Subscribe:

Linggo, Abril 15, 2012

Can it be Love (Part 24)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Edited by: Yume Koibito (My SuperFriend)






Bago pa man natapos ang gabing iyon ay ginawa ni RJ ang sinabi ko sa kanya, natuwa naman ako sa kinalabasan dahil naging close ang dalawa, si Jeck at si RJ. Ibinilin ako ni RJ kay Jeck at sinabihan pa nitong wag daw akong sasaktan ni Jeck dahil pag nabalitaan daw niya ay uuwi daw siya dito sa Pilipinas para lang gumanti kay Jeck. Nakakatawang isipin na ang kanina lang na nagbabangayan ay ngayon parang mga “super friends” na dahil nagagawa na nilang magkulitan.




Sila Paeng, Mike, at Ondoy ay tulog na sa lamesa dahil sa kalasingan. Hindi na din nila namalayan ang pagbalik naming magkasama ni RJ, nakakatuwang tingnan ang mga kumag dahil magkakatabi itong natulog na naka-ub-ob sa lamesa. Hindi na din nila nakinig pa ang usapan at kulitan nila Jeck at RJ.




Nagtataka man sa ipinapakitang resistensya ni Jeck ngayon sa pag-inom ay hinayaan ko nalang din. Dahil na din para hindi ma-spoil ang unang gabi ni Jeck at ni RJ bilang magkaibigan.




Matapos ang party ni Welcome Party ni RJ ay hindi na naming muling nakita pa si RJ, pero unlike before, ngayon ay may constant communication na kami, ibinigay niya ang roaming number niya sa akin at pati na din ang kanyang Friendster account ay ginagamit na niyang muli.






December 2, 2005, Friday






Uwian na namin galing sa school, at sa unang pagkakataon ay hindi daw sasabay sakin si Jeck pauwi. Hindi din daw siya magpapakita sa akin hanggang sa Lunes. Pinilit kong malaman kung anong dahilan niya ay hindi niya sinabi. Basta nalang ito nagmadaling lumabas ng school at sumakay sa tricycle.




Ako naman ay dumiretso na sa bahay, tutal wala namang nagyaya sa aking mga tropa na lumabas, kaya minabuti ko na din na umuwi.




“I’m home!” Sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay, pero bigo akong makatanggap ng sagot. Wala palang tao dito kundi ako.




Umakyat ako sa kwarto ko at humiga nang hindi manlang nagpapalit ng damit. Napagod ako sa buong linggong nasa gawain sa school. Nakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan.










“James, gising na.” Pag gising sa akin ni mommy na sinamahan pa nito ng pagyugyog ng katawan ko para magising ako.




“A…anong oras na po?” Sagot ko ditong pupungas-pungas pa ng mata.




“8 na ng gabi James. Bumaba ka na at kakain na, may iuutos pa sayo ang daddy mo.” Sabi ni mommy at lumabas na ito ng kwarto ko.




Ano ba yan! Kagigising ko lang. Utos kaagad! Inis kong sabi sa aking isip. At tumayo na ako’t tuluyan nang lumabas ng kwarto.




Naging tahimik ang aming hapunan na talaga namang nakakapanibago. Usually kasi ay si Jeck ang kasabay kong kumain dito sa bahay. Kaming dalawa lang dahil busy si mommy at si daddy sa kanilang mga trabaho.




“James, pumunta ka mamaya dito sa lugar na ito.” Sabi ni daddy at nag-abot sa akin ng isang maliit na papel, nang basahin ko ang nakasulat ay nakita kong sa San Pablo City ito at isang resort, Maria Paz Resort ang nakalagay dito. “Kausapin mo yung may ari, sabihin mo anak kita, sila na bahala sayo doon.”




“Sige po daddy, pero gabi na, hindi ba pwedeng bukas nalang po ito?”




“Ngayon ko kailangan ang sagot ng taong yan. Kaya pumunta ka doon.” Sabi ni daddy na mararamdaman mo sa boses niya ang authority kaya napilitan nalang akong tumango-tango bilang pagsang-ayon. “At isa pa James, balitaan mo ako kaagad kung anong mangyayari doon. Doon ka na din matulog dahil ipinagreserve ka daw nila ng room.” Dugtong ni daddy na lalung ikinakunot ng noo ko.




“Bakit doon pa? Pwede naman akong umuwi nalang pagkatapos naming mag-usap diba?” Tanong ko kay daddy, natuwa naman ako sa sinabi ni daddy, pero buti sana kung may kasama ako doon, kaso nga ay sabi ni Jeck, hindi daw siya pwede.




“Wag nang maraming tanong pa James. Kung tapos ka nang kumain ay humulong ka na. Gagabihin ka pa lalo.” Sabi ni daddy. “Mag prepare ka ng damit mo for 2 nights at pamalit na din if ever man na mag-enjoy ka doon.” Sa sinabing ito ni daddy ay lalung napakunot ang nook o pero hinayaan ko nalang at umakyat na ako sa aking kwarto para kumuha ng damit.










“Kuya, excuse me, saan po itong papuntang Maria Paz?” Sabi ko sa isang lalaki sa bayan ng San Pablo.




“Saan ka ba galing tutoy? Medyo delikado na ang papunta diyan sa resort na yan.” Sabi sakin ng lalaki na pinagtanungan ko.




“Galing pa po akong Calamba kuya, pano ba makapunta dito?” Tanong ko ulit sa lalaki, sa isip-isip ko kasi ay tinatakot lamang ako ni Kuya kaya hindi ko na ininda pa yung pangalawa niyang sinabi. Tutal ay may dala naman akong sasakyan kaya sa palagay ko naman ay safe ako.




“Bumalik ka sa papuntang Calamba tutoy, pero bago ka pa makarating doon sa may paakyat ng bundok ay may kakaliwaan doon. Kumaliwa ka doon at dire-diretsohin mo ang daan na iyon, makikita mo na ang Maria Paz doon. Mag-iingat ka tutoy at maraming adik doon sa may San Juan.” Mahabang paliwanag ni Kuya. Sa sinabi nitong San Juan ay lalo akong kinabahan. Naalala ko kasi ang kwento nila Paeng na dito daw sila nakipag-fiestahan noon at nang paalis na sila ay wala na ang dalawang gulong ng kotse ni Mike. Napag-pasyahan kong tumawag muna kay daddy bago tumuloy.




“Hello daddy, nandito na po ako sa san Pablo. Pero ang daan pala nito ay sa San Juan, delikado daw po doon daddy, baka naman po pwedeng ipagpabukas ko nalang ito? Makikitulog nalang ako sa barkada ko muna dito.” Mahaba kong sabi kay Daddy nang sagutin nito ang kanyang CP.




“May mag-e-escort sayo papasok sa San Juan James, kaya wag ka matakot. Kakilala ko ang mga ‘yon.” Sabi ni Daddy at pinutol na ang linya.




Eh ikaw naman kasi ang may kausap dito! Hindi naman ako! Dapat kasi ikaw nalang ang pumunta dito! Bulyaw ko sa aking isipan, naiinis kasi ako kay daddy, dapat ay siya nalang ang nagpunta dito. Hindi yung ako pa ang pinapunta niya, alam naman niyang delikado!




Nagdrive na nga ako ulit pabalik sa sinabi ni kuya na daan, nang marating ko ang nasabi nitong likuan pakaliwa ay may mga motor na parang may inaabangan. Kaya binomba ko ang silinyador para bumilis ang takbo ng kotse, para na din makaiwas doon sa mga nakamotor.




Nakalampas na ako sa mga motor pero sinundan ako ng mga ‘to, binilisan ko pa ang patakbo ng kotse pero ang isa sa mga ito ay umuna sa akin. Dalawa sila sa motor, isang kaedaran lamang siguro ni Daddy, ang isa ay bata pa na halos nasa early 20s niya siguro.




Ang isang motor na iisa lamang ang sakay ay pumantay ng takbo sa kotse ko. Lalo akong natakot dahil sa sinabi ni Kuya na napagtanungan ko sa bayan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kinatok nito ang aking bintana pero hindi ko ibinaba.




Kinapa ko sa ilalim ng aking upuan kung may dala ba akong kung anong magagamit kung mapapalaban man ako, pero ako’y bigo, hindi ko nadala ang baseball bat ko, ang tanging alam kong hindi ko makakalimutan ay ang mga tubo para sa pag-aayos ng gulong kung mapa-flatan man ako. Pero ito ay nasa compartment ng kotse, kaya hindi ko din makukuha.




Damn it! Tang ina naman! Masasalvage pa ata ako dito ng hindi oras! Sabi ko sa aking isip. Binilisan ko ang patakbo ko ng kotse, madali akong makakasingit sa bandang kaliwa kung sakaling mauunahan ko ang motor na sumasabay sakin ng patakbo. Hindi naman ako nabigo sa pagkakataong ito, naisingit ko kaagad ang kotse ko sa nakita kong spot kaya binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbong ginawa ko sa kotse. Nakita ko naman mula sa aking rear mirror na naiwan ko na ang mga motor na humahabol sa akin.




*BLAG* *BLAG*




Dahil sa pagmamadali ay hindi ko naiwasan ang mga lubak na dinaanan ko, hindi ko ito nakita dahil nakafocus ako sa mga humahabol sa akin na hindi ko kilala kung sino. Napansin kong malubak na ang daan na tinatahak ko, kaya kahit anong gusto kong pabilisin ang pagpapatakbo ko ng kotse ay hindi ko magawa.




Ito din ang naging dahilan para maabutan ako ng mga motor na humahabol sa akin kanina.




Tang ina, yan na naman sila! Bullshit! Bullshit! Ang mga nasasabi ko nalang, natutuliro na din kasi ako, ikaw ba naman ang habulin ng mga hinayupak na hindi mo naman kakilala, hindi ka ba kakabahan?




“Ka.an.n.d.dy.mo” Putol-putol kong narinig mula sa labas ng kotse, alam kong ang nagsasalita ay galing sa nagmomotor, pero hindi ko maintindihan ito dahil na din sa ingay ng kotse dahil sa pag-apak ko sa silinyador para bumilis pa kahit kaunti ang takbo nito kahit na malubak ang daan.




Ibinaba ko ang bintana ko at, “Putang ina nyo! Layuan nyo ako!” Ang tanging nasabi ko lang sa mga nasa labas na humahabol sakin.




“Kaibigan kami ni Mr. Cornejo! Sumunod ka sa amin.” Tila nahiya naman ako sa narinig ko na sinabi ng taong nasa motor, bigla kong naalala ang sinabi ni daddy na may mga mag-eescort daw sakin papunta doon sa Maria Paz. Napagpasyahan kong magbagal na nang pagmamaneho at ihinto muna ito sa isang tabi para na din makapang hingi ng pasensya sa mga akala ko’y masamang loob.




“P.pasensya na po. Hindi ko kasi kayo kilala.” Mahiya-hiya kong sabi nang makababa ako ng kotse.




“Okay lang tutoy, sino ba namang hindi matatakot sa amin eh hinabol ka namin. Dito pa sa San Juan.” Natatawang sabi ng matandang sa palagay ko’y ka-age lang ni Daddy. “Mang Ramil nalang ang itawag mo sakin. At ito nga pala ang anak ko, si Zekiel.”




Kung titingnan mo si Zekiel, isa lamang itong tipikal na lalaki, matipuno ang katawan, hubog na hubog marahil ay dahil sa Gym. Nakasando lamang itong fit na fit kaya kita mo ang hugis ng katawan nito. Sa palagay ko’y may abs ito base na din sa pagkakahugis ng sando nito. Moreno si Zekiel, pilipinong-pilipino ang dating.




“Zekiel Palacio, nakakatuwa naman at bago pa man kami lumipat sa Calamba ay may kaibigan na ako.” Sabi ni Zekiel sakin at iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Nakuha ko naman agad ang gusto nitong mangyari kaya’t iniabot ko din dito ang aking kamay at nagpakilala na din ako.




“James, James Conejo pare.” Tanging sabi ko nalang dito.




“Zekiel anak, diyan ka na muna sumakay sa kotse ni James kung ayos lang kay James.” Sabi ni Mang Ramil.




“Okay lang po Mang Ramil. Sige po, isasabay ko nalang po muna itong si Zekiel.” Sabi ko nalang, ayoko naman kasing mapahiya ang tatay nito kaya pinagbigyan ko na, tutal naman ay kaibigan ni Daddy ang mga ito.




Sumakay na ulit ako sa kotse at kasunod ko naman ay sumakay na din si Zekiel. Pinauna ko na sila Mang Ramil sa akin para maituro sakin ng maayos kung saan ang resort na nakasulat sa papel.




“Buti ka pa James, may kaibigan kang napakagalante.” Sabi ni Zekiel na nagpakunot ng aking noo.




“Kilala mo ang kaibigan ko?” Taka kong tanong kay Zekiel.




“Ahm, ibig kong sabihin, may kaibigan kang nag-eefort sayo.” Sabi nito na lalung nagpagulo ng isip ko.




“Sino bang tinutukoy mo?” Tanong ko dito.




“Yung pupuntahan mo diyan sa Maria Paz. Nakita ko kasi yung mga ipinasok kaninang mga kung ano-ano diyan, sabi daw eh para sa anak daw ni Mr. Cornejo. At nung tiningnan ko kung sino ang nandoon, may lalaking nag-aayos doon na halos kaedaran mo lang.” Mahabang kwento ni Zekiel.




“Nakilala mo ba kung sino?” Napatingin ako sa kanya dahil wala naman akong alam na kaibigan kong pupunta dito, dahil nga ang alam ko ay napahamak na sila Paeng dito minsang namyesta sila.




“Nakalimutan ko ang pangalan eh, parang...” Sabi nito at naputol dahil sa pagtigil ng kanyang tatay sa pag-andar.




Nang igala ko naman ang aking mata ay nakita ko ang mataas na pader at isang malaking gate na may arkong nakalagay na “Maria Paz”.




“James, ito na ang Maria Paz, hindi na kami papasok, ipinaprivate kasi ang resort hanggang sa linggo, kayo lang ang hahayaang makapasok diyan ngayon.” Sabi ni Mang Ramil nang ibaba ko ang bintana dahil nakita kong papalapit ito sa kotse.




“Sige po Mang Ramil, salamat po.” Tugon ko dito.




“Sige James, kita nalang tayo sa Calamba. Malapit lang naman daw ang magiging bahay namin sa bahay ninyo. Kaya kung okay lang sayo eh pupunta-punta ako doon.” Sabi ni Zekiel sa akin at tuluyan nang bumaba sa kotse.




Hindi na ako nakapagsalita dahil sa biglaang pagsara ng pinto ni Zekiel, mabilis namang umalis sila Mang Ramil, pero bago pa man sila makaalis ng tuluyan ay sinabihan muna ako nitong bumusina nalamang daw ako para ako ay papasukin na sa loob.




Ganoon nga ang aking ginawa, bumusina ako sa naturang gate at naghintay na may mag bukas nito.




“Sino po sila?” Tanong sakin ng guwardiya.




“James Cornejo po, anak ni...” Sabi ko pero agad nitong pinutol ang aking sasabihin.




“Ahh, kayo po pala sir, pasensya na po, hindi ko kayo namukaan.” Sabin g guwardiya na, again, pinagtakahan ko. Bakit naman ako makikilala nitong guard na ito, eh ngayon pa lang ako makakapunta dito. “Tuloy na po kayo sir, dun po sa corner na yon, kakaliwa po kayo, tapos ay pangatlong cottage po, doon kayo magpark. Enjoy your stay here sir.” Sabi ng guwardiya at binuksan na ng tuluyan ang gate para ako’y makapasok.




Sinunod ko ang sinabi ng guard. Mabilis ko namang nakita ang sinasabi nito, kaya’t mabilis din akong nakapagpark. Pagkababa ko ay sinalubong ako ng dalawang babae.




“Mr. James, dito po kayo magstay sa room na ito, here is your key to your room.” Sabi ng isang babae sabay abot sakin ng susi.




“At eto naman po ang mga towel, soap and shampoo.” Sabi naman ng isang babae.




“Teka, teka, ang sabi ng daddy ko, may kakausapin daw ako dito. Asan siya?” Tanong ko sa mga babaeng sumalubong sa akin.




“He will be joining you in a while sir.” Sabi nang naunang babaeng sumalubong sa akin.




“Enjoy your stay here sir James.” Sabay na sabi ng dalawa.




Nagtataka man ako ay kinuha ko nalang ang gamit ko at pumasok nalang ako sa kwarto na itinuro nila sa akin. Maganda ang kwartong ito, may isang malaking kama, may TV, air-conditioned ang room at halata mong pang mayaman. Nahiga ako sa kama at hinugot ang aking CP sa aking bulsa.




“Dad, mom, nandito na po ako sa Maria Paz, wala pa po yung pinapakausap ninyo sa akin. Kaya magpapahinga po muna ako dito sa kwarto na ibinigay sa akin.” Text ko sa aking mga magulang.




Hindi na ako nakatanggap ng reply mula sa kanila, marahil ay tulog na ang dalawang ito.




Nilibot ko ang aking mata sa kwartong pinasukan ko, kung tutuusin ay parang isang tipikal na hotel room lamang ito sa maynila, pero ang nagpaganda nito ay ang parang balcony na overlooking sa poolside ng resort, lumabas ako sa balcony at umupo ako sa ‘tungga-tungga’ (Alam nyo ba yun? Tungga-tungga kasi ang alam kong tawag dun sa inuupuan ng matatanda, yung umuuga. Basta yun na yun.) para makapag relax.




Langhap na langhap ko ang sariwang hangin mula sa aking kinauupuan, kitang kita ko din ang kalakihan ng resort na ito mula dito, sobrang laki nito, maraming cottage sa tabi ng pool, may slide ang pool dito na talaga namang paburito kong gawin sa tuwing ako ay magsuswimming. Tama nga si daddy, mag-eenjoy ako dito. Nasabi ko sa aking isip habang pinagmamasdan ang slide.




Sino nga kaya tong kausap ko? Napakyaman naman niya para mapareserve at mapaprivate itong resort na to ng tatlong araw. At para sakin lang. Things are getting mysterious na, parang naeexcite na akong makilala kung sino man tong taong to. Hindi ko na napigilang maisip dahil sa pagkacurious ko, sa kung sino man ang taong may pakana nito.




...Itutuloy...

4 comments:

  1. O.o << CONFUSED ..

    si Jeck? hmmmmm ..

    well .. naeexcite na ko sa mga mangyayari ..
    next chapter na :)

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin
  2. Jeck or maybe rj?hmmmm

    TumugonBurahin
  3. hmmmmmmmm...next chapter na poh...i don't wanna guess...baka madisappoint lang ak0..pg mali ang guess ko...wahahahaha

    TumugonBurahin