By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Proof Read By: Zildjian Ace (http://zildjianstories.blogspot.com/)
Swiss Wenger (http://makingsenseofeverything.blogspot.com/)
Guys, baka hindi ako makapag-update, ilang araw din kasi akong mawawala, dahil birthday ko ngayon (April 23), hehehhehee. and dahil don, eto gift ko sa inyo, hindi man ganon kahaba, pero sana masatisfy ko kayo sa chapter na ito.
Leave your comments guys.
“James, paabot naman no’ng kanin.” Paki-usap ni Jeh sa akin.
Ilang kanta pa ang kinanta ni Mena habang tumutugtog ang banda, kami ni
Jeck ay nanatili lamang sa kinatatayuan namin habang pinapanuod ang mga ito,
nakayakap siya sa akin mula sa likod at parehas kaming nakamasid sa kumakanta
sa harap.
Napabilib ako ni Mena sa angkin niyang galing sa pagkanta, napakalamig
ng kanyang boses, parang dadalhin ka sa alapaap habang pinapakinggan mo ang
kanyang boses. Talagang umayon ang inihanda nilang mga kanta sa boses ni Mena,
mga kanta ng MYMP ang kanilang tinugtog. Kasama dito ang Constantly, Crazy for
You, Sway, Till They Take my Heart Away at kung anu-ano pang kanta ng MYMP.
Pagkatapos ng kantahan nila ay niyaya ako ni Jeck na kumain, doon daw
sa improvised island, pero hindi ako pumayag, sa halip ay sinabi kong
magsabay-sabay na lang kaming kumain kasama sila Paeng sa isa sa mga cottages
na nandoon. Pumayag naman si Jeck sa aking gusto kaya’t mabilis din naming
tinawag ang mga ito para makakain na.
“Eto oh.” Tanging sagot ko kay Jeh at inabot na ang kanin na hinihingi
niya.
“Salamat.”
“Jeck, ilang buwan mo ba niligawan yang si James?” Pagsisimula ni Paeng
ng topic.
“Since the very first day we met.” Tugon nito at nagbigay ng expresyon
na nag-iisip, parang binibilang kung ilang buwan na nga ba mula noong kami ay
unang nagkakilala.
“September 13 tayo unang nagkakilala, so may 3 months ka palang
nanligaw? Bakit parang hindi ko naman ramdam?” Nagbibiro kong sabi rito at
nilagyan ng Calderetang niluto niya ang kanyang pinggan.
“Manhid ka kasi!” Natatawang singit naman ni Mena. “Tamo babe oh, ang
sweet nila, ipinaglalagay ni James ng pagkain si Jeck, pa’no tayo?” Baling
naman nito kay Jeh.
“Talagang alam na alam ni James kung kelan sila nagkakilala oh.”
Natatawang singit naman ni Mike.
“That was the time kasi na nagka-dengue ako, at siya ang nagsugod sa ‘kin
sa hospital.” Simpleng paliwanag ko rito at nilagyan ko naman ng kanin ang
pinggan ni Jeck.
“Ang sabihin mo, simula nang makilala mo si Jeck, nagstrike na siya
kaagad sa ‘yo!” Pang-aasar pang lalo ni Mike.
“Hindi ko nga pinapansin ‘to no’ng una eh. Siya lang ang mapilit.”
Nakangiti kong sabi kay Mike. Hindi ko alam, pero parang humaba ang pisi ko sa
pang-aasar ng mokong na ‘to.
“Pero bakit siya nagpunta sa hospital noon? At bakit itinago ninyo sa
amin noon na si Jeck pala ang nagbabantay sa iyo sa hospital?” Si Mena naman sa
mapang-intriga nitong tono.
“It’s my decision naman Mena, to protect me and protect James sa mga
kaklase mo.” Hindi rin matanggal ang ngiti sa labi ni Jeck habang sinasabi ito.
“Alam ko namang alam mo, na matagal ko nang gusto itong si James, dahil d’yan
sa madaldal mong boyfriend.” Tatawa-tawa pa nitong dugtong.
“Basta ako, masaya ako for James, dahil nakakita na siya ng magmamahal
sa kanya ng seryoso.” Biglang singit ni Paeng. “Kahit na sa lalake niya ito
nakita, basta masaya siya, susuportahan kita Pare!” Sabi pa nito at nagtaas ng
kanyang iniinom sabay sabi ng “Cheers!”
At hayon nga, nagbanggaan ang aming mga baso, sobrang nakakatuwang
isipin at masarap sa pakiramdam na sinusuportahan ka ng mga tao sa paligid mo
kung anumang desisyon ang gagawin mo, basta alam nila na magiging masaya ka sa
desisyon mo.
Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang aming hapunan. Napuno ng
kulitan at tawanan, paminsan-minsan ay may ka-sweetan din ang nagaganap sa
cottage na inokupa namin. Hindi nagtagal, sila Paeng, Mike at Ondoy ay nagpunta
na sa swimming pool para lumangoy. Nagyaya ang mga itong mag-inom pero sabi ni
Jeck ay bukas pa raw ng gabi ang inuman magaganap. Nagbiro pa itong may
honeymoon pa kaming magaganap mamaya kaya kailangan na naming pumunta sa room
na ipinareserve nito na akala ko ay para lamang sa akin.
Hindi nagtagal ay pinauna na ako nito sa kwarto dahil kukunin pa daw
niya ang kanyang gamit sa kabilang k’warto kung saan naman sila Jeh at Mena ang
umuukopa. Ako naman ay umuna na sa k’warto naming at dumiretso sa CR para
makapagbawas ng kinain. Nakaramdam kasi ako ng pagbaliktad ng sikmura habang
naglalakad ako papunta rito.
“Ga!” Rinig kong sigaw ni Jeck nang makapasok na ito sa k’warto.
“Andito ako sa CR Jeck.” Sigaw ko rito.
“Getting ready for our honeymoon Ga?” Natatawang balik nito sa akin na
sinamahan pa niya ng pagkatok sa pintuan ng CR.
“Honeymoon ka diyan! Uuwi ako ‘pag itinuloy mo ‘yang balak mo!” Banta
ko rito pero sa loob-loob ko ay nakakaramdam ako ng kung ano sa kanyang
pahiwatig.
“Pakipot ka pa Ga huh. Wag kang mag-alala, iingatan ko.” Sabi pa nito
at biglang nagbukas ang pinto ng CR. Marahil ay ginamit nito ang susi na
inilapag ko sa isang mesa sa labas lamang ng CR bago ako pumasok dito.
“Jeck naman, nagbabawas pa ako! Mamaya ka na!” Sabi ko rito nang makita
kong iniluwa siya ng pinto.
Lumabas naman si Jeck sa CR habang nagtatatawang nakakaloko. Marahil ay
akala nitong naliligo lamang ako kaya bigla-bigla itong pumasok.
“Ga, pa-hug.” Sabi ni Jeck.
Nakahiga na kami sa kama at may ilang minuto na rin kaming nag-uusap ng
kung anumang plano naming ngayong kami na. Marami siyang plano para sa aming
dalawa, habang ako naman ay sumasang-ayon lamang dito, isa lang kasi ang gusto
ko talaga, ang maramdaman kong mahal ako at hindi ako lolokohin ng taong ito.
Naramdaman ko naman ito sa kanya, kaya masaya ako.
Sinunod ko ang gusto ni Jeck, iniunat ko ang aking kanang kamay para
dito siya umunan, gano’n nga ang kanyang ginawa at idinantay niya ang kanyang
kamay sa aking dibdib at ang kanyang isang paa naman ay nakadantay din sa aking
paa.
“Do you really love me, Ga?” Maya-maya’y tanong nito sa akin.
“As long as you love me Jeck, I’ll love you back the same way you do.”
Sabi ko rito.
“Bakit mo ‘ko mahal?”
“Kailangan ko ba talagang sagutin yan Jeck? I love you for no reason. ‘Yon
na ‘yon.” Sabi ko rito at kita kong gumuhit ang ngiti nito sa kanyang mukha.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” Pagpuna ko rito.
“Those were the exact words I wanted to hear from you, Ga.” Sabi nito
at pagkatapos ay ninakawan niya ako ng halik sa aking labi na naging dahilan ng
pagtayo ko sa kama. “Hindi mo ba nagustuhan? So...” Sabi nito.
Bago pa matapos ni Jeck ang kanyang sinasabi ay siniil ko na siya ng
halik, halik na puno ng pagmamahal. Marahan lamang ang paghalik na ginawa ko,
maya-maya’y nakasabay na si Jeck at gumanti na rin ito ng halik sa akin.
“Thank you for loving me. Hope this lasts forever.” Sabi ko, sabay
siniil ulit siya ng halik.
Naging mabilis ang mga pangyayari, nakita ko na lang ang sarili kong
hinuhubad ang T-shirt na gamit ni Jeck. Bahagyang naghiwalay ang aming mga labi
nang tuluyan ko nang hubarin ang kanyang T-shirt. Ganoon din ang ginawa niya sa
akin at muling nagdikit ang aming mga labi.
“Are you sure, ready ka na rito?” Tanong ni Jeck sa akin.
“I think so.” Sabi ko at siniil muli ni Jeck ng halik ang aking labi.
Naging marahas ang paghalik ni Jeck, mula sa labi ko ay tumaas siya sa aking
tenga, bumaba sa aking leeg at doon pinagsawaan niya ito ng paghalik habang ako
ay inihihiga niya sa kama.
Kung saan-saan na dumapo ang mga labi nito na halos pupugin niya ng
kanyang mga halik ang aking buong katawan. Hanggang sa dumako ang mga labi nito
sa aking leeg na talaga namang nagbibigay sa akin ng ibayong kiliti. Halos
hindi ako magkamayaw sa ginagawa ni Jeck sa akin.
Tanging mga impit na ungol na lamang ang maririnig sa apat na sulok ng
kwartong iyon. Kahit ako ay hindi ko na rin mapigilan ang sariling hindi
tugunin ang mga ginagawa nito sa akin.
Hindi pa nakuntento si Jeck sa aking leeg. Naglakbay ang mga labi nito
papunta sa aking pusod na dahilan para malapiyad ako sa kiliting idinulot ng
mapaglarong dila nito. Nang magsawa ito doon ay ang mga utong ko naman ang
sunod nitong binigyan ng pansin. Dinilaan niya ang palibot ng aking utong
habang ang isang kamay nito ay nilalaro ang kabila. Napaliyad ako sa ginawang
iyon ni Jeck, sobrang galing nito, hindi ko akalain na may tinatago pala siyang
galing patungkol sa bagay na iyon.
Kinuha ko ang ulo ni Jeck at iniangat ito hanggang sa magkapantay na
ang aming mukha, at muli ay naghinang
ang aming mga labi. Tuluyan na nga kaming nadala sa kamunduhang ginagawa namin.
Ilang saglit pa ay siya na ang napailalim at ibinalik ko naman sa kanya ang
sarap na pinalasap niya sa akin. Sinikap kong suklian ang ibayong sensasyon na
ipinadama sa akin ni Jeck kanina. Kita ko naman na nagugustuhan rin nito ang
mga ginagawa ko sa kanya. Ang mga impit na ungol nito ay parang musika sa aking
pandinig na lalo pang nagpapagana sa akin.
Bumaba pa ako sa kanyang tiyan at dinilaan ko rin ang bawat kurba ng
kanyang 6 pack na abs while my hands where trying to unzip and unbutton his
pants. Pababa ng pababa ang aking paghalik na ginawa. Hanggang sa maabot ng
aking mga labi ang dulo ng brief ni Jeck. Tumingin muna ako sa kanya, at
tiningnan ng may pag-aalinlangan ang mukha nito. Napansin siguro nito ang
pagtigil ko sa aking ginagawa kaya’t nagmulat ito ng kanyang mga mata at
tumingin sa akin.
He bent down and gave me a very rewarding kiss as if he was saying that
everything will be alright. Hanggang sa muling magkapalit ang aming posisyon.
Bumaba siya ng paghalik sa aking dibdib, pababa sa aking tiyan, at
katulad din ng ginawa ko sa kanya, he in turn unbuttoned my fly then in just a
blink of an eye I was totally naked before his eyes.
Tumingin ito sa akin giving me his best smile. Ang ngiti na una nang
naging dahilan ng pagwawala ng aking damdamin. No doubt that the man who is
staring at me this very moment is also the very person who captured my heart. Nakikita ko sa mga mata nito ang pagmamahal
na nakalaan lamang para sa akin. By that, all my worries and hesitation just
gone to thin air.
“I love you James and I will never, ever hurt you.” He said, at walang
pag-aalinlangan nitong ginawa ang kaninang bagay na hindi ko agad nagawa sa
kanya.
Naging mabilis ang pag-ulos na ginawa ni Jeck sa akin, sinabayan ko
naman ang ritmo nito.
Nagpakasarap kami sa aming ginagawa hanggang marating ko ang sukdulan.
Pero hindi pa iyon sapat para mapahinahon nito ang kakaibang pagnanasa na
naghahari sa akin sa mga oras na iyon.
“Ready for round 2 pa si manoy oh. Kaya mo pa ba?” Malokong pahayag ni
Jeck at pumatong muli ito sa akin.
Isang ngiti lamang ang ibinigay ko kay Jeck na agad naman nitong
nakuha. Pumatong itong muli sa akin at muling naghinang ang aming mga labi. At
sa pangalawang pagkakataon ay pinagsaluhan naming muli ang naiibang
pagpaparamdam namin ng pagmamahal sa isa’t isa.
“Good Morning, Ga.” Salubong ni Jeck sa akin nang ako’y magising.
Nakita kong wala pa rin akong saplot at bumalik sa akin ang mga ala-ala ng mga kaganapan
kagabi. Gumuhit ang ngit sa aking mga labi.
“Ang aga-aga eh nakangiti agad ang mister ko.” Pagpuna nito.
“Halika nga rito.” Sabi ko kay Jeck at agad naman itong pumunta sa
kinaroroonan ko.
Sinalubong ko ito ng halik at nagsabing. “Minsan lang natin gagawin yon
huh, ayokong mabuhay ang relasyon natin dahil lang sa libog.” Ngingiti-ngiti
kong sabi kay Jeck.
“Alam ko naman yon, Ga. Don’t worry, basta’t tatandaan mo, mahal na
mahal kita Ga.” Sabi nito’t ako’y muling hinalikan. “Nakaprepare na ang
breakfast sa baba, pinahanda ko kila Paeng kanina. Magbihis ka na d’yan at
sumunod ka na sa ‘kin doon.” Sabi ni Jeck.
Sinunod ko ang sinabi nito’t pumunta na sa baba para makapag-agahan.
“Ang ganda ng gising ng bestfriend ko oh.” Pagpuna ni Mena sa akin
habang ako ay pababa sa hagdan. “I wonder kung anong nangyari sa kanila
kagabi?” Tatawa-tawang dugtong pa nito.
“Tigilan mo nga ako bes! ‘Wag mo ‘kong itulad sa inyo.” Tatawa-tawa ko ring
balik dito.
Biglang yumakap sa akin si Jeck nang makababa na ako sa hagdan, “Ga,
sumisipa na si Baby, ramdam ko.” Pagbibiro ni Jeck na tinawanan naman ng lahat.
“’Yan ba ang hindi nag-honeymoon kagabi?” Biglang singit ni Paeng
habang nagtatawanan pa rin ang lahat.
“Tara na’ng kumain bago pa kung saan mauwi ‘tong usapan na ito.”
Pag-iiba ko ng usapan. Medyo may awkward feeling kasi ako ‘pag pinag-uusapan
ang mga gano’ng bagay.
“Oo nga, gutom na ‘ata mister ko. Tara nang kumain.” Pagsang-ayon ni
Jeck.
Agad na rin kaming kumain. Itlog na pula at adobo ang ulam namin
ngayong umaga, hindi raw kami manananghalian kaya kailangang heavy na raw ang
kainin namin, dahil mamaya ay mamamasyal daw kami.
Pagkatapos kumain ay napagpasyahan naming magswimming muna ni Jeck,
hindi ako marunong lumangoy, kaya noong una ay nag-aalinlangan ako, sabi naman
ni Jeck ay swimmer daw siya, kaya hindi daw niya ako pababayaan lalo na sa
malalalim na parte ng swimming pool. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ang
pumayag.
Nagdive si Jeck sa pool at lumangoy papalayo sa akin. Nagpapahanga pa
ang kumag, nagfreestyle ito papunta sa kabilang parte ng pool, at nang pabalik
na ito sa aking kinatatayuan ay nag-butterfly naman ito na talaga namang
ikinahanga ko sa kanya.
Nang malapit na ito sa akin ay bigla itong sumisid, naramdaman ko na lang
ang paglusot nito sa aking mga paa at nang umahon ito’y naramdaman ko na lang
ang pagyakap niya mula sa aking likuran.
“I Love You James Cornejo.” Bulong nito sa akin.
“I Love You Too Jericko Sebastian.” Balik ko rito at muling nagdikit
ang aming mga labi.
...itutuloy...
Belated Happy Birthday!
TumugonBurahinHappy Ever After na sana yan! :D
NICE!!hehehe next chapter na poh mr.author...heheheh
TumugonBurahinNaalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahinhappy birthday! may all ur hopes and dreams be achieved. always yngat!
TumugonBurahinHAPPY BIRTHDAY JAMES!
TumugonBurahinganda ng chapter ah :D
parang may pinaghuhugutan lng...
keep smiling :)