By: Eusethadeus
LENARD
“May
problema ba?” Untag sa akin ng aking ate habang mataman akong nakatinging sa
kisame ng aking kwarto.
Kanina
pa ako nakapagtext kay R-Kei na ako'y matutulog na ngunit parang may kakaiba
akong nararamdaman sa gabing ito. Parang may hindi tama pero hindi ko ma-arok
kung ano man ito.
Oo't,
hindi ako kumbinsido sa sinabi ni R-Kei na may aasikasuhin lamang daw sila ng
kanyang mga kapatid para sa nalalapit na anniversary ng kanilang mga magulang.
Pero hindi ko na ito nagawa pang tanung-tanungin dahil na rin sa ayaw kong
mag-away nanaman kami dahil kaayos lamang naming kaninang umaga.
“W.wala.”
Maikli't nabubulol kong sagot kay Ate Me-an.
“Wala,
pero hindi ka makapagsalita ng ayod d'yan.” Sabi nito't nakita ko nalang itong
unti-unting lumalapit sa aking hinihigaan. Umupo ito sa aking kama paharap sa
akin. “Mahal ka n'on, Lenard, it is very evident naman eh. Hindi man lahat ng
ginagawa n'ya ay nagugustuhan mo, pero there comes a point na pasasalamatan mo
pa siya dahil ginawa niya ang bagay na 'yon.”
My
sister sounded like she knows something. Para ring nabasa nito ang aking nasa
isipan na lalo lamang nagpagulo ng aking utak kaya sinuklian ko ito ng kunot na
noo at nagtatakang tingin.
“Alam
mo kasi, Lenard. Tayong mga nagmamahal, akala natin lagi tayong talo when it
comes on showing our love. Lagi nating sinasabi na mas higit nating naipapakita
sa kanila kung gano natin sila kamahal. Well that's love, everybody goes
crazy.” Sabi pa nito at natawa muna bago pa niya ipinagpatuloy ang kanyang
litanya. “Pero kasi Lenard, hindi dapat gan'on, hindi dapat natin sinusukat ang
pagmamahal natin para sa kanya, dahil at the end of the day, magkakaron ng
comparison. Which is, 'yon ang nagiging simula ng problema sa isang relasyon.”
Mahabang dugtong pa nito.
“Anong
nakain mo?” Sa halip na gawing seryoso ang sinabi nito.
“Ewan
ko sayo. Parating na sila Jie, mag-iinom daw tayo.” Sagot naman sa akin ni Ate
Me-an na para bang napikon sa itinuran ko.
“San
si R-Kei?” Basag ni Jie sa aking pananahimik.
May
ilang minuto, oras at bote na rin ang naubos namin sa pag-iinom. Napakasaya
nilang magkwentuhan habang ako'y tahimik na nakikinig sa kanilang usapan.
Gustuhin ko mang makihalibilo sa kanila'y hindi ko magawa dahil na rin sa
gumugulo sa utak ko. Katulad nalang ng hindi pagtetext sa akin ni R-Kei at ang
hindi ko malamang lugar kung saan ito pumunta.
“Huh?”
Parang tanga kong tugon dito.
“Sabi
na nga ba hindi ka nakikinig sa pinag-uusapan namin, eh.” Iiling-iling na sabi
nito sa akin. “Sabi ko, nasaan si R-Kei? Bakit hindi mo kasama?” Pag-uulit pa
nito sa tanong n'ya kanina.
“Ahh,
may inaasikaso daw sila ng mga kuya n'ya, malapit na daw kasi ang anniversary
ng nanay at tatay n'ya.”
“Sinong
sinusubukan mong i-convince? Kami o 'yang sarili mo?” Si Drin naman.
Totoo
naman, I sounded like hindi ako sigurado sa sinasabi ko. Kahit ako sa sarili
ko, hindi ako naniniwala. Para kasing may mali, at gusto kong malaman kung ano
man 'yon. Pero pano?
Sa
sinabing 'yon ni Drin ay hindi na ako muling nakaimik pa, hindi ko rin kasi
ma-convince ang sarili kong paniwalaan ang mga sinabing 'yon ni R-Kei. At kung
totoo man 'yon, bakit ako kinakabahan ng ganito?
“Ano
ba kasing nangyari sa inyo, Lenard?” Muling pagbasag ni Jie sa aking
pananahimik.
“W.wala
nga. Kung meron naman sasabihin ko sa inyo, eh. Pero wala talaga.”
Pagsisinungaling ko sa mga ito.
“Teka.”
Pagsingit ng ate ko. “Ano 'yang nasa braso mo, Lenard?” Tanong pa nito habang
ang mga mata nito'y nakapako lamang sa aking braso.
“Alin?”
Tumayo
ito't itinaas ang manggas ng suot kong T-shirt, at doon nila nakita ang
mala-ubeng pasa dahil sa nangyaring panggagahasa sa akin ni Echo may ilang araw
na ang nakakaraan. Agad kong iwinasiwas ang aking mga braso para matanggal ang
pagkakahawak ng ate ko at ito'y aking napagtagumpayan.
“Wala
'yan.” Inis kong turan sa mga ito.
“Wala?”
Lenard, magsabi ka nga ng totoo! Sinasaktan ka ba ni R-Kei!?” Nakasigaw na
tugon sa akin ng ate ko.
“Hindi.”
“Hindi?!
Eh, ano 'yan?!”
“Kung
sinasaktan ako ni R-Kei, ako na mismo ang makikipaghiwalay sa kanya! Hindi ako
kayang kantiin ni R-Kei, kaya 'wag kayong mag-alala!” Niinis kong turan sa mga
ito.
Hindi
ko pwedeng sabihin sa Ate ko at sa mga kabarkada nito ang tunay na nangyari,
dahil kilala ko ang mga ito, at gagawin nila ang lahat para lang makaganti kay
Echo. Ayaw ko na ng mas malaking gulo. Alam kong ang pakikipagbalikan ko kay
R-Kei ay malaking gulo na at ayaw ko nang dagdagan pa 'yon.
“Kung
hindi ka sinasaktan ni R-Kei! Sinong nambugbog sayo!?” Si Ate Me-an ulit.
“Nahulog
ako sa hagdan sa school! Hindi mo ba nabalitaan kina Ma'am Trinidad?”
Pagsisinungaling ko na dito na sinamahan ko pa ng pagngiti para patotohanan ang
aking sinasabi.
Sasabihan
ko nalang si Ma'am Trinidad bukas na kapag nagtanong ang Ate ko, 'yon ang
sabihin. Tutal, close naman kami, mapapakiusapan ko naman na siguro 'yon. Bulong ko sa aking sarili.
“Siguraduhin
mo lang, Lenard!” Sabi nalang ng Ate ko.
“Ayaw
mo pang maniwala? Gusto mo pakita ko pa sayo 'yung iba kong pasa?” Nakangiti
kong pangungumbinsi dito.
“Madami
kang pasa?” Parang tangang singit naman ni Jie.
“Oo,
eto pa oh.” Sabi ko sabay taas ng suot kong shorts para ipakita pa ang iba kong
pasa.
Tiningnan
lamang ako ng ate ko, wari'y inaarok kung totoo ang aking mga sinasabi. Nang
siguro'y mapaniwala ko na ito'y inisang lagok na nito ang tagay na nasa harapan
niya.
“Next
time kasi, mag-iingat. H'wag tatanga-tanga.” Nakangising sabi sa akin ni Jie.
“Lenard.”
Pagtawag pansin sa akin ni Ate Nyebes. “Kanina pa tunog ng tunog 'tong
cellphone mo.”
Agad
ko itong nilapitan at tiningnan kung sino ang tumatawag. “Si Missy.” bulong ko
sa sarili ko.
“Hello?”
Pagsagot ko sa taong nasa kabilang linya.
Hindi
ako nakatamo ng kahit na anong tugon mula sa tumawag sa akin. Ang tanging
naririnig ko lang ay ang mga tawanan ng mga lalaki at mga babae, waring
nagkakasiyahan. Ibababa ko na sana sa pag-aakalang napindot lamang ni Missy ang
kanyang cp.
”R-Kei!”
Ang pumigil sa akin sa pagputol sa linya.
R-Kei?
Si R-Kei ba 'yon. Pero bakit sila magkasama ni Missy? Agad na pumasok sa makulit
kong kokote.
Baka
naman nagkataon lang. Posible naman 'yon diba? Tugon naman ng isang parte ng aking
utak.
“Ano
bang ginagawa mo, R-Kei?” Sabi ng isang babae sa nanlalandi nitong boses. “'wag
d'yan R-Kei. 'wag d'yan!” Natatawang narinig kong sabi pa nito.
“Eh
saan?” Doon nagsimulang maglaho ang lahat, alam kong boses ni R-Kei 'yon at
hindi ako pupwedeng magkamali.
“Tama
na 'yan, Lenard. Lasing ka na.” Narinig kong sabi ni Ate Me-an sa akin habang hinihimas
nito ang likuran ko.
Nang
matapos kong marinig ang halos lahat nang pinag-uusapan ni Missy at R-Kei
hanggang sa maputol ang linya ay dumiretso nang muli ako sa lamesa kung saan
kasalukuyan pa ring nag-iinuman ang aking kapatid kasama ang kanyang mga
kabarkada.
Binilisan
ko ang pag-inom ng alak at kahit hindi ko pa tagay ay tinataggay ko pa rin.
Binigyan lamang ako ng ate ko at mga kasama nito ng nagtatakang tingin na
sinagot ko naman ng pilit na ngiti. Hinyaan ako ng mga itong ubusin ang halos
kalahati pang laman ng alak na binili namin at hindi pa nakuntento dahil
nagpabili pa ako ng isa pa.
“H.hik.hindi
p.pa.” Dahil na rin siguro sa espirito ng alak sa aking katawan ay hindi ko na
maidiretso ang aking pananalita.
“Me-an,
okay lang 'yan. Mas maganda 'yan mamaya para makapaglabas na s'ya ng saloobin
n'ya. 'diba 'yon naman ang gusto mo?” Singit naman ni Drin.
“H'wag
kang mag-alala Me-an, ako na ang bahala sa kanya mamaya.” Narinig ko namang
sabi ni Jie.
“H.hik.hi.n.di
nga a.ako m.mala.lashing. Hanghunti p.pa n.nung na.i.i.inom n.natin e.eh!
T.tagay p.pa!” Asik ko sa mga ito.
“Oo,
tatagay kami. Chill ka lang Lenard.” Natatawang sambit ni Jhez sa akin.
“Ano
bang problema, Lenard?” Si Jie, mababakas mo sa tono ng kanyang pananalita ang
pag-aalala.
“P.problema?
W.wala! N.na.nag-e.e.enj.oy l.lang a.ako. Hekasi, n.ngay-on ko l.lang hulit
k.kayo na.nakasama.” Nabubulol ko pa ring balik dito.
“Ang
cool pala ng kapatid mo Me-an, nagiging pampangeño kapag lasing. Puro H- ang
salita.” Nagpapatawang singit ni Drin, pero walang natawa sa sinabi nito.
Marahil na rin ay kinakabahan ang mga ito sa mga susunod ko pang gagawin o di
kaya nama'y hinihintay na lumabas sa bibig ko ang problemang kanina ko pang
kinikimkim.
“Uhh.”
Naalimpungatan nalang ako dahil sa pagkakasamid.
Uhaw na uhaw akong parang hapong-hapo at hindi makahinga ng maayos. Tatayo na
sana ako ngunit nakaramdam akong bigla ng pagkahilo.
“Uhh.” Muli kong pagdaing dahil hindi ako makatayo
at makagalaw ng maayos dahil bawat galaw ko’y ako ay nahihilo.
“Okay ka lang?” Nagulat nalang ako nang biglang may
nagsalita sa aking aking tabi.
Agad ko itong nilingon at dahil na rin sa pagkahilo
ay hindi ko ito nagawang matingnan ng matagal.
“Wag ka na kasing gumalaw, ano bang gusto mo? Ako
nalang ang kukuha.” His voice is very charming; para bang nilalambing ako nito
in some sort of ways.
“T.tubig.” Nabubulol kong maikling tugon ditto.
“Sige-sige, wait lang, ikukuha kita.” Narinig kong
sabi nito at ang kasunod na ay ang pagbubukas at pagsasarado ng pintuan ng
aking kwarto.
Sino
ba ‘yun? Imposibleng si R-Kei kasi it doesn’t sound like him. Agad
kong tanong sa aking sarili. Teka, nakahubad ba ako?
At doon ko na napagtanto na ang tanging nagtatakip
lamang sa aking katawan ay ang manipis na kumot na paburito kong gamitin dahil
na rin sa kapreskuhan nito.
Sinong
naghubad sa’kin?
“Ito na tubig mo.” Pagbasag sa akin ng lalaking
kanina pang palaisipan sa akin kung sino.
Inalalayan ako nitong makaupo para makainom ako ng
tubig, habang ginagawa niya ‘yon ay pilit ko namang ibinuka ang mata ko para
makita kung sino ito kahit na sa tuwing gagawin ko ito ay parang umiikot lamang
ang paningin ko.
“Jie?” Ang hindi makapaniwala kong naibulalas nang
mapagtanto kong si Jie pala ang lalaking nag-aalaga sa akin ngayon.
“Oo, lasing na lasing ka na kanina kaya natumba ka
na. Nag-volunteer na ako sa ate mo na ako nalang muna ang magbabantay sayo.”
Nakangiting tugon nito sa akin.
“B.bakit?” Parang tanga ko naming tanong dito.
“Eh kasi po, ako lang naman ang may kayang bumuhat
sayo kanina. Sa payat ni Jhez na ‘yon at sa tamad ni Drin, tingin mo ba
makakaya ka nilang buhatin?” Pamimilosopo naman nito sa akin. “Kung ano-ano
pang tanong, ayaw nalang magpasalamat.” Halos pabulong nitong tinuran pero
naging sapat pa rin ‘yon para marinig ko ito.
“Uhh.” At kumirot nanamang muli ang aking ulo.
“Mahiga ka na ulit, para mawala na ‘yang sakit ng
ulo mo.” Parang nag-aalalang sabi nito sa akin.
“S.salamat.” Tugon ko dito at akmang hihiga na
akong muli pero inalalayan pa rin ako nito.
Agad na inilabas ni Jie ang pinag-inuman ko habang
ako’y abala naman sa paghahanap ng maayos na p’westo upang makatulog ako ng
hindi nakakaramdam ng hilo. It was just a bit second nang makahanap ako ng pwestong nakaharap sa
bintana na hindi ko nararamdaman ang hilo nang narinig kong magsarang muli ang
pintuan ng aking kwarto.
Naramdaman kong bumaba ang kutson na naging
senyales para sa akin na tumabi nang muli si Jie sa akin sa higaan.
Nakiramdam lang ako sa bawat galaw nito at hindi na
muling umimik pa, hindi ako sanay matulog na may katabi, nakainom man o hindi.
Si Echo at si R-Kei pa lang ang nakakatabi ko sa pagtulog ng maayos, there is
this feeling on me kasi na para bang napaka uneasy kapag may katabi ako sa
pagtulog.
May katagalan na rin akong nasa ganoong posisyon
nang maramdaman ko ang bisig ni Jie sa aking katawan. He gave me a hug. Pero
naghihilik na ito, kaya paniguradong tulog na rin ito.
Hindi ko na inabala pang tingnan ang hitsura nito
at nag-concentrate nalamang ako sa aking paggawa ng tulog, hindi rin naman
nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok at nagtuloy-tuloy sa pagtulog.
“Dre, uuwi muna kami, kita-kita nalang sa Big Cha
mamaya.” Si Thep, nagpapaalam sa amin ni R-Kei.
Katatapos lamang ng klase naming sa buong araw, at
napagpasyahan namin ni R-Kei na sa apartment ko na kami magpapatama ng oras
bago pumunta sa naturang bar para tumugtog.
Nang magising ako kaninang umaga ay gumawa na ako
ng desisyon, isang desisyon na kailangan kong pangatawanan, at ‘yon ay ang
pag-ignora sa aking mga narinig kagabi sa cellphone ng aksidente sigurong
mapindot ni Missy ang kanyang telepono at mapa-dial sa akin.
Wala naman kasi akong narinig na kabastusan kaya
napagpasyahan ko nalang na kalimutan ito at hintaying si R-Kei mismo ang
magsabi sa akin na naki-session siya sa banda nila Missy kagabi.
Oo’t nakakaramdam ako ng selos at tampo dahil sa
aking nadiskubre, pero hindi naman siguro ‘yon dahilan para awayin ko pa si
R-Kei dahil lang sa walang kwentang bagay na ‘yon. At nararamdaman ko namang
sasabihin rin sa akin ito ni R-Kei siguro ay bumebwelo lamang.
“Sige, Tol.” Sagot naman ni R-Kei dito.
“Beshy! Beshy!” Tawag pansin sa akin ni Genina
habang kami ni R-Kei ay papalabas na sa naturang classroom. “Beshy, ganyan na
itsura mo mamaya?”
“Hindi, haler, tutugtog kami mamaya diba, beshy?
Magpapalit pa ako.” Tugon ko naman dito.
“No, I mean, ‘yang buhok mo?”
“Oo naman, bakit? May problema ba sa buhok ko?”
“Haynako, sumama ka na nga muna sa akin. Ako na ang
bahala sayo, may ipapakilala ako sayo.” Sabi nito’t kasabay ang paghigit sa
aking mga braso na para bang kinakaladkad ako nito.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko dito.” A.aray,
beshy. ‘yung mga pasa ko beshy, masakit.” Reklamo ko dito dahil na rin sa
mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko ay nadadanggil nito ang mga pasang
natamo ko.
“Ay, sorry, Beshy.” Nakangiting tugon nito sa akin,
ngunit sa halip na luwagan nito ang pagkakakapit sa akin ay lalo pa nitong
hinigpitan, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama dito. Habang si
R-Kei naman ay abala lamang sa pagsunod sa amin ni Genina kung saang lupalop
man ako nito dadalhin.
“S’ya ba?” Sabi ng isang bakla sa isang kilalang
parlor sa isang mall dito sa Biñan habang nakaturo sa akin.
“Oo, kumare. ‘yan ‘yung bestfriend ko na lagi kong
kinukwento sayo.” Tugon naman dito ni Genina.
“Beshy, si Feona nga pala. Feona, beshy ko, si
Lenard. Tapos ‘yung alalay namin na sa kasamaang palad ay boyfriend niya, si
R-Kei.” Pabirong pasaring ni Genina sa baklang nagngangalang Feona.
“Keri ‘to ng powers ko, neng.” Pagkausap ni Feona
kay Genina habang ang atensyon nito ay ang parang pag-iinspeksyon sa aking
buhok. “Libre na ‘to, pero sa isang kondisyon. Dapat pumayag ‘tong bestfriend
mo na ipalagay ang picture n’ya dito sa salamin na ito.” Dugtong pa nito habang
nakaturo sa salamin sa may entrance ng naturang parlor.
“May pang bayad ‘yan, kumare.” Natatawang tugon
naman ni Genina dito.
“I don’t care kung may pang bayad s’ya o wala. Kung
hindi s’ya papaya na mailagay ang picture n’ya dito, hindi ko rin s’ya
gugupitan. Ipagupit mo nalang s’ya dun sa matandang hukluban sa loob.” Tugon
naman nito sa akin.
“Beshy, pumayag ka na, kesa dun ka sa sinasabi n’ya
mapunta, masisira lang ang buhok mo d’on.” Bulong na sabi ni Genina sa akin.
“Nakakahiya, Beshy.” Balik-bulong ko naman dito.
“’yan, Feona. Payag na, sabi naman sayo medaling
kausap ‘tong bestfrind ko ‘eh.” Ang naging sagot dito ni Genina na talaga
namang ipinagtaka ko.
“Okay then, we’re settled. Kayong dalawa ng
boyfriend netong lalakeng ‘to ay umalis muna, bumalik nalang kayo after nga 30
minutes, para siguradong tapos na ‘to.” Ang parang utos na sabi ni Feona kay
Genina na agad namang sinunod ng dalawa.
…itutuloy…
0 comments:
Mag-post ng isang Komento