By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
Edited by: Swiss Wenger (http://makingsenseofeverything.blogspot.com/)
Maraming salamat po ulit kay Swiss Wenger na tumatayong pangalawang ama ko sas aking buhay, siya po kasi ang nag-eedit ng mga gawa ko, maraming maraming salamat po ulit. Promote ko na din yung blog niya, http://makingsenseofeverything.blogspot.com/, yan, if you need answers to your problem, punta kayo diyan sa blog na yan, makakahanap kayo ng kasagutan.
“Sa wakas!!!!” Sigaw ni Jeh ng mapatapat sakin ang bote ng pulbo na
pinapaikot namin para sa larong ‘truth or truth’.
Ito ang kauna-unahang pagtapat sakin ng bote ng pulbo, nakaka-pitong
ikot na mula pa no’ng nagsimula kami, 3 kay Jeck, 2 kay Mena at dalawa rin kay
Jeh ang nangyaring pagtapat ng tip ng bote ng pulbo.
“Excited akong tanungin? Bakit? Very controversial ba??” Natatawa kong
tanong kay Jeh. Ito rin kasi ang unang beses niyang magtatanong dahil nga si
Mena lamang ang pwedeng magtanong kay Jeck, habang kay Mena naman ay si Jeck
lamang din.
“Eh kami na lang nang kami ang tinatapatan nitong bote na ‘to, parang
binulungan mo kanina ‘to eh!” Pabirong sabi ni Jeh.
“Oh, game!!! Tanong na!” Eksahirado kong sabi na parang handing-handa
sa kahit na anong itanong ni Jeh.
Bumulong muna si Mena kay Jeh bago ito magsalita, parang nakaramdam ako
ng kung ano sa aking dibdib kaya nagsimula na itong tumibok ng mabilis, parang
nakaramdam ako ng kaba sa maaaring itanong ng mokong na ‘to.
“Mahal mo ba si Jeck?” Walang prenong tanong ni Jeh matapos bumulong ni
Mena. “Tell us the truth and only the truth!” Seryosong dugtong pa nito.
Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang
tanong ni Jeh, pero alam ko naman sa sarili ko na mahal ko na si Jeck, ayoko
lang munang i-expose para na rin sa kapakanan ko at sa kapakanan ni Jeck.
“Ibahin mo tanong mo pare. Baka masaktan lang ako sa sasabihin ni
James.” Singit ni Jeck. Tiningnan ko naman ito at nakita ko ang mga mata nitong
parang nawalan ng excitement sa nilalaro namin. Parang nakaramdam ako ng kung
anong kurot sa aking puso nang makita ko si Jeck na ganoon ang reaksyon.
“Wag Jeh, okay lang ‘yong tanong.” Seryoso kong sabi rito. “O.oo, mahal
ko si Jeck.” Parang nabilaukan pa ako ng sabihin ko ang unang kataga pero
nakabawi rin ako agad kaya naging malinaw ang pagkakapahayag ko sa aking
sinabi.
Literal na napanganga si Mena sa narinig niya mula sa akin, hindi ko
naman siya masisisi dahil hindi ganito ang pagkakakilala nila sa akin. Halata
sa reaksyon ni Mena ang pagkagulat, na naging dahilan ng aking pagtawa.
“Bakit ka tumatawa?” Tanong ni Jeh.
“Hep hep, isa isang tanong lang kada spin di ba? Hintayin nyo na lang
na tumapat ulit sa ‘kin ‘yan.” Sabi ko rito at agad ko nang pinaikot ang bote
ng pulbo.
Nang umiikot na ang bote ay napalingon ako sa kinaroroonan ni Jeck,
nakatingin lamang ito sa akin na animo’y hindi makapaniwala sa narinig. Hindi
niya siguro akalain na sasabihin ko ‘yon sa harap ni Mena at ni Jeh. Sinuklian
ko na lamang siya ng isang ngiting pinagpala. Ang ngiting nagsisiguro ng aking
mga sinabi.
“Ikaw ulit!!!” Sigaw ni Jeh na nagpabawi ng pagkakatingin ko kay Jeck.
“Dinadaya n’yo naman yata ako eh!” Reklamo ko rito, kasi naman,
nalingat lang ako saglit, tumapat na naman sa ‘kin ang tip ng pulbo.
“Hindi noh, kusang tumapat ‘yan sa ‘yo.” Pagtanggi naman ni Mena na
sinamahan pa ng paghagikhik nila ng boyfriend niyang si Jeck.
“Bakit dito palagi natutulog si Jeck?” Nagmamadaling pagtatanong ni Jeh
na lalung nagpahalata na dinadaya nga nila ako. Pero pinagkibit-balikat ko na lang
at sinagot ang tanong nila, tutal naman, walang ginagawang masama si Jeck dito
sa amin.
“Kasi nga po...” Sasagutin ko na sana nang biglang putulin ni Jeh ang
pagsasalita ko.
“Iba na lang, sinabi mo na pala ang dahilan kanina.” Putol nito at
nilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang sentido na wari mo’y nag-iisip.
“Hmmmmmmm, nag-sex na ba kayo?” Diretsahang tanong nito sa akin.
Hindi naman ako agad nakasagot sa tanong ni Jeh, tiningnan ko si Mena
at nakita ko rito ang interesadong mga tingin, tiningnan ko si Jeh, at nakangiting
aso naman ito sa akin na animo’y nang-aasar pa lalo.
“’Wag mo na sagutin James.” Basag ni Jeck sa katahimikang nabuo dahil
sa tanong ni Jeh.
“So, ibig sabihin, meron nga. Kasi, ayaw sagutin ni James eh.” Nang-aasar
talaga si Jeh sa kan’yang tanong, ewan ko, pero parang pinipilit niyang sa ‘kin
mismo manggaling ang mga salitang ‘oo, meron’ dahil sa paraan ng pagtingin nito
sa akin.
“Wala.” Simpleng tugon ni Jeck.
“Eh kung wala, bakit ayaw ni James magsalita?” Tanong ni Jeh.
“M.meron.” Mahina kong tugon, napayuko na lang ako dahil nakaramdam ako
ng hiya sa aking sinabi.
Lumapit naman sakin si Mena at hinaplos ang aking likod at nagsabing,
“Okay lang ‘yan, ano ka ba, don’t act as if it’s your first time.” Makahulugang
sabi ni Mena, hindi ko alam kung may alam ba siya tungkol sa amin ni RJ noon,
pero sa tono ng pananalita nito ay parang alam niya ang tungkol dito.
Marami pang katanungan ang nagpaikot sa aming inuman, pero hindi na
muling tumapat pa sa akin ang bote, naubos din namin ang alak na iniinom namin
at dahil dito ay nalasing kaming lahat. Nagtataka man ako sa naging lakas ni
Jeck ngayon sa pag-inom ay hinayaan ko na lang. Nagawa kasi niyang makisabay sa
amin ni Jeh at Mena sa pag-inom.
“James, pwede bang ibang k’warto gamitin namin ni Mena sa pagtulog?”
Nabubulol na tanong ni Jeh sa akin.
“Kasya naman tayo sa kama ko ah? Or kung gusto ninyo, dito na lang ako
sa sahig, maglalatag ako rito para magkasya kayo riyan sa kama ko.” Alok ko rito,
hindi ko kasi pwedeng patulugan ang kwarto ng ate ko, lalung-lalo na ang kwarto
ng mga magulang ko.
“’Wag na James, itong si Hon kasi, gusto lang maka-score ngayon. Kami
na lang ang dito sa sahig, kayo na ni Jeck diyan sa kama mo.” Sagot naman ni
Mena na halata na rin ang pagkalasing.
Binigyan ko si Jeh at si Mena ng panglatag sa sahig, pero bago ko
ibigay ang mga ito ay tinanong ko muna sila kung ayaw ba talaga nila sa kama,
sabi naman nila ay sa sahig na lang daw sila kaya hindi na rin ako nagpumilit
pa.
Hinanap ng mata ko si Jeck, nakita ko itong masarap na ang tulog sa
isang parte ng aking kama. Tinapik tapik ko ito ngunit hindi na ito nag-respond
pa. Tinabihan ko na ito at pumikit na rin para matulog.
“James.” Pagtawag sa ‘kin ng isang boses, mababaw pa lang ang tulog ko,
pakiramdam ko kasi ay umiikot ang ulo ko ‘pag gumagalaw ako sa kama kaya hindi
ako makatulog ng maayos.
“mmmmm.” Tanging naihimig ko na lang bilang tugon.
“I love you.” Sabi ng lalaking nagsasalita sa aking tenga.
Hindi na ako nagbigay pa ng sagot sa sinabing iyon ni Jeck. Naramdaman
ko na lang na isinisiksik nito ang kanyang sarili sa aking kili-kili kaya
iniunat ko ang aking kamay para makahiga na ito ng maayos at makatulog nang
muli.
Naramdaman ko ang mga mumunting halik sa aking balikat na nagbigay sa
akin ng kakaibang kiliti. Pero hindi pa rin ako gumalaw, dahil alam kong pag
gumalaw ako’y dire-diretso na ng CR para magsuka.
Bumaba ang paghalik na ginagawa ni Jeck mula sa aking balikat papunta
sa aking kili-kili, dinilaan niya ito na lalong nagdulot sa akin ng kakaibang
sensasyon. Ibinaluktot ko ang aking braso para mahawakan ko ang ulo ni Jeck.
“Mahal na mahal kita James.”
“Mahal din kita Jeck.” At nagdikit na ang aming mga labi.
Hindi naman namin itinuloy ang kamunduhang bumabalot sa aming isipan,
siguro ay naisip din niyang baka magising si Mena at si Jeh sa gagawin namin.
Handa naman na akong ibigay kay Jeck ang gusto niya, ‘yon nga lang, ang
problema ay ang dalawang kasama namin ngayon. Kung siguro wala sila, pwede pa. Pagdadahilan ng aking isipan.
Nakatulog na lang kami ni Jeck na magkayakap, nakaunan siya sa aking
braso habang nakayakap siya sa aking katawan. Ako naman ay nakahiga lamang ng
maayos at hinahayaan si Jeck na yumakap sa akin.
Monday, (November 28, 2005)
Maaga akong pumasok sa school dahil ito ang araw na kakausapin ng
guidance counselor namin ang mga magulang namin ni Jeck, panigurado nama’y
kasama kami ni Jeck dito kaya minabuti na rin naming magsabay muli ni Jeck
pumasok sa school.
Hindi man ako kilala ng personal ng nanay ni Jeck ay naikuk’wento naman
na ako nito sa kanya, alam kong mabuti ang pakilala sa ‘kin ni Jeck sa kanila
dahil paminsan-minsan ay pinapadalhan pa ako ni tita ng adobo na paborito ko.
Kaya hindi na rin siguro naman ako mahihirapang makisama kay tita kahit na ito
ang unang pagkakataon na kami’y magkikita.
Nag-umpisa na ang aming klase pero hindi pa rin dumarating ang aming
mga magulang, kaya napagkasunduan na lang namin ni Jeck na pumasok muna sa
aming mga klase. Natapos ang aming tatlong klase sa umaga at hindi pa rin kami
pinapatawag sa guidance office, recess na at nag-text sa ‘kin si Jeck na
magkita raw kami nila Mena, Jeh, ako at si Jeck sa canteen para makapag-bonding
na rin. Agad naman naming tinungo ni Mena ang kinaroroonan ng dalawa.
“Dumating na si mama, nasa lobby siya.” Salubong sa ‘kin ni Jeck ng
makalapit kami rito. “After mo kumain, puntahan natin nang maipakilala na kita
ng personal.” Dugtong pa nito.
“Sige sige, sila mommy hindi pa nagte-text sa ‘kin. Baka on the way na ‘yong
mga ‘yon.” Tugon ko rito.
“May pamamanhikan na bang magaganap?” Seryosong singit naman ni Jeh sa
aming pag-uusap na naging dahilan ng pagkunot ng noo namin, pati si Mena ay
napakunot-noo na rin.
“Anong pamamanhikan?” Taka kong tugon kay Jeh.
“Eh kasi, your parents will meet Jeck’s parents, kaya malamang, pamamanhikan
na ‘to. Abay kami ni Mena sa kasal n’yo ha!” Pagbibiro na ni Jeh.
“Sira-ulo ka talaga Jeh!” Sabi ni Jeck sabay batok dito ng malakas.
“Kakausapin kasi sila sa guidance office ngayon kaya pupunta sila rito!”
“Alam ko, kayo naman, parang hindi na mabiro ngayon ah. Bakit? Kabado
ba kayo at baka mabuking kayo sa ‘secret relationship’ n’yo?” Pagbibiro pang
lalo ni Jeh na tinawanan na lamang namin bilang tugon.
“Mama, ‘eto si James, ang matalik at pinakamamahal kong kaibigan.” Sabi
ni Jeck na ikinagulat ko dahil sa salitang pinakamamahal. Nanlaki ang mata ko
dahil sa hiya sa magiging reaksyon ng mama ni Jeck, mukha kasing mataray ito.
Tiningnan ako ng mama ni Jeck mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa
ulo na parang kinikilatis ang bawat parte ng katawan ko. Pero nang bumalik ang
kanyang tingin sa aking mukha ay nasilayan ko na ang matatamis nitong ngiti.
“Tita Clare na lang ang itawag mo sa ‘kin iho.” Sabi nito sabay lahad
ng kanyang mga kamay sa akin na agad ko namang inabot at sinuklian ng ngiti.
“James po Tita Clare, ako po si James.” Pagpapakilala ko rito at umupo
na rin kami sa parang sofa set sa may lobby ng school namin. Dito na rin namin hihintayin
sila mommy para sabay-sabay na kaming pumunta sa guidance office.
“Ano na naman bang pinasukang gulo nitong anak ko at kailangan na naman
akong ipatawag ng guidance counselor ninyo?” Pagsisimula ng usapan ni Tita
Clare pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
“Naku tita, wala naman po, ini-issue lang kami rito sa school na may
relasyon daw kami.” Pagpapaliwanag ko kay tita.
“Napansin ko nga, ang ganda kasi ng palamuti dito sa lobby nyo eh,
pangalan ninyong dalawa.” Natatawang sambit ni tita Clare na nagpaalala sa ‘kin
na meron nga palang vandalism dito sa lobby. Nang makabawi ito sa pagtawa ay
ipinagpatuloy na muli ang kanyang pagsasalita. “Eh ano naman kung may relasyon
nga kayo? Anong problema nila roon?” Nagulat ako sa dugtong ni tita.
“Naku tita, wala po kaming relasyon.” Pagtanggi ko sa paratang ni tita
Clare.
“Nako hijo, papunta ka pa lang, pabalik na ko riyan sa mga pinaggagagawa
ninyo. Pinagdaanan ko rin yan, pagbabahay-bahayan lang sa una, pero sa huli,
may relasyon na. Been there, and done that. And what’s their problem about 3rd
sex? 3rd sex is already accepted in the community, bakit kailangan
pang ipagbawal ito sa mga school?” Si tita Clare.
“Mama! Wala PA nga pong kami.” Singit naman ni Jeck sa kanyang mama.
“Ahh, PA, wala PA? Ang hina naman pala nitong anak ko, hinang
dumiskarte.” Pagbibiro ng mama ni Jeck na tinawanan lamang ng dalawa
samantalang ako ay nanatiling parang malag lang na nakaupo dahil sa nakikitang
sobrang pagiging close ng mag-ina.
Nakatulala lamang ako sa pagbibiruan nilang mag-ina nang biglang
mag-vibrate ang aking CP, nang tingnan ko ito ay si Daddy pala ang tumatawag.
“Hello dad.” Pagsagot ko sa tawag ni Daddy.
“Pakisundo nga ako rito sa may parking area ninyo, hindi ko alam ang
pasikot-sikot diyan sa school n’yo. Baka maligaw ako.”
“Sige po dad.” Sabi ko, sabay putol ng linya.
“Jeck, nand’yan na si daddy sa labas, sunduin ko muna.” Paalam ko kay
Jeck. “Tita, sunduin ko po muna si Daddy sa labas.” Baling ko kay tita Clare.
Agad na nga akong lumabas para mapuntahan ang kinaroroonan ni daddy.
Nasa guard house na pala ito kaya hindi rin ganoon kalayo ang aking nilakad
papunta sa kanya.
“Sir, saan po ang punta ninyo?” Pagpigil ng guard sa pagpasok ni Daddy
sa loob ng campus.
“Sir, daddy ko po siya. Pinatawag po siya sa guidance office.” Pag-agaw
ko ng pansin sa guwardya at agad na din namang pinapasok si Daddy.
“Bakit po hindi ninyo kasama si Mommy?” Tanong ko kay daddy habang
naglalakad kami papunta sa lobby.
“May inaasikaso ang mommy mo, kaya ako na lang ang nagpunta rito.”
Tanging sagot ni daddy.
Nang makarating kami sa lobby ay ipapakilala ko sana si tita Clare sa
kanya pero...
“Clare, ikaw ba ‘yan?” Tanong ni daddy kay tita Clare nang makita niya
itong nakaupo sa sofa set sa lobby.
“Sabi ko na nga ba’t kilala ko ang ama nitong batang ‘to!” Balik naman
ni Tita Clare kay daddy sabay yumakap pa kay daddy na parang matagal na talaga
silang magkakilala. “Tinitingnan ko nga itong anak mo kanina, ikaw na ikaw!
Kaya na-excite din akong masigurado kanina na ikaw nga ang tatay nitong batang ‘to!”
Dugtong pa ni tita Clare.
Kaya pala niya ako tinitingnan
mula ulo hanggang paa kanina. Biglang sabi ko sa aking isipan.
“Tingnan mo nga naman Jayjay, hanggang sa mga anak natin ay
magpapatuloy ang pagkakaibigan nating dalawa.” Sabi pa ni Tita Clare kay Daddy.
“Oo nga eh, pagpasens’yahan mo na kung palagi kong pinapatawag itong si
Jeck mo, lagi kasi kaming out-of-town ni misis eh.” Si daddy naman.
Kami naman ni Jeh ay nagkakatinginan na lang dahil magkakilala pala ang
aming mga magulang.
“Excuse po, daddy, tita, punta na po tayo sa guidance office, kanina pa
po yata tayo hinihintay doon.” Putol ko sa kanilang usapan, napapasarap na kasi
eh, baka makalimutan pa nila ang talagang pakay nila dito sa school, ang
pagkausap at pagtatanggol sa amin ni Jeck sa guidance counselor namin.
Agad na kaming pumunta sa guidance office at agad din naman kaming in-entertain
pagkarating namin dito.
“Mr. Cornejo, Mrs. Sebastian, dito po tayo sa counseling room.” Pagyaya
ng guidance counselor sa amin.
Agad na nga naming tinungo ang counseling room at umupo sa mga upuan
nitong parang sofa set din na mamahalin na leather ang casing.
“Are you fully aware of these pictures Mr. Cornejo and Mrs. Sebastian?”
Tanong ng gudaince counselor namin at inilahad nito ang mga pictures na una
nang naipakita ito sa amin.
Tinawanan lamang ni daddy ang mga pictures na ito at nagsalita. “Ma’am,
we do not have maids in our home, kaya si Jeck ang nagbukas ng gate for James.
Hindi bakla ang anak ko kung ‘yon ang iniisip n’yo!” Sabi ni Daddy. “Kung ito
lang ang itinatanong ninyo ay mabuti pang umalis na kami dahil napaka walang
kwenta naman ng school ninyo kung dahil lamang sa simpleng pictures na ito ay
maniniwala kayo! I’ll transfer my child next year sa school na walang maduming
isip na teachers like you.” Alam ko namang mapang-insulto si daddy, pero hindi
ko akalaing masasabi niya ito ng harapan sa aming guidance counselor. “And I’ll
contact my friends na ang mga anak nilang nag-aaral din dito ay i-transfer na rin
nila sa ibang school para hindi na rin nila sapitin ang ganitong kasamaang
ugali ng management ng school ninyo.” Nakita kong magsasalita pa ang guidance
counselor namin, pero hindi na ito hinayaan pa ni daddy, siguro ay nainis na rin
talaga ito sa ginagawa sa amin ng guidance counselor namin, kaya tumayo na ito
at... “And one more thing, I’ll come back here maybe tomorrow, titingnan ko
kung nakasulat pa rin ang vandalism na napansin ko kanina sa lobby, talagang
hindi pa ninyo binura samantalang dumaan na ang sabado’t linggo para linisin n’yo
ang kalat ng estudyante ninyo!” Inis na wika pa ni Daddy at nagtuloy-tuloy ng
lumabas sa naturang opisina. Kami namang tatlo, ako, si Jeck at si tita Clare
ay hindi na nagsalita at sumunod na rin kay daddy na may ngiti sa mga labi.
“Galing ko noh?” Narinig kong sabi ni daddy kay tita Clare habang
naglalakad na palabas ng school, niyaya rin kasi kami nitong dalawa na kumain
sa labas para na rin daw lalo pa naming makilala ang isa’t-isa kahit na medyo
matagal na rin kaming magkakilala ni Jeck.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago Jay!” Natatawa namang balik ni Tita
Clare kay Daddy.
...itutuloy...
i like it..hahaha..destiny for them to know each other
TumugonBurahinnaks!
TumugonBurahinahaha .. NICE ..
TumugonBurahingood news .. XD .. okay lang kay tita Clare kung anumang meron kay James at Jeck .. AYOS!
kaso .. pano si daddy? XD okay na yun since friends naman si tita Clare at daddy ni James .. mapapakiusapan .. LOLz
O.o >> hanga sa daddy ni james .. ahaha!
Thanks kuya JC ~