Subscribe:

Miyerkules, Abril 25, 2012

Can it be Love (Part 27)


By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Edited by: Yume Koibito
                Jeh Quijano







March 2, 2006






Tatlong buwan na din ang lumipas nang maging kami ni Jeck. Hindi nagkaron ng isang araw na walang bagong pasabog si Jeck, kagaya ng mga sulat nitong ke-co-corny na talaga namang nagbibigay sakin ng kung anong kiliti sa tuwing babasahin ko ito. Meron din paminsan-minsan na nagpapaabot ng petal ng bulaklak si Jeck kay Mena na may kung anong nakasulat na kung hindi ako nagkakamali ay “I Love You” pero sa iba’t-ibang lenguwahe.




Sa isang relasyon, hindi nawawalan ng away. Oo nga’t mukang perfect sailing ang relasyon namin, pero hindi din kami nakaligtas sa mga simpleng tampuhan. Tulad ng pakikipagkita nito kay Kelly behind my back na talaga namang nakaramdam ako ng kung ano, selos yata ang tawag doon, dahil knowing na may past sila even if hindi naman siya sineryoso ni Jeck, still, nagkita pa din sila ni Kelly. Nand’yan din ang pagiging matigas ang ulo ng isang ito na lagi din naming pinag-aawayan, minsan kasi’y hindi na talaga mapagsabihan si Jeck, ako nama’y parang tatay nitong lagi siyang pinapagalitan ukol dito.




Sa bawat pagsubok na dumating sa amin ni Jeck simula noong maging kami ay mabilis din naming nareresolba, dahil na din siguro hindi namin kayang tiisin ang bawat isa. Ganon naman siguro talaga pag mahal mo ang isang tao diba? Kahit na may magawa itong maliit na bagay na nasaktan tayo, mapapatawad din natin ito kaagad.




Pero talagang mapaglaro ang tadhana...




“Mena, anong magandang ibigay kay Jeck?” Tanong ko kay Mena, monthsary kasi namin ngayong araw na ito at nahihiya na din ako kay Jeck dahil siya lamang ng siya ang nagbibigay ng regalo sa akin sa tuwing darating ang ika-2 ng buwan, ngayon ay naisipan ko itong sorpresahin.




Saglit na napatahimik si Mena sa aking tanong, akala ko’y nag-iisip na ito ng magandang iregalo para kay Jeck.




“Ay shet! Monthsary nyo nga pala ngayon, sorry bes muntik ko nang makalimutan.” Sabi nito, marahil ay inisip nito kanina kung anong okasyon kaya ako nagtatanong ng kung anong regalo. “Sorry bes, happy monthsary sa inyo, teka, itetext ko si Jeck.”




“Bes, wag mo na muna itext! Ako nga, hindi ko pa binabati eh! Gusto ko lang malaman kung anong regalo pwede kong ibigay sa kanya, to make this day special naman kahit papano?”




“Uhm, ano bang mga gusto ni Jeck? At ano-ano ang mga ayaw niya?” Sa tinanong nito’y hindi ko alam ang aking isasagot, puro kasi si Jeck lamang ang nagtatanong ng mga gusto ko at ayaw ko, hindi naming napag-usapan ang mga sa kanya.




“Ano bes? Hindi mo alam? Boyfriend ka ba talaga ni Jeck?” Maya-maya’y sabi nito sa nang-aasar na tinig.




“Hindi ko alam ih.” Mahiya-hiya kong sagot dito. I came to a realization na hindi ko pa full pledge boyfriend si Jeck dahil sa totoo lamang ay hindi ko pa din ito kilala ng lubusan, kahit na 3 months na kaming nagsasama na magkarelasyon.




“Ano ba namang klaseng boyfriend ka bes. Teka, itetext ko si Jeh. Sa kanya nalang tayo magtanong.” Sabi nito sabay hugot ng kanyang CP sa kanyang bulsa.




Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Mena, busy kasi ito sa pakikipagtext sa kanyang boyfriend, samantalang ako naman ay busy din kaiisip ng kung anong pwedeng iregalo kay Jeck.




“Bes, hindi daw mahilig si Jeck sa mga bagay na nabibili.” Maya-maya’y basag nito sa katahimikan.




“Pano ‘yon bes?” Tanong ko dito at binigyan ito ng nag-aalalang titig. Nag-aalala na kasi ako dahil baka masira ang pinaplano kong date sana namin ni Jeck.




“Edi give him a poem. Magaling ka namang gumawa ng poem diba? Tapos, treat him sa isang resto. Yun nalang bes, ikaw naman ngayon ang gumawa ng move, lagi nalang siya eh.” Si Mena.




“Great idea bes, magpapa-reserve nalang ako ng resto. Kaso saan?”




“May suggestion ako, may resto daw sa may bay area, ‘yung...”




“Lucidel?” Pagputol ko sa sasabihin nito.




“Oo bes, doon, maganda daw doon.” Pagkumpirma nito sa hula ko.




“Sige, kaso, napapa-reserve ba ‘yon na kami lang yung makakapasok?” Tanong ko dito.




“Bes, wala ka nang mapapareserve ngayon na ganon, kaya wag na maarte, wala naman sigurong makakakilala sayo doon.” Sabi nito with her convincing voice.




“Sige na nga, but can you do me a favour bes?”




“Anything bes, basta ikaw.”




“Pwede bang kayo nalang magpareserve ni Jeh ng space dun sa resto?”




“Oo naman bes, kami na bahala ni bear ko doon, para makapagdate din kami.” Sabi nito sabay tawa ng wagas. “Treat mo din kami bes huh.” Sabi pa nito.




“Anong treat ka d’yan? Kami ang magda-date, hindi kayo.” Sabi ko dito at humagalpak nalang kami ng tawa.










“Ga, kita tayo mamaya after ng training nyo.” Text ko kay Jeck pagkauwi ko sa bahay.




“Sige ga, happy monthsary, I Love You.” Text nito, pero hindi na ako nag-reply pa, gusto ko kasi ay personal ko itong batiin mamaya.




“Hindi man lang nagreply oh, katampo ka naman, Ga.” Text ulit nito sa akin pero hindi ko na pinansin pa.




Nagpunta ako sa aking kwarto, kumuha ng parchment paper sa aking drawer at nagsulat ng poem na ibibigay ko mamaya kay Jeck, ayon na din sa napagdesisyonan namin ni Mena na ibibigay ko kay Jeck. Pero una ay sa papel isang scratch paper ko muna ito isinulat para na din kung may mali man ay maitama ko kaagad.




Hindi naman ako nagkaron ng problema sa paggagawa ng poem para kay Jeck, ganun nga siguro talaga pag inspired ka, hindi ka mahihirapan at maipapadama mo sa kanya ang tunay na nilalaman ng ginagawa mo. Dahil din dito, I came to a realization na it’s better to give something that is made by the giver.




Matapos ang ilang oras ko sa loob ng kwarto ay narinig ko ang boses ni mommy at ni daddy, kaya nagmadali akong bumaba para makapagpaalam na may lakad ako ngayong gabi. Hindi naman ako nabigo dahil pumayag naman sila kaagad kahit hindi nila alam kung saan ako pupunta. Nagpaalam na din ako na baka hindi ako makauwi kaya sa kaibigan ko nalang muna ako makikitulog.










“Ga, sunduin na kita d’yan sa training nyo.” Text ko kay Jeck nang paalis na ako sa bahay, pero bigo akong maka-receive ng reply mula dito, gayun pa man, tumuloy pa din ako sa pagsundo sa kanya.




Mga ilang minuto lamang ay nakarating ako sa sports complex kung saan nagte-training si Jeck, ipinarada ko agad ang kotse at iginala ko ang aking mata para mahanap ito, pamula kasi sa parking area ay makikita mo na ang swimming pool na at ang tao sa paligid nito.




Nakita ko si Jeck na nag-aayos ng gamit niya sa bench, lalabas na sana ako nang mapansin kong may papalapit kay Jeck, isang babae.




Kilala ko ‘to eh! Hindi ako pwedeng magkamali, si Kelly ‘to! Sigaw ko sa aking isip ng mapansin kong si Kelly ang babaeng lumalapit ngayon kay sa kinaroroonan ni Jeck.




Nagmatyag lang ako mula sa loob ng kotse para makita kung anong gagawin ni Jeck pag nakita niya si Kelly. Nang makalapit si Kelly kay Jeck, agad na lumingkis ang kamay ni Kelly sa bewang ni Jeck at kitang-kita kong wala man lang ginawang reaksyon si Jeck sa ginawa nito.




Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa aking dibdib dahil sa aking nakita, kaya madali akong umalis sa lugar na iyon at nag-drive lang ng nag-drive. Naramdaman ko nalang ang mga butil ng luha na dumadaloy mula sa aking dalawang mata.




Nang makalayo ako ay napagdesisyonan kong tumigil sa pagmamaneho at itabi ang kotse. Nang magawa ko’y nagtuloy-tuloy na ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking pisngi, hindi ko napigilan, ang sakit-sakit, Bakit hindi man lang niya pinigilan si Kelly na lumingkis sa kanya! Ano ba sila ngayon! Ang mga tumatakbo sa aking utak, habang umiiyak na nakaub-ob sa manibela ng kotse.




Narinig kong nagring ang CP ko, hindi ko nagawang tingnan kung sino ang tumatawag, agaran ko nalamang itong sinagot.




“H.hello?” Medyo nauutal kong sagot sa kung sino man ang tumatawag, at hindi ko manlang naitago sa boses ko ang nararamdaman ko.




“Nasan ka? Akala ko susunduin mo ako?” Si Jeck pala, masigla ang boses nito at parang walang ginagawang katarantaduhan. “Bakit ka umiiyak, ga?”




Nang marinig ko ang boses nito’y hindi ko nagawang makabalik ng sagot dito. Siguro ay napansin nito, kaya muli siyang nagsalita, “San ka na ba, Ga? Bakit wala ka pa dito? Nag-iisa na ako dito oh.”




“Ah, w.wait lang, n.natrafic lang ako saglit.” Ang tanging naisagot ko dito at ako na din ang nagputol ng linya.




Later, I’ll confront him, tapusin ko lang ‘tong araw na ‘to! Sabi ko sa aking utak habang inaayos ang sarili.




Dumaan muna ako sa isang fast food chain para makigamit ng CR, naghilamos ako at tinuyong mabuti ang muka, nang mapansin kong okay na ang itsura ko’y nagpasya na akong tuluyan nang sunduin si Jeck.










“Sabi ng guard, nandito ka na daw kanina?” Maamong sabi nito nang makasakay na sa kotse.




“Let’s not waste this night JECK!” Tanging sagot ko dito na may pagbibigay diin sa kanyang pangalan at ipinukol ko ang mata ko sa daan.




Naging matahimik ang buong travel naming papunta sa Lucidel, sakto naman dahil konti lang ang tao dito ngayon, at sa pagsusuri ko sa mga sasakyan sa parking area nila ay wala naman akong kakilala.




“Do you have a reservation, sir?” Salubong samin ng waiter.




“Yes, reservation for Mr. Cornejo.” Tugon ko dito sa seryosong boses.




“Ah, yes sir, please follow me.” Sabi nito at nagpatiuna na papunta sa loob ng resto.




Nakaupo na kami ni Jeck at parehas pa din kaming nilalamon ng katahimikan na kanina pang namuo sa kotse. Ako na ang umorder dahil napansin kong hindi naman namimili si Jeck sa menu at busy ito kakakalikot ng kanyang CP.




“Sino naman yang ka-text mo at kanina ka pa yatang kalikot ng kalikot diyan sa cellphone mo?” Tanong ko dito matapos kong maibigay sa waiter ang order.




“Ah, wala, ang tahimik mo kasi, kaya eto, naglaro nalang muna ako, pampalipas oras.” Sabi nito at ipinakita pa sakin ang CP para masabing naglalaro nga talaga siya.




“Ahh. Okay.” Sabi ko nalang at muling tumahimik.




“May problema ba, Ga?” Maya-maya’y tanong nito sa akin.




“Wala naman, ikaw ba?” Malamig kong tugon dito.




“Eh bakit kanina ka pang tahimik d’yan? May nagawa ba ako?”




“Ask yourself Jeck, but before that, wag na nating sirain ang gabi, pwede pang bukas pag-usapan yan.”




“Happy Monthsary, Ga.” Malambing nitong sabi sa’kin.




“Happy Monthsary din.” Parang walang ka-emo-emosyon kong tugon dito. “Eto pala oh, sana magustuhan mo tong effort ko.” Sabi ko dito’t binigay sa kanya ang ginawa kong poem.






Thankful enough, that is what I feel,
‘Coz standing by your side, before, is unreachable dream
True love hits our hearts
And now, I hope, we will never be apart.


It is you, who showed me what is love,
Unending warmth, both of us can provide
We experienced a rollercoaster ride,
But that is love, we can never change its kind.


I hope, I satisfy you with what I can give,
‘Coz every effort, is the mirror of what I feel
True enough to say it’s real,
‘Coz, maybe, just maybe, we can be in love, the way
It’s in full swing.


PS: Ikaw nalang ang maglagay ng title, napagod na utak ko eh, I Love You, Ga. Sana masaya ka dito sa pinaghirapan ko para sa atin. And pasensya na kung hindi ganon kaganda yung poem, medyo nagmadali na kasi ako kanina, kanina ko lang kasi naisipang gumawa niyan. Happy 3rd Monthsary, Ga!







Nang siguro ay tapos na nitong basahin ang ginawa ko, tumayo ito sa kanyang upuan at pumunta sa aking likuran, niyakap ako nito at bumulong. “Thank you so much, Ga, sobrang na-appreciate ko yung poem, I Love You so so Much. Pahiram muna akong susi, may kukunin lang ako sa bag.”




Inabot ko sa kanya ang susi at nagmadali na itong pumunta sa kotse, hindi ko magawang ma-excite sa mga susunod na mangyayare ngayong gabi, tumatakbo pa din sa utak ko ang mga nangyari kanina, kitang-kita ng dalawa kong mata kung ano ang ginawa ni Kelly, hindi ganon kadaling kalimutan ‘yon, at ngayon pang monthsary naming niya ginawa.




“Ga, close your eyes.” Narinig kong nagsalita si Jeck mula sa likuran. “Sarado na ba? Ga?” Tanong nito sa akin. Sumunod nalang ako sa kanya. At tinugon ang kanyang tanong ng dalawang tango. Naramdaman kong pumulupot ang kanyang mga bisig sa aking leeg. “Open mo na Ga.” Maya-maya’y sabi nito sa’kin.




Nang buksan ko ang aking mata, nakita ko ang chocolates, tatlong klase nito, ferrero, kisses at butter finger. Tig iisang balot. At sa likod nito’y may nakasukbit na papel.




“James?” Biglang may kung sinong tumawag ng pansin ko. Agad ko namang nilingon ito at nakita ko ang isang pamilyar na lalake.




“Zekiel?” Tanong ko dito, hindi pa din tinatanggal ni Jeck ang pagkakayakap niya sa akin kaya ako na ang nagtanggal nito. Napansin naman ito ni Jeck at kumalas na, umupo ito sa tapat ko.




“Yup, kamusta na? Malapit na sa inyo bahay namin ah, hindi pa lang kami nakakapunta ni Papa sa inyo.” Malugod na sabi nito sa akin.




“Okay lang naman ako, nabalitaan ko nga kay daddy na doon na daw kayo nakatira, tagal ko na hinihintay na dumaan kayo doon.” Magiliw kong balik dito.




“Sige, dadaan ako doon bukas sa inyo, para naman makapagkwentuhan tayo.” Sabi nito. “Sige James, alis na muna ako, baka nakakaabala ako sa inyong dalawa, enjoy!” Dugtong pa nito. Naglakad na ito palayo pero bumalik ulit. “Wait, before I forgot, pakisave pala ng number mo, para naman macontact na kita. Tutal, magkalapit bahay naman na tayo.” Sabi pa nito at iniabot sa akin ang kanyang CP. Mabilis kong itinayp ang number ko at sinave ito. Nang maibalik ko ang CP niya ay agad na itong umalis.




“Sino ‘yon?” Tanong ni Jeck nang makaalis si Zekiel sa kinaroroonan namin.




“Ahh, si Zekiel, yung naghatid sa akin sa Maria Paz noong nagkamali akong sagutin ka!”




“Nagkamali?” Pag-uulit nito sa aking sinabi. “Teka nga James, bakit ba ganyan ka kanina pa? Hindi ko na maintindihan eh. Ipaintindi mo nga sakin!” Medyo may kataasan ang boses na dugtong pa nito.




“Kung ako kaya ang makita mong may nakalingkis sa akin na iba? Matutuwa ka?” Nagtaas na din ako ng boses dahil sa tanong nito.




“Nakalingkis? Sa akin? Sino naman?” Pagmamaang-maangan nito.




“Damn it Jeck! Wag ka nang magsinungaling! Nahuli kita kanina, nakalingkis sayo si Kelly!” Sabi ko dito at kitang-kita kong nagpalit ng timpla ang kanyang muka, parang natakot, namutla.




“S.sorry.” Nabubulol at pabulong nitong sabi, pero sapat naman ang hina nito para marinig ko.




“’Yun lang? Sorry lang Jeck? Ahh, so okay lang pala sa relasyon natin ang magkaron ng iba? ‘Yon ba ang gusto mong iparating Jeck?” Medyo may kalakasan kong balik dito na naging dahilan ng pagtingin ng ibang tao sa resto na ‘yon sa amin.




“Hindi ko naman alam na pupunta si Kelly doon kanina, am so sorry James.”




“Putang ina Jeck! Akala ko ba wala na kayo? All this time, naniwala akong wala na kayo ni Kelly dahil doon sa lecheng sulat na sinabi mong ibinigay mo kay Kelly! Pero ano? Sinabi mo lang ba ‘yon para maging tayo na? Lokohan lang ba ‘to Jeck?”




“Hindi kita niloloko, kung may niloloko man ako ngayon, si Kelly ‘yon, at hindi ikaw.” Sabi nito at nakita kong tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.




“Kelan mo ‘to balak sabihin sakin?” Tanong ko dito, pero bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita muli ako. “Let me rephrase, hanggang kelan mo ‘to balak itago sakin Jeck?”




Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay hinugot nito ang kanyang CP mula sa kanyang bulsa at may pinindot-pindot pa. Tapos ay iniharap niya ito sa akin at nakita kong tinatawagan niya si Kelly. Nang sagutin ni Kelly ang kanyang CP ay ini-loudspeaker ito ni Jeck at kinausap.




“Oh babe, bakit napatawag ka?” Si Kelly sa malandi nitong boses.




“Mag-break na tayo Kelly, wag mo na akong guluhin, dahil sayo, nag-aaway kami ni James! Wag mong sirain ang relasyon naming dalawa!” Deretsahang sabi ni Jeck kay Kelly.




“Relasyon? Nakipagrelasyon ka sa tangang ‘yon?” Sabi ni Kelly.




“Who are you calling stupid Kelly? Ako?” Pagsingit ko sa sinabi nito. Nagpanting kasi ang tenga ko sa sinabi nitong tanga. “Oo, may relasyon kami ni Jeck, at 3rd monthsary naming ngayon, so piss off!!” May kalakasan kong sabi dito na muli ay naging dahilan para magtinginan ang ibang tao sa kinauupuan namin ni Jeck.




“Matagal na akong nakipagbreak sayo Kelly, accept that! Hindi kita mahal! Si James ang mahal ko!” Sabi ni Jeck at pinutol na ang linya.




“Satisfied?” Sabi nito sa akin na parang nagmamataas pa.




“Satisfied your face Jeck! Hindi porke nakipagbreak ka na kay Kelly ay nakalimutan ko na ang kasalanan mo!” May katarayan ko nang tugon dito.




“Sorry na Ga, I Love You, wag ka na magalit. Promise hindi na mauulit.” Sabi nito sa akin sa malambing nitong boses.




“Ayan na ang order natin, kumain nalang tayo.” Malamig kong tugon dito.




Habang kumakain ay iniisip ko pa din ang mga nangyari ngayong araw na ito, hindi ko magawang magalit ng tuluyan kay Jeck, sabihin nang tanga ako, ganon naman talaga yata lahat eh, pag mahal mo ang isang tao, minsan, kahit katangahan na ang ginagawa mong pag-intindi sa kanya ay gagawin mo pa din.




Habang kumakain ay wala ni isang namutawing salita mula sa aming dalawa, nagpapakiramdaman lang kami sa bawat isa. Nararamdaman kong tumitingin ito sa akin pero hindi ko nalang pinapansin. Masakit man, pero pinasok ko na, kaya pangatawanan ko nalang. Yan ang nabuo sa aking isipan habang kumakain kami.




Nang matapos kumain at makapagbayad ay agad na kaming umalis ni Jeck sa naturang lugar. Dumiretso kami sa kanila para doon nalang magpalipas ng gabi.




Nang makahiga na kami sa kanyang kama ay tumalikod nalang ako sa kanya at nagpahinga na nang hindi man lang siya kinakausap ng maayos. Naramdaman ko nalang na yumakap ito mula sa aking likuran.




“Sorry, Ga, I Love You, naiintindihan naman kita kung bakit ka ganyan ih, yaan mo, babawi ako sayo. Promise yan. I Love You so much, Ga.” Bulong nito tapos ay humalik sa aking pisngi at umayos na ng higa habang nakayakap pa din sa akin.




...itutuloy...

3 comments:

  1. Ang bigat sa damdamin ahhh...
    turuan mo nlng kya ng leksyon c kelly
    para madala... hahaha :))
    kakabitin lng james hahah :D
    keep it up :)

    TumugonBurahin
  2. Isang mabigat sa dibdib na chapter... Bakit kaya andaminh katulad ni kelly na obsessed,back fighter,low class b*tch sa mundo not just in this story but also in real life.. Atar huh...

    It was a good chapter... Clap clap.. :-)

    TumugonBurahin