By: Eusethadeus
“Hi, Babe.
Happy Monthsary!” Usal ng isang babae habang pilit ko pang inaarok kung sino ba
ang nagsasalita.
“Happy
Monthsary din, Babe.” Sambit naman ng isang pamilyar na boses ng lalake.
Namulatan ko
nalang ang sarili kong nasa isang kilalang restaurant dito sa Biñan na matamang
pinapakinggan ang usapan ni R-Kei at ni Missy. Nagsimulang mamuo ang mga luha
sa aking mga mata, kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagregudon ng aking puso
na animo’y tinutuhog ng kung anu-anong panusok.
Kahit na ako’y
nasasaktan ay pilit ko pa ring pinapakinggan ang mga pinag-uusapan ng dalawa
dahil na rin gusto kong malaman ang katotohanan sa pagitan nila. Kahit na
masakit ay pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili para hindi na ako
makagawa pa ng kahit na ano mang eksena.
Masakit na malaman mo na may kalaguyong iba
ang taong minamahal mo, pero ang mapakinggan pa ang katotohanan na sa bibig
mismo nila nanggagaling ang lahat ng ito. Pero ano bang magagawa mo? Eh bakla
ka lang, dapat nga maging masaya ka pa eh, kasi kayo pa rin at hindi ka nya
iniiwan ng boyfriend mo kahit na may kalaguyong babae ‘yan, naipapakita pa rin
niya sayo na mahal ka niya.
“Kaylan mo
ba balak sabihin kay Lenard ang tungkol sa’tin, babe?” Ang narinig ko pang
sinabi ni Missy kay R-Kei.
Those words
of Missy, ‘yon ang naging dahilan ng pagbuhos ng todo ng aking mga luha,
masagana’t matatabang luha mula sa aking mga mata.
“Just give
me time, aayusin ko muna ang sa amin, alam kong mahal na mahal ako ni Lenard,
hindi ko naman pwedeng iwan nalang siya basta-basta.” As if he is assuring
Missy na sasabihin nga sa akin nito ang tungkol sa kanila at sa kalaunan ay
makikipaghiwalay ito sa akin.
Doon na din
tuluyang kumawala ang aking mga luha kasabay ang isang atungal na gumambala sa
mga kalapit na mga table sa kinauupuan nila R-Kei at Missy, ito rin ang naging
dahilan ng pagtingin sa akin ng mga tao kasama na doon sina R-Kei at Missy.
“Babe?”
“Babe!”
“Babe,
gising.”
Nagising
nalang ako dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni R-Kei, isang panaginip
lamang pala ang aking nasaksihan, pero parang totoo ang mga nangyari. Hindi ko
tuloy maiwasang mag-isip.
“Babe, gusto
mo ng tubig?” Narinig ko pang tanong sa akin ni R-Kei na tanging tango lamang
ang aking naging pagtugon.
Agad itong
tumalima palabas ng aking kwarto para ikuha ako ng tubig, ako naman ay naiwan
lamang sa aking kama nang biglang may pumatak na luha mula sa aking mga mata.
Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng kahit anong kirot sa aking mga
nasaksihan. Lalo na ang katotohanang ako’y isa lamang hamak na bakla at kahit
na anong oras ay pwedeng-pwedeng ipagpalit sa iba.
That fact
reminds me of what Echo did to me, after he had the spotlight. He left me empty
handed dahil na rin mas pinili nito ang kanyang kasikatan over me. We all have
a choice, and this time, my choice is not to let go. At ipaglalaban ko kung ano
ang nararapat para sa akin. At ‘yon ay si R-Kei.
Nang makita
ko si R-Kei na papasok na ng aking kwarto ay mabilis pa sa alas’kwatro kong
pinahid ang mga luha mula sa aking pisngi.
“Tahan na,
Babe, it was just a bad dream.” Paglalambing sa nito sa akin.
Beks, I have a surprise for you. Gora kayey
dtei sa nyarlor kis, may ipapasight akira sa inyis. Ijoma mir si anechiwa mir
at si anes. Okay? See you latur... Text sa akin ni Feona.
Dalawang
araw matapos ang masamang panaginip ko’y naging mailap ako sa mga tao, lalong-lalo
na sa mga taong gustong lumapit kay R-Kei. Napapansin ito ng aking mga kasama
sa banda, ni Genina at ni R-Kei, pero hindi ko sila binibigyan ng pagkakataong
matanong ako kung bakit ko ito ginagawa.
Kahit sa mga
simpleng lakad ni R-Kei ay palagi akong sumasama, kung maaari nga lamang na
pati sa kanila ay sasama ako’t doon na matutulog para lang mabantayan ito’y
gagawin ko. Hinahayaan naman ako ni R-Kei na gawin ito kahit na ako sa sarili
ko’y alam kong nakakasakal kung sa akin gagawin ang bagay na ito.
Agad ko rin
namang sinabi kay Genina at kay R-Kei ang lakad na ti-next sa akin ni Feona,
noong una’y nag-aalangan pang sumama si R-Kei ngunit napilit ko rin ito.
Um-attend muna kami sa aming klase sa araw na ‘yon, naging nakakapagod man ang aming
klase ay hindi naman ito naging hadlang para mapuntahan namin ang mga dapat
naming puntahan sa araw na ‘yon. At ang huli nga ay ang surpresa daw ni Feona.
Kasalukuyan
kaming naglalakad sa mall na kinatatayuan ng salon ni Feona nang mapansin kong
medyo balisa si R-Kei.
“Babe, may
problema ba?” Tanong ko rito.
“Ah, eh,
wala naman. Iniisip ko lang ‘yung quiz natin bukas.” Malamang ay palusot lamang
nito ‘yon dahil na rin pagala-gala ang mga mata nito at nakatingin sa mga taong
nakakasalubong namin.
“Are you
expecting someone, papa R-Kei?” Singit naman ni Genina.
“W.wala.” Tugon naman nito rito na para bang may
itinatago sa amin.
“Don’t mind
him, Beshy. Mahaba ‘yung quiz natin bukas, alam mo naman ‘yan, gusto lagi
almost perfect.” Pagsakay ko kunyari sa mga palusot nito para lang hindi masira
ang araw namin pare-pareho.
“Eto pala ‘yung
pagupitan nung kaibigan n’yo eh. Pasok na kayo.” Si R-Kei.
“Anu ka ba,
babe? Dapat kasama ka, diba napag-usapan na natin ‘to.” Tugon ko naman dito sa
malandi kong boses.
Pumayag
naman din ito kaagad at agad na sumama sa loob ng salon ni Feona. Pagkapasok na
pagkapasok namin ay agaw pansin agad ang isang malaking lugar sa naturang salon
na nakatakip ng kulay pulang malaking tela.
Sinalubong
naman kami ni Feona ng maayos, nakangiti ito at nakipagbeso pa sa amin ni
Feona. Waring lalapit pa it okay R-Kei nang mabilis ko itong napigilan.
“Ooops, off
limits ka d’yan, Neng.” Nakangiting sabi naman ni Genina dito. “’yan ang jowa
oh, bukas na ang landi.” Natatawang dagdag pa nito.
“Ay, oo nga
pala, boyfriend mo nga pala ‘to, Beks.” Nakangiting biro naman nito sa akin. “Oh
eh ano pang ginagawa n’yo dito? Wala naman pala kayong dalang lalake para sa
akin?”
“May sinabi
ka bang magdala kami ng boys?” Natatawa ko namang biro dito. “Edi sana isinama
ko pa ‘yung mga kasama namin sa banda dito.”
“Oh, eh
bakit hindi n’yo isinama? Panira naman kayo ng araw oh!” Parang seryosong tugon
naman ni Feona sa amin.
“Wala ka nga
kasing sinabi!” Si Genina.
“Instinct ‘yon,
neng. Beki rin akir, dapat knowledge n’yo na ‘yun!” Usal naman nito sa amin na
akala namin ay seryoso na.
Marahil ay
hindi na rin nito mapigilan ang matawa, dahil na rin siguro sa takot na
rumehistro sa aming mga mukha. Eksahiradang tawa ang ipinakita nito sa amin na
hindi na rin namin napigilan na sabayan.
“Neng, eto
talaga business natin dito ngayon.” Umpisa ni Feona sa amin habang papalapit
siya sa nauna ko nang mapansin na pulang tela sa isang parte ng salon na ‘yon. “Akala
ko kasi matatagalan pa ang pagpapagawa ko dito, kaso nung pinakita ko sa iba
kong customer ‘yong picture na kinuha ko sayo, parang gusto na daw nilang
makitang nakadisplay to dito sa salon ko, kaya mabilis ko nang ipinagawa.”
Mahabang paliwanag pa nito sa amin habang hindi pa nito naibababa ang telang
nakataklob sa sinasabi nito.
“Ipakita mo
na, neng.” Sigaw naman ni Genina habang ako naman ay parang tangang naghihintay
lamang sa ipapakita nito sa amin.
“Excited
lang? Pwedeng konting suspense muna?” Natatawang turan naman nito kay Genina.
“Oo, tingnan
mo nga si Beshy oh, hinihintay ka nang ibaba ‘yang picture nya.” Sambit naman
ni Genina dito.
Bago ko pa
man tingnan ang pagbababa ni Feona ng tela ay tiningnan ko muna si R-Kei dahil
kanina ko pang hindi naririnig ang boses nito. Nang malingunan ko ito’y
nakatingin nanaman ito sa labas na animo’y hindi mapakaling baka may sumusunod
sa kanya.
“Babe, okay
ka lang ba talaga?” Nag-aalala ko nang tanong dito habang hinihimas ang kanyang
hita.
“Oo, teka
lang babe ah, punta lang ako saglit sa CR.” Pagpapaalam nito sa akin at agad
nang tumalima palabas ng naturang salon.
Nang
makalabas na ito’y ipinakita na sa amin ni Feona ang tarpaulin na ipinagawa
nito, gusto ko sana itong biruin na saan n’ya ipinaayos ang aking mukha dahil
napakakinis nito, pero nang makita ko ang mukha nito’y parang may seryoso itong
gustong pag-usapan. Kaya hinintay ko nalang itong siya mismo ang magbasag ng
katahimikang nabuo matapos ang kamanghaan na ipinakita namin ni Genina habang
tinitingnan ang picture ko sa tarpaulin.
“Neng, may
problema ba kayo ng boyfriend mo?” Tanong nito sa akin na talaga namang
ikinagulat ko.
“Wala naman,
bakit?” Tugon ko rito.
“Eh bakit
kanina pang hindi mapakali ‘yung isang ‘yon. Pagkarating n’yo pa lang dito,
hindi na maipinta ang mukha.”
“Actually,
Neng, hindi lang ikaw ang nakapansin. Kami din.” Singit naman ni Genina. “Ano
nga bang problema ni fafa R-Kei, Beshy? Baka naman masyado nang nasasakal sayo?”
“Hindi n’yo
naman ako masisisi kung bakit ko ginagawa ‘yon sa kanya eh, masyado lang akong
natatakot siguro na mawala s’ya sakin.” Pagsasabi ko sa mga ito ng totoo.
“Neng, h’wag
mong pangunahan ang mga mangyayari, minsan nakakasama sa relasyon ‘yang
paghihigpit sa boyfriend, lalo na sa kaso natin. Bakla lang tayo at walang
karapatang magdemand.” Si Feona.
“Walang karapatang
magdemand? Bakit? Porke ba bakla tayo, dapat sunod-sunuran lang tayo sa kanila?
In the first place, hindi ko naman dapat siya boyfriend kung hindi lang dahil
sa mapangahas niyang pagsugal na aminin sa akin na gusto nya rin ako. Alam ‘yan
lahat ni beshy.”
“Alam ko
naman ‘yon, neng. Ang akin lang, h’wag kang masyadong demanding, in the first
place din, being R-Kei’s jowa, dapat matuwa ka na dun, kasi trophy si R-Kei.
Pero once kasi na nasakal ‘yan, iiwan ka na n’yan.” Sa sinabing ‘yon ni Feona
ay napaisip ako.
Alam ko
namang mali ang ginagawa k okay R-Kei, na dahil lamang sa isang panaginip ay
magkakaganito ako. Marahil ay dahil na rin sa takot, pero mali nga namang
pangunahan ko ang mga mangyayari pa. Malay ko nga naman kasi kung anong
nararamdaman nung isa sa mga ginagawa kong paghihigpit rito.
“Ano, neng?
Na-realize mo na? Mali kasi talagang maghigpit ka, lalo na sa lalake. Ang
lalake ngayon, masyadong mabilis makaramdam ng pagkabagot na minsan, pag
pinaghigpitan mo, lalo pa nilang gagawin ang mga bagay na ayaw mo.” Pangaral
sakin ni Feona.
“Tama s’ya,
Beshy. Alam mo, since nagbago ka ng pakitungo at paghandle ng relasyon ninyo ni
R-Kei, parang lahat na ipinagdamot mo. Don’t get me wrong, Beshy, but what you
are doing is too much, at kahit siguro ako ang boyfriend mo, masasakal din ako.”
Si Genina naman.
Tama naman
talaga sila eh, siguro ay hindi ko lang matanggap sa sarili ko na masyado na
akong nagiging overprotective sa relasyong meron kami ni R-Kei, kaya bago pa
man lumalim ang usapan namin ay agad ko nang iniba ang usapan.
“Maiba ako,
saan mo pala i-di-display ‘yang tarp ko?” Tanong ko kay Feona.
“Sa
apartment mo, para walang matatakot sayo kundi ang mga ipis sa inyo!” Bulyaw
nito sa akin. “Ang bilis ng shifting! Ang galing umiwas, masama ‘yan, neng. Wag
mong iwasan ang problema kung ayaw mong sa huli, magpatong-patong lahat ng
problema mo!” Sabi pa nito sa akin at tumayo ito at tumalikod na sa amin na
animo’y nagalit sa aking iniasta.
“Nasaan nab
a ‘yung boyfriend mo? Ang tagal naman yatang mag-CR nun?” Si Genina naman.
“Teka,
susundan ko na.” Paalam ko naman dito.
Agad kong
tinungo ang daan patungo sa CR ngunit hindi ko man lamang ito nakasalubong,
kaya napagpasyahan kong puntahan na ito sa loob. Ngunit nang makapasok ako ay
walang bakas ni R-Kei o kahit na sinong tao sa loob ng CR ang nandoon kaya
lalong nagregudon ang aking puso sa kaba.
Dali-dali
akong bumalik sa salon na para bang may humahabol sa akin, tiitingnan ang bawat
kasalubong nagbabakasakaling makakasalubong ko ito. Ngunit ako’y bigo, dahil na
rin nasa tapat na ako ng salon ni Feona ay hindi ko manlamang nakita kahit na
ang anino nito.
Nang
makapasok ako sa loob ng salon ay laking gulat ko nang makita ko ito sa loob.
Ang pinakamalapit na CR ay nasa kabilang parte lamang ng building na ito, at
kung baba-ba ka pa ay doon din ang daan mo kung saan makikita ang naturang CR.
Kaya ang laki ng pagtataka ko na hindi ko man lamang ito nakasalubong nang ako’y
papunta sa CR.
“Saan ka
galing, babe?” Ang bungad sa akin ni R-Kei.
“Sa CR,
susundan ka sana, kaso nandito ka na pala.” Inis kong turan dito. “So, I guess we’re
done here right, Feona? Pwede na ba kaming umuwi?” Paalam ko kay Feona na
tinugunan naman nito ng pagtango-tango.
Agad na rin
kaming lumabas ng naturang salon, pero hindi pa man kami nakakalayo sa aming
pinanggalingan ay may nakita na akong isang pamilyar na babae.
“Missy!”
Tawag-pansin ko rito.
Lumingon ito
sa aming kinaroroonan at para bang nakakita pa ito ng multo nang magpagtantong
ako ang tumatawag sa kanya.
Napaka-coincidental naman nito, una sa bar
three days ago, ngayon naman dito sa mall, sinusundan ba kami nitong babaeng ‘to?
O talagang nagkikita lang sila ng boyfriend ko behind my back? Mga kataga
ng aking konsensya nang mapagtantong this is the second time this week na
makita ko ito dito sa Biñan.
Agad kong
tiningnan si R-Kei kung may makikita ba ako ritong reaksyon. Para bang nanlaki
pa ang mata nito nang tawagin ko si Missy.
“Why, babe?
Is there a problem?” Mapang-asar kong tanong dito.
“W.wala
naman, babe.” Nabubulol na tugon naman nito sa akin.
“Missy!”
Baling ko rito. “Nagugutom ako, would you care to join us? Para kasing gusto
kong kumain ngayon ng mga exotic, parang gusto kong kumain ng AHAS. Alam ko may
alam kang makakainan dito diba? Samahan mo naman kami ng BOYFRIEND KO at ni
beshy.” Pasaring ko rito.
“May lakad
pa kasi a...” Hindi na nito natapos pa kung ano man ang sasabihin niya dahil
agad ko na itong hinila papunta sa isang kilalang restaurant sa mall na iyon.
“Ngayon
nalang ulit tayo kakain ng magkasama, tatanggi ka pa ba?” Eksahirada kong
tanong dito.
Wala na nga
siyang nagawa kundi ang magpaubaya sa akin. Agad rin naman kaming nakahanap ng
puwesto sa restaurant na ‘yon at mabilisang naka-order. Tahimik kaming
naghihintay ng aming order habang mataman ko namang inaabangan kung ano ang mga
reaksyon ni R-Kei at ni Missy.
Nagkakatinginan
lamang ang dalawa na animo’y gusto nang umalis ng isa. From this point, I know
there is something going on between them. Pero kahit kailan ay hindi ko
nagustuhan ang confrontation. Hindi ako maalam, at takot ako sa kung ano pa man
ang aking malalaman. Gusto kong umiyak dahil sa mga napapansin ko sa kanilang
dalawa ngunit hindi ko magawa because I don’t want to make a scene.
Alam kong
napapansin ni Beshy na there is a tension in the table kaya siya na mismo ang
bumasag ng katahimikan at pinilit na ibahin ang atmosphere ng lugar. Sa palagay
ko’y naging matagumpay naman ito dahil napatawa nito si R-Kei at si Missy,
ngunit ako itong parang seryoso sa buhay at hindi man lamang nagawang matawa sa
kahit anong sabihin ni Beshy.
Hanggang sa
dumating na ang aming mga in-order.
...itutuloy...
0 comments:
Mag-post ng isang Komento