By: Eusethadeus
“Ano nga bang dapat kong malaman Lenard?” Malokong tanong ni Genina sa
akin.
Bagkus na sagutin ito ay tiningnan ko nalang ito ng matalim para
malaman niyang hindi ko nagugustuhan ang kanyang tinatanong. Alam ko naman kasi
na walang patutunguhang maganda ang pinupunto ni Genina sa kanyang mga tanong
kaya’t hindi ko na ito pinansin pa.
“Okay!!!” Eksahiradang sabi nito nang mapansin sigurong hindi ko
nagugustuhan ang kanyang itinuturan. “Sure ka ba na ikaw ang kakanta sa kanila?
Baka naman mapahiya ka lang.” Pag-iiba nito ng usapan namin.
“Bakit ba palagi mo kong inaasar Genina?!” Galit kong tanong dito pero
sa kalmadong lakas lamang.
“Hindi kita inaasar. Neng, bakit ba kasi wis ka pa mag-out! Knowing
naman ng lahat na tripalou ka ni otoko, nyoket boyaw mo pang aminin na kayey
na?” At nagsimula nanaman siyang mag’beki’-talk.
“Dahil wala naman akong dapat aminin sayo! And are we friends? Ikaw
lang ‘tong lapit ng lapit sakin! Kaya please! Tigilan mo ko sa mga ganyan mong
tanong kung gusto mong magkapalagayan pa tayo ng loob, ‘coz right now! Am
telling you, the way you are approaching me is annoying!” At ‘yun, hindi ko na
napigilan ang sumabog. Kung dati-rati’y pinagtatawanan ko siya pag ganun ang
sinasabi niya, ngayon ay parang napikon ako.
Eh bakit ka ba kasi napipikon? Gustong
makipagkaibigan sayo nung tao tapos ganyan kung tratuhin mo! Mag-isip ka nga
Lenard! O hindi kaya, kaya ka nagkakaganyan ay dahil naiinis ka sa katotohanang
wala naman talagang kayo ni R-Kei na kapag tinatanong niya ay paulit-ulit mong
sinasabi at napipikon ka dahil gusto mong mangyari ang bagay na ‘yon! Out
of the blue, biglang sabi ng aking isipan.
Namalayan ko nalang ang isang Genina na nakatingin sa akin at
nakangiti. Imbis na mainis ako sa mukha nitong nakatitig sa akin ay parang may
kung anong kumiliti sa aking tagiliran at nag-iba ang aking mood, napatawa
nalang ako sa itsura nito ngayon.
Genina has this charisma na kapag napipikon ka sa kanya ay hindi mo
magagawang maituloy. Ewan ko ba pero sa titig n’yang ‘yon ay nakuha niya ang
loob ko at napatawa akong mabuti.
“Oh diba! Look at you Lenard, you’re too defensive! Kaya nahahalata ka
ih! ‘wag ganon, dapat chill lang, kung wala namang dapat itago bakit kailangang
mapikon? Pero naniniwala naman ako sayong walang kayo ni R-Kei. Am just trying
to test your temper.” Nakangiting paliwanag pa nito sa akin.
“S.sorry sa mga nas.sabi ko. And thanks for believing.” Sabi ko dito
“Pero ‘yung totoo? Meron nga ba?” Sabi nito kasabay ang isang malakas
na hagalpak.
“Okay guys, nice practice. Bukas ulit.” Si Thep, ang bassist ng banda
namin na siya ding tumatayong leader namin. “Lenard, magaling ka, huwag kang
mahiya, just enjoy every performance and we’ll be okay.” Baling neto sa akin.
Wala akong naging sagot sa kanya kundi ang pagtango-tango dahil
nahihiya pa din ako sa aking pagkanta. Alam ko sa sarili kong hindi ako
magaling kumanta at hindi ako magugustuhan ng crowd kung saka-sakaling sasabak
kami sa mga tugtugan. Pero nandito na ako, at naka-commit na ako sa kanila kaya
nakakahiya namang mag-back-out.
“Ano nanamang iniisip mo?” Agad na sabi sakin ni R-Kei nang makalapit
ito sa akin.
“Ah. Eh. Wala, wala, wag mo na akong intindihin. Okay lang ako.” Sabi
ko dito.
“Are you sure?” Tanong muli nito sa akin na sinamahan pa niya ng
paghagod-hagod sa aking likuran. It made me feel comforted but when I saw those
people sa paligid namin ay nahiya akong bigla kaya agad kong iginalaw ang aking
balikat para maalis ang pagkakahagod ni R-Kei sa aking likuran.
“Ako ang kinikilig sa inyong dalawa ih! ‘yan ba ang walang relasyon?”
Si Genina na wala na yatang ibang ginagawa sa buhay kundi sitahin kaming dalawa
ni R-Kei.
Agad akong tumayo at lumabas sa studio na pinagpa-praktisan namin at
humugot ng sigarilyo sa aking bulsa sabay sindi nito.
“Kung ako sayo, titigilan ko na ‘yan.” Isang boses ng lalake mula sa
aking kaliwa ang nagsalita.
“Oh, Tristan, ikaw pala.” Ang nasabi ko lamang dahil sa pagkabigla ko
nang makita ko siya.
Si Tristan ang aming drummer, sa unang tingin ay makikitaan mo agad
siya nang kagwapuhang alam mong sa kanya mo lamang makikita. Kahit na sa edad
nitong disi nueve ay mukha pa din siyang bata sa kanyang hitsura, baby face ika
nga. Kung sa mukha ay para siyang bata, kabaliktaran naman ang meron sa hubog
ng kanyang katawan, maskuladong-maskulado ang tindig nito na halata mong alaga
niya ito sa gym.
“Sabi ko tigilan mo na ‘yan. Makakasira kasi ‘yan sa boses mo.” Sabing
muli nito habang nakatingin sa alapaap.
“Eh bakit ba kasi ako ang kinuha nyo, eh naninigarilyo ako, tsaka hindi
din naman kagandahan ang boses ko, walang-wala ako sa boses ni R-Kei, dapat si
R-Kei nalang kasi ang kinuha ‘nyo.” Sabi ko rito sabay hithit sa sigarilyong
hawak ko.
“Wala kasing stage presence si R-Kei.” Maikling pahayag nito.
Nawiwirduhan talaga ako sa kanya kahit gwapo s’ya. Parang laging may
malalim na iniisip. Kahit ano papansinin niya, pero pag nakipag diskusyon ka na
sa kanya ay “isang tanong isang sagot” lamang ang gagawin niya sayo. Hindi
talaga tumatagal ang usapan nila ng kahit na sinong kumausap dito maging ang
mga professor namin ay napapanisn iyon.
“Eh lalo na ko, this would be the first time na makikipag tugtugan ako
sa harap ng ibang tao na hindi ko pa naman kilala.”
“Ahh...”
“Pare, meeting daw muna sa loob.” Si Miggy, ang aming rhythm guitarist
sa banda.
“Sige, susunod na ako, tapusin ko lang ‘to.” Tugon ko dito at nakita
kong papatayo na sana si Tristan ngunit umupong muli ito at parang naghihintay
ng kung ano.
“Oh, bakit hindi ka pa pumasok?” Tanong ko agad kay Tristan.
“Hintayin nalang kita, masarap kasing pagmasdan ang ulap eh.” And
again, lumabas nanaman ang kawierduhan neton si Tristan.
“Bakit sabay kayong pumasok ni Tristan kanina dun sa studio?” Agad na
tanong sakin ni R-Kei nang kami ay makauwi na sa apartment.
“Sabi ‘nya kasi hihintayin na daw ‘nya akong matapos manigarilyo.”
Tanging tugon ko dito.
“At nagpahintay ka naman?” Parang nag-iimbestigang tanong sa akin nito.
“Bakit? Masasabihan ko ba si Tristan na wag akong hintayin? Teka nga
R-Kei, bakit ka ba nagkakaganyan? May masama ba dun sa paghihintay sakin ni
Tristan?”
“Ah.. eh.. W.wala!” Pasigaw nitong tugon sa akin sabay labas ng pintuan
ng kwarto ko.
Ano nanaman kayang pumasok sa
kokote ng isang ‘yon? Agad na tanong ko sa aking isip.
As usual, pagkauwi ko ay palagi akong naliligo at nagbibihis.
Pagkatapos nito ay tumungo na ako sa kusina upang tingnan kung anong makakain.
“Ate Nyebes, anong meron?” Pasigaw kong tanong kay ate Nyebes habang
naglalakad papunta sa kusina.
“Wala pa, hindi pa ako nakakapag grocery eh, kain nalang kayo ni R-Kei
sa labas. Mamaya pa ang uwi ng ate Me-an mo eh.” Mahabang tugon ni Ate Nyebes.
Nakita ko si R-Kei na matamang
nanonood ng TV, kitang-kita mo sa kanyang mukha ang pagkadismaya, galit o (kung
tama ba ang nasa utak ko?) selos. Haler
Lenard, hindi magseselos ‘yan noh. Asa ka! Pagkontra naman ng maligalig
kong utak.
“Kain tayo sa labas?” May himig ng pagsuyo kong tanong kay R-Kei.
“Hindi ako nagugutom.” Malamig na tugon nito sa akin.
“Sige, iwan muna kita dito?” Sabi ko habang umuupo patabi sa kanya.
“Bahala ka.” Tanging tugon sakin nito.
“Sure ka? Bakit ka ba ganyan? Bati na...” kasabay ang pagyugyog ko sa
kanya. (My way of paglalambing)
“Ano ba? Tigilan mo nga muna ako!” Sabi nito.
“Bati na kasi, wag ka na magalit please. Ano ba kasing nagawa ko’t
nagkaganyan ka bigla?” Pangsusuyo ko dito.
“Wala!” Matigas nitong tugon sa akin.
“Eh kung wala, bakit ka nagkakaganyan?”
“Basta! Pwede ba ‘wag kang makulit!” Inis na wika na ni R-Kei.
Wala na akong nagawa kundi ang pabayaan muna si R-Kei upang lumipas ang
galit nito sa kung saan man niya hinuhugot ito.
“Ate Nyebes, kakain muna ako sa labas, nandito si R-Kei, ayaw sumama
sakin, ikaw na muna bahala sa kanya huh.” Pagpapaalam k okay Ate Nyebes.
“Sigurado kang hindi mo ko sasamahan?” Tanong k okay R-Kei nang
mapadaan muli ako sa kanyang kinaroroonan ngunit wala man lang akong natamong
sagot mula rito.
Mula sa apartment namin ay nilakad ko ang daan papunta sa school dahil
nandoroon ang mga kainan. Nang marating ko ang paborito naming kainan ni R-Kei
ay agad ko itong pinasok at sa loob ay nakita ko si Genina.
“Genina, bakit hindi ka pa umuuwi?” Tanong ko dito.
“Umorder ka muna ng food mo para hindi maudlot ang pagtatanong mo sakin
at mga pagtatanong ko din sayo.” Sa halip na sagutin ang aking tanong ay ‘yan
ang sinabi niya sakin kasabay ang paghagikhik nito.
Agad din naman akong umorder ng aking kakainin.
“So, bakit hindi kayo magkasama ni R-Kei ngayon?”
“Kailangan ba parati ko siyang kasama?” Balik-tanong ko dito.
“Sa school nga hindi kayo mapaghiwalay eh!” Nakangiting tugon nito sa
akin. “I can sense, something is wrong.”
“Nako Genina, tigilan mo ako sa pagiging madam auring mo, hindi
nakakatuwa.”
“Ay wis, witi akira si madam auring noh, may nabanggit lang sakin si
R-Kei kanina.” Nakangiting tugon sa akin nito.
“Subukan mong sabihin Genina, wala nang papansin sayo sa barkada
namin!” Kapwa kami nagulat ni Genina nang marinig namin ang boses ni R-Kei mula
sa entrance ng kainan na ‘yon.
“Oh, ayan na pala ang love life mo, sige, dito na kayo, may hinihintay
din kasi ako.” Agad na pagpapaalam ni Genina sa amin nang lumapit si R-Kei sa
kinaroroonan namin.
“Akala ko ayaw mong kumain?” Agad kong tanong kay R-Kei pero ako’y
sawing-palad pa din dahil wala akong natamong sagot mula sa kanya.
Nang dumating na ang order ko ay agad ko itong kinain. Nakakaramdam man
ng tensyon sa pagitan naming dalawa ay ipinagkibit-balikat ko nalamang ito.
Ano nga kaya problema netong si
R-Kei? Nakakainis naman, hindi pa naman ako sanay na makita s’yang
nagkakaganyan, is it about Tristan? Pero imposible naman yatang magselos ‘to.
Not for me. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. At alam kong hindi ako
papatulan ni R-Kei. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon Lenard. Matuto kang
lumugar. Ang aking nasa isip habang kinakain ko ang pagkaing aking
in-order.
Agad ko ring binayaran ang aking kinain at tumayo sa kinauupuan namin
ni R-Kei naglakad na palayo sa naturang kainan.
Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang humigit ng aking kamay.
“I’m not yet done eating! Bakit ka biglang umalis?!” Galit na galit na
pagsita sa akin ni R-Kei.
“Ano bang problema mo!? Kanina
ka pa ha!” Pikon kong balik dito.
“Ikaw ang problema ko! Bakit ba napaka manhid mo Lenard!? Ang tagal ko
nang ipinaparamdam sayo na gusto kita! Bakit kailangan mo pang sumama kay
Tristan! Maninigarilyo ka lang kailangan hinihintay ka pa nya! Ano bang wala ko
na meron sa kanya?!” Nakasigaw nang sabi nito sa akin na naging dahilan ng
aking pagkakatulala at hindi kaagad nakabawi para sumagot sa mga paratang nito
sa akin.
Dahil sa malakas nitong boses ay nakapukaw ito ng madaming tao, ngayon
ay nagtitinginan na sa amin ang mga estudyanteng kanina’y naglalakad lamang
papunta sa kung saan. Nakakatakaw pansin din sa kanila ang pagkakahawak sa akin
ng mahigpit ni R-Kei sa aking braso.
Ang iba sa kanila ay mukha ng panghuhusga ang makikita mo, ang iba
naman ay gulat marahil ay hindi nila ineexpect na manggagaling sa bibig iyon ni
R-Kei dahil na din siguro sa hitsura nitong talagang lalakeng-lalake.
“Let’s go.” Maya-maya’y mahinang sabi ko dito dahil sa hiya sa mga
nakakakita sa amin.
“No, I want this finished before we go to your apartment! Isang tanong
isang sagot, gusto mo din ba ako o hinde?” Diretsahang tanong nito sa aking
walang paki-alam sa iba pang nakakarinig nito.
Inilibot ko ang aking mata sa paligid, pinagtitinginan kami ng mga tao
sa paligid. Nang magawi ang aking tingin sa parte ng kainan na kinainan ko ay
nakita kong nakatayo doon si Genina at nakangiti sa akin.
Imbes na sagutin ang sinabing iyon ni R-Kei ay nagpumiglas nalamang ako
at pumunta sa kinaroroonan ni Genina, saka ko ito hinila papalayo sa lugar kung
saan naganap ang hindi ko akalaing magaganap ngayong araw na ito.
Lumakad ng mabilis, ‘yan ang paraan ko ng pagtakas sa kahihiyan na
dinala sa akin ni R-Kei sa mga oras na iyon. Parang hindi ko alam kung matutuwa
ba ako dahil gusto din ako ni R-Kei o dapat ko nalang pigilan ang sarili kong
mahalin ito dahil na din sa mga possibly issues na ipupukol sa akin ng mga tao.
Napatigil lamang kami ni Genina nang marating namin ang oval kung saan
dito’y lagi na kaming tumatambay ni R-Kei pamula noong pinakanta niya ako dito.
“Kagulat ka beks! Hindi ko kinaya ang powers ni papa R-Kei sayo!” Ang
panimula ni Genina nang marating namin ang oval.
“Kahit naman ako nagulat din ih! Pero napahiya ako noh!” Tugon ko dito.
“You should be proud friend. Bihira lang sating mga beks ang ginaganyan
ng mga lalake, kaya be proud! Isa lang
ibigsabihin niya friend, HONGGONDO MO!”
“Tigilan mo nga ako Genina, hindi ‘yun ‘yon no. Hindi ang tipo ko ang
magugustuhan ni R-Kei, imposible ‘yan. Baka pinagtitripan lang ako ng isang ‘yon!”
Hindi ko talaga maamin sa aking sarili na magkakagusto sa akin si R-Kei kaya
itinatanggi ko ‘to sa aking isipan kahit na ang puso ko’y halos tumalon na sa
tuwa dahil sa pangyayari kanina.
“Lenard, mag-isip ka nga! Kung hindi ka gusto ni R-Kei, bakit niya
ipapahiya ang sarili nya sa madlang pipol? Look on the brighter side beks, ang
hobo na ng hair mo oh, natatapakan na ng mga nagjojogging d’on oh.” Sabi nito
sabay turo sa mga kalalakihang nag-jo-jogging. “Beks ‘yun oh, gwapo.” Biro pa
nito.
“How can you be like that Genina? Kita mo namang ganito na yung
sitwasyon ko, nakukuha mo pang magbiro d’yan!”
“Kasi, hindi naman ako ‘yung nasa ganyang sitwasyon. And am just trying
to make you laugh.” Sabi nitong muli sabay ngiti.
“Hala ewan, bahala na. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay R-Kei.
Genina, help me naman oh.”
“Eh hindi ko din naman alam kung paano ka tutulungan beks, unang una,
hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, pangalawa, wala pang gumagawa sakin
nung ganyan kaya hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko if ever man.
Ngumiti ka nalang kaya at i-feel ang pagiging maganda mo, nuh ka ba, sa gwapong
‘yun ni R-Kei, dapat maging proud ka kasi merong may gusto sayo na ganoon ka
kgwapo! Neng! TROPHY yun!” Mahabang paliwanag nito sa akin.
Kung tutuusin ay totoo naman ang sinasabi ni Genina. Oo’t narinig ko
noong nag-uusap si ate Me-an at si R-Kei tungkol sa nararamdaman ni R-Kei sa
akin pero ang buong akala ko noon ay dala lamang ng kalasingan nito noong mga
panahong iyon kaya niya nasabi ang mga bagay na ‘yon. Ngayon ay hindi nakainom
si R-Kei at nasasabi pa rin niya ang mga bagay na ‘yon.
“Bakit ba kasi ayaw mong maniwala kay R-Kei tungkol sa nararamdaman nya
sayo?” Pang-uusisa pa ni Genina.
“Hindi ko alam Genina, baka kasi tinitrip lang ako ni R-Kei, ‘yon naman
kasi ang kinakatakot ko.” Tugon ko rito.
“Eh kung malalaman mo ba na hindi ka niya tini-trip at totoo ang
nararamdaman niya sayo, sasabihin mo din ba sa kanya na gusto mo s’ya?” Muling
tanong nito sa akin.
“Hindi ko alam Genina, basta ang alam ko ngayon natatakot ako.”
“Hayaan mong tanggalin ko ang takot d’yan sa puso’t isip mo.” Ang
biglang sabi ng isang lalaki mula sa aking likuran. Kasabay nito’y naramdaman
kong unti-unting binibihag ng mga bisig nito ang aking katawan at naramdaman
kong lumapat ang aking likod sa kanyang katawan.
Ang sumunod ko nalang narinig ay ang irit ni Genina. ‘yon din ang
dahilan ng paggising ng aking ulirat. Kilig, siguro? Siguro ‘yon ang naiisip ni
Genina nang mga oras na iyon kaya siya napa-irit ng pagkalakas-lakas at naging
dahilan muli ito ng pagtingin ng mga tao sa paligid namin. Buti nalamang at may
kadiliman na nang mga oras na iyon sa oval at hindi na kami gaanong makikilala
ng mga tao.
...itutuloy...
Kua, alam naming b c ka po kaya with patience naming hinihintay ang kasunod nito. Isa po kaung magaling na writer sana po ay ipag patuloy ninyo ang pag gawa ng kwento.
TumugonBurahin