By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Edited By:
(Tito ko) Jeh Quijano
(Super Friend) Yume Koibito
Sana po ay magustuhan ninyo ang chapter na ito, sana ay magcomment din po kayo, maraming maraming salamat po sa pagsubaybay nitong story ko, sana po ay patuloy na kayong magcomment, maraming salamat po.
“Buti naman at nakarating ka.” Salubong sakin ni RJ nang makarating
kami ni Jeck sa rest house nila sa San Juan. Niyakap ako nito ng
pagkahigpit-higpit na animo’y ilang dekada kaming hindi nagkita.
“Kung hindi tumawag si Tita Laly, hindi kami pupunta ni Jeck. Ay, nga
pala, si Jeck pala, kaibigan ko.” Casual kong sagot dito.
Ibang-iba na ang itsura ni RJ ngayon, kuminis na ang kanyang muka hindi
tulad ng dati na puro tigidig, ang katawan din nito’y mas lalong nahubog
marahil ay batak ito sa paglalaro. Mas pumuti siya ngayon at kitang-kita mo
talaga ang pagbabago nito, Pagsisigawan
ka nga naman ng babae kung makikita ka ngayon! No wonder nagkagulo kanina sa
school nung dumating ka! Sabi ko lang sa aking isip, ayokong maflatter si RJ
dahil sa mga naisip ko, kaya minabuti kong sarilinin nalang ang mga napuna ko
dito.
“Natulala ka din sakin, tulad ng iba!” Maya-maya’y sabi ni RJ, hindi ko
na kasi namalayan na napatitig na ako sa kanya.
“At hindi ka pa din nagbabago, mayabang ka pa din!” Sagot ko dito at
hinigit ang kamay ni Jeck para makapasok na kami sa bahay, paniguradong
naghihintay na sila Paeng sakin.
Kompleto ang original na cast ng barkada namin, si Paeng, si Ondoy, si
Mike, si RJ, at ako. Hindi naman talaga namin kabarkada si BJ, napasama lamang
siya sa amin dahil sa isang away na nauwi sa pagkakaibigan.
“Andyan na pala si James eh!” Si Paeng, halata sa tono nito ang tama ng
alak na iniinom nila, nang tingnan ko ang iniinom nila’y nalaman kong lambanog
pala ito. “Tagay na James! Kanina ka pa namin hinihintay!”
Nginitian ko lamang ito bilang tugon sa kanyang sinabi at inabot ang
tagay na ibinibigay niya sa akin.
“Ikaw din Pareng Jeck! Tagay muna!” Sabi ni Paeng kay Jeck matapos kong
tagayin ang kanyang ibinigay. Parehas lang kami ng ginawa ni Jeck, nginitian si
Paeng at inabot ang tagay na ibinigay nito.
“James anak!” Biglang singit ng mama ni RJ na si Tita Laly. “Ketagal mo
namang hindi nagpakita sa amin. Nakakapangtampo ka na huh, dati-rati’y palagi
kayong magkasama nitong si RJ ko, tapos, si Brent ko, may problema ba anak?”
Dugtong pa ni Tita Laly at hinigit ako palayo sa inuman nila Paeng.
Si Jeck naman ay hindi na nakasama pa sa amin ni Tita Laly, naiwan siya
na malapit sa inuman kasama nila Paeng. Nakita ko pa ang pag-iling ni Jeck nang
higitin ako ni Tita Laly papalayo sa kanya.
“Ah. Eh, Tita, may kasama po ako eh.” Alanganin kong sabi kay Tita
Laly.
“Hayaan mo na muna siya doon, tutal naman ay kaibigan din siya ng mga
kaibigan mo, dito ka muna sa amin nang makakwentuhan at makamusta ka naman.”
Sagot ni Tita Laly na may ngiti sa kanyang mga labi.
Sumunod nalang ako kay Tita Laly, tutal naman ay hindi magagawang ma-OP
ni Jeck doon kila Paeng dahil na din itinuring naman na talaga nila Paeng si
Jeck na kaibigan.
Pagkapasok naming sa loob ng bahay nila’y nakita kong kompleto ang
pamilya nila, isang malaking paparty pala ang ginawa ni Tita Laly sa pagdating
ng kanyang anak mula sa ibang bansa. Ang iba ay ngiti lang ang ibinati sa akin
na sinuklian ko lang din ng ngiti. Ang iba nama’y nangangamusta, at ang iba ay
nagulat nang makita ako.
Iginala ko pa ang aking mata para maghanap ng iba pang kakilala sa loob
ng bahay. Nakita ko na malapit sa hagdan si Brent, matamang nakatingin sa akin,
pero may kasama itong babae na hindi ko kilala, may pahawak hawak pa ng kamay
yung babae kay Brent at salita ng salita, pero hindi naman sa kanya nakatingin
si Brent. Nagulat nalang ako nang tumayo ito at iniwan ang kausap niyang babae
at tinungo ang kinaroroonan ko. Hinigit ako nito papunta sa Beach na
overlooking sa bahay nila mula sa garden.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong sakin ni Brent habang nakahawak pa din
sa aking braso, madiin, masakit.
“Bitawan mo nga ako!” Inis kong sabi dito at iwinagwag ang kabuuan ng
aking kamay para alisin sana ang pagkakahawak ni Brent sakin, pero matindi
talaga ang grip nito kaya’t nabigo ako. “Tinawagan ni Tita Laly si Mommy para
papuntahin ako dito!”
“At nagpunta ka talaga! Hindi ka na nahiya, ex mo si Kuya, tapos,
dinala mo pa dito yang bago mo!”
“Anong bago? Sino? Si Jeck? Kaibigan ko lang si Jeck! At kung pinag-iisipan
nyo kami ng hindi maganda, kayo na ang bahala! Basta wala kaming ginagawang masama!”
Pasigaw ko nang balik dito dahil sa sobrang inis sa sinabi niya, ramdam ko pa
din ang higpit at lalu pang humihigpit nitong kapit.
“Sinungaling!” Sigaw nito sakin. Wala namang ibang makakarinig sa amin
sa lugar na pinagdalahan sakin ni Brent dahil may 30 meters din ang layo ng
pangpang sa nilabasan namin na parte ng rest house nila.
“Nasasaktan ako Brent! Ano ba!” Sigaw ko dito dahil ramdam ko na ang
kanyang kamay sa aking buto, pahigpit pa din ito ng pahigpit sa pagkakakapit sa
aking braso.
“Bitawan mo si James!” Sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.
“Bakit kuya? Eh makapal naman talaga ang muka nitong lalaking to diba?
Hindi siya bagay dito! Pauwiin nalang natin to!” Balik ni Brent sa lalakeng
sumigaw na napag-alaman kong si RJ pala.
“Eh gago ka pala eh!” Sabi ni RJ kay Brent at bigiyan ng isang malakas
na suntok sa pisngi ang kanyang kapatid na naging dahilan na mapatumba si Brent
at mabitawan ang pagkakahawak niya sa akin.
“Okay ka lang James? Masakit ba?” Tanong ni RJ sa akin nang makabawi
ito sa pagsuntok niya sa kanyang kapatid.
“Gago ka din eh noh! Sinakktan mo kapatid mo! I can handle myself RJ,
hindi ko kailangan ng tulong mo!” Inis kong wika kay RJ, hindi ko naman
sinasadyang mainis sa kanya, pero nang suntukin nito ang kanyang kapatid ay
nakaramdam ako ng awa kay Brent.
Tinulungan kong makatayo si Brent, kahit naman sinabihan ako nito ng
masasakit na salita ay hindi ko pa din magawang mainis sa kanya ng tuluyan.
“Bitawan mo ako!” Sabi ni Brent at nagtatakbo papunta sa loob ng
kanilang rest house.
Magsasalita pa sana si RJ pero naglakad na din ako papalayo, papunta
sana sa kinaroroonan nila Jeck, pero pagkapasok ko ng bahay ay tinawag pa ako
ni Tita Laly para daw kumain muna, tumanggi ako noong una pero wala din akong
nagawa kaya kumuha ako ng pagkain.
Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso na ako sa kinaroroonan
nila Jeck at tumabi na dito, para na din hindi na makalapit ang magkapatid sa
akin, pakiramdam ko kasi, magkakagulo lamang paglumapit pa sakin si Brent, at
kung si RJ naman ang lalapit ay magseselos lang si Jeck.
Hindi ko na din sinabi pa kay Jeck ang nangyari sa may pangpang dahil
alam kong magagalit lamang ang isang ito at mag-hi-hysterical, lalo lamang magkakagulo.
Nagpunta kami dito ni Jeck para makisaya hindi para gumawa ng gulo.
“Anong nangyari d’yan?” Tanong ni Jeck sakin ng makaupo ako sa tabi
nito.
“Saan?”
“D’yan sa braso mo, bakit sobrang pula?” Akala ko kasi hindi na nito
mapapansin dahil madilim sa kinaroroonan nila, pero mali ako, napansin pa din
ni Jeck.
“Wala, nahampas lang ni Tita Laly, nagbibiruan kasi kami sa loob
kanina, eh mabigat naman talaga ang kamay non.” Pagsisinungaling ko kay Jeck na
sinamahan ko pa ng ngiti.
“Ahh. Okay.” Sabi nito’t tinagay na ang basong nasa kanyang harapan.
“Bakit hindi mo manlang ako ikinuha ng pagkain?” Sabi nito matapos tumagay.
“Hindi ko naman alam na gusto mo kumain eh, sige, iyo nalang ‘to, para
naman makakain ka, tutal, hindi naman ako gutom eh. Napilit lang ako ni Tita
Laly, kaya napakuha ako ng pagkain.” Sabi ko dito’t ibinigay na sa kanya
pagkain.
“Hati nalang tayo. Subuan nalang kita.” Bulong ni Jeck sakin sabay
hagikhik.
“Ang sweet nyo naman! Sali nyo naman kami sa usapan nyo.” Biglang
singit ni Mike, noong una’y hindi ko alam na kami ang pinatutungkulan nito,
pero nang igala ko ang aking mata’y nakita kong samin nakatingin ni Jeck ang
mga ito.
“Anong sweet? Hindi ah! Kayo talaga! Tigilan nyo nga ako!” Sabi ko sa
mga ‘to.
“Nako James, buti nga at nandito ka na, kanina pa hindi mapakali yang
si Jeck dahil DAW wala ka sa tabi ‘nya!” Sabi naman ni Ondoy na halata na din
ang tama ng alak sa kanya.
“Mga lasing na kayo! Kung ano-ano na sinasabi nyo!” Sabi ko sa mga ‘to.
“Oh, ayan na pala si balik-bayan eh, sumali ka na din dito sa inuman namin
RJ! Kanina pa kami dito, pero hindi ka pa tumatagay!” Si Paeng, lasing na
talaga ang isang to, nabubulol-bulol pa ito sa kanyang sinasabi.
“Diba sabi ko naman sa inyo, hindi ako...” Sabi nito na siningitan
naman agad ni Ondoy.
“Na ano pare? Hindi ka iinom nang wala si James?” Nakangising sabi ni
Ondoy, lasing na din ang isang to.
Hindi naman nakasagot si RJ sa sinabi ni Ondoy, bagkus ay kinuha nalang
niya ang baso, pinuno ng lambanog na iniinom nila Paeng at ini-straight niyang
inumin ito.
“Woah!!!!” Sabay-sabay na sigaw ni Paeng, Ondoy at Mike nang makita ang
pagpapasikat na ginawa ni RJ.
“Pare, dahan-dahan lang, baka mauna ka pang malasing samin niyan.”
Biglang sabi ni Jeck kay RJ.
“Pare ka d’yan! Wala akong kumpareng katulad mo!” Sigaw ni RJ kay Jeck
na ikinagulat naming lahat. Lahat sa lamesa ay napatahimik.
Hinawakan ko ang kamay ni Jeck mula sa pagkakaupo nito, nakapatong lang naman ang kanyang kamay sa
kanyang upuan kaya hindi kita ng mga ito ang biglang paghawak ko sa kamay nito.
Gusto ko lang sabihin sa kanya na magtimpi at ipaalala sa kanya ang usapan
namin na walang gulo kaming papasukin dito sa party na ito.
“Ituloy ang kasiyahan!” Sigaw ni Paeng.
“Oo nga! Walang away tsong! Kararating mo lang, tsaka mabait yang si
Jeck.” Segunda naman ni Mike, ang kausap ay si RJ.
Naupo na si RJ sa tapat ko at nagtuloy-tuloy na ang inuman, pati ako’y nakikisabay
na din sa tagay nila, pinahabol pa ako ng mga kumag, pinatagay ako ng tatlong
sunod-sunod na matataas na tagay para daw makahabol na naging dahilan ng
pagkahilo ko, pero hindi ko ito ininda, bagkus ay nakitagay pa din ako.
“Naaalala nyo ba nung na-dengue si James?” Sabi ni Mike. “Ay, teka,
alam nyo nga ba na na-dengue si James?” Biglang bawi nito, lasing na din ito.
“Alam namin ‘yon! Ano ba yang ikukwento mo?” Sigaw ni Paeng, nakapikit
na ang mata nito, siguro ay dahil sa kalasingan at antok dahil malalim na din
ang gabi.
“K.kasi, si Jeck pala ang nagdala kay James noon sa ospital.” Si Mike.
“Oo nga. Kung hindi dahil kay Jeck, baka wala na si James ngayon.
Sayang naman.” Biro ni Ondoy na ikinatawa naming lahat.
“Gago ka talaga Ondoy!” Natatawa ko pa ding komento sa sinabi ni Ondoy.
“Nakatulog nga ako noon habang nag-da-drive eh, buti nalang at kasama ko noon
si Jeck, kundi, malamang ay nabangga nga ako.”
“Sayang talaga!” Pabiro pa ding singit ni Ondoy na ikinatawa pa din
naming lahat.
“Nako, kung alam nyo lang, sa gabi-gabing pagbabantay ko dito! Palagi
akong puyat! Ang lakas maghilik!” Si Jeck naman ang bumangka sa kwentuhan.
“Ang yabang mo naman! Hindi naman ako naghihilik!” Tampu-tampuhan kong
sabi kay Jeck na sinamahan ko pa ng pagtalikod dito.
“Ito naman, hindi na talaga mabiro! Sorry na, joke lang yun.” Sabi ni
Jeck na sinamahan pa nito ng pagkiliti sa aking tagiliran.
“Ang SWEEEEEEEET!!!” Si Mike na parang babae na sinamahan pa ng
pagmustra nito na parang kinikilig talaga!
Biglang tumayo si RJ sa upuan niya at naglakad papalayo, mukang
na-badtrip.
“Patay kayo kay balik-bayan! Napaka tamis ‘nyo kasing dalawa eh!” Si
Ondoy naman.
Naisip kong puntahan si RJ para liwanagin sa kanya na walang kami ni
Jeck, pero ang isang parte ng aking utak ay nagsasabing hindi ko naman
kailangang mag-explain kay RJ dahil wala naman ng kami.
“Puntahan ko muna si RJ, okay lang ba?” Bulong ko kay Jeck.
“Bakit?”
“Kasi, baka kung ano isipin niya tungkol satin.”
“Bakit?”
“Baka kasi nasaktan natin siya.”
“Bakit?”
“Kasi kaibigan ko siya, Jeck, intindihin mo, ex ko siya.”
“Edi lumabas din, sige na, puntahan mo na.” Pagpayag ni Jeck.
“Guys, puntahan ko muna ang isang yon, baka kung anong gawin eh.” Pagpapaalam ko naman sa mga kasama namin
sa table.
“MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG!” Kanta ng mga mokong habang
naglalakad ako papalayo sa kanila, tiningnan ko naman si Jeck kung anong
reaksyon niya, pero parang wala lang sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang at
nagtuloy-tuloy na ako papunta kay RJ.
“Bakit ka biglang umalis?” Agad kong tanong kay RJ nang makita ko ito
sa may dalampasigan. Nag-iisang nakaupo sa buhangin at nakatingin sa langit,
marahil ay sa mga bituwin.
Hindi ako nito pinansin, bagkus ay tumayo ito at akmang aalis, pero
naging maagap ako’t hinawakan ang kanyang braso.
“Look, Jeck and I are just friends, gusto ni daddy at ni mommy ang
ugali niya, kaya naging guardian ko siya pamula nang magkasakit ako.”
Pagpapaliwanag ko kay RJ.
“Guardian nga lang ba? Eh kung makapagbulungan kayo, parang wala kayong
ibang kausap eh.” Sabi ni RJ sa kalmadong boses nito.
“Kaibigan nila mommy ang mama ni Jeck, kaya naging mas lalo pa kaming
naging close ni Jeck. Siya ang nagbantay sakin noong nagkasakit ako, siya ang
nagtatanggol sa akin sa mga kumakastigo sa akin, at siya ang kasama ko noong
mawala ka.” Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang huling katagang sinabi ko,
pero bigla nalang itong lumabas sa aking bibig.
“Siya na ang pumalit sakin diyan?” Sabi nito sabay turo kung nasaan ang
aking puso.
“Hindi ko alam.” Simpleng tugon ko dito.
“Putang ina! Bakit siya pa? Bakit hindi nalang si Brent!”
“At bakit naman si Brent?” Kalmado kong sagot sa kanya, sabi ko nga
kanina, ayoko ng gulo.
“Dahil kay Brent, alam kong safe ka.”
“Safe? Ako? How sure are you na kaya akong protektahan ni Brent? Na
kaya nyang salubungin ang mga issue na pinupukol sakin at sa mga lumalapit sa
akin! Kaya ba ng konsensya mo na ilagay si Brent sa alanganing posisyon para
lang mapagbigyan yang gusto mo?”
Hindi nagbigay ng reaksyon si RJ sa sinabi ko, nakita ko naman sa
kanyang muka na naliwanagan ito, hindi man niya sabihin ay alam kong nakuha
niya ang gusto kong sabihin.
“Kung ako sayo, kung gusto mo talagang may mag-aalaga sakin, na
kakilala mo, kausapin mo si Jeck, makipagkaibigan ka sa kanya, mabait si Jeck
at napatunayan na din niya sakin na kahit anong issue, haharapin niya para lang
sakin.” Maya-maya’y basag ko sa katahimikang nabuo dahil sa hindi pagsagot ni
RJ.
“Akala ko ba hindi pa kayo? Bakit may mga napatunayan na siya?”
“Hindi pa naman talaga kami, but we are going there, malapit na, buti
na nga at nakausap din kita tungkol dito, para atleast, we have a better
closure. Kesa naman yung iniwan mo ako noong nakick-out ka sa school.”
Nakangiti ko nang sabi dito.
“Kung hindi naman ako nakick-out, hindi kita iiwan ih.” Sabi nitong
parang bata. “Pero James, walang araw na hindi kita iniisip, na sana safe ka,
na sana wag ka magkakasakit, na sana...”
“Shhhhhhh. Wag ka na magsalita, alam ko naman, pero RJ, we are better
this way, ang maging mag-best friend, at least, ang best friend, hindi
napapalitan, ang boyfriend o girlfriend, marami dyan. Diba?”
“Opo, salamat James, I Love you still. And I’m sorry for what i’ve done
before.” Sabi nito’t yumakap sakin ng pagkahigpit-higpit.
“Oh, tama na ha, okay na yon, wag mo na kasi isipin.” Sabi ko nalang
dito at sinuklian ang yakap niya.
“Before we go back, pwede bang pa-request lang ng isa?” Tanong ni RJ na
sinamahan pa nito ng nakakalokong ngiti.
“Ano yon? Ayoko niyang mga ngiti mo huh. Ayusin mo RJ!”
“Pa-kiss lang, isa lang, namiss ko kasi ih.” Sabi nito na sinamahan pa
ng pagpout ng lips.
“Isa lang huh!” Sabi ko dito at mabilis pa sa alas diyes, sa muling
pagkakataon, nagdikit ang aming mga labi, malumanay na halik, masuyo, walang
pagmamadali at walang pag-aalinlangan. Punong-puno ng pagmamahal ang halik na
iginawad niya sa akin.
“Okay na? So, pwede na tayong bumalik doon?” Tanong ko kay RJ nang
maghiwalay na ang aming labi.
“Damn, I miss those lips. Thanks James. Panigurado, mananalo ako nito
sa Cebu!” Sabi nito at tuluyan na kaming naglakad pabalik sa kinaroroonan ng
aming mga kaibigan at ni Jeck.
...itutuloy...
ala?! kiss goodbye nga ba? parang hindi eh...
TumugonBurahinuhmmm okie...
TumugonBurahinWahhaa anung purpose nung kiss. goodbye kiss or goodluck kiss???,.,ahh ewan basta kaka excite ang sunod na part.....
TumugonBurahinhehehe...parang may hidden agenda ang kiss na yun ah...wahahaha...baka nman gusto pa ulit makipgbalikan ni rj kay james...ay wag nman hehehe...at si james meron pa din ata feelings sa bfriend nya haist...wag ka patalo jeck hehehe...alam ko ngtagal kayo ng 3 years am i ryt???hahahaha....next chapter na poh mr.author hehehe....
TumugonBurahinmakikita pa ata ni Jeck yang goodbye or goodluck kiss na yan aa ..
TumugonBurahin<< (makaimbento lang LOLz)
anKAPAL talaga ng Brent na yan .. matapos nyang ikalat yung video .. may GANA pa siyang maging ganyan .. kapal!!! gggrrr!
well ---
eto namang si RJ .. makapagselos wagas .. ahaha! ikaw kasi ee .. yan tuloy .. may Jeck na si James . BLEH! :P
James at Jeck ..
kayo na ang sweet .. ;)
Thanks kuya JC ~
Waaaahh! TEAM R-James pa rin ako!
TumugonBurahinR-James! R-James! R-James!
Ewan ko..pero okay lang si Jeck for me.
- Jhan, the emailer abt lost chapters.