professor namin.
“I
assure you Mr. Bitervo that you will enjoy this course, ‘coz BS Pharmacy has
lots of computation.”
Sa
narinig namin ay nagreact ang mga kaklase ko, parang ayaw ng mga ito ang
computations na talaga namang paburitong-paburito ko sa lahat ng subject noong
highschool. Dahil din sa mathematics ay nakilala ako hindi lang sa aming
lungsod kundi sa buong lalawigan. Ganoon ko kamahal ang subject na ito.
“Okay,
next on my list is Mr. Cojuangco.” Sambit muli ng aming professor at nagpatiuna
na ako papunta sa aking inokupang upuan katabi ng dating kaklase ng ate ko. “Wow,
Cojuangco, how are you related to the Aquinos?”
“Cory
is my grandmother ma’am.” Maikling tugon nito at pumunta na ito sa unahan.
“Good
morning classmates.”Agad na bati nito sa mga classmates ko kahit hindi pa man
ito nakakalingon sa amin. “I’m Renz Kristoffer Limliman Cojuangco, but you can
call me R-Kei for short, I graduated at La Consolation College here at Biñan.
Am currently 16 years old, going 17 this August. My favourite subject is
Mathematics, and pharmacy because, just like Mr. Bitervo, the only difference
is that on my case, it’s my father who is a pharmacist. And just like Mr.
Bitervo, if I would be given the chance, I would choose to take BS Accountancy
or Civil Engineering. That’s all, Thank you.” Sabi nito at just like what I
did, nagpatiuna na din ito papunta sa upuan niya.
Naging
matagal pa ang pakikipagkilanlan namin
sa isa’t-isa. May ilang oras din kaming nakinig sa paulit-ulit na rason ng mga
kaklase namin na kesyo pinilit lang daw sila ng mga magulang nila na
magpharmacy, ang iba naman ay talagang gusto daw nila ito, ang iba naman ay
trip-trip lamang daw.
Nang
matapos ang pagpapakilala naming lahat sa isa’t-isa iginrupo kami ng professor namin
para daw sa mga next activities sa school, at dahil din nabanggit niya ang mga
activities ay nag-election na din kami ng set of officer. At sa hindi ko
malamang dahilan at sa kasamaang palad ay ako ang napili ng mga kaklase ko para
mamuno sa kanila.
Sa
kabuoan naman ay naging masaya ang unang araw ng College Life ko,
pakikipagkilala sa mga bagong mga tao, pakikipagkaibigan sa mga ito, at ang
pagbuo ng bagong barkadahan na alam kong sasamahan ko sa loob ng apat na taon
ko dito sa unibersidad na ito. Ang hindi ko lang siguro nagawa sa unang araw ko
ay ang sabihin sa kanila ang sexual preference ko, pero para naman sa akin ay
hindi na mahalaga iyon, dahil malalaman naman nila ang totoong ako kapag
napansin nila ito.
Hindi
naman kasi ganoon kalaki ang population ng pharma sa unibersidad na ito,
tig-iisang section lang per year level ang mayroon kami at dahil dito, mabilis
magkakilanlan ang mga tao sa college namin. At dumating din ang election of
Pharmacy Society Officers, at syempre ay invited dito lahat ng mga Class
Officers ng bawat year level, pero hindi ko na din ginawang makipaglaban pa
para sa kahit anong posisyon dito dahil na din ang ipinunta ko dito ay ang
mag-aral hindi ang magsasali sa extracurricular activities.
Sa
nasabing election din napagusapan ang nalalapit na acquaintance party para sa
buong College, napagkasunduan ng lahat na Farmasionista ang gawing theme ng
nasabing event at ito ay gaganapin na sa susunod na linggo. Bilang presidente
naman ng klase ay ako ang naatasang ipakalat ang impormasyon na iyon sa aking
mga kaklase.
Naging
excited ang lahat, dahil ang iba sa mga ito ay unang beses nilang mararanasan
ang ganitong event at ang iba naman ay talagang mahilig lang sa mga party
katulad ko.
Nagkakilanlan
kaming lahat na magkakaklase, at naging close. Kami naman ni R-Kei ay bihira
namang mag-usap, hindi ko man alam kung bakit, pero hindi ko na ito pinansin
pa, though may paghanga akong nararamdaman para sa kanya.
Acquaintance Party
“Lenard,
anong isusuot mo?” Tanong sa akin ni Nina, ang kaklase ng ate ko noon na naging
kaklase ko na ngayon, dahil transferee ito kaya mas pinili nitong kuhanin at
maging regular sa amin kesa sumabay sa mga ka-batch ng ate ko.
Ilang
oras na lang ang nalalabi para magprepare kami para sa naturang event, pero
kahit sino sa aming mga freshmen ay hindi pa din makaisip ng kung ano mang
isusuot. Ako man din, hindi ako makapagdesisyon, kailangan ko kasing makuha ang
premyo sa magiging Farmacionista of the night para sa after party na sinet
naming mga freshmen sa apartment mismo namin.
“Hindi
ko pa alam Nina, hindi naman kasi talaga ako magaling manamit, gusto ko lang
makuha yung premyo kaya namomroblema ako sa susuotin ko.” Tugon ko dito.
“Eh
bakit ba naman kasi umo-o ka sa mga kaklase natin na doon ganapin ang after party
sa apartment nyo?” Mataray na tanong sa akin nito.
“Eh
kasi po, may pinagpapasikatan ako.”
Tanging
si Nina lang ang nakakaalam ng tunay na ako, dahil na din sa lahat ng naging
kabarkada ko na ay dito ako naging magaan ang loob. Hindi naman kasi mahirap
pakisamahan si Nina, hindi lang dahil sa ito ang unang taong kakilala ko sa
classroom, pero dahil na din kaibigan ito ng ate ko kaya naging kagaanan ko din
ito ng loob.
“Sino?
Si R-Kei nanaman? Ano ba yan Lenard! Hindi ka naman pinapansin nung tao, bakit
ba kasi kailangan mong ipagsiksikan sarili mo dun?” Hindi ko alam kung bakit ko
ba naisipang magpasikat kay R-Kei, pero parang basta nalang itong pumasok sa
isip ko’t naiprisi-prisinta ko ang apartment na gamiting venue para sa after
party.
“Wag
ka nga Nina! Okay lang ‘yun, tsaka doon din mag-after party sila Ate Me-an,
kaya sabi nya, mas maganda daw na magkasama-sama nalang ang batch natin at
batch nila para close-close daw.” Tugon ko naman dito ng may bahid na pagkainis.
“Bahala
ka nga Lenard! Tutal hindi naman ako ang mahihirapang maglinis ng bahay nyo,
yung yaya mo naman. Speaking of yaya, pano pag nagsumbong yung yaya mo sa mga
magulang nyo?”
“Wala
si Ate Nyebes doon, umuwi na ng San Pablo kanina, nagawan na ng paraan yan ni
ate Me-an kanina. Kaya ayun, safe kami d’yan. Ano pa bang inaaalala mo Nina?
Yung isusuot nalang natin ang alalahanin natin!” Inis ko nang wika dito.
“Okay.”
Maikling tugon nito at nagpatiuna na itong pumunta sa apartment namin, doon
kasi kami magbibihis nito.
“Ladies
and Gentlemen, the event will start in 15 minutes, so please tell those who are
still outside of this auditorium to get inside, so everyone will witness this tremendous
opening number from the great Pharmacy PepSquad!” Pag-a-announce ng Emcee sa
overhead mic.
“Lenard,
na’san na si R-Kei? Baka hindi pumunta ‘yon?” Tanong ni Genina sa akin, isa sa
mga kaklase kong masasabi mong babaeng bakla, dahil na din sa paraan ng
pananalita nitong talaga namang pang bakla. Isa din ito sa mga tigahanga ni
R-Kei.
“Ewan
ko, bakit mo sakin tinatanong? Mukha bang close kami noon?” Kaswal kong tugon
dito.
“Hindi
nga kayo close, pero aminin mo na kasing gusto mo siya!” Natatawang tugon naman
nito sa akin.
“Ewan
ko sayo Genina, bahala ka nga d’yan.”
Matagal
na akong ini-issue ni Genina kay R-Kei, hindi ko alam kung siya lang ang
nakakapansin ng pagkagusto ko kay R-Kei, siya lamang naman itong ma-issue sa buong
klase namen. Pero ang maganda naman kay Genina ay hindi nito ginagawang ipagkalat
ang nalalaman nito, I think?
Naglakad
ako papalayo kay Genina para puntahan ang mga kaklase kong nasa labas ng
auditorium at papasukin sa loob. Mabilis ko namang nagawa ito, dahil nga mga
freshmen palang kami ay mabilis mapasunod ang mga ito at mabilis ko ding
napapasok.
Hindi
ko naman nakita si R-Kei na kasama ng mga kaklase namin kaya’t minabuti kong
hanapin pa ito sa buong building namin. Pero talaga nga yatang hindi pupunta
ito sa event, kaya nadismaya ako at bumalik nalang sa auditorium.
Kalagitnaan
ng party ay wala pa ding R-Kei na nagpapakita sa aming lahat. Ang mga babaeng
nahuhumaling naman sa kakisigan ni R-Kei ay halatang-halata ang pagkadismaya,
ang iba pa rito’y gusto nang magsiuwian dahil daw hindi nila nakita ang crush
nilang si R-Kei.
Naglalakad
ako papunta sa CR ng maramdaman kong nagva-vibrate ang CP ko, kaya’t hinugot ko
ito sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang nagtext. Unregistered number...
“Mr.
President, si R-Kei ‘to, pasensya na if hindi ako nakapunta sa acquaintance
party, hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyang party eh, bawi nalang ako
mamaya sa after party sa apartment nyo, para naman makasama ko din kayo.” Text
ni R-Kei na talaga namang ikinatuwa ko.
Nang
makabalik ako sa kinauupuan naming magkakaklase ay kitang-kita ang ngiti sa
aking mga labi na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Nina.
“NagCR
ka lang, sobra na ‘yang pagkakangiti mo. Bakit? Nandoon ba si R-Kei?”
Sarkastikong salubong sa akin ni Nina.
Hindi
ko naman ito sinagot, bagkus ay ipinabasa ko sa kanya ang message ni R-Kei sa
aking CP.
“Oh
guys, mamaya, sa apartment nila Lenard, nandoon si R-Kei, kaya doon tayo
magsisipagsugudan pagkatapos nitong party na ‘to.” Biglang sigaw ni Genina,
nakasilip pala ito sa gilid ni Nina at nakikibasa din sa message na pinakita ko
dito.
“Talaga?”
Ang tila tuwang-tuwang sambit naman ng mga babaeng ang ipinunta yata sa party
na ito ay ang makita si R-Kei.
“Oo,
pupunta daw si R-Kei sa after party, nagtext din sa amin.” Sabi naman ni Thep,
isa sa mga kabarkada ni R-Kei.
“Lenard,
lahat kami pupunta sa inyo huh. Makita lang namin si R-Kei.” Si Kaith naman,
isa pa ding may gusto kay R-Kei. Sinagot ko lamang ito ng ngiwi at
pagtango-tango bilang pagpayag.
Ano ba ‘yan, kelalandi naman nitong mga
babaitang ‘to!
Hindi ko napigilang masabi sa aking isip.
Ilang
oras lang ang nakalipas ay puro tugtugan nalang ng mobile ang maririnig sa
buong bulwagan. Nagsisipag-uwian naman na ang iba, samantalang ang iba naman ay
nagsasayawan pa.
“Lenard,
mauuna na kami sa apartment ng mga kasama ko ha. Bilisan mong pumunta don, baka
tumawag na sila Mama.” Sabi ni Ate Me-an sa akin na sinagot ko naman ng tango
at umalis na ang mga ito.
“Hala,
nandon pala ang sophomores, nakakahiya namang makisali sa kanila.” Biglang
komento ni Genina sa narinig. Likas yata talagang tsismosa ang isang ito, kaya
mabilis niyang nalalaman ang mga bagay-bagay.
“Oo,
nandon sila, pero okay lang ‘yon, para na din makaclose natin sila.” Tugon ko
naman dito pero sa loob-loob ko’y parang ayoko nang isama ang mga ito sa
apartment at solohin nalang si R-Kei.
“Next
time nalang kami Lenard, madami pa namang pagkakataon, tsaka gabi na, may
susundo din kasi sa amin mamaya.” Si Kaith.
Halos
pumalakpak ang tenga ko sa naririnig mula sa mga ito, dahil sa wakas ay
makakasama ko din si R-Kei, kahit na kasama pa din namin ang iba pa naming
kaklaseng lalake. Ito lang kasi ang siguradong mga makakasama sa after party na
pinagplanuhan namin.
“Guys,
let’s go na, bili muna tayong alak.” Sabi ko naman sa mga kalalakihang
naghihintay lamang ng cue ko para makaalis na.
“Sige,
and’yan na din si R-Kei sa baba, kanina pa tayong hinihintay.” Si Thep.
“Ay?
Nand’yan na, bakit hindi nyo manlang sinabi sa’kin?” Ewan ko ba, pero parang
naexcite kasi ako nung marinig ko ang balita ni Thep.
“Excited
makita si R-Kei?” Pangbabara naman sa akin ni Tristan, isa din sa mga kabarkada
ni R-Kei.
“Hindi
naman, sabi nyo kasi...”
“Don’t
explaine Lenard, halata kaya. Pero okay lang ‘yan.” Singit ni Tristan sa
sinasabi ko.
Para
naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Tristan, nanlamig
ako bigla at hindi alam kung anong gagawin.
Siyet Lenard? Alam na ba nila lahat? Ano
ba naman ‘yan! Baka iwasan na ako ni R-Kei! Waaaaaaaaah. Sigaw ko
sa aking isip.
...itutuloy...
wow, good start Mr. Eusethadeus :D
TumugonBurahinIMPRESSIVE!
hahaha!
next na yan :D