By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
Paunawa:
Ang storyang ito ay hango sa tunay na buhay, ngunit para protektahan ang mga tao sa kaguluhan ay minabuti kong palitan ang mga pangalan.
Sana po ay magustuhan ninyo ang aking akda.
Thanks po sa mga nagcocomments, keep the comments coming guys.,ü
Para naman dun sa mga silent readers, comment din kayo, nakakataba ng puso ng mga writers ang inyong comments, sana po ay magawan ninyo ng paraan na makapagcomment.,ü
I promise na sa lahat ng nagcocomment dito, sa katapusan ng first story ko, babanggitin ko lahat ng pangalan ninyo para makapagpasalamat.,ü sana po ay ganoon din ang suportang ibigay ninyo sa susunod kong story.
(Lahat po ng isusulat ko ay totoong nangyari sa aking buhay. Gusto ko lang po ishare para naman bago man lang ako MATALI ay nailabas ko ang tunay na saloobin ko sa aking buhay.)
"Ano pare, balak mo bukas?" sabi ni paeng matapos ang meeting kanina kay mrs. Vergara.
"Yun na nga eh, wala pa. hai..." sagot kong parang nalugi. "ano ba dapat kong gawin? nakalimutan ko na kasi eh, dapat kasi hindi nalang ako ang naging president, hindi naman ako ganon karesponsable!"
"Ano ka ba, okay lang yan, kanta ka nalang." sabi ni Mike sabay tawa.
"Sige, mangasar ka pa!" tanggol naman sakin ni RJ.
"Yun oh, sweet talaga nung magbestfriend" sabi naman ni BJ na tinawanan lang naming lahat. Lingid pa din sa kaalaman ng mga ito na hindi nalang magbestfriend ang turingan namin ni RJ maliban lang kay BJ at Ondoy.
"osige, kakanta ako, pero wala naman ako minus one..." sabi ko na may pagaalinlangan.
"Ako nalang tutugtog!" prisinta ni RJ. "Maalam naman ako maggitara eh. Pwede na siguro yon."
"Pwede naman. kaso, wala ka naman ata electric guitar. Tsaka ano kakantahin ko?" nagpapanic ko nang sabi.
"Kami na bahala dun, gusto nga din namin tumugtog eh, kaso, baka walang drum set doon." si Mike.
"Isang araw nalang, wala ng oras magpractice, tagal na natin hindi tumutugtog, 1 taon na din yon!" si BJ.
"Wag ka nga kontra jan, napakanegative mo naman tol, kaya yan." sabi naman ni Paeng.
"osige, ganito nalang, mamili ka nalang ng kanta mo, ngayon na! kami na bahala sa tugtog mo!" si Mike ulit. "teka, pano si Ondoy? wala tayong bahista, hindi naman ata pwedeng magimport from other section!"
"hala! wag na, kami nalang ni RJ! accoustic nalang. gitara lang naman ang kailangan ko para makakanta, baka magkalat pa tayo dun! kahit yung beauty and madness nalang kantahin ko, kaya ko na yun." sabi ko.
"Talagang para hindi kami makasingit eh, yung pang accoustic nalang ang pinili oh!" biglang sabi ni Ondoy mula sa aking likuran.
"ONDOY!!!! pare, ano balita!?" si Mike.
"Makapagreact lang eh oh, hoi mike, wag kang OA, magkakasama lang tayo kahapon!"
basag naman ni BJ kay Mike at nagtawanan sila, ako naman ay hindi maka sabay sa kanila ng tawa dahil namomroblema pa din ako para bukas.
Natapos ang klase namin maghapon at wala pa din pagbabago ang mood ko, problemado pa din ako dahil sa pagsisinungaling ko kanina kung sana sinabi ko na ang totoo kanina kay mrs. vergara kanina, edi wala ako problema ngayon! kaso sobrang magalit naman yon! waaaaah pano ba to!!!!! sigaw ko sa aking isip.
"easy ka lang ikie, tutulungan kita, kahit mapahiya na tayo dun, ang mahalaga, magkasama tayo." si RJ.
"ikie naman ih, syempre, ayoko naman po mapahiya dun, buong highschool department nandun. pano ba to?"
"Yun na nga lang beauty and madness ang kantahin mo, kaya ko naman sa gitara yun eh. ako pa." medyo mahanging sabi ni RJ.
"oo na, sige na, ikaw na ang magaling maggitara, ano hindi man lang ba tayo magppraktis ikie?" asar kong sabi dito na nginisian lang nito.
"tara sa bahay, dun tayo magpractice."
"Ayoko dun ikie, namimiss ko na ang ilog, dun tayo." sabi ko na tinanguan lang nito.
Pumunta muna kami sa kanila para kunin ang gitara niya at dumiretso na sa ilog para makapagpractice.
"Oh game na." sabi ko ng makahanap kami ng magandang pwesto sa ilog.
Agad naman tinipa ni RJ ang kanyang gitara...
Over there, just beneath the moon
There's a man with a burden to keep
No sleep will fall washouts rags 'n' paperbags
Home and life passing by
Nasa unang parte palang ako ng kanta ay biglang tumigil ng pagtipa si RJ.
"Oh, bakit? may problema ba?" tanong ko.
"wala naman... namiss ko lang yang boses mo... tagal mo na kasi hindi kumakanta ih..." sabi nito sabay ngiti.
"bakit? mali ba tono ko?" medyo nagpapanic ko ng tanong. "Ikie naman, sabihin mo kung may mali, kinakabahan na ko eh..." sabi kong parang bata.
"wala naman mali eh, ang ganda nga, kakakilig.. para sakin ba yun?" sagot nitong nagmustra pa na parang kinikilig nga ang kumag.
"nako, practice na tayo, puro ka bola jan eh!"
"yes boss!" magiliw nitong sabi sabay tipa ulit ng intro ng kanta.
Nakatatlong pasada lang kami at inayos ng kaunti ang sarili. Tumambay muna kami ng ilang minuto sa tabing ilog, nanigarilyo, nagharutan at kung ano ano pa.
"Ikie, sana ganito na tayo habangbuhay noh..." sabi ni RJ sakin.
"do you really believe sa habang buhay ikie?" medyo may pagkakontra bida kong sabi.
"oo naman, bakit?"
"wala naman, in my past history, para kasing ang hirap na maniwala sa salitang forever." sabi ko habang nakatingin sa malayo.
Tumayo naman si RJ at pumunta sa aking likuran. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabing "Ikie, hayaan mo lang akong gawin lahat ng gusto kong gawin sayo, we will discover the word forever in every ways. Basta tulungan mo lang ako, at wag kang bibitiw ikie. I Love you." sabay halik sa aking mga pisngi.
Humarap naman ako dito at "opo ikie, sabi mo yan huh, aasahan ko yan.. I Love You too ikie" sabi ko dito at binigyan siya ng isang halik na punong puno ng pagmamahal.
Naglabanan kami ng aming halikan, labi sa labi, dila sa dila. kung saan saan na din dumadapo ang aming mga kamay, himas dito himas doon. Wala kaming ikinakahiya sa ginagawa namin dahil alam naman namin na walang pupunta dito, at hindi na din napunta dito ang aming mga barkada.
Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang mga kamay sa may bandang pwet ko, iyon ang naging dahilan para magising ang aking ulirat at napatigil sa pag halik sa kanya. "Sorry ikie, hindi pa ako ready na maulit yung nangyari satin.." sabi ko dito.
Ngumiti naman ito sa akin at "okay lang ikie, sabi ko naman maghihintay ako diba. I Love You Ikie."
"Salamat ikie, I Love You too." sagot ko dito at ginwaran ulit siya ng halik, pero smock lang.
Umuwi na kami sa aming sarisariling bahay, kumain lang ako ng hapunan at dumiretso na sa kwarto ko, naglinis ng katawan at humiga na ulit sa aking kama.
ikie, aasahan ko yung sinabi mo, sana wag mo ako biguin, handa ko nang ibigay sayo ang lahat, basta wag ka lang mawawala sakin. sabi ko sa aking isip sabay gumuhit ang isang ngiti sa aking muka.
kinuha ko ang mobile phone ko at tinext siya. "Ikie, salamat kanina ah, sana okay ang kanta bukas. I Love You Ikie, Good Night."
"sabi ko naman sayo diba, kung mapapahiya ka, kasama mo ako, kaya wag kang magalala. I Love You Too ikie, Good Night." tugon naman nito sa aking tinext sa kanya.
Nakatulog nalang akong may ngiti sa aking mga labi.