Subscribe:

Linggo, Mayo 6, 2012

Can it be Love (Part 30)


By: James






“Good morning, mahal ko.” Paggising ni Jeck sa akin na sinamahan pa nito ng paghalik sa aking labi.




“A.ang aga pa, mahal ko.” Hihikab-hikab kong tugon dito nang maghiwalay an gaming labi.




“Anong maaga pa? 11 na po ng tanghali. At kanina pang tunog ng tunog CP mo.” Tugon nito sa akin na ikinabalikwas ko naman sa kamang tinutulugan ko.




“Bakit hindi mo ko ginising?”  Inis kong wika dito na sinuklian lamang nito ng matamis na ngiti. “At talagang nagpapa-cute ka pa d’yan!”




“Ang sarap kasing pakinggan ng pangalan ko na nang gagaling sayo habang tulog ka!” Nakangiti pa ding wika nito sa akin.




“Ang kapal naman ng muka mo! Hindi ako nagsasalita habang natutulog noh!”




“Eto oh, pakinggan mo!” Sabi nito at ibinigay sa akin ang kanyang CP.




“J.jeck, m.ma.mahal ki.kita! M.ma.mahal n.na m.mahal!” Narinig kong naka-record sa CP ni Jeck na naging dahilan ng pag-akyat ng aking dugo sa aking muka, at ang pag-init nito na senyales na namumula ako, hindi sa kilig kundi sa hiya.




“Naniwala ka na?” Tatawa-tawang sabi sakin ni Jeck.




“O.oo n.na. Maliligo muna ako saglit. Tapos uwi na tayo.” Sabi ko dito at tumalikod na ako sa kanya para tunguhin ang banyo.




Ano ba kasi ang panaginip mo kagabi at may pasali-salita ka pang nalalaman! Kung tulog, tulog lang! Hindi yung magsasalita pa! Sabi ko naman sa aking sarili habang naglalakad papalayo sa kinaroroonan ni Jeck.




“Teka, etong CP mo!” Sabi nito sabay hagis sa akin ng CP ko, agad ko din naman itong nasambot at binigyan siya ng nagtatakang tingin. “Kanina pang tunog ng tunog yan, basahin mo muna bago ka maligo. Dun muna ako sa baba.” Sabi nito’t lumabas na sa kwartong tinulugan namin.




Bina-browse ko kung sino-sino ang nagtext sa akin, karamihan dito ay si Mena na puro GM naman, ang iba naman ay kung kani-kanino galing na mga GM din, pero may isang text dito mula sa hindi nakarehistrong numero, agad ko itong binuksan at...




May dapat kang malaman sa boyfriend mo, magkita tayo sa Jollibee sa crossing mamaya, 2pm, I’ll be wearing black shirt, jeans and white cap na may nakasulat na MM sa taas neto. Ang nabasa kong text sa akin ng misteryosong tao na ito.




Sino naman ‘to? Ang naitanong ko sa aking sarili at nagpatiuna na akong pumasok sa CR.










Ilang oras na ang nakakalipas nang ako ay makauwi sa bahay, mag 1:30 na ngayon ng hapon pero iniisip ko pa din kung sino ang nagtext sa akin kanina. Hindi ko naman sinabi ito kay Jeck dahil wala naman akong balak na puntahan ito kanina, pero hanggang ngayon ay gumugulo pa din sa aking utak. Dahil din dito ay napagdesisyonan ko nang puntahan ang kung sino man ito.




“Ma, alis po muna ako saglit, may pupuntahan lang.” Paalam ko kay mommy.




“Saan ka nanaman pupunta James? Linggong-linggo, aalis ka!” Mataray na tugon sa akin ni mommy.




“Mabilis lang ‘to ma, mga 30 minutes, nandito na ulit ako.” Nakangiti kong tugon dito, alam kong hindi totoo ang mga ngiting ibinigay ko kay mommy pero ‘yon lang ang kaya ko sa ngayon dahil na nga sa bumabagabag sa aking isipan.




“Sunday is family day anak!” Pagpigil pa sakin ni mommy pero nagdire-diretso na akong lumabas ng bahay.










Nakarating naman ako kaagad sa Jollibee sa Crossing, agad kong hinanap ang taong ito, nakablack na shirt at white na cap. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ito dahil nag-iisa siya, pero nakatalikod ito kaya hindi ko agad nakilala ang kung sino man ang taong ito.




“Jeh??” May gulat kong sabi nang makilala ko ang taong nagtext sa akin kanina.




“I know you’ll react that way when you see me.” Nakangiting sabi nito sa akin.




“Ano ‘to? Lokohan Jeh?” Inis kong wika dito, hindi ko kasi nagustuhan ang text nito kanina at sa palagay ko naman ay tinitrip lang ako nito.




“Wala pa nga akong nasasabi sayo, tapos ganyan ka na magreact! Chill lang James, umupo ka muna d’yan, ako na oorder ng food natin.” Nakangiting tugon nito sa akin.




“Go straight to the point Jeh, ayokong makipagbiruan ngayon dahil hindi nakakatuwa ang joke mong text kanina!”




“Sino bang may sabing joke lang ang tinext ko sayo? May sasabihin talaga ako sayo, kaya chill ka lang d’yan, order muna ako ng pagkain.” Tugon nito sa akin at nagpatiuna nang umorder kahit hindi pa nito alam kung anong oorderin ko.




May katagalan din akong naghintay sa pagbabalik ni Jeh sa aking kinaroroonan, nang makabalik ito’y nagulat ako sa daming inorder nito na pagkain.




“May kasama pa ba tayong iba?” Agad kong tanong dito nang mapansin ko ang dala nitong pagka-dami-daming pagkain. Medyo nawala naman ang inis ko dito kaya’t nagtawanan nalang din kami.




Ilang minuto kaming nagkakabiruan ni Jeh dahil sa mga banat nitong corny pero malaman, nawala na din sa utak ko ang text nito kanina. Ang tanging ginawa ko nalang ay i-enjoy ang mga minutong kasama ito, unang beses lang kasi naming magkasamang dalawa ng kami lang.




“Masyado na tayong nag-e-enjoy, nakalimutan na natin ang purpose talaga ng pagkikita natin.” Pagputol ni Jeh sa pagtatawanan naming dalawa.




“Ano ba ‘yon Jeh? Pinakaba mo naman ako kanina dun sa text mo. May pagamit-gamit ka pa ng ibang number.” Nakangiti kong wika dito.




“Eh kasi, alam kong papake-alaman ni Jeck yung phone mo pag nakita niya ang pangalan ko sa Inbox mo.” Seryoso nang sabi nito sa akin.




“Ano ba kasi ‘yon Jeh?”




“Ayoko namang sa akin mismo manggaling, kaya eto nalang, pakinggan mo.” Sabi nito sabay abot sa akin ng isang tape recorder.






What I Can Hear!!!!






“Anong problema ba pare? Bakit ka naglalasing d’yan?” Alam kong kay Jeh na boses ang naririnig ko. “Nag-away nanaman ba kayo ni James?”




“Hindi pare, ayoko munang pag-usapan.” Sa naririnig ko’y alam kong may tama na si Jeck dahil sa tono ng pananalita nito. “Pero pare, ang sarap niya!”




“Sino? Si James?” Tanong ni Jeh.




“Hindi pare, yung kaibigan niya! Bakla din.” Si Jeh.




“Sino namang kaibigan ni James na bakla? Umayos ka nga d’yan!” Sabi ni Jeh










Pinindot ko ang stop button sa tape recorder ni Jeh dahil sa aking mga narinig, walang ano-ano’y tumulo ang luha mula sa aking mata at tuloy-tuloy itong lumalagaslas sa aking mga pisngi.




“Kahapon ko pa sana ito gustong iparinig sayo, kaso, anniversary ninyo kahapon, kaya ipinagpaliban ko muna.” Sabi ni Jeh pero parang wala akong narinig, hindi ko ito pinansin at muli kong ipinagpatuloy ang pakikinig sa ni-record ni Jeh.










“Yung taga San Pablo pare, yung naghatid sa kanya sa Maria Paz noong sinagot ako ni James!” Sabi nito at panandaliang tumahimik ang record na naririnig ko. “Si Zekiel!” muling pagsasalita ni Jeck.





“Pare, diretsahin mo nga ako, niloloko mo ba si James?” Halata sa boses ni Je hang biglang pagbabago ng timpla, kung kanina ay punong-puno ng interes ang pagtatanong nit okay Jeck, ngayon naman ay parang nagagalit ito sa ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan.




“Hindi ko niloloko si James pare, tumikim lang ako ng ibang ulam, pero alam ko pa din kung kanino ako uuwi.” Si Jeck sa moloko nitong tono.




“Eh gago ka pala eh! Seryoso sayo yung tao, ikaw pa ang nanligaw sa kanya, para saan ang pinaghirapan mo kay James kung ikaw mismo ang manloloko sa kanya! Pucha Jeck, ipinaubaya ko siya sayo kahit na alam mong gusto ko din siya! Pero anong ginagawa mo! Gago kay Jeck! Isa kang malaking GAGO!!!!” Sabi ni Jeh kay Jeck na halata mo sa boses nito ang galit, maging ako ay nagulat din sa narinig mula rito. Tiningnan ko si Jeh at tumango lamang ito wari mo’y nabasa niya ang nasa utak ko.




“EH KAYA NGA AKO NAGLALASING NGAYON EH! PARA PAGBAYARAN ANG KAGAGUHANG GINAWA KO!” Nakasigaw ding balik ni Jeck dito. “Sorry pare kung hindi ko natupad ang pangako ko na hindi ko lolokohin si James, pero nilandi ako ni Zekiel, at hindi ko natanggihan ang tukso!” Alam kong umiiyak na si Jeck sa mga oras na ito, ayon na din sa mga naririnig ko, pero wala akong maramdamang awa sa kanya, nagpupyos na galit lamang ang nararamdaman ko para kay Zekiel at kay Jeck.




“Tingin mo naman mawawala yang problema mo kapag nalasing ka Jeck? Gago ka! Wag mong gawing tanga si James! Ikaw na itong pinagbigyan sa nararamdaman mo! Ikaw pa itong matinding magloko! WALANG HIYA KA JECK!” Halata pa din sa boses ni Jeh ang galit.




“Pare, bestfriend kita, tulungan mo naman akong lusutan ‘tong gusot ko.” Ani ni Jeck, ramdam ko ang pagsusumamo nito sa tono ng pagsasalita ni Jeck. “Sa makalawa, magkikita ang dalawa, sa anniversary pa mismo namin ni James, sasabihin daw ni Zekiel dito ang nang yari sa amin.”




“Wag mo akong idamay d’yan sa pag-gagago mo Jeck, alam mong hindi ko gusto na lokohin mo si James, tapos, you expect me to help you!? Damn it Jeck! Niloko mo si James, at hindi nararapat sayo ang tulong na hinihingi mo! Or maybe it’s better for James to hear what Zekiel wants to tell.” Halata sa boses ni Jeck ang panunuya nito kay Jeck.




“Wag naman pare, tulungan mo ako, hindi ko kayang mawala si James, please lang pare.” Si Jeck.




“It’s your mess, not mine! Di’ba ikaw na din ang nagsabi sakin dati na we should clean up our own mess? Walang takipan!”




“Oo nga, pero pare, iba ‘to, si James na ‘to. Ibang usapan na pag si James ang mawawala.”




“Hindi kita tutulungan Jeck, sorry, but my word is final!” Sabi ni Jeh dito na halata mo sa boses nito ang paninindigan sa kanyang sinabi.




“Kung hindi mo ako tutulungan, malalaman ni Mena ang sikreto mo!” Pagbabanta ni Jeck kay Jeh at dito na naputol ang pinapakinggan kong tape recorder.










“Okay ka lang?” Agad na tanong sa akin ni Jeh nang matapos ang pinapakinggan ko.




“Do I look okay Jeh? Bakit hindi mo pa noon sinabi? Bakit mo pa pinaabot sa point na aabot kami ng isang taon? Putang ina Jeh, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang!?” Hindi ko alintana ang mga taong nakain noon sa Jollibee, ang kailangan ko ay mailabas ang lahat ng emosyon na itinatago ko. “Jeh, minahal ko si Jeck ng totoo, alam mo yan, hindi ako nagkaron ng iba, kahit na naging sila ni Kelly noong kami na, pero wala siyang narinig sa akin, pinatawad ko siya! Tapos ganito ang igaganti niya! Putang ina Jeh, ang sakit, sobrang sakit Jeh!” Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha mula sa aking mata, hindi ko na ito napigilan, ang tanging nagawa ko nalang ay ang takpan ang aking muka gamit ang aking dalawang kamay.




“I know James, pero tao lang si Jeck, bi pa, pag nalandi ang mga katulad ni Jeck, may tendency talaga na bumigay ito at pumatol.” Pagtatanggol nito sa kanyang kaibigan. “Pero hindi ko sinasabing tama ang ginawa ni Jeck, kahit ako’y galit din ako sa kanya dahil dito, pero hindi break-up ang mas tama mong gawin ngayon sa boyfriend mo. Dahil para ka lang nagpatalo sa laban na alam na alam mong panalo ka sa huli.” Paliwanag nito.




“Jeh, ayokong pagmukaing tanga ang sarili ko, iniiputan na pala ako sa ulo ko, hindi ko pa alam. Putang ina! Putang ina talaga!” Naiiyak ko pa ding tugon dito. “Sabi mo sa record, hindi mo siya tutulungan, pero bakit doon pa kami nagcelebrate ng anniversary sa bahay ninyo?” Agad kong tanong dito matapos kong maalala ang sinabi ni Jeh sa kanyang recording.




“Dahil malalaman ni Mena na gusto kita James, at ayokong magkasira pati kayo ni Mena dahil bestfriend mo siya.” Seryosong sabi ni Jeh.











Pagkatapos naming mag-usap ni Jeh ay umuwi na ako sa bahay, hindi ko naitago sa aking magulang ang emosyon na dinala ko, nagtanong ang mga ito pero hindi ko nalang sinagot, bagkus ay dumiretso ako sa aking kwarto para doon mag-isip-isip.




 Bakit mo ako ginanito Jeck!? Ang sakit! Hindi ko akalaing magagwa ninyo sa akin ‘to, at sa kaibigan ko pa! Ahas ka Zekiel! Ahas ka, alam na alam mong boyfriend ko si Jeck, pero inahas mo pa din siya sa’kin! Humanda kayong dalawa! Mga hayop kayo! Hindi na kayo nahiya sa kababuyan ninyo! I don’t deserve to be treated like this! Kaya tuturuan ko kayo kung paano! Mga hayop!!!! Ang nasabi ko sa aking sarili habang sinusuntok ko ang aking unan. Tuloy-tuloy pa din ang agos ng aking luha, lahat ng emosyon kailangan kong ilabas.




“Anak, ayos ka lang ba?” Rinig ko si mommy, nasa pintuan ito at kumakatok.




Hindi ko ito sinagot para kunyari ay tulog ako, pero hindi ko pala nai-lock ang pinto kaya tuloy-tuloy itong nakapasok sa aking kwarto at nakita pa ako nitong umiiyak.




“Bakit ka umiiyak? Nagbreak na ba kayo ng girlfriend mo?” Pag-aalo sa akin ni Mommy, “Wag ka nang umiyak, nandito na si mommy, hindi ka iiwan ni mommy. Babae lang yan, mabilis palitan. Hindi katulad ni mommy, nag-iisa lang, kaya wag ka na umiyak. Hindi bagay sayo oh, ang pangit mo na tuloy.” Paglalambing sa akin ni mommy.




Wala akong naisagot kay mommy kundi ang mahigpit na yakap at ang mga pigil na sigaw. Gigil na gigil ako sa ginawa sa akin ni Jeck, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko dito pag nakita mismo ng aking mga mata ito, pero nandon yung urge na hulihin ko sila.




“Tahan na anak, babae lang ‘yan. Wag kang mag-alala, ipinatawag ko na bestfriend mo, papunta na siya dito.” Sabi ni Mommy na sinamahan pa nito ng paghimas-himas sa aking buhok.




“S.salamat ma.” Ang tanging nasabi ko lang kay mommy.




Punong-puno ng pighati ang aking damdamin, hindi ko maisalarawan, pero hindi pa din ako makapaniwalang kayang gawin sakin ni Jeck ang ganito, kaya pala naging sobrang close nila ni Zekiel, kaya sa tuwing aalis kaming apat kasama si Jen, sila ni Zekiel ang magkasama. Inaahas na pala ni Zekiel ang boyfriend ko, hindi ko pa alam!




Iniwan ako ni mommy sa aking kwarto at isinarado nito ang pintuan ng aking kwarto pagkalabas nito, habang ako naman ay tuloy-tuloy pa din sa pag-iyak dahil sa pa din sa nararamdaman kong pighati dahil sa ginawa ni Jeck.




Hindi ko na namalayan ang pagpikit ng aking mata at nakatulog na ako sa kaiiyak at pag-iisip ng kung ano man.










“James...”




“James...”




“James...”




“Tita, dahil po natin siya sa ospital! Mataas po ang lagnat niya!”




“Daddy, i-start mo ang kotse! Dadalhin natin si James so ospital!”




Gising ang diwa ko, rinig ko ang mga sinasabi nila, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan at hindi makapagbigay ng kahit anong salita sa kanila.




Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sa akin ni Jeck at kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Pero gayon pa man ay hindi pa din maalis sa akin ang kanyang mga ginawa.




Para akong nakadroga kung titingnan, hindi maigalaw ang buong katawan at tanging ang mata ko lamang ang gamit ko para makita ang lahat ng nangyayari. At tenga ko naman para sa mga maririnig ko.




Ano bang nangyayari sa akin! Bakit hindi ako makagalaw! Sabi ko sa aking isip.




...itutuloy...

6 comments:

  1. OMG James Cornejo!
    tahan na :D hahahaha
    whooo, ang lande ni jeck!
    grabe nmn hahahha
    ganda ng story tlga pero
    as usual bitin nnmn! :D
    clap clap clap clap

    TumugonBurahin
  2. 1st tym kong magkoment dito. Well just my guess. Anong purpose ni Jeh kung bakit nakarecord ang usapan nila ni Jeck.Parang planado kumbaga. Kung Zekiel may gusto kay Jeck dapat sinisiraan niya si James kay Jeck.

    I have a wild guess na si Jeh ang may pakana ng lahat at ginamit niya si Zekiel. Nagpauto naman si Zekiel. Ang nakikita kong dahilan ay may gusto si Jeh kay James kaya sinisimulan niyang sirain ang relationship nilang dalawa. Nagtagumpay naman siya kahit papaano. Kasi kung tunay na kaibigan niya si Jeck hahayaan niya si Jeck ang umayos ng gulo at hindi muna siya mangingialam. PEro inunahan niya si Jeck. Anong maramramdaman ngayon ni Jeck. Trinaydor siya ni Jeh na bestfriend pa man din niya.

    O well hintayin ko yung susunod. Sana tama ang guess ko hahaha..Nakakaexcite na!

    Good Job James!

    TumugonBurahin
  3. ganda.. bitin na naman.. next chapter pls :)


    j

    TumugonBurahin
  4. Nice twists..........wahhhhhhh kaya pala ah nilandi ni zekiel si jeck tskkkkkkkkkk...lagot ka nyan jeck at sigurado bukingan time with jeh then mina ahah can't wait for the next...

    TumugonBurahin
  5. waaaaaahhhhhhh....next chapter na...

    eh sawsaw pala yang zekiel na yan eh
    gago sya...parehas sila ni jeck...wahahaha

    hiwalayan mo nlang james...hahahah

    TumugonBurahin