Subscribe:

Martes, Abril 17, 2012

Can it be Love (Part 25)


By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com





*tok*tok*tok




Tatlong banayad na katok ang aking narinig sa pintuan ng aking tinutuluyan na k’warto rito sa maria paz. Nagsimula na din akong magtaka kung sino ba talaga ang may pakana nito, at kung business lang talaga ang ipinunta ko rito ay bakit kailangan pang ipa-reserve ang buong resort para lang sa meeting namin.




“Sino ‘yan?” May kalakasan kong tanong sa kumakatok habang papalapit ako sa pintuan ng kwarto upang buksan ito pero bigo akong makarinig ng sagot mula rito kaya’t madalian ko nang binuksan ang pintuan.




“Sir, pinapatawag na po kayo ng kausap ninyo, doon na raw po kayo mag-usap sa pool side, sabi niya.” Sabi sa ‘kin ng isa sa mga babaeng kanina ay sumalubong lamang sa akin at nagbigay ng susi ng k’wartong tinutuluyan ko.




“Ahh, sige. Please tell that person na magbibihis lamang ako saglit, nakakahiya namang business ang ipinunta ko rito tapos ay ganito lang ang suot ko.” Sabi ko sa babae at umalis na itong muli.




Pagkasarang-pagkasara ko sa pintuan ay siya namang bilis ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako which is quite new for me, sanay naman akong pumunta sa mga business dealings nila daddy, pero iba ngayon, parang may something na hindi ko maintindihan.




Nagbihis na ako ng isa sa pinakamaayos kong dalang damit, plain white V-neck shirt at semi-fitted jeans ang sinuot ko, ayoko namang isipin ng ka-meeting ko na bata pa ang kausap niya dahil ang iba ko nang dalang damit ay aangkop lamang sa edad ko.




Pagkabihis ay nagpunta na ako sa sinabing lugar ng babae.




Ano naman ‘to? Akala ko ba meeting lang? Bakit may ganito pa? Hindi ko naiwasang masabi sa aking isipan nang makita ko ang ayos ng lugar.




Sa gitna ng pool ay may maliit na island na kung hindi ako nagkakamali ay improvised lang dahil halata mong iba ang hitsura nito sa nakapaligid dito. Sa island na iyon ay may tulay galing sa kinatatayuan ko ngayon, mula rito ay kitang-kita mo ang island na may isang lamesa na may puting mantel, very plain lamang naman ang hitsura nito pero dahil na nga nasa gitna ito ng pool ay masasabing espesyal ang mangyayari rito.




“Nagustuhan mo ba?” Biglang tanong sa ‘kin ng isang lalaki na pamilyar ang boses mula sa aking likuran.




Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, napako ang aking mga paa, ang aking mata naman ay nanlaki, sigurado ako kung kaninong boses iyon, hindi ako pwedeng magkamali, pero hindi ako makalingon sa kanya, dahil na rin sa takot na baka iba ang taong ito.




Ramdam kong lumapit sa akin ang lalakeng nagsalita kani-kanina lang, hindi ko pa rin ito nilingon. Inakbayan ako nito at inulit ang kanyang tanong kanina. Mula sa aking peripheral vision ay nakikita kong tama ang pakiramdam ko na ang lalaking ito ay si Jeck.




“Nagustuhan mo ba?” Pag-uulit ni Jeck sa kanyang tanong kanina.




“A.ano ‘to Jeck?” Nabubulol ako, hindi ko mainitindihan ang pagkabog ng dibdib ko, pabilis ng pabilis, kinakabahan, na natatakot ako sa mga pup’wedeng mangyari.




“Just a simple something for the two of us.” Nakangiting sabi nito sa akin at kinabig niya ako para makapaglakad na sa tulay na ang tinutumbok ay ang improvised island.




Hinila ni Jeck ang upuan sa isang banda ng lamesa at pinaupo ako rito, pagkatapos nito’y nagmadali siyang pumunta sa kabilang parte at doon na siya umupo.




“Nagustuhan mo ba?” And for the 3rd time, tinanong muli ako nito.




“O.oo.” Maikling nabubulol kong balik dito, hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanyang mata, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Para akong babaeng isinama ng isang prinsipe sa isang malawak na hardin ng kanyang kaharian. ‘Yan ang nararamdaman ko habang iginagala ko ang aking mata sa naturang lugar.




Dito ko lang napansin na may set-up ng isang acoustic na banda sa isang side ng pool.




“S.saan ka kumuha ng pera?” Nagtatakang tanong ko rito, hindi naman kasi ako pinanganak kahapon para hindi malaman na ang pagpapa-private sa ganito kalaking resort ay may kamahalan.




“Sa savings ko, inipon para sa ‘kin ng tunay kong tatay. ‘yan daw ang pamana niya sa ‘kin.” Diretsahang sagot nito sa akin, tiningnan ko naman ito at nalaman kong nakatitig lamang ito sa akin at nakangiti.




“Eh bakit mo ginastos dito? ‘Tsaka bakit tayong dalawa lang?” Hindi ko naiwasang maitanong dito.




“P’wede bang ‘wag na muna natin pag-usapan ‘yan, we are here ‘coz I want to ask you something.” Sabi nito at ngumiti, magtatanong na sana ako ng kung ano ang kanyang itatanong pero agad ding nagsalitang muli si Jeck. “But before that, kumain muna tayo.” Dugtong nito sabay pumalakpak sa itaas ng dalawa.




Maybe I underestimated Jeck, hindi ko naman akalain na ganito pala siya kayaman. Sabi ko sa aking sarili.




Kaya nga hindi ka dapat nanghuhusgang hudas ka! Biglaang pagsagot naman ng isang parte ng aking utak.




Tigilan mo nga ako! Hindi ko naman hinusgahan si Jeck ah! Nagtaka lang ako kung saan niya kinuha pera n’ya para rito! Sabi ko sa aking isipan na hindi ko naiwasan ang pagbabago ng expresyon ng aking mukha.




“Is there a problem?” Biglang tanong ni Jeck sa akin.




“Ah. Eh, wala.”




“Okay, ‘eto na pala yo’ng food, hope ma-enjoy mo ‘tong niluto ko, nagpaturo pa ako kay daddy kung paano lutuin ‘yan.” Sabi nito at nakita ko ulit ang dalawang babaeng kaninang sumalubong sa akin, ngayon ay may dalang dalawang tray at parang hirap na hirap na tumutulay papunta sa kinauupuan namin.




Nang mailapag na ng dalawang babae ang mga pagkain ay umalis na rin ang mga ito sa kinaroroonan namin ni Jeck. Nakita kong Caldereta pala ang sinasabi ni Jeck na niluto raw niya.




“Ikaw nagluto nito?” Hindi ko naiwasang maitanong sa kanya, nakakatuwang isipin kasi noong una ay adobo ang niluto nito at nagpaturo rin ito noon kay daddy para maluto niya ito.




“Oo, mukha bang hindi?” Nakangising sabi nito sa akin.




“Patikim nga.” Sabi ko at kumuha ako ng karne mula sa bowl na pinaglalagyan nito at agad kong isinubo. Masarap ang pagkakaluto ni Jeck, hindi man niya nakuha ang timpla ni daddy ay may distinct na lasa ang kanyang caldereta na alam mong sa luto lamang niya malalasahan. Sinadya kong magbigay ng hindi magandang expresyon ng mukha ko sa kanya.




“Hindi mo ba nagustuhan?” Medyo may himig ng pag-aalala niyang tanong sa akin.




One point! Akala mo ako lang maiisahan mo ha! Sabi ko sa aking isipan at lalo ko pang pinapangit ang expresyon ng aking mukha para lalo itong mapikon sa akin.




“Hindi ka naman nasasarapan eh, sige, papaluto na lang ako sa cook ng panibago.” Sabi nito habang tumatayo at kinuha pa ang bowl ng caldereta.




Maagap ko namang pinigilan ang balak ni Jeck, natatawa pa ako sa nakikita kong reaksyon ni Jeck sa aking ginagawang pang-iinis sa kanya kaya lalong napikon ang mama. Inilapag niyang muli ang bowl at naglakad papalayo sa island.




“Hoy pikon! Saan ka pupunta?” Natatawa kong tanong dito pero bigo akong makatanggap ng sagot galing sa kanya kaya hinabol ko na ito.




“Saan ka pupunta? Binibiro ka lang naman eh, kasi naman, pwede mo namang sabihin sa akin kanina bago tayo maghiwalay na gusto mo pala mag-swimming, may pa-surprise-surprise ka pang nalalam...” Hindi pa tapos ang aking sasabihin nang pigilan ako nito sa aking pagsasalita gamit ang kanyang labi.




“I Love You.” Sabi nito nang maghiwalay ang aming mga labi na naging dahilan ng pagkapal ng aking magkabilang pisngi na senyales na ito’y namumula.




“I Love You Too.” Nakayuko kong tugon sa kanyang sinabi.




“Ano ulit ‘yon?” Tanong nito sa akin at inilapit pa ang tenga niya sa aking bibig.




“Sabi ko, I Love You Too.” Mahina kong tugon dito.




“Ano po yon? Hindi ko maintindihan, pakilakas po.” Alam kong nang-aasar na ‘to, pero hindi ko alam kung bakit sinakyan ko pa rin ang trip niya.




“I LOVE YOU!” Sigaw ko rito, at pagkasabing-pagkasabi ko nito ay narinig kong tumugtog ang acoustic band na inarkila ni Jeck.




Nilingon ko naman ang bandang ito at nakita ko sila Paeng, BJ, Mike at Mena.




“Sabi na nga ba hindi mo rin matitiis yang si Jeck eh!” Sigaw ni Mena sa mic na hawak niya. “This song is for you bestfriend!” Sabi nito sa akin, ngayon lamang niya ako tinawag na bestfriend na talaga namang ikinatuwa ko ng wagas.




This could have been just another day” Pagsisimula nito sa kantang “No Ordinary Love” na talaga namang paborito ko. Hindi ko alam na marunong palang kumanta si Mena kaya ikinagulat ko ang pagkanta nito. Kasabay ng pagsisimula ni Mena ng kanta ay siya namang pagpulupot ng mga kamay ni Jeck sa aking tagiliran. Hinayaan ko lang na gawin ni Jeck ang pagyakap niya sa akin.




“But instead we’re standing here. No need for words it’s all been said, In the way you hold me near.” Pagpapatuloy ni Mena sa kanyang pagkanta, ramdam ko ang bawat salita sa pagkanta ni Mena, alam na alam mong punong-puno ng emosyon ito.




“I was alone on this journey.” Nang kantahin ni Mena ang parteng ito ng kanta ay nakita ko si Jeh mula sa isa sa mga cottege na nakapalibot sa pool na lumabas, may dala-dalang isang bouquet ng bulaklak at papalapit ito sa amin ni Jeck. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pagkakayakap sa akin ni Jeck at tuluyan na itong umalis sa pagkakayakap sa akin.




“ You came along to comfort me, Everything I want in life is right here. Cause.”




“This is not your, ordinary, no ordinary love, I was not prepared to enough, to fall so deep in love.” Biglang pagtahimik ni Mena, at si Jeck naman ang kumanta ng parteng ito. Kahit sintunado siya ay mararamdaman mo pa rin ang mga salita rito, hindi ko naiwasang mapangiti habang iniaabot niya sa akin ang mga bulaklak na ibinigay sa kanya ni Jeh.




“This is not your, ordinary, no ordinary love, you were the first to touch my heart, but everything’s right again with your extraordinary love.” Pagpapatuloy ni Jeck sa kanyang kanta at fully extended na ang kamay nito pero hindi ko pa rin nagawang kunin ang bulaklak na ibinibigay niya.




“Kunin mo na! Pakipot ka pa!” Sigaw ni Mike na tinawanan naman nila Paeng, ito rin ang dahilan para magising ang aking ulirat, napatulala kasi ako sa ginawa ni Jeck dahil kahit sintunado itong kumakanta ay kitang-kita mong damang-dama niya ang kanta.




Agad ko namang kinuha ang bulaklak na ibinibigay ni Jeck, kasabay nito’y ang pagyakap muli sa akin ni Jeck na sinamahan pa niya ng pagsenyas sa banda ng ‘apprub’ sign.




“Salamat Jeck, you made me happy. Sobrang salamat talaga.” Ang nasabi ko na lang at yumakap na rin ako sa kanya.




“It’s not my idea, idea ito nila Paeng, kaya nga walang nagyaya sa ‘yo kanina after class eh, kasi, dumiretso kami kaagad dito.” Pabulong na sagot nito sa akin.




“Eh, paano nila nalaman?” Nagtataka kong tanong dito.




“James, hindi bulag ang barkada mo. Kilala ka nila, at alam nila kung paano ka ma-inlove.” Sabi nito na ngingisi-ngisi pa.




“Oo na. Sige na, payag na. Eh pano si..?” Naalala ko kasi bigla si Kelly, naalala kong hindi pa rin pala sila nag-break ni Jeck.




“I wrote her a letter this morning, hindi ko lang alam kung nabasa na niya. Basta nakalagay na roon lahat.” Sabi nito.




“What reason did you give her?”




“Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya, in the first place naman ay pinilit lamang niya akong makipagrelasyon sa kanya.”




“Eh sila daddy? Anong alam nila?”




“Walang alam sila daddy, sila Paeng ang kausap nila daddy noong ipagpaalam ka nila, hindi ako, ang sinabi nila ay isusurpirse ka raw nila dahil medyo matagal ka na nilang hindi nakakasama.” Paliwanag nito.




“From the very 1st time,  that we kissed, I knew that I just couldn’t let you go at all, from this day on, remember this, that you’re the only one that I adore.” Napatahimik ako ni Mena sa parteng ito ng kanta dahil nilakasan niya ang kanyang boses para marinig namin ang kanyang pagkanta.




“Can we make this, last forever, This can’t be dream, Cause it feels so good to me.” Si Jeck naman sa parteng ito ng kanta. Pagkatapos nito ay ang pagkalabit na lang sa gitara ang maririnig sa buong resort.




Lumuhod si Jeck sa aking harapan at may dinukot sa kanyang bulsa. “James Cornejo, would you be my partner from this day, until the day you need me?” Malakas na sabi nito na halata mong ipinaparinig pa niya sa iba naming kasama sa loob ng resort. Kasabay din nito ay ang paglalabas niya ng isang box na kulay blue mula sa kanyang bulsa. Ibinuka niya ang takip ng kahon at nakita ko ang isang kwintas na may pendant na singsing.




“Sumagot ka! ‘Wag kang tumunganga riyan!” Agaw-trip talaga si Mike.




“Yes Jericko Sebastian!” Sobrang naexcite ako, this is the 1st time na may gumawa sa akin ng ganito, noong una kasi ay ako ang gumagawa ng ganito sa mga babae.




Ganito pala ang feeling ng mga babae kapag nag-propose sa kanila ang mga boyfriend nila, nakakakilig. Hindi ko napigilang masabi sa aking isipan.




Tumayo si Jeck mula sa kanyang pagkakaluhod, isinuot niya sa akin ang kwintas mula sa aking likuran, na may pendant na singsing habang nagsasalita. “Yang singsing diyan, bigay ng lola ko kay mama, kaya naman ‘yan ang pendant kasi, alam kong hindi ka tumatanggap ng singsing, kaya naisipan kong ganyan na lang ang gawin para may singsing pa rin.” Pabulong niyang sinabi sa akin.




“Salamat.” Ang tanging naitugon ko lamang sa kanya matapos niyang ilagay sa aking leeg ang kwintas.




“Salamat lang? Wala bang....” May sasabihin pa sana si Jeck pero siniil ko na siya ng halik na naging dahilan para magtilian na animo’y kinikilig ang mga kasama namin sa resort na ‘yon.




...itutuloy...

4 comments:

  1. woooooh ! ! ! :">
    habang binabasa ko 'to, na-iimagine ko yung kakilig na scene ee . .

    kayo na! kayo na ang nagmamahalan . . . . :)

    natuwa naman ako sa kantang featured sa chapter na 'to .
    one of my fave songs of MYMP --

    Thanks kuya JC ~
    #iHeartkuyaGAB >_<

    TumugonBurahin
  2. Kayo na ANG SWEET :):):)

    TumugonBurahin
  3. nakakatuwa pala itong chapter na ito, hahaha, natripan ko lang basahin, eh ayun, nikilig din ako sa sinulat ko. hahahahahahahhahaha. ewan ko ba. Naalala ko panahon na... mmmmm, hahaha, popost ko dito ang pictures ng maria paz, para naman mapicture out ninyo yung itsura nun. hehehehe

    TumugonBurahin