Subscribe:

Lunes, Abril 2, 2012

Can it be Love (Part 20)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com

Thanks swiss wenger for editing this chapter for me, pasensya na po sa abala and maraming maraming salamat ulit. Ahlabyu Mats. Muah!!!!






James Cornejo






Ano ba itong pinasok ko? Hindi naman dapat ganito ang mangyari, mali ang mahalin ako ni Jeck dahil sila pa rin ni Kelly, pero mali rin ako dahil minamahal ko si Jeck gayong kaibigan ko si Kelly. Pero pa’no kung totoo na gumaganti lang si Kelly sa ‘kin para kay Lea? Naguguluhan ako! Pero kung may isang bagay man akong sigurado ngayon, ‘yon ay ang nararamdaman ko para kay Jeck! Tama! Mahal ko na si Jeck, pero hindi pa p’wede. Hindi ko muna ito sasabihin sa kanya, para walang gulo. Yan ang tumatakbo sa aking isipan.




Kanina pa nakatulog si Jeck sa aking dibdib, hindi ko na namalayan kung ilang minuto na itong nakahilig sa akin pero hindi ko na rin ito tinanggal pa, nagugustuhan ko rin naman ang nangyayari. Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang magsalita si Jeck.




“J.james, w.wag mo akong iiwan. Hindi ko kayang wala ka James.” Sabi nito.




Agad ko namang tiningnan kung gising ito at nakita ko ang mala-anghel niyang muka, ang mga mata nitong nakapikit, at ang kanyang mga labing nakangiti.




“Jeck, gising ka pa ba?” Tanong ko rito.




Nabigo akong makarinig ng kahit anong response sa tinanong ko kaya’t naisip kong nananaginip lamang ito. Hindi naman ganito si Jeck sa mga araw na natutulog siya rito, tahimik lamang siyang matulog.










“Alam mo bang nagsasalita ka kagabi?” Natatawa kong tanong kay Jeck.




Nakasakay na kami sa kotse at kasalukuyang binabaybay ang daan papunta sa school. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong parang nagulat ito sa sinabi ko.




“A.anong s.sinabi ko?” Nabubulol na balik-tanong nito sa akin.




“Kahit pala sa panaginip, nakikita mo ‘ko eh noh?” pang-aasar ko pa lalo rito.




“Ano ba sinabi ko?” Nahihiyang tanong nito sa ‘kin.




“Kow, pero alam mong nagsasalita ka while sleeping?” natatawa kong tanong dito.




“hmmmmmmm, nakakahiya man, pero oo.” Nahihiya talaga ang kumag, natatawa na lang ako sa pinapakita n’yang mga reaksyon sa ‘kin. “Ang yabang mo! Ikaw din naman!” Ganti nito sa ‘kin na nagpakunot naman ng noo ko.




“Ano?! Ako?! Nagsasalita habang natutulog?!” Tanong ko rito at nagbigay ng sarkastikong tawa. “Imposible!”




“Sige, the next time na matutulog ulit ako sa inyo, irerecord ko na!” Pang-aasar nito sa akin. Mukhang nabaliktad ang sitwasyon ngayon, ako naman ang inaasar nito. Hindi ko naman talaga alam na nagsasalita ako habang natutulog, ang alam ko lang ay nabula ang bibig ko pagnakainom akong natutulog.




“Sige ha! I-record mo at iparinig mo sakin!” Pikon kong wika rito at ipinukol na ang mata ko sa daan.










“Jeck, James.” Pagtawag ng pansin sa ‘min ng isang pamilyar na boses, nilingon ko ito’t napag-alaman kong si Mena pala. Nagmamadali ito na parang kinakabahan.




“Bakit Mena?” Agad kong sagot dito.




“We better leave this place, sa ibang lugar tayo mag-usap, ‘wag na tayong pumasok ngayon.” Si Mena.




“Bakit nga Mena? May exam ako ngayon.” Singit ni Jeck.




“Hindi makakatulong Jeck, magre-exam ka na lang siguro next week, kasabay mo naman si Jeh, pupuntahan daw niya tayo kung saan tayo pupunta.” Sagot ni Mena at hinila na ako para buksan nang muli ang kotse.




“Ano bang nangyari Mena?” Pagkompronta ko dito nang makapasok na kami sa kotse.




“Mamaya na James, just drive and bring us sa lugar na tahimik.” Utos nitong parang donya sa akin.




“Yes madam!” Ang naisagot ko na lang dito dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nito.




“Nakuha mo pang magbiro eh noh! Magdrive ka na lang.” Sagot ni Mena sa itinuran ko.




“Sabihin mo kay Jeh, sa Lucidel na lang dumiretso, doon sa kainan sa may calauan.” Seryoso kong sabi kay Mena at agad na ngang pinaandar ang kotse para makarating kami roon.




May 30 minutes din ang ginugol ko sa pagmamaneho, wala kang maririnig sa loob ng kotse kundi ang tugtog ng stereo nito, parang walang may gustong umimik, maging si Jeck ay bakas sa mukha ang pagtataka nito kung bakit ganoon si Mena.




Agad din namang nakarating si Jeh sa lugar at kitang-kita ko ang concern sa kanyang mga mata ng makita ang matalik nitong kaibigan na si Jeck.




“Are you okay?” Agarang tanong ni Jeh kay Jeck nang makalapit ito sa kinaroroonan namin.




“Hon, hindi naman nila nakita kaya wag kang OA dyan.” Si Mena, “Hinintay ko na sila sa labas ng campus kanina kaya hindi nila nakita.” Dugtong pa nito.




“Ano ba ‘yon?” Taka kong tanong sa dalawa na sinamahan ko pa ng pagkunot ng aking noo.




“Okay, sige. Hon, do the story telling.” Seryosong banat naman ni Jeh kay Mena.




“Okay Hon.” Pagsang-ayon ni Mena sa boyfriend nitong si Jeh. “Ganito kasi, pagpasok namin ni Jeh kanina sa school, Kelly’s friends are looking for you, what I mean by friends ay si Lea at si Joan.” K’wento ni Mena.




“Oh, bakit pati si Joan nakasali na rito?” Nabigla kong tanong dito na naging dahilan ng pagkaputol ng sinasabi ni Mena.




“Didn’t Jeck told you James? Kelly, Joan and Lea are best of friends.” Sagot naman ni Mena sa tanong ko. “Moving on, tinanong nila ako kung may alam daw ba ako tungkol sa inyong dalawa. S’yempre ang sagot ko wala. Then Kelly came and told them that I know something. Nagalit ang dalawa sa ‘kin at sinabihan akong sinungaling.” Mahabang k’wento ni Mena na agad namang pinutol ni Jeck.




“Mena, go straight to the main problem, puro sa ‘yo pa ‘yang sinasabi mo, eh ano ba pakialam namin sa sinasabi nila?” Inis na wika ni Jeck.




“Kasi po Mr. Can’t wait, may vandalism po kasi sa lobby ng high school building na ‘James and Jeck are now live in partners’” Sabi naman ni Mena.




“The Hell!!??? Sino naman nagsulat non?” Gulat kong tanong kay Mena.




“Aba ewan ko sa inyo, pero usap-usapan na kayo sa school ngayon.” Si Mena.




Tiningnan ko si Jeck at nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon ng mukha nito, kahit naman ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Mena, pero anong point nila para magsinungaling sa amin. Maya-maya lamang ay nag-ring ang aking CP.




“Speaking.” Tugon ko sa sinabi babaeng nagsasalita sa kabilang linya.




“Okay, got it, we’ll be there in an hour.” Sagot ko ulit sa sinabi ng babae sa kabilang linya.




“Sino ‘yon?” Halata sa tono ni Jeck ang kaba.




“Guidance Counselor ng school, pinapapunta tayo roon.” Simpleng sagot ko rito.




“Para saan daw?” Usisa ni Jeck.




“P’wede Jeck, ‘wag ka muna magtanong? Dahil kahit ako ay natataranta na rin! Wala pa naman sila mommy ngayon!” Asar kong wika kay Jeck na naging dahilan ng pagtahimik ng tatlo. “Are we going to eat? ‘coz if not, babalik na tayo sa school! Problems are made para harapin, hindi para takbuhan!” Seryoso kong sabi sa tatlo.




“Let’s just go back to school, tama si James, hindi dapat tinatakbuhan ang problema.” Si Jeh.










“Mr. Sebastian, ano na naman ba itong pinasok mong gulo? Pati itong si James ay idinamay mo pa.” Bungad sa amin ng guidance counselor namin nang makapasok kami sa opisina nito.




“Ma’am, hindi po totoo ‘yon.” Tugon ni Jeck dito.




“Then if it’s not true, please explain these pictures to me! And the vandalism on the lobby, pakipaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng lahat ng ‘yan!”




Kinuha naman agad ni Jeck ang pictures na ipinapakita sa amin ng guidance counselor, ang unang picture ay ang bahay namin, pangalawa ay bahay pa rin namin pero nasa labas nito si Jeck na kung hindi ako nagkakamali ay nagbubukas ng gate para mailabas ang kotse. Ang pangatlo naman ay ang pagsakay ni Jeck sa kotse ko, at ang huli ay sa bahay pa rin namin, pero sa huling litrato na ito ay madilim na ang paligid, at kita pa rin sa picture na ito ang pagbubukas ng gate para naman siguro maipasok ko na ang kotse.




“You must have been mistaken ma’am. Yes, Jeck is sleeping at my house, pero hindi kami live-in, it just so happen na nag-out of town ang both parents namin, at ipinagkatiwala ako ng father ko kay Jeck.” Paliwanag ko sa guidance counselor namin.




“I’ll confirm that to your parents, but for now, hindi muna kayo pwedeng magkasama, you know that we do not tolerate same sex relationships here in our school!” Sabi nito ng may paninindigan.




“Bakit ma’am? Are you sure that there are no gays here in you RESPECTED school? And how sure are you na sa mga lalake diyan, walang magkakarelasyon!” Asar na wika ni Jeck.




“Don’t raise your voice on me Mr. Sebastian! And who do you think you are to disrespect me like that? Lahat kayo ay binabantayan namin dito! Nagkataon lang na kayong dalawa ang matunog ang mga pangalan!” Inis na wika naman ng guidance counselor namin.




Hinigit ko si Jeck papalapit sa akin at inakbayan ito saba’y bulong na, “’Wag ka na kasing sumagot! Para kang tanga! Lalo tayong pag-iisipan niyan sa mga sinasabi mo eh!”




“May sinasabi ka Mr. Cornejo? Can you please share it to me!”




“Wala po ma’am. Sige po ma’am, inform us if naconfirm n’yo na po ‘yung sinasabi ko! Aalis na po kami. The next time that something like this happens, sisiguraduhin kong walang mag-eenroll dito next year, para wala na po kayong mahusgahan! Masyado kayong mapanghusga ma’am, sana po inilagay nyo na rin sa student’s hand book na bawal makipagkaibigan sa same sex!” Inis kong wika rito.




Eh sino ba naman kasing hindi maiinis sa ginawa sa amin nito, pinag-isipan na nga ng masama ang pagtira ni Jeck sa aming bahay just for a couple of days, tapos, pati private life namin ay pinapakialaman nila. Well, ano ba naman kasi ang pakialam nila sa sexuality ko? Sila ba ang nagpapa-aral sakin!




Dumaan kami sa lobby ng HS building para tingnan ang mga vandals na sinasabi nila, totoo nga ang sinabi ni Mena at Jeh, meron nga, may nakasulat pa palang “beware, they might seduce you, but they’ll leave you hanging.” Na nagbigay sa amin ng spekulasyon na si Kelly o kaya naman ay si Lea ang may kagagawan nito.




Hindi na kami pumasok pa, bagkus ay nagdire-diretso kami sa labas kung saan naghihintay si Mena at si Jeh sa isang canteen sa labas ng school.




“Anong nangyari sa loob? Ano sabi sa inyo? Nakita n’yo ba ‘yong vandals?” Sunod-sunod na tanong ni Jeh.




“Isa-isa p’wede?” Si Jeck, “Hindi ka na nasanay kay miss Ren, eh di s’yempre, tinira na naman ako, at dinamay ko pa raw ‘tong si James!” Natatawang wika ni Jeck na ipinagtaka ko naman.




“James, ‘wag ka na magtaka rito sa bestfriend kong ‘to, lagi kasi kaming laman ng guidance office kaya sanay na kami kay Miss Ren.” Paliwanag naman ni Jeh sa akin.




“James, okay ka lang ba?” Singit ni Mena.




“Oo Mena, salamat. Kain na muna tayo, nagugutom na kasi ako eh.” Matamlay kong sagot dito.




Hindi naman kasi ako sanay sa issues, ngayon lang din ako napatawag sa guidance office, and this 1st time should be the last, dahil walang k’wenta naman ang ipinupukol nila sa akin.





Umorder lamang kami ni Mena ng apat na sandwich at apat na four seasons na juice para sa amin. Ako na ang nagbayad, pasasalamat na rin siguro dahil sa warning na binigay nila sa amin.




Pagbalik namin sa aming pwesto ay humiwalay na naman ng lamesa ang dalawa kaya kami lang ni Jeck ang natira sa nauna na naming inokupang lamesa. Namutawi sa pagitan namin ni Jeck ang nakakabinging katahimikan.




“Does this change your mind?” Maya-maya’y basag ni Jeck sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.




“Change my mind? Anong sinasabi mo Jeck?” Balik ko rito.




“Baka lang kasi hindi mo na ako mahal dahil sa nangyari.” Malungkot na sabi ni Jeck.




“Bakit? May sinabi na ba akong mahal kita Jeck?”




“Oo, ayan oh, kasasabi mo lang.” Pamimilosopo nito sa ‘kin.




“This is not a time for jokes Jeck.” Seryoso ko pa ring balik dito.




“Pinapatawa lang naman kita, ‘wag na ma-stress, am sure, tito will understand, and ipagtatanggol pa tayo noon.” Pagpapalakas ni Jeck ng loob ko.




“Alam ko ‘yon Jeck, ang pinoproblema ko lang naman ngayon ay yung vandals na kasali ang pangalan ko. Ngayon lang ako napahiya ng ganito Jeck!” Mangiyak-ngiyak ko nang tugon dito.




Agad namang tumayo si Jeck sa kanyang upuan at tumabi sa akin.




“Iyak mo na, dito oh.” Sabi nito at itinuro ang kanyang balikat.




“Hindi ako iiyak Jeck, thanks na lang. I should be strong dahil wala naman akong ginagawang masama!”




“Crying does not mean you’re weak James, it actually strengthens you, kasi nailalabas mo ang saloobin mo through crying.”




“Hindi nga ako iiyak! Walang dahilan para umiyak Jeck!” Inis kong wika kay Jeck, totoo namang naluluha na ako, pero pinipigil ko, dahil ayokong makita ng sinuman ang totoong nararamdaman ko.




Tumayo ako’t nagtungo sa CR, pagkapasok na pagkapasok ko rito ay nagtuloy-tuloy na ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko lang kasi akalain na mapapahiya ako ng ganoon kabilis na wala naman akong ginagawang masama sa school.




Malaman ko lang kung sino ang gumawa nito! Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya na pumasok pa siya sa school na ‘to! Pagbabanta ko sa aking isip habang patuloy pa rin ang paglagaslas ng masaganang luha mula sa aking mga mata.




“James, are you okay?” Si Mena, kumakatok ito sa pintuan.




“O.oo, o.okay lang ako, palabas na rin.” Nabubulol kong sabi.




Naghilamos lang ako para na rin hindi gaanong mahalata ang pag-iyak ko sa CR, pinunasan ko ang aking mukha at lumabas na.




“James, you’re not okay. Uwi na tayo.” Si Mena.




“Okay lang ako Mena, sa amin muna kayo mag-stay.” Pagyaya ko rito.




“Okay lang, pero yayain mo rin si Jeh, baka kasi may ibang plano ‘yang isang ‘yan para sa amin eh.” Sagot naman nito sa ‘kin na hindi pa rin tinatanggal ang concerned niyang tingin.




Pumayag naman si Jeh sa plano ko na sa amin muna sila mag-stay ni Mena, niyaya ko rin ang dalawa na mag-sleep over na rin muna sa bahay, tutal naman ay bukas na ang uwi nila mommy from their business trip. Pumayag naman ang mga itong sa amin na rin matulog para na rin kung may stalker man kami ay makikita niya na hindi lang si Jeck ang kasama ko sa bahay.




Dumaan muna kami sa bahay nila Jeh, dito ko nalaman na magkatalikuran lamang pala ang bahay ni Jeck at ni Jeh, at magpinsan pala ang dalawang ito. Malayong magpinsan, kasi, ang nanay ni Jeck, ay second cousin ng nanay ni Jeh. Kumuha lamang sila ng gamit sa bahay nila at ang sumunod naman ay sa bahay nila Mena. Kumuha lamang din ito ng gamit at tumuloy na nga kami sa bahay.










“Inom tayo guys. Saturday naman bukas, walang pasok.” Pagyaya ko sa mga ‘to.




“Sige ba.” Si Jeck, excited talaga kahit kelan sa alak.




“Sige, kung papayagan ako ni Hon.” Si Jeh naman, tumingin ito kay Mena at nagbigay ng pagpapaawa effect sa kan’yang hitsura na sinamahan pa niya ng pagdidikit ng kanyang dalawang kamay.




“Papayagan kita ngayon, at makiki-join din ako, dahil may problema si James, pero ngayon lang ha!” Si Mena, akalain mong ang malaking katawan na itong si Jeck ay napapasunod ni Mena, at takot pa ito kay Mena.




Agad kong binuksan ang black label na stock ni daddy sa bar. Sa k’warto ko na lang kami mag-iinom, tutal naman ay mainit pa sa labas, nagbukas na lang ako ng aircon para lumamig-lamig na rin at hindi kami mabilis tamaan ng alak.




Mabilis ang tagayan na nangyari, si Jeh ang tanggero, habang kami naman ni Mena ay nag-uusap tungkol kay Kelly, Joan at Lea, at si Jeck naman ay tahimik lamang na nagmamasid.




“Isali nyo naman kami sa usapan ninyo.” Basag ni Jeh sa amin ni Mena.




“Bata pa kayo, para sa amin lang muna ‘to, barkada thingy.” Si Mena.




“’Wag na kasi kayong magbulungan diyan, nandito kami ni pareng Jeh oh, kausapin nyo rin kami.” Si Jeck naman.




“Palibhasa kasi, sanay ka na ma-office, kaya ganyan ka! Parang hindi ka apektado.” Pabiro kong sabi kay Jeck na ikinatawa naman ni Mena at ni Jeh.




“Ah gano’n? Sige lang, okay lang sa akin.” Si Jeck, halatang napikon sa aking sinabi.




“Hala ka James, napikon si Jeck. Iba pa naman ‘yan pag napipikon.” Pang-aasar ni Jeh.




“Pakialam ko diyan, hindi naman ‘yan apektado eh!” Pang-aasar ko pa din lalo kay Jeck, pabiro lamang naman ang paraan ng pagsasabi ko.




“Pakialam pala huh? Eh kung sabihin ko kaya diyan sa dalawa ang mga naririnig ko ‘pag natutulog ka?” Sa wakas, nakabawi din ito ng pagkapikon, pero mukhang ako naman ang pipikunin nito dahil ibinalik na naman niya ang topic kaninang umaga nang papunta kami sa school.




“Eh kung sabihin ko rin kaya sa kanila ‘yong narinig ko kagabi sa ‘yo habang natutulog ka?” Pang-aasar ko pa rin kay Jeck.




“Hon, look at them oh, ang sweet nila noh?” Singit ni Mena.




“Anong sweet diyan? Eh kung pikunin ako niyan, sobra!” Si Jeck.




“Hey guys, chill, baka mamaya magkapikunan na kayo n’yan eh. Ganito na lang, since lahat naman na tayo nakainom, laro na lang tayo. Truth or Truth.” Sabi ni Jeh.




“Anong truth or truth? Di ba truth or dare ‘yon?” Tanong ko rito.




“Walang dare, puro truth lang, now if you got carried by the truth, kayo na bahala mag-dare sa sarili n’yo.” Paliwanag ni Jeh. “Pahiram na lang ng bottle, or kahit anong p’wedeng pang-spin.”




Kinuha ko ang lagayan ng pulbo at binigay kay Jeh para ito na rin ang gamitin niya.




“Ganito ha, kapag sa ‘kin tumapat ang tip nito, si James ang magtatanong sakin, pag kay Mena naman, si Jeck, pag kay Jeck, si Mena, at pag kay James, ako ang magtatanong.” Pagpapaliwanag ni Jeh ng mechanics.




Unang ikot, b’wena mano, si Jeck.




“Mahal mo ba si James?” Tanong ni Mena.




“Sobra!” Walang isip-isip ay sinagot ni Jeck.




Pangalawang ikot, si Jeh.




“Gaano na kayo katagal ng kaibigan ko? At bakit hindi...” Tanong ko na pinigilan ni Jeh.




“Hep hep, one question at a time, 3 months na kami ni Mena.” Sagot nito.




3rd spin, si Jeck ulit.




“Ako na naman! Ang daya naman niyan!” Reklamo ni Jeck.




“’Wag na maraming reklamo pa! Bakit mo mahal si James?” si Mena.




“Ask your boyfriend kung gaano ko na katagal sinusubaybayan ‘yang si James!” Sagot ni Jeck.




“Ikaw ang magsabi, alam ko naman eh, gusto ko lang iparinig mo kay James.” Si Mena.




“Okay. Matagal ko na pinapanuod lahat ng laro ni James, kahit saan pa ‘yan, basta sa Pilipinas, pupuntahan ko lahat ‘yan. 1st year pa lang ako no’ng simulan kong subaybayan si James.” Sagot ni Jeck.




Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata, hindi ko kasi akalain matagal na pala ako nitong sinusubaybayan. “Stalker?!” Hindi ko napigilan ang sarili kong masabi dahil sa aking nalaman.




...itutuloy...

4 comments:

  1. exciting ang kwento... kaabang abang ang mga susunod na mangyayare ih,.. next chapter agad.. heheh please..

    TumugonBurahin
  2. wooooooooooooohhhhh!
    grabeeeee .. KINILIG ako sa revelation ni Jeck ...

    hayy .. SH*T .. ahahaha!

    anyway ---
    mga walang-hiya talaga 'tong sina Kelly, Lea at JOAN .. sabi na nga ba ee .. may tinatagong sungay ang Joan na yan eh ..

    buti nalang matapang si James ..
    tignan lang naten kung saang KANGKUNGAN kayo pulutin ..

    GO kuya James & Jeck!
    much appreciated >> (Mena & Jeh)

    Thanks kuya JC ~
    aabangan ko ang gagawing aksyon ng mga magulang ni James ..

    TumugonBurahin
  3. waahh ang galing naman nung revelation ni jeck...
    ang tiyaga ni Jeck ah. imagine nung 1st year pa niya sinusubaybayan si James..

    Di na ako makapag hintay sa mga sunod na mangyayari ..excited na ako ih..Galing mo kasi mr author...

    Keep It up mr author GodBless and more power.....

    TumugonBurahin
  4. update update///wooohhhhoooohhh exciting

    TumugonBurahin