Subscribe:

Martes, Mayo 1, 2012

Can it be Love (Part 29)


By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com





*Tok*Tok*Tok*




Tatlong banayad na katok ang narinig ko mula sa aking pintuan. Kanina pa akong nagpapahinga at naghihintay sa kahihinatnan ng pag-aayos ni Jeck at Zekiel. May 1 oras na rin siguro akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko at nag-iisip.




Kasama rin sa aking pag-iisip ang nakita ko kahapon na magkasama sina Jeck at Kelly, hindi ko lubos maisip kung bakit hindi sinabi sa akin ni Jeck ang tungkol dito. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang lubusang magalit kay Jeck. Siguro ay dahil na rin naramdaman ko sa kanya ang pagiging sinsero sa paghingi ng tawad sa akin. Oo, aaminin ko, nasaktan ako sa nakita ko, pero sa tingin ko naman ay hindi sapat na maging dahilan ito para sa isang break-up. Dahil sa mga naisip ko’y nakabuo ako ng desisyon, at ang desisyong ito ay ang patawarin si Jeck ng buong-buo.




“James, tulog ka na ba?” Rinig ko ang boses ni Zekiel mula sa kabilang pinto.




Agad naman akong tumayo matapos kong marinig ang boses nito at pinagbuksan ito ng pinto. Magkasama pala ang dalawang kanina lang ay punong-puno ng bangayan ang alam.




“Ano? Okay na kayo?” Inis-inisan kong tanong sa dalawa.




“Oo.” Sabay na sabi ng dalawa na animo’y nahihiya dahil yumuko ang mga loko. Lihim naman akong napangiti sa paraan ng pagsagot na ginawa ng dalawa.




“Good. Mag-lu-lunch na, anong gusto nyong pagkain?”




“Nagluto na kami ni Pareng Jeck, para naman makabawi na kami sa ‘yo.” Agad na sagot ni Zekiel.




“Talaga lang huh? Patikim nga.” At agad na akong nag-lead the way para na rin makakain na kami.










Ilang araw, linggo at buwan na rin ang lumipas nang magkaayos si Jeck at Zekiel. Naging mas close pa ang dalawa na talaga namang parang magkapatid na ang turingan nila. Araw-araw din kaming magkakasama, pagkatapos ng klase, o minsan naman ay sa tuwing walang klase ay magkakasama kami.




Si Jen naman ay sumasama din sa amin paminsan-minsan, bale ang siste, parang ang partners pa ngayon ay si Jeck at Zekiel, at kami naman ni Jen. Gayun pa man ay hindi ko nagawang magselos sa dalawa dahil na rin may tiwala ako kay Jeck. At hindi din naman nito nakakalimutan ang pagpapasaya sa akin sa tuwing kami ay nagsosolo.




Hindi naman din kami nagkakalimutan nila Mena, palagi rin namin itong kasama sa mga lakad namin, walang monthsary namin ni Jeck ang nakalimutan nito na talaga namang isa pa siya sa katuwang ko sa paggawa ng mga sorpresa para kay Jeck. Bestfriend talagang maituturing ang isang ‘yon.






December 2, 2006






“Happy Anniversary, Ga!” Bungad sa’kin ni Jeck nang magising ako.




“A.ang aga mo naman ‘ata.” Pupungas-pungas kong balik dito.




“Ano ba ‘yan, nakakatampo naman. Inagahan ko na nga rito para lang mapasaya ka, tapos hindi mo man lang ako babatii...” Sabi nito pero hindi ko na pinatapos, agad naghinang ang aming mga labi, isang napakatamis at punong-puno ng pagmamahal na halik ang iginawad ko sa kanya. (nakakahiya nga eh, kasi, kagigising ko lang, at hindi pa nag-to-toothbrush.)




“Happy 12th Monthsary, Ga, at Happy 1st Anniversary din.” Sabi ko nang maghiwalay ang aming labi.




Nakita ko ang paglabas ng pinagpalang ngiti ni Jeck sa kanyang mga labi na naging senyales para sa akin na nagustuhan nito ang ginawa ko. Hindi ito nakaimik at napatulala lamang sa akin habang ngumingiti.




“Natulala ka na naman d’yan!” Puna ko rito at hinila siya para makatabi sa kama.




Kahit mainit sa mga panahong iyon ay pinagsaluhan namin ang umaga sa isang matindi-tindi at umaatikabong pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa’t isa. Tumagal ito ng may isang oras at natapos kaming parehas na hapong-hapo sa kalokohan naming dalawa.




“Nagbreakfast ka na, Ga?” Tanong ko rito sa hapong-hapong boses.




“Oo, ang sarap nga ng breakfast ko, hotdog at BINATENG Itlog.” Malokong tugon nito na tinawanan naming dalawa.




Puro lambingan lamang ang naganap sa loob ng k’warto hanggang alas-dose ng tanghali, hindi na rin kami nakapagpahinga pa dahil na rin gusto naming sulitin ang araw na ito na magkasama kaming dalawa.




“May surprise ako sa ‘yo mamaya.” Bulong ni Jeck sa aking tenga.




“Ano ‘yon?” Agad kong tanong dito at nagbigay ng interesadong tingin.




“Surprise nga eh, ‘di ba? ‘Wag na po makulit.” Tugon naman ni Jeck sa tono nitong parang bata. “Maligo ka na mahal ko, am-baho mo na.”




“Ako? Mabaho? Baka gusto mong tumira sa kili-kili ko para malaman mo kung gaano ako kabango!” Pikon kong sabi dito at akmang tatayo na sana pero agad na hinila ni Jeck ang aking kamay na naging dahilan para ako’y mapaupong muli.




“Joke lang naman. Hindi ka na mabiro.”




“Ang ganda kasi ng joke mo, NAKAKATAWA!” Eksaherado kong balik dito na sinamahan ko pa ng pigil na halakhak.




“Sorry na, ‘wag ka na maligo, ganyan ka na lang do’n sa pupuntahan natin.” Paglalambing nito sa akin.




“Hindi na! Nakakahiya naman kasi sa ‘yo kaya maliligo na ako!” Pikon ko pa ring tugon dito.




“Wag na po magalit please, sorry na, I Love You, Ga, ngingiti na ‘yan.” Wika nito na todo-todong effort para lang mapatawa ako. (Kanina pa naman akong natatawa sa ginagawa nito pero mas pinili kong pigilan para na rin mas sweet? Para sa ‘kin? Heheheh)




“Ewan ko sa ‘yo!” Pikon-pikunan kong tugon dito at tumayo na ako diretso papuntang banyo.




Sinundan ako nito papunta sa loob ng CR at niyakap akong muli mula sa aking likuran. “Sorry na, Ga. Sabay na lang tayo maligo para masaya.” Sabi nito at nagbigay ng nakakalokong ngiti sa akin na sinamahan pa nito ng paghalik-halik sa aking batok.







Nagpaubaya na lang ako sa kanya, tutal naman ay gusto ko rin ang ginawa nitong paglalambing sa akin. At sa pangalawang pagkakataon ay pinagsaluhan namin ang init ng aming mga katawan.










“I-kanan mo d’yan.” Utos sa akin ni Jeck.




Matapos naming mananghalian ay umalis na kami ni Jeck sa bahay. Syempre, dahil hindi marunong magdrive si mokong ay ako ang nagmamaneho kahit na siya ang may gustong ipakita sa akin. Binibigyan lamang ako nito ng instructions kung saan liliko.




“Ang dami na nating nilikuan, hanggang saan pa ba ‘to?” Reklamo ko rito dahil ang layo na ng nararating namin, kung hindi ako nagkakamali ay umabot na kami sa kadulu-duluhan ng Canlubang. Ang dami pating pasikot-sikot sa lugar na ito kaya hindi ko rin nagawang kabisaduhin ang lugar na ito.




“Malapit na tayo, Ga. Kaya mo ‘yan.” Sabi nito na sinamahan pa niya ng paghimas-himas ng aking binti. “Teka, teka, eto na, ipark mo na d’yan, Ga. Nandito na tayo.” Biglang sabi nito kaya ipinarada ko ng maayos ang kotse at bumaba na rito.




“Kaninong bahay ‘to, Ga?” Agad kong naitanong dito nang mapansin ko ang isang malaking bahay o palasyo na ‘ata ang tawag dito dahil sa laki.




“Bahay ‘to ni Jeh. Dito kami tumatambay kapag wala kaming magawa kasama ng mga kaibigan naming swimmers din.” Tugon nito sa akin at ini-haya niya sa akin ang kanyang kamay na agad ko namang kinuha.




HHWW (Holding Hands While Walking) naming pinasok ang gate ng bahay. Nakita ko mula rito ang napakalaking garden ng bahay nila Jeh, pero walang parking lot ang loob nito, gayon pa man ay masasabi mong napakayaman ng may-ari ng bahay na ito dahil na rin sa ayos ng garden nila.




Parang napaka-peaceful naman ng lugar na ito. Agad kong nasabi sa aking utak nang mapansing tahimik ang paligid.




“Oy, Jeck, James, nand’yan na pala kayo! Happy Anniversary sa inyo tol.” Salubong sa amin ni Jeh nang makita kami nitong papasok na sa kanilang bahay. “Naghihintay na ang lahat sa loob.” Kung hindi ako nagkakamali ay sa palagay ko’y bulong dapat ito ni Jeh kay Jeck pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay narinig ko ito.




“Ano ‘to Jeck?” May kaba kong tanong kay Jeck.




“Basta, kalma ka lang, ako bahala sa ‘yo.” Sa sinabing ‘yon ni Jeck ay medyo nawala ang kaba ko, pero konti lang, dahil na rin hindi ko siguradong kilala ang mga tao na naghihintay sa loob ng bahay nila Jeh.




Agad na kaming pumasok sa loob ng bahay nila Jeh, kaso parang walang tao. Nagdire-diretso pa kami ng paglalakad sa mala-palasyong bahay nila Jeh, hanggang sa makarating kami sa isang k’warto sa kaloob-looban ng bahay na ito.




“’Wag kang ma-culture shock sa loob pagpasok mo ah.” Sabi ni Jeh bago nito buksan ang pinto.




MAUSOK. Yan ang pinaka-una mong mapapansin pag nakapasok ka sa kwartong ito. MADILIM. Yan naman ang pangalawa. MAINGAY. Kabaliktaran ng labas nito na sobrang tahimik. Masasabi mong ginawa ang k’wartong ito para lamang sa mga kabarkada ni Jeh na naninigarilyo at maiingay.




“Guys!!!” Sigaw ni Jeck sa mga tao sa loob. “May ipapakilala ako sa inyo, magsitahimik muna kayo!”




Agad namang nakuha ni Jeck ang atensyon ng mga ito at nagsitahimik, ang iba pa ay tumigil sa kanilang ginagawa. Narinig ko rin na may naghina ng sounds mula sa loob at talagang handang pakinggan ang sasabihin ni Jeck.




“Boyfriend ko nga pala.” Sabi ni Jeck sa mga ito na talaga namang nagpapula sa akin. “Si James.” Dugtong pa nito.




Sino ba naman ang hindi mamumula sa ginawang iyon ni Jeck, lahat halos gwapo at kay gaganda ng mga  katawan ng mga tao sa loob, at puro lalaki pa, hindi man lang nahiya si Jeck sa sinabi nito at proud na proud pa ito habang ipinapakilala ako bilang boyfriend niya sa mga tao sa loob.




“Hi James!” Sabay-sabay na sabi ng mga tao sa loob.




“Hello po.” Medyo nahihiya kong tugon sa mga ito.




“’Wag kang mahiya James, okay lang ‘yang mga ‘yan! At matagal na nilang alam na may gusto sa ‘yo si Jeck.” Nakangising sabi sa akin ni Jeh.




“Oo nga, Ga. ‘Wag ka na mahiya, pero kung ayaw mo rito, pwede naman tayo sa ibang k’warto.” Malokong sabi naman ni Jeck sa akin.




“Hindi, okay lang, natutuwa nga ako kasi FINALLY, mami-meet ko na rin ang mga nakakasama mo noon.” Agad ko namang tugon sa dalawang kumag na ito.




Napansin kong sumindi ang ilaw sa loob ng kwartong pinasok namin, kitang-kita ng dalawang mata ko na may ilang bote ng alak ang nagkalat dito. Meron ding mga aluminum foil akong nakita, at hindi ako tanga para hindi malaman kung para saan ang bagay na iyon.




“Ga, hindi ako gumagamit n’yan, sila lang.” Napansin siguro ni Jeck na doon napako ang aking tingin kaya niya nasabi iyon.




“May sinabi ba ako?” Pamimilosopo ko naman dito, curious din kasi ako sa kung anong epekto nito sa akin, pero gustuhin ko mang i-try ay natatakot din ako at alam kong hindi papayag si Jeck kaya ipinagkibit-balikat ko na lang.




Pumasok na kami ng tuluyan sa loob ng kwarto at isa-isang nagpakilala sa akin ang mga tao sa loob. At ang nakakatuwa pa ay habang nagpapakilala sa akin ang mga ito ay binibigyan nila ako ng bulaklak hanggang sa makaabot ito ng labing-dalawa.




Ang mga sumunod na nagpakilala sa akin ay nagbibigay naman ng post-it stickers na may nakasulat na kung anu-ano. Hindi ko na muna inabala pa kung anong nakasulat sa mga ito dahil naka-focus ako sa pagpapakilala ng mga ito.




Nakakatawa sila kung panunuurin mo, nagtuturuan pa kung sino ang susunod na para bang scripted ang lahat ng mangyayari. Tumingin ako sa gawi ni Jeck at nakita kong nakangiti itong nagmamasid sa amin.




Nang matapos silang magpakilala ay humilera sila sa harap ko, at may inabot sa taas, at sabay-sabay nila itong ibinaba, tarpaulin pala.




“Mahal na mahal kita James!”




“Huwag mo akong iiwan!”




“Hinding-hindi kita sasaktan!”




“Masaya ako sa tuwing kasama kita!”




“Ikaw ang bumuo ng pagkatao ko!”




“Ikaw ang lahat para sa akin!”




“I want to walk down the aisle with you! Punta tayo sa Canada!”




“Ikaw lang ang minahal ko ng ganito!”




“Kakalabanin ko ang lahat ng hahadlang sa ating dalawa!”




“I Love You!”




“I Love You!”




“Always and Forever! I Will Love You!”




‘Yan ang mga nakasulat sa post it na ginawa ni Jeck sa na binigay sa akin ng mga kabarkada nito na talaga namang nagpangiti at nagpakilig sa akin habang binabasa ko isa-isa ang mga ito.




“Ga, mahal na mahal kita, at hinding hindi kita iiwan, I want to share my lifetime with you, and I want you to be my forever partner.”




“Loving you I know is wrong, but we can make it right and the world will see that we love each other, even if they don’t abide!”




Dalawang magkahiwalay na pangungusap naman sa tarpaulin na nakabalandra ngayon sa aking harapan. Napaluha ako sa ginawang iyon ni Jeck, luha ng saya at pasasalamat ang tuloy-tuloy na umagos sa king pisngi.




Naramdaman kong yumakap sa akin si Jeck, napapikit na lang ako at dinama ang paghalik nito sa aking labi. Masarap, mapagmahal at punong-puno ng pag-iingat na halik ang ipinamalas sa akin ni Jeck.




“Akala mo ba tapos na?” Bulong sa akin ni Jeck nang maghiwalay na ang aming labi.




Napamulat ako sa sinabing iyon ni Jeck. Iginala ko ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko. Wala na ang tarpaulin kanina sa harap ko at wala na rin ang mga tao, kami lang ni Jeck ang natira sa loob at naging malinis din ang lugar. Tanging ang dalawang upuan at lamesa lamang ang makikita mo dito ang mga palawit sa kisame.





“Pano’ng????” Hindi ko naiwasang maisatinig ang pagtataka ko kung paano nila nagawa ng ganoon kabilis na maayos ang lugar na ito.




“Kanina pa ‘yang ganyan, Ga, kaya madilim din dito kanina at hindi binuksan lahat ng ilaw para hindi mo agad makita.” May pagmamalaking sabi sa akin ni Jeck. “Nagustuhan mo ba, Ga?”




Isang matamis na ngiti at tango lang ang isinagot ko rito. Bumalik sa akin ang alaala ng maria paz kung saan ko sinagot si Jeck isang taon na ang nakakalipas. Parang ganito rin ang sit’wasyon ngayon, pero sa isang k’warto at kaming dalawa na lang ang nandito.




“Hindi na ako naghanda ng pagkain, kakakain lang kasi natin kanina kaya naisip kong busog ka pa.”




“Okay lang, Ga, sobrang salamat dito.” Sabi ko dito at niyakap siya ng sobrang higpit. “Another surprise Jeck, hanggang kelan mo ba ako su-surpresahin?”




“Hanggang mamatay ako James, mamamatay akong ikaw ang laman nito.” Sabi nito at iginiya niya ang kamay ko papunta sa kanyang kaliwang dibdib.




“I Love You.” Halos pabulong kong sabi rito.




“I Love You Too, Ga.” Balik naman nito sa akin at for the nth time, naghinang muli ang aming mga labi. Masusuyong halik ang iginawad namin sa isa’t-isa at punong-puno ng pagmamahal ang bawat pintig ng aming mga puso.




Habang nasa ganoong lagay kami ni Jeck ay unti-unting lumalakas ang tugtog na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Nang lumakas na ito ay napag-alaman kong ‘Till They Take My Heart Away ng MYMP pala ang naririnig ko, na talaga namang paboritong-paborito ko rin. (Well, halos lahat naman ng tugtog ng MYMP ay talagang paborito ko. Hihihi.)




Isinayaw ako ni Jeck gamit ang musikang naririnig namin. Para kaming mga baliw sa isang k’warto na nagsasayaw ng sweet dance, nakahilig ang ulo ko sa kanya at siya naman ay nakapatong ang baba sa aking balikat.




Damang-dama ko ang pagpaparamdam ni Jeck ng pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginawa nito sa akin pero sobrang nasiyahan ako sa mga efforts na ginawa niya.




Eh kung lahat ng lalake, ganito ang effort sa babae, eh ‘di sana masaya! Natawa naman ako sa isang parte ng aking utak, kung makakomento, wagas!




“Bakit?” Pabulong na tanong sa akin ni Jeck pero hindi pa rin namin tinatanggal ang aming sarili sa ganoong posisyon.




“Wala, natawa lang ako sa isip ko.” Natatawa kong balik dito.




“Ano ba sabi ng isip mo?” Tanong nito.




“Kanina pa kasi sigaw ng sigaw ng pangalan mo!” Sabi ko rito at kinilig naman si kumag, napahagikhik pa. ito.




“Ang corny mo naman, Ga.” Sabi nitong natatawa pa.




“Corny daw, eh kinikilig ka nga!” Natatawa ko ring balik dito.




“Ako? Kinikilig? Imposible!” Mahanging sabi nito.




“Oh eh ‘di hindi na! Alis na lang ako, gusto mo?” Pikon-pikunan kong sabi rito.




“Sige na, sige na, kinikilig na ako, tingnan mo oh.” Sabi nito at bahagyang humiwalay ng pagkakayakap sa akin at ipinakita ang kanyang muka. “Pulang-pula na nga ako sa sobrang kilig oh.”




“Hindi ka namumula! Violet ka na!” Pabiro kong tugon dito.




“Whatever James! Basta Mahal na Mahal kita!”




“Mahal na Mahal din kita Jeck! Sana wag nang matapos ‘tong araw na ‘to!” Sabi ko rito at bumalik kami sa p’westo namin at muling nagsayaw.




Ilang minuto pa ang itinagal namin sa ganoong posisyon, nakaramdam kami parehas ng pagod at nagyaya na si Jeck na maupo muna raw pansamantala. Iniayos ni Jeck ang upuan na magkatabi kami at nakaharap sa isang pader. Nagulat na lang ako nang may bumabang puting telon mula sa kisame ng k’warto. Namatay ang mga ilaw at may nag-project sa puting telon.




“Movie Marathon naman tayo.” Biglang sabi ni Jeck nang mapansin siguro nitong napatunganga ako sa puting telon na ngayon ay may nakikita nang pagsisimula ng isang palabas.




“Ang dami mo talagang surprise!” Ang nasabi ko na lang sa sobrang tuwa sa mga nangyayari.




Nakatatlong movies kami, ang dalawa ay foreign at ang isa naman ay local movie, pero sobrang nakakakilig talaga, o kinikilig lang ako dahil kasama ko si Jeck na nanunuod. Para kasi kaming nasa sinehan na exclusive lamang para sa aming dalawa.




Nang matapos ang movie ay hindi ko na namalayang nakatulog pala si Jeck sa aking balikat, ang buong akala ko ay nanunuod lamang ito, pero nang lingunin ko ay nakapikit pala ito kaya niyugyog ko ito ng bahagya para magising.




“Salamat Jeck, sobra, Mahal na Mahal kita!” Sabi ko sa kanya at binigyan muli siya ng aking punong-puno ng pagmamahal na halik.




“Lahat gagawin ko para sa ‘yo mahal ko. Mahal na Mahal din kita!” Tugon naman nito sa akin na halata mo sa boses na antok pa, pero sweet pa rin.




Matapos nito ay lumabas na kami ni Jeck sa k’wartong iyon at nakisali na sa kulitan ng mga kaibigan nito. Nag-inuman din kami at dahil linggo naman kinabukasan ay dito na rin kami natulog lahat. At syempre, dahil nga anniversary namin ay muli, sa pangatlong pagkakataon ngayong araw na ito ay pinagsaluhan namin ang init ng aming pagmamahalan.




...itutuloy...

6 comments:

  1. ito na tlga ang punong-puno ng langgam
    sa sobrang kasweetan...
    ikaw na tlga James...
    sana wla nang epal tulad ni kelly.. hahahha

    TumugonBurahin
  2. kahit kailan talaga di mo ako binigo james..this is great story...nakakawala ng pagod...ang ganda ng story..thumbs up to you..

    TumugonBurahin
  3. oo nga kuya:)


    btw i'm a new fan of ur blogsite,silent reader lng po kc ako,hekhek


    kakakilig!!! sobra sobrang eksaherada! hehe :)

    sana di na matapos yan:)

    \m/


    -JP

    TumugonBurahin