By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Edited by: Yume Koibito
Tok*Tok*Tok
Tok*Tok*Tok
Kanina pang may kumakatok sa pintuan ni Jeck pero tulog pa ito, hindi
ko naman mabuksan ang pinto dahil baka magulat ang kung sino mang kumakatok.
Kanina ko pa ding ginigising si Jeck pero tulog mantika pa rin ito.
“Jericko!” Narinig kong boses ng babae mula sa kabilang parte ng pinto.
“Jericko, open this door! Hindi ka na nagbago! Tulog mantika ka pa din!” Sa
sinabi nito’y lalo akong na-curious kung sino, maarte o mas tamang sabihin na
malandi ang boses ng babae, kung ikukumpara sa mga babaeng nakakasama ko’y
halos kaedad ko lang siguro ito.
Imposible namang nanay ni Jeck ito dahil hindi malandi ang boses ni
tita Clare.
Tok*Tok*Tok
Mas malalakas na katok na ang pinaulan nito sa pintuan ng kwarto ni
Jeck, parang sinisira ang pinto sa klase ng pagkatok nito. Kaya niyugyog ko na
ng malakas si Jeck para ito’y magising. Hindi naman ako nagkamali dahil
iminulat nito ang kanyang mata at ngumiti.
“Wag kang ngingiti-ngiti dyan Jeck, hindi ko pa nakakalimutan ginawa
mong pagtatago sa relasyon nyo ni Kelly!” Bungad ko dito nang maimulat nito ang
kanyang mata, agad namang napalitan ang ngiti nito ng simangot na nang-aasar.
Tok*Tok*Tok
“Kanina pa yang babaeng yan, sino ba yan?” Inis kong sabi kay Jeck
dahil ang ingay-ingay ng pagkatok ng babae sa pinto.
Agad namang tumayo si Jeck sa kanyang kama at binuksan ang pinto.
Mula sa aking kinauupuan ay may maliit na espasyo na makikita mo kung
sino ang papasok at lalabas sa kwarto nito. Pagbukas ng pintuan ay iniluwa nito
ang isang babaeng hindi ko pa nakikilala, maganda, maputi, sobrang kinis ng
muka, maliit ang kanyang ilong na bumagay din sa muka nitong maliit lamang din.
Bagay din ang narinig kong boses kanina sa hitsura nito dahil talagang masasabi
mong maarte o malandi ang isang ito dahil sa suot nitong pek-pek shorts at naka
spaghetti itong pang itaas na kulay pink.
Define sexy? Yan ang nasabi
ko agad sa isip ko nang makita ko ang babaeng kanina pang kumakatok.
“Ate Jen, pasensya na, napasarap ang tulog ko.” Bungad ni Jeck sa
babaeng kanina lamang ay kumakatok.
Ate Jen? Sino siya? May kapatid
pala siyang babae? Sunod-sunod kong tanong sa aking isip.
Dahil double deck ang kama ni Jeck at napakadilim ng kwarto nito’y
hindi siguro ako napansin ng Ate Jen niya, palibhasa kasi ay pagpasok mo sa
pintuan ay ang side ng kama ni Jeck ang makikita mo na napakadaming nakasabit
na pantalon, kaya hindi mo agad makikita kung may tao ba sa kanyang kama.
“Lagi ka namang masarap ang tulog Jeck!” Sa tono ng pananalita nito’y
parang magbarkada lamang ang dalawang nag-uusap. “So, nasaan na ba ang
ipinagmamalaki mong gwapo mong kaibigan?” Sa narinig ko mula sa babaeng
tinatawag niyang ate Jen ay nanlaki ang mata ko. Naikukwento pala ako ni Jeck sa mga kamag-anak niya?
“Shhhh, Ate Jen naman, nakakahiya.” Halos pabulong nitong sabi kay Ate
Jen niya pero may sapat pa din itong lakas para marinig ko. “Ga, may
ipapakilala ako sayo, bihis ka muna, nakakahiya sa bisita.” Sabi nito na lalung
nagpataka sa akin, dahil nakabihis naman ako, naka T-Shirt at Short akong suot.
Sa narinig ko dito’y tumayo nalang ako para magpakita na sa bisita ni
Jeck, alam kong pangit ang itsura ko noon at hindi presentable, dahil bagong
gising lamang ako, pero nang makita ako ng babaeng kausap ni Jeck ay naestatwa
ito sa kanyang kinatatayuan.
“Ate Jen...” Natatawang sabi ni Jeck kay Jen na sinamahan pa nito ng
pagyugyog sa kausap. Ako man din ay natawa sa pinakitang reaksyon ni Jen nang
makita ako nito.
“S.sorry.” Maya-maya’y sabi ni Jen na ang mata ay nakatingin sa akin.
“Okay lang yan, but it’s the first time na may natulala sa akin.”
Natatawa kong balik dito. Sabihin ng mahangin, pero ewan ko ba, para akong
nahipnotismo ng kagandahan ng babaeng kaharap ko ngayon.
“Ooooops, ate Jen, taken na yan.” Biglang singit ni Jeck.
“Ihanap mo din ako ng ganyan Jeck. Please. What are friends for?”
Parang batang sabi nito sa ate Jen niya.
Ehem... Papansin ko sa dalawa, hindi pa kasi ako ipinapakilala nang
maayos ni Jeck, at hindi ko din naman kung paano ko iaaddress si Jen, kung ate
ba o kung Jen lamang dahil hindi ko nga alam kung kamag-anak ba ito ni Jeck.
“Ay, ate Jen, si James, boyfriend ko.” Pagpapakilala sakin ni Jeck na
talaga namang ikinagulat ko. “Ga, si Ate Jen, barkada ko way back my elementary
days.” Pagpapakilala naman ni Jeck sa babae.
Agad kong iniabot ang aking kanang kamay kay Jen. “James Cornejo.” Sabi
ko dito at agad din naman niyang kinuha ang kamay ko’t nakipag-shake hands.
“Jennilyn Mae Santiago.” Pagpapakilala nito sa akin.
“Tama na ang shake hands, nagseselos na ako.” Papansin ni Jeck nang
mapansin siguro nitong medyo matagal na naming hawak ni Jen ang isa’t-isang
kamay. “Magpapa-prepare lang ako ng breakfast kay yaya, iwan ko muna kayo
diyan.” Pagpapaalam ni Jeck at lumabas na ito ng kanyang kwarto.
“Boyfriend mo si Jeck?” Tanong sakin ni Jen nang makasiguro itong hindi
na maririnig ni Jeck ang tanong nito sa akin.
“O.oo?” Nag-aalangan kong tugon dito, hindi dahil sa gusto ko ang
ganitong klaseng babae pero dahil hindi ko pa siguro alam talaga kung paano
sasagutin ang parang si Kris Aquino nitong pagtatanong.
“Hindi ka sigurado? Siguro gawa-gawa lamang ni Jeck yung sinabi niya
noh?” Nakangiting sabi nito sakin.
Ngumiti nalamang ako dito bilang tugon, nahipnotismo nga siguro ako ng
kagandahan nito.
“Tara, upo muna tayo doon, para naman makapag-usap tayo ng ayos.” Sabi
nito at itinuro ang sofa sa tapat ng TV sa loob ng kwarto ni Jeck.
Sumunod naman ako kaagad sa kanya nang mapansin kong papunta na ito sa
itinuro niyang sofa, nang makaupo kami ay katahimkan lamang ang nangyari.
Parang nagpapakiramdaman sa isa’t-isa.
“’di nga? Boyfriend ka ni Jeck?” Pagbasag ni Jen sa katahimikan.
“Oo nga. May problema ba doon?” Ngayon ay mas sigurado na ako sa aking
sagot dito.
“Oo, kasi lalake kayo parehas, sakin ka nalang.” Nakangiting sabi nito
sa akin.
“Hin...” Sabi ko na naputol sa pagdating ni Jeck.
“Hindi pwede ate Jen, baka gusto mong isupalpal ko sayo yang controller
ng playstation diyan sa TV!!” Si Jeck na ang sumagot sa sinabi ni Jen at
kumalong ito sa aking kaliwang hita.
“Ang taray! Sige na, kayo na!” Eksaheradang sabi ni Jen na tinawanan
lamang namin ni Jeck. Lumabas ito ng kwarto, napikon ata.
Walk-out queen? Natatawa ko
pa ding komento sa aking utak, para kasing nagkaron ako ng katambal sa aking
utak, walk-out king kasi ang bansag sa akin ng aking mga kabarkadang sila
Paeng.
“Thank you, Ga, for telling the truth kay Jen, akala ko kasi magsisinungaling
ka dahil lang sa ganda niya.” Sabi ni Jeck sa akin na sinamahan pa nito ng
paghalik-halik sa aking pisngi.
“Type ko siya actually.” Sabi ko dito, hindi ko naman talaga type si
Jen, gusto ko lamang pikunin si Jeck.
“Talaga? Gusto mo kayo nalang?” Tampong tugon sakin ni Jeck.
“Kung papayag ka eh, why not?” Pang-aasar ko pang lalo kay Jeck.
“Sige, kayo nalang!” Asar na wika ni Jeck. Tumalikod pa itong parang
bata sa akin.
Dahil sa kanyang ginawa ay tumayo ako at lumabas sa kwarto para hanapin
si Jen. Gusto ko pang lalung asarin si Jeck para malaman niya kung anong
mangyayari sa relasyon naming kung lolokohin niyang muli ako. Agad ko namang
nakita si Jen na nakaupo sa sofa nila Jeck, may hawak itong magazine, at kung
titingnan mo ang muka ay hindi ito maipinta. Halatang napikon sa sinabi kanina
ni Jeck. Napagdesisyonan kong tabihan ito para na din kahit papano’y mawala ang
pagkapikon nito.
“Jen, are you okay?” Agad kong tanong dito nang makaupo ako sa tabi
niya.
Tumingin lamag ito sa akin at ibinalik agad ang kanyang tingin sa
magazine. Hala, napikon nga ata kay Jeck.
Hindi ko napigilang masabi sa aking utak.
“Jen, wag ka na mapikon, ganun lang talaga yung si Jeck, mas kilala mo
naman ‘yun kesa sakin diba? Mas matagal kayong magkakilala.” Pag-aalo ko dito
na sinamahan ko pa ng paghaplos-haplos ng likod nito.
“Sino ba namang hindi mapipikon sa pangbabara niyang boyfriend mo?
Nakakainis!” Inis na wika nito sa akin.
“Nagbibiro lang naman ako eh. Bati na Ate Jen.” Biglang singit ni Jeck
sa aming usapan, hindi ko namalayan na lumabas na pala ito ng kwarto niya.
“Nice meeting you James, alis na muna ako, baka kung ano pa magawa ko
sa BF mo!” Halata sa boses nitong inis na inis sa ginawa ng kaibigan niya.
Mabilis itong lumabas ng bahay at nagdabog pa sa pagsasara ng pinto nila Jeck.
Pagkatapos kumain ay nagbihis lamang ako at umalis na sa bahay nila
Jeck, kailangan ko nang makauwi sa bahay at maabutan sila daddy bago sila
umalis, may out of town trip nanaman kasi sila ni mommy at again, mag-isa
nanaman ako sa bahay.
Nagmamaneho ako pauwi sa bahay nang biglang magring ang CP ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero hindi nakarehistro sa phonebook ko
kung sino ito kaya minarapat ko nalang na sagutin.
“Hello?” Pagsagot ko sa kung sino mang tumatawag.
“It’s Zekiel. Nandito ako sa bahay ninyo ngayon. Nasan ka?” Tila
masiglang pagsagot ng taong tumatawag na napag-alaman kong si Jeck.
“Oy, zekiel! Buti napatawag ka, pauwi palang ako d’yan. 15 mins siguro,
nandiyan na ko.”
“Ahh, sige-sige, hintayin nalang kita dito.” Sabi nito’t pinutol na ang
linya.
Nagmadali na ako pauwi sa bahay, hindi dahil excited akong makita si
Zekiel kundi dahil baka masabi nito na nakita niya kami kagabi sa Lucidel. Wala
pang 15 mins ay nasa bahay na ako.
Nang makapasok ako sa bahay ay nakita kong masayang nag-uusap si daddy
at si Zekiel, kauntiang nawala ang kaba ko sa kung ano mang sinabi nito kay
daddy. Nang mapansin ako ni Daddy ay agad itong tumayo at lumapit sa akin.
“Nakilala mo na pala itong anak ni Pareng Ramil.” Agad na salubong
sakin ni Daddy.
“Opo, nung pinapunta ninyo ako sa surprise outing namin nila Paeng.
Sila ni Mang Ramil ang tumulong sakin na makarating doon sa maria paz.” Bibong
tugon ko namang balik dito.
“Naikwento nga sakin ni Zekiel. Samahan mo munang kumuha ng gamit si
Zekiel sa kanila, dito ko muna ito papatulugin habang wala ang ate mo, uuwi
naman na iyon sa makalawa. Para lang may kasama ka dito.” Sabi sakin ni Daddy.
Nagtataka man ay sinunod ko nalang si daddy para wala nang usapan pa.
Sinamahan ko si Zekiel sa kanilang bahay para makakuha ito ng gamit. Pagkatapos
nito’y agad na din kaming bumalik sa bahay. Nang makabalik kami sa bahay ay
saktong paalis na sila daddy. Kaunting paalaman lamang ang naganap at umalis na
ang mga ito.
Pumasok naman na kami ni Zekiel sa loob ng bahay.
“Kumain ka na ba ng breakfast?” Agad kong tanong dito.
“Yup, ikaw ba?” Balik-tanong nito sa akin.
“Oo, kanina pa. By the way, ano pala pinag-usapan ninyo ni daddy
kanina?” Pag-uusisa ko.
“Wala naman, tungkol lang sa mga nangyari sa pamilya namin. Kinakamusta
niya si Papa.” Sabi nito at magsasalita na ulit ako pero agad ding nagsalita
ito. “Kung iniisip mong sinabi ko yung nakita ko kagabi, hindi ako ganon.”
Nakangiting dugtong nito.
“Ahm, thanks. Mamaya, papapuntahin ko dito si Jeck, para naman
magkakilala kayo ng ayos. Akyat muna ako, kailangan ko nang maligo at ang
lagkit na ng pakiramdam ko.” Sabi ko dito at agad na akong nagpunta sa aking
kwarto.
“Boyfriend mo si Jeck?” Mula sa kawalan ay biglang tanong sakin ni
Zekiel.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para tawagin si
Zekiel upang maayos nito ang kanyang gamit sa aking kwarto. At kung gusto nitong
magbihis at maligo ay magawa nito.
“Ah. Eh. Pano mo naman nasabi?” Nag-aalangan kong sagot dito. Hindi ko
alam kung dapat ko bang sabihin kay Zekiel ang totoo. Hindi ko pa naman kasi
ito ganoon kakilala. Sa sinabi ko naman ay bigla itong natawa.
“Don’t be serious James. Nagbibiro lang ako.” Siguro ay palusot nito.
“Buti naman. Kinabahan ako sa tanong mo ah!”
“Kinabahan? Bakit? May tinatago ka ba?” Sabi nito habang inilalabas
niya ang kanyang gamit mula sa kanyang bag.
“W.wala naman.” Medyo kinakabahan kong sabi dito. “Sige, baba muna ako,
mamaya parating na din si Jeck, baba ka nalang pag tapos ka na.” Agad kong
dugtong dito at lumabas na ako ng kwarto.
Dumiretso ako sa sala at nagbukas ng TV. Maya-maya’y nakita ko nang
bumaba si Zekiel sa hagdan at pumunta sa akin. Tumabi ito sa pagkakaupo ko sa
sofa.
Walang imikan, tanging ang ingay lamang na nanggagaling sa TV ang
maririnig mo sa buong sala. Paminsan-minsan ay tumatawa kami dahil sa
pinapanood namin.
Habang nanunuod ng TV ay hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi ni
Zekiel. At sa tuwing gagawin ko ito’y nahuhuli ko itong nakatingin sa akin.
Parang tuwang-tuwa ang mga mata nito ayon sa nababasa ko sa kanya, hindi ko
lang alam kung dahil bas a pinapanood namin. O dahil... Ah basta, ewan.
“James.” Pagtawag pansin nito sa akin.
“Yup?” Balik ko naman dito.
“Ah. Eh. Kasi.” Sabi nito at tumigil pansamantala sa pagsasalita.
“Osige, ganito nalang, pano kung may kaibigan kang may gusto sayo? Papansinin
mo pa din ba siya?”
“Depende.” Matipid kong tugon dito at ibinalik ang sarili sa panonood
ng TV.
“Depende saan?”
“Depende kung may nagawa siyang mali sakin, hindi na syempre. Pero kung
may gusto lang naman at kaibigan ko siya, bakit naman hindi ko na siya papansinin?”
Paliwanag ko dito na sinamahan ko pa ng pagtaas-baba ng aking kilay. “Siguro
in-love ka noh? Congrats Pare. Ligawan mo na!”
“Hindi ko pwedeng ligawan eh. May mahal yata siyang iba.” Parang
dismayadong sagot nito sa akin.
“Pano mo naman masisiguro na may mahal siyang iba if you will not make
your move?”
“Hindi pwede eh. Tsaka kakikilala palang namin.” Napayuko nalang ito sa
kanyang sinasabi.
“Yun nga ang maganda ih. Yung tipong kakikilala nyo pa lang, tapos
liligawan mo siya, tapos tapos, pag hindi naging okay, eh parang baliwala lang,
kasi hindi mo naman siya kaibigan talaga?”
“Hindi kasi ganoon kadali ‘yon James. Kaibi...”
Tok*Tok*Tok
“Teka, si Jeck na yata yan. Check ko lang.” Agad kong pagpapaalam kay
Zekiel, hindi na nito nadugtungan pa ang kanyang sasabihin.
Nang buksan ko ang pintuan ay bumalandra sa akin ang imahe ni Jeck,
naka board shorts lamang ito at naka-fit na sando na talaga namang bumagay sa
kanyang katawan.
Hahalik sana si Jeck sa akin pero agad ko itong pinigilan at sumenyas
na may tao sa loob gamit ang aking mata. Agad naman itong tiningnan ni Jeck
kung sino at nagbigay sakin ng nagtatakang tingin.
“Ah. Jeck, si Zekiel, nameet mo na siya kagabi remember?” Pagpapaalala
ko kay Jeck na nakita na naming si Zekiel kagabi sa Lucidel.
“Ahh, oo, now I remember. Jeck pare.” Sabi ni Jeck at iniabot nito ang
kanyang kamay kay Zekiel.
“Zekiel Palacio Pare.” Sabi nito’t iniabot ang kanyang kamay kay Jeck.
Matapos magkakilanlan ng dalawa ay dumiretso si Jeck sa kusina.
“Sobrang welcome na niya dito?” Pag-uusisa ni Zekiel.
“Oo, magkaibigan kasi ang nanay niya at si daddy, tapos, kami naman ay
parang magbestfriend na.”
Magbestfriend??? Agad kontra ng
isang parte ng aking isipan.
“Ahh, kaya pala. Sana ako din maging ganon ka close kay tito.” Sabi
nito.
“You want ice cream guys?” Agad na singit ni Jeck sa usapan namin ni
Zekiel.
Lumapit sa amin si Jeck dala-dala ang ice cream, dalawang taza at
dalawang kutsara. Iniabot sa akin ni Jeck ang isang taza na may nakalagay nang
ice cream habang ang isa naman ay lalagyan palang nito. Ang buong akala ko ay
para kay Zekiel ang isa pero nagkamali ako, dahil nang matapos niya itong
lagyan ng ice cream ay tumayo ito at lumayo sa amin.
“Ay Pare, pasensya na, kuha ka nalang sa kusina ng taza at kutsara mo.
Nakalimutan ko kasi na may kasama pala si James dito.” Sa tono ng pananalita ni
Jeck ay parang nag-aasar lamang ito. At hindi ko ito nagugustuhan kaya hinila
ko ito papunta sa garden.
“Anong ginagawa mo? Inaasar mo ba si Zekiel? Eh kung isumbong tayo
niyan kay daddy? Eh di parehas tayong patay!” Asar kong sabi kay Jeck nang
makarating kami sa garden.
“Eh bakit ba kasi nandito yan? Eh dati-dati naman, pag nag-o-out of
town sila daddy, ako ang pinapapunta dito. Bakit ngayon si Zekiel na?”
“Eh kasi po, nandito siya kanina nung dumating ako, nagkausap naman
sila ni daddy, kaya ayon, siguro ay sa kanya muna ako inihabilin ni daddy
habang wala sila. And besides, parating na si Ate Lyn sa makalawa.” Marahan
kong paliwanag kay Jeck.
“Kahit na! Dapat ako pa din ang pinatawag ni daddy, eh kung may masama
palang balak yan sayo?”
“Teka nga Jeck, nagseselos ka ba? Sa tono kasi ng pananalita mo parang
eh!”
“Hindi ako nagseselos noh!” (Alam nyo yung maitim na tao? Tapos biglang
namula? Halatang-halata sa kanya ang pamumula kahit na maitim siya. Hihihi.)
“Hindi daw, eh bakit ka namumula?”
“Hindi nga! Ang kulit neto!” Pikon nitong sabi tugon sa akin na
tinawanan ko nalang. Ngayon ko lang ito nakitang magselos. Parang bata lang.
Nagwalk out ito matapos ko itong tawanan.
“Hoy Mr. Walk-out, wag kang pakigaya ng title, akin lang ang walk-out
king!” Natatawa kong pang-aasar pa lalo dito. “Mag-ice cream ka nalang para
lumamig yang ulo mo!” Dugtong ko pang pang-aasar dito.
“Ewan ko sayo! Bahala ka!” At tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
“Kung nagseselos siya dahil nandito ko, aalis nalang ako James.”
Biglang sulpot ni Zekiel, hindi ko alam kung saan ito nang galing.
“Kanina ka pa diyan?” Agad kong tanong dito na sinagot lamang niya ng
tango. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil baka narinig niya ang
pinag-uusapan namin ni Jeck.
“Pagpasensyahan mo nalang yang si Jeck, baka hindi maganda ang gising.
Wag kang aalis, tatawag sila daddy dito mamaya para i-check tayo kung nandito
tayo.”
“Eh kung ako lang magiging dahilan ng pag-aaway ninyo ni Jeck, aalis
nalang ako.”
“Naku, hayaan mo nalang ang isang ‘yan, masasanay ka din diyan.”
“Nagseselos ba siya sakin?” Walang ano-ano’y biglang tinanong ni Zekiel
sakin.
Hala, patay ka, narinig nga yata
niya. Banta ng isang parte ng isip ko.
“Pano mo naman nasabi?” Eto nanaman ako, nawawala sa sirkulasyon.
Pabigla-bigla kasi ng pagtatanong itong si Zekiel eh!
“Halata naman kasi sa kanya eh. Kayo ba?”
“Ah. Eh...”
“Oo. Kami. May angal ka?” Maangas na singit ni Jeck.
“Wala naman pare. Nagtatanong lang.” Parang maamong tuta namang tugon
ni Zekiel kay Jeck. “Uso din pala ang ganyang relasyon dito? Akala ko kasi
samin lang eh.” Dugtong pa nito.
“Iwan ko nga muna kayo! Pag kayo, hindi pa nagkaayos, ako ang aalis
dito!” Inis kong wika sa dalawa at umalis na ako sa garden. Nagpunta ako sa
kwarto ko para na din makapag-usap ng ayos ang dalawa.
...itutuloy...
and off course another great chapter for "can this be love"..
TumugonBurahinwhoooo! walk-out king... hahaha ikaw na
ikaw na ang pinag-aagawan hahaha
next na yan Mr. James Cornejo!
:D
٩(-̮̮̃-̃)۶ ٩(-̮̮̃•̃)۶ ٩(×̯×)۶
TumugonBurahin