By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Maraming salamat ulit kay Yume Koibito sa pag-edit ng gawa ko, hehehe, sana po ay magustuhan ninyo itong chapter na ito, alam ko, meron sa inyong naghihintay nitong chapter na to, dahil dito ay nagbalik si... hahahaha. salamat ng madami sa sumusubaybay nitong series ko, sana po ay magcomment na kayo.
November 30, 2005
“James, tara na, uwi na tayo!” Nagmamadaling higit sakin ni Jeck.
Simula nung maging okay kami ni Jeck sa guidance office ay malaya na
kami sa kung ano mang gagawin namin sa loob ng school, siguro nga ay nasindak
ni daddy ang kumag na guidance councillor namin kaya hindi na niya kami
ipinapatawag pa kahit na palagi kaming magkasama ni Jeck sa loob ng school at
pinagtitinginan pa ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
Palagi naman akong hinihintay ni Jeck sa labas ng aming classroom, pero
ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagmamadali ito. Noon kasing una ay
nakikipagkulitan pa ito kila Paeng. Nagtataka man ay sumunod na din ako sa
kanya.
Pababa kami ng hagdan nang biglang nagtakbuhan ang mga estudyanteng
babae pababa ng hagdan na nagsisigawan pa’t animo’y kinikilig. Binitawan ako ni
Jeck at sumilip sa hagdanan, matapos nito’y lumapit ulit ito sa akin at hinigit
ako paakyat muli sa hagdan at umiba kami ng daan.
Nagtataka na ako sa kinikilos ni Jeck kaya iwinagwag ko ang aking kamay
para kumalas sa kanyang pagkakahawak. Napatigil naman kami sa aming paglalakad
at tumingin siya sa akin, sa aking mga mata. Ang mga titig na ito’y ngayon ko
lang nakita, parang kinakabahan siya na taliwas sa mga nakikita ko sa kanya
dati na punong puno ng confidence.
“Anong meron? Bakit dito tayo dumaan?” Taka kong tanong kay Jeck.
“Masikip kasi doon. Dito nalang tayo sa kabila, kahit na malayo, at
least, hindi na natin kailangan pang makipagsiksikan dun sa lobby.” Medyo bulol
na sabi sakin ni Jeck na lalung nagpahalata na kinakabahan nga siya.
“Ano bang meron Jeck? Bakit para kang aligaga diyan?” Tanong ko dito na
sinamahan ko pa ng pagkamot sa aking buhok. Medyo naiinis na kasi ako sa
ginagawa ni Jeck, parang may itinatago na ayaw kong makita.
“Wala nga po. Basta tara na, deretso na tayo sa inyo.” Sabi nito’t muli
ay hinawakan niya ang aking mga kamay at hinigit na papunta sa kabilang hagdan
at dumiretso na sa kotse.
Nagtataka man, pero ipinagkibit balikat ko nalang ang mga napansin ko
kay Jeck, pasasaan ba’t sasabihin din sakin nito ang totoo.
“Daddy, nandito na po kami ni James.” Sigaw ni Jeck, pamula kasi nung
magkakilala si Daddy at ang mama ni Jeck ay Daddy na din ang itinawag ni Jeck
sa Daddy ko, ayon na rin sa suhestiyon ni Daddy. Mag-bestfriend daw kasi pala
si Tita Clare at Daddy ko noong mga panahon ng HighSchool days nila. Sa
katunayan ay si Tita Clare pa ang nagpakilala kay Mommy sa Daddy ko.
“Kumain na muna kayo’t ako’y nagluto ng Caldereta.” Sagot ni Daddy
sabay inilagay sa hapag ang ulam sa dinning table. “James, pupuntahan ko muna
ang mommy mo, pati na din ang mommy at step-father ni Jeck para dito na din
maghapunan.” Paalam ni daddy nang mailapag na niya ang Caldereta sa lamesa.
Naiwan na naman kami ni Jeck sa bahay, ako naman ay wala pang ganang
kumain dahil nagmiryenda ako sa school kanina nang magkaroon ng pagkakataon na
magcutting kami nila Paeng sa second subject namin kaninang hapon. Umupo lamang
ako sa sofa at binuksan ang TV para na din marelax. Hindi ko na namalayan ang
pagpikit ng aking mata.
“I’m back James, and I’m here to continue what we have started, I will
win you back!” Sabi ng isang pamilyar na boses.
“Sino ka?” Tanging tugon ko dito.
“Someone you know by heart.” Sabi ng taong kausap ko na ngayon.
“Hindi ako manghuhula para malaman kung sino ka! Kung ayaw mong sabihin
kung sino ka, then aalis na ako!” Inis kong tugon sa kung sino man ang
nagsasalita.
Maya-maya’y lumapit ito sa akin pero hindi ko kita ang kanyang muka,
itinuro lamang niya ang aking kaliwang dibdib at sinabing, “Makinig ka diyan at
malalaman mo kung sino ako.”
“ARAY!!!!!!” Sigaw ko, naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng aking
likud sa lapag.
“Anong nangyari sayo?” Tanong ni Jeck. Kumakain na pala ito, halata sa
kanya dahil puno pa ng kanin ang kanyang bibig.
“Kanina lang eh tulog ka diyan, tapos bigla kang sisigaw!”
Panaginip lang pala! Salamat
naman. Kinabahan ako dun huh! Sabi ko sa aking isip nang mapagtanto ko na
panaginip lamang pala ang nakikita ko kanina.
“Natulala ka dyan?” Basag ni Jeck sa pagkakatulala ko, hindi manlang
ako tinulungan ng kumag na makatayo mula sa aking pagkakabagsak. “Kumain na
muna tayo, nagtext sakin si Daddy, mga 9 pa daw ng gabi sila dadating, tayo na
daw muna bahala dito, kasabay na nila si Mama at si Mommy.” Dugtong pa nito.
“Hindi pa ako gutom.” Sabi ko at tuluyan na akong tumayo mula sa
pagkakabagsak ko sa sofa. “Talagang sayo na nagtetext eh noh? Hindi na sakin.
Ikaw na ba ang tunay na anak?” Tanong ko dito na tinawanan lamang niya bilang
tugon.
Pumunta ako sa aking kwarto at nagpalit na ng damit, hindi ko na
binalikan pa kung ano man ang laman ng aking panaginip, tutal naman ay panaginip
lamang iyon, pwede namang hindi mangyari. Pero sino nga kaya yung misteryosong
tao na yon?
Kinuha ko ang aking CP mula sa aking bag, nakita kong may 28 new
messages ako at 10 miss calls na ngayon lang ulit nang yari. Tiningnan ko ang
mga message dito at napag-alaman ko na puro galing kay Paeng ang mga ito.
Binuksan ko ang isa dito at laking gulat ko sa aking nabasa kaya dali-dali
akong bumaba at kinuha ang susi ng sasakyan.
“Saan ka pupunta?” Narinig ko pang tanong ni Jeck pero hindi ko na ito
pinansin pa. Nagmamadali akong lumabas ng bahay, subdivision, at pumunta ako sa
resort nila Paeng kung saan ay sabi sa text na nandoon daw sila.
Nakarating naman ako kaagad sa nasabing resort pero nabigo ako dahil
wala sila doon. Binasa ko pa ang ibang text ni Paeng at napag-alaman kong
pumunta sila sa San Juan, Batangas. Hindi ko na alam kung pupunta pa ako doon o
hindi na. Nagtext ako kay daddy para ipaalam ang balak ko, pero nabigo ako sa
sagot nito sa akin na hindi daw ako pwedeng umalis, kaya mabilis na din akong
bumalik dito.
“Mag-uusap tayo mamaya!” Inis kong sabi kay Jeck nang makarating ako sa
bahay, binigyan lamang ako nito ng nagtatakang tingin kaya ako’y dumiretso na
sa aking kwarto.
Humiga ako sa aking kama para na din mag-isip ng tungkol sa mga
nangyari kanina sa school. Simula sa paghintay sa akin ni Jeck na palagi naman
niyang ginagawa, hanggang sa makarating kami sa dito sa bahay.
Siguro, kaya ako hinila ni Jeck
kanina at nagmamadali pang umalis sa school, gawa niya! Sigaw ko sa aking
isip, pero kahit na ganoon pa man, hindi ko pa din magawang magalit kay Jeck.
Nag-isip pa ako ng nag-isip at hindi ko na namalayan ang oras, narinig
ko nalang ang tatlong malalakas na katok mula sa aking pintuan at kasunod
nito’y narinig ko ang boses ni Mommy.
“James.” Pagtawag ni mommy sa akin mula sa kabilang parte ng pintuan.
“Pwede ba akong pumasok?” Tanong ni Mommy.
“Sige po ma.” Tanging sagot ko lamang dito at nakita ko ang pintuan
kong nagbukas at iniluwa nito si Mommy.
“Bakit ka nandyan? Iniwan mo daw si Jeck kanina sa baba, may tampuhan
nanaman ba kayo?” Tanong ni Mommy sakin.
“Wala po ma, nainip lang ako sa baba, eh busy siya sa pagkain, kaya
iniwan ko muna.” Pagsisinungaling ko dito.
“Iniwan mo muna? Eh 8:00 ka na daw umakyat, 9:30 na ngayon.” Sabi ni
Mommy. “Ano bang problema anak?”
“Wala po ma, okay lang ako, hindi ko lang siguro namalayan ang oras.”
Nahihiya kong tugon kay Mommy, nahuli kasi niya akong nagsisinungaling.
“Sigurado ka ba?” Tanong ni mommy na tinugon ko lamang ng dalawang
tango. “O siya, ika’y bumaba na, nandyan na ang tita Clare mo at ang Daddy mo, nagyayaya
na silang kumain.” Sabi ni Mommy.
Agad na nga akong tumayo at sumunod kay Mommy sa pagbaba. Nakita kong
nakatingin sa akin si Jeck habang ako ay nababa sa hagdan. Pinukol ko lamang
ito ng isang masamang tingin para na din ipaalam sa kanya na hindi ko
nagustuhan ang kanyang ginawa.
Naghapunan na kami ng sabay sabay, puro tawanan at kamustahan ang
naganap sa gitna ng hapag, katulad lamang nung isang araw ng magkitang muli si
Daddy at ang Best Friend nitong si Tita Clare. Si Mommy din ay nakikisali sa
tawanan nila, habang si Tito Bob, ang stepfather ni Jeck, ay hindi nakikisali
sa kanilang usapan.
Matapos ang hapunan ay dumiretso sila sa garden at doon nila
ipinagpatuloy ang kanilang kwentuhan sa gitna ng alak. Ako naman ay nanatili
lamang sa sofa at nanuod ng TV.
“May problema ba?” Basag ni Jeck.
“Bakit mo ako pinagmadali kanina?” Malamig kong tugon dito.
“Eh kasi, nagtext si Daddy kanina, sabi niya, nagluto daw....”
“Bakit mo ako iniiwas sa hagdan papuntang lobby kanina?” Putol ko sa
sinasabi niya.
“Eh kasi masikip doon, eh nagmamadali nga tayo diba?” Tugon ni Jeck
sakin.
“Sino ang iniiwasan mo kanina sa lobby Jeck?” May inis ko nang tanong
dito. Hindi kasi nagsasabi ng totoo eh.
“W..wala.” Nabubulol na sabi ni Jeck.
“Wala? Sigurado ka?” Inis ko pa ding tanong dito.
“Bakit ba?” Tanong ni Jeck.
“Ikaw nga dapat diyan ang tinatanong ko kung bakit mo ako iniwas sa
kanya diba?”
“Sino bang siya James, hindi ko maintidihan.”
“Wag ka na ngang magmaang-maangan pa Jeck! Bistado na kita.” Sabi ko’t
ipinakita ko sa kanya ang message ni Paeng sa akin.
Pare, bumalik na si RJ, pero 3
days lang daw siya dito. Ngayon lang siya available magpakita sa atin, may
laban daw kasi siya sa Cebu bukas at sa makalawa, tpos ay lipad na siya sa
Europe for the tour. Yan ang laman ng text ni Paeng sa akin na ipinabasa ko
kay Jeck.
“S.sorry.” Tanging nasabi lamang ni Jeck nang mabasa ang text sa akin
ni Paeng. Napayuko nalamang ito marahil
ay dahil sa hiya sa kanyang ginawa.
“Bakit?” Malamig ko pa ding tugon dito umaasang mabibigyan niya ako ng
magandang dahilan sa kanyang ginawa.
“Kasi.. Kasi.” Panandalian kong pinutol ang kanyang pagsasalita.
“Siguraduhin mong bebenta sakin yang dahilan mo Jeck!”
Hindi naman talaga ako naiinis kay Jeck, sa totoo lang ay
ipinagpapasalamat ko ito, siguro ay nagdalihan na naman ako ng pangtitrip ko
kaya ko nasasabi ang mga ganitong bagay kay Jeck. Nakakatuwa kasi itong tingnan
pag nahuhuling nagsisinungaling eh. Parang batang walang muwang sa mundo,
nakayuko lamang habang nagsasalita.
“Kasi, b.baka pagnakita mo siya. Hindi mo na ako ulit pansinin eh.”
Tugon ni Jeck pero nanatili siya sa kanyang pagkakayuko.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Jeck, nagseselos nga ang kumag kay RJ.
“Nagseselos ka ba sa kanya?” Seryosong tanong ko pa din dito, pero pinipigilan
ko ang pagtawa, tutal hindi naman ako kita nito dahil nakayuko siya.
“O..oo.” Nauutal na parang nahihiyang tugon ni Jeck sa akin. Parang sa
tono ng pananalita ni Jeck ay anu mang oras, tutulo na ang mga luha nito.
“Para kang tanga!” Hindi ko na napigilan ang aking pagtawa, tawa dahil
siguro sa kilig sa nalaman kong nagseselos si Jeck kay RJ. “Bakit mo naman
pagseselosan si RJ?”
“Wag mo nga akong pagtawanan!” Parang batang tampu-tampuhan nitong
tugon sa akin. “Eh kasi, kasi, may past na kayo, samantalang tayo, wala pang
present. Baka kasi mamaya, maunahan na naman ako nun.” Sabi nito na sinamahan
pa niya ng pagnguso-nguso ng kanyang bibig na lalu kong ikinatawa.
“Tingin mo naman, hahayaan kong magkaron kami ulit ng present ni RJ?
Namiss ko si RJ, oo, kasi, bestfriend ko siya dati. Pero hanggang doon nalang
yon, hindi na para balikan pa kung ano yung nangyari sa amin dati.”
Pagpapaliwanag ko dito ng makabawi ako sa pagtawa dahil sa itinuran ni Jeck.
“Hindi mo ako ipagpapalit sa kanya?” Parang bata pa din nitong tugon sa
akin, pero ngayon ay nakatingin na ito sa akin.
“Ewan??” Inaasar ko lamang naman itong si Jeck, pero hindi ko naman
akalain na mapipikon siya sa sinabi ko, umalis ito sa aming kinaroroonan na may
padabog-dabog pa ng paa at dumiretso sa kinaroroonan nila Daddy, sa garden.
Hala, napikon ang bata. Bahala ka
nga. Natatawa kong sabi sa aking isip.
“James, baka naman pwedeng pumunta ka muna dito sa rest house,
hihintayin ka namin. –RJ” Text ni RJ sa akin gamit ang number ni Brent.
“Pasensya na RJ, hindi na kasi ako pwedeng umalis ngayon eh, may bisita
pa kasi kami dito sa bahay.” Reply ko dito.
Maya-maya’y narinig ko nalang ang landline namin na nag-ring, sinagot
naman ito agad ni Mommy at ang narinig ko na lamang ay.
“Oh, napatawag ka?”
“Sige, sige, pero pwede ko bang pasamahin yung kaibigan niya? Para
naman alam kong makakarating si James diyan ng maayos.”
“Sige, sige, salamat. Kung wala lang akong bisita dito sa bahay,
malamang ay kasama nila din ako pagpunta diyan.”
Yan lamang ang narinig ko mula kay Mommy at nakita ko nalang na ibinaba
na ni mommy ang handset ng landline naming.
“James, pumunta kayo ni Jeck sa Rest House nila RJ, hindi mo sinasabi,
nandiyan pala si RJ, sana na-reset natin itong dinner natin nila tita Clare
mo.” Baling ni Mommy sa akin na ikinatuwa ko naman.
Nagmadali na akong nagtungo sa aking kwarto para magbihis, excited
akong makita si RJ, dahil nacurious din naman ako kung bakit siya
pinagkakaguluhan kanina sa school, pati mga babae ay nagtatakbuhan makita
lamang siya.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako’t nakita kong nakangiti si
RJ, naglakad ako patungo sa garden para makapagpaalam na kila daddy. Pagkadaan
ko sa harap ni Jeck ay narinig kong sabi nito na “Be good, babantayan kita
doon.” Natawa naman ako sa sinabi ni Jeck, pero there’s no time to spare, dahil
nga malayo pa ang San Juan, Batangas, kaya nagmadali na akong magpaalam kay
Daddy.
...itutuloy...
woooohh .. na-excite naman akong malamang POGI na si RJ .. ahahaha!
TumugonBurahinyung galit ko biglang napalitan ng KILIG .. XD
ano kayang magiging takbo ng mga pangyayari sa pagkikita ulit ng mag-bestfriend .. selos to the max pa rin kaya si Jeck? o magkakalandian .. CHOS .. ahaha sina Jeck at James .. kantyawan EVER . LOLz
Thanks kuya JC ~
ayan na ayan na! ayiiieee!
TumugonBurahinnext chapter na hehehe.,..mr.author...
TumugonBurahin