By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: http://jamesstoryline.blogspot.com/
Edited by: Yume Koibito
“Pare, anggaling ni James noh?” Sabi ko sa bestfriend ko habang
nanunuod ng laro ni James.
Isa ako sa fan ni James dahil sa galing niya sa badminton, lahat ng
laro nito maliban sa mga laro nito sa ibang bansa ay pinapanuod ko, kahit saang
parte pa ng Pilipinas yan, papanuorin ko dahil gustong gusto kong pinapanuod
ang mga laro niya. Lahat ng schedules nya ay nalalaman ko dahil sa bestfriend
kong may girlfriend sa mga tropa niya.
“Ayan ka nanaman, tol, lapitan mo na kasi! Bakit ba hindi ka makipagkaibigan
sa kanya, malay mo may chance.” Sagot ng bestfriend ko sakin.
“Dadating din tayo dyan pare. Hindi naman ako kailangang magmadali eh,
tsaka, tingnan mo nga, hindi naman ang mga tipo niya ang papatol sakin noh.”
Sagot ko sa bestfriend ko.
“Eh kung ako naman din ang bi, ako din, mangingilag sayo, tingnan mo
nga yang katawan mo. Ikaw tong habulin ng bading, tapos, ikaw tong humahabol sa
lalake. Adik ka lang noh?” Pang-aasar ng bestfriend ko sakin.
“Teka, teka, Pare, patapos na game ni James, puntahan mo naman muna,
bigay mo tong tubig, please.” Ganito ang ginagawa ko kapag patapos na ang laro
ni James, magpapaabot ng tubig sa Bestfriend ko na ipapaabot din niya sa mga
babae na kung hindi kami nagkakamali ay mga badminton player din na sinusubaybayan
ang mga laro ni James at ng kapatid ng bestfriend nitong si Brent.
Totoong mas magaling si Brent kesa kay James, pero mas gusto ko ang
pamamaraan ng paglalaro ni James, hindi kasi siya puro lakas lamang, ginagamit
niya ang utak niya sa paglalaro. Hindi tulad ni Brent na lakas lang ang gamit,
na siyang kakulangan ni James.
“Bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang mag-abot nito? Ikaw ang bumibili,
pero iba ang nakikinabang. Ano ba gusto mo? Sila ang magustuhan ni James dahil
sa pinaggagagawa mo!” Sermon sakin ng bestfriend ko.
“Eh, basta, sige na. Please.” Pagpilit ko dito.
“Ano pa nga ba magagawa ko? Pero last na to ha! Kung hindi ka
makikipagkaibigan kay James, ako na mismo ang magsasabi sa kanya na may gusto
ka sa kanya! Tandaan mo, girlfriend ko ang isa sa mga kaibigan niya, kaya
madali para sa akin ang sabihin sakanya ang nararamdaman mo.” Pananakot sakin
nito.
“Bilisan mo na! Ayan na oh, tapos na!” Sabi ko dito at itinulak ko pa
ito palayo para magmadali nang pumunta sa babaeng natitipuhan nyang pwedeng
magbigay kay James ng ipinapaabot ko.
Mabilis lamang naman niyang napapaabot ang tubig dahil na din sa
angking kagwapuhan ng bestfriend ko. Parehas kami ng sports ng bestfriend ko,
swimming, varsity din ako ng pinapasukan naming paaralan kung saan ay dito din
pumapasok si James.
Ilang linggo na ang nakakaraan ng manuod ako ng huling laro ni James, ilang
araw din akong nakuntento lamang na hintayin siya sa parking lot ng school
naming at panuorin ito kung paano magpark, at paglabas niya ng kotse ay
titingnan ko lamang ito ng mabilisan at papasok na ako agad sa loob ng school,
pagkatapos nito ay hihintayin ko ang recess, lunch at labasan para makita ulit
siya, stalker na kung stalker, pero wala naman makakahalata sakin. Dahil lagi
kong kasama ang bestfriend ko.
Ito na din ang araw na napagdesisyunan kong magpakilala sa kanya at
makipagkaibigan. Nasa school na ako at hinihintay na ang bestfriend ko para sa daily
routine namin, ang pagpanuod kay James sa pagpapark, pero ilang minuto na itong
late sa usapang tagpuan namin sa labas ng school. Umupo nalamang ako sa labas
ng guard house at dito naghintay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko
ang isa sa mga barkada ni James.
“Hi handsome.” Bati nito sakin ng makalapit ito bago pumasok.
“Ahm, ako po?” Sagot ko dito, nahihiya kasi ako kapag may kumakausap
sakin na higher year sakin.
“Oo, ikaw, bakit? Meron pa bang ibang tao dito? Alangan namang si
manong guard ang sabihan kong handsome.” Sabi nito sa malandi niyang tono.
“Ay, pasensya na po. Thanks for the compliment by the way.” Sagot ko
naman dito.
“Okay lang, and please, wag ka na mag-po sakin, isang taon lang ang
tanda ko sayo.” Sabi nito na halatang halata sa kanya na interesado siya sakin.
Nagpakilala ito sa akin, ganun na din ako, kinuha niya ang number ko,
ibinigay ko ito kaagad pero hindi ko na kinuha ang number niya, hihintayin ko
nalang itong magtext, total hindi naman ako ganoon kainterasado sa kanya.
“Can I invite you sa break time mamaya?” maya-maya’y tanong nito sa
akin.
“Saan?” Tanging sagot ko dito.
“Wala naman, let’s just pretend na nanliligaw ka sakin, nakakaawa kasi
ako, wala akong boyfriend, pero kung seseryosohin mong ligawan ako, pwede
naman.” Sabi nito na nagpataas ng dalawa kong kilay na animoy nagulat.
Hala, tinamaan ng magaling!
Nanglandi na nga po si ate! Pero pabor to, magiging close ko na din si James
kung ganon. Sa aking isip.
“Sige, break time, mamaya, sa canteen, thanks.” Sabi ko dito at
binigyan siya ng simpleng ngiti.
Pagkapayag ko dito ay mabilisan na itong pumasok sa loob ng school
habang ako naman ay naghihintay pa din sa bestfriend ko at kay James na
dumating.
Maya-maya’y nakita ko na ang kotse ni James, pero wala pa din ang
bestfriend ko, waaaah, hala, pano yan!
Bahala na nga! Basta mag-hi ako sa kanya! Pagkumbinsi ko sa aking utak.
Pinanood ko muna itong magpark, lumapit ako sa kanyang kotse para
salubungin sana siya.
“Hi James.” Ang tanging nasabi ko lang nang makababa ito ng kanyang
kotse.
Tumingin lamang ito sa akin ng bahagyaan at nagdire-diretso nang
pumasok sa school, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pang-iignorang
ginawa niya sa akin, pero may isa pa akong alas, ang mangyayari mamayang
breaktime.
Tinamad akong pumasok sa klase naming sa umagang
iyon, pagkapasok sa loob ng campus ay dumiretso ako sa gradeschool department
at tumambay sa playground nito. Itinext ko din ang bestfriend ko para na din
samahan ako dito. Hindi naman katagalan ang paghihintay na ginawa ko at nakita
ko na ang bestfriend kong kumag na naglalakad papalapit sa akin.
Ganito ang ginagawa ko kapag tinatamad na akong
pumasok, pupunta lamang ako dito dahil pakiramdam ko, bata pa ako at hawak ko
ang oras ko, kapag gusto kong maglaro, dito din sa lugar na ito dahil at peace
ang aking utak, kaya naiisip ko ang mga bagay na dapat kong gawin.
Ikinuwento ko sa bestfriend ko ang lahat ng
nangyari kanina, mula sa panglalandi sa akin ng kaibigan ni James, at ang plano
nitong ipakilala akong manliligaw niya. Ikinuwento ko din dito ang
pang-iignorang ginawa sa akin ni James.
“Edi gawin mong tulay yung kaibigan ni James para
magkalapit kayo, paaano ba’t magiging magkasundo din kayo niyan.” Ang tanging
nasabi ng bestfriend ko. Napakagaling talaga nitong magpalakas ng loob.
Naging mabilis ang oras para sa akin, breaktime na at kailangan ko nang
makapunta sa canteen para sa usapan naming ng kaibigan ni James, gustohin ko
mang isama ang bestfriend ko pero hindi pwede, dahil hindi alam ng barkada ni
James na may boyfriend ang girlfriend ng bestfriend ko. (Gulo noh, pasensya na
po, hehehhe.)
Nang makarating ako sa canteen ay nandoon na ang barkada ni James,
hindi muna ako dumiretso sa kanila, bagkus ay tiningnan ko muna ang nature ng
pag-uusap nila, pinagmasdan ko sila sa malayo, napansin kong medyo inis na ang
babaeng kanina ko lamang nakilala, marahil ay dahil sa paghihintay sa akin.
Nang mapansin kong nagtayuan na ang mga ito ay doon ko nahanap ang
tiyempong lapitan si ATE, ang babaeng pinagpapanggap akong manliligaw niya.
“Kanina pa kayo? Pasensya na, may pinuntahan pa kasi ako.” Paghingi ko
ng paumanhin kay ATE.
“Okay lang, ikaw naman, umorder lang mga kasama ko, kanina pa daw kasi
gutom, ikaw ba? Nagugutom ka?”
“Hindi, okay lang ako.” Tipid kong sagot dito.
Hindi din nagtagal ay nagdatingan na ang mga kasama ni ATE, at hindi
naman ako nabigo dahil kasama nila si James. Ipinakilala ko ni ATE sa lahat ng
kasama niya, timing nga naman dahil ang huli niyang ipinakilala sakin ay si
James.
"And finaly, the
most mysterious among us, and he happens to be our Top 2 sa class and our class
president! si James the Singer!" Mahabang pagpapakilala ni ATE kay James.
"Kailangan ganon
Kelly?!" Halata sa tono ng pananalita ni James na naasar ito sa tinuran ng
kaibigan niya
"Oo, dahil
kanina pa kayo dito, pero wala kang ginawa dyan kundi kumain lang ng kumain!
Ni hindi ka nga tumingin samin kanina nung umupo ka dyan sa dulo
eh!" sabi naman ni Kelly.
"Kilala ko sya
Kelly." Kahit ako ay nagulat din sa sarili ko sa sinabi ko, hindi ko naman
sinasadya na ganon ang masabi ko. "Hindi nga namamansin yan kanina
eh!" sabi ko nalang para din hindi sila makahalata na stalker ako nitong
si James. "Jeck nga pala." sabay lahad ko ng aking kamay.
"James,
pare!" sabay abot nito ng kanyang kamay. "What do you mean na hindi
ako namamansin kanina? Nagkita na ba tayo?" sabi nito sabay bitaw sa aking
kamay at nagbigay ng nagtatakang titig.
"Nasa parking lot ako kanina, ako yung
nag-Hi sayo, hindi mo naman ako pinansin." sabi ko dito.
"Ahh, ikaw pala
yon, pasensya na, akala ko kasi..." tugon nito sakin nang bigla akong
sumingit sa kanyang sasabihin.
"Na ano?
Itutulad mo pa ako sa mga kumakastigo sayo. Wag ganun pare, hindi mo pa ako
ganon ka kilala, gusto ko lang makipagkaibigan." sabi ko sabay ngiti.
"Ahh, ganon ba?
Salamat." tanging tugon nito at ibinalik ang kanyang sarili sa pagkain.
Matagal ko nang minamatyagan ang
mga ginagawa ni James, matagal ko na din itong kilala, ako lamang talaga ang
masyadong mahiyain. Malaki ang aking papasalamat ng magka-dengue si James, kung
siguro hindi dahil sa pagkakaroon niya nito ay hindi kami naging ganito
ka-close ngayon.
Alam kong malaki ang kasalanan ko
kay James dahil nakipagrelasyon ako kay Kelly, hindi ko nalang hinintay ang pagkakataong
mahalin din ako ng lubusan ni James. Hindi ko alam kung paano nangyari na
naging kami ni Kelly, bigla bigla nalang niyang sinabi sa akin na, “Mahal na
mahal kita, putulin na natin ang paghihirap mo sa panliligaw mo sa akin, tayo
na!”
I’m caught in between, hindi ko
din alam kung paano ako napapayag ni Kelly sa gusto niyang iyon, pero nangyari
nalang basta, siguro dahil nainip din ako kay James, kung siguro noon palang ay
sinabi na niya na mahal niya ako, marahil ay naging kami na siguro.
Present
“Jeck,
mahal kita.” Narinig kong sabi ni James sa akin.
Niyakap
niya ako
mahigpit, ramdam na ramdam ko sa kanya ang pagmamahal na sinabi niya. Dahil sa mga
yakap na ito ay mabilis tumibok ang aking puso.
“Mahal
na mahal din kita James. Mahal na mahal.” Sabi ko at ginantihan ko ang kanyang
pagkakayakap sa akin.
Dahil sa
pangyayaring ito ay tumulo ang aking mga luha, hindi ito luha ng pighati kundi
ay luha ng saya, tears of joy kumbaga, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay
sinabihan ako ni James na mahal niya ako. Kay tagal kong inasam asam ang mga
salitang iyon na mula sa kanya, at ngayon heto na, sinabi na niya.
Hindi ko napigilan
ang aking sarili na halikan si James sa kanyang mga labi, nagparaya naman ito
kaya mas lalo pa akong natuwa. Mula sa pagkakayakap ko sa kanya ay hinagod
hagod ko ang kanyang likuran na nagbigay siguro sa kanya ng kakaibang sensasyon.
Nakipaglaban na din siya ng halik sa akin.
Itinigil ko ang
paghalik na ginagawa ko at tiningnan ko siya, nakita kong lumuluha si James.
“Bakit ka umiiyak?”
Tanong ko dito.
“Hindi naman eh.”
Parang batang sagot nito sa akin, kasabay ang pagpupunas nito ng luhang bumasa
ng kanyang mga pisngi.
“Hindi daw, eh ano
yan?” sabay turo ko sa pagpapahid na ginagawa niya.
“Wala nga po.” Sabi
nito at ngumiti sa akin. “Nagdadrama lang po, kasi, after ilang months, ngayon
ko lang ulit naramdaman yung ganito.” Dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Wag kang mag-alala,
araw-araw ko ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita.” Sabi ko dito at niyakap
siya ng mahigpit. “Wag kang mawawala sakin James, hindi ko kakayanin na wala
ka.”
“Opo Jeck, pero
hindi pwedeng maging tayo Jeck.” Sa sinabi nito’y napakunot ang aking noo.
“Huh? Bakit?” Hindi
ko naiwasang maitanong.
“Dahil ayoko muna.
Please, wag ka na matanong, hindi ko alam ang sagot, basta mahal kita at hindi
ko din kaya na wala ka, pero wag muna maging tayo Jeck.” Mahinahong paliwanag
nito sa akin.
“Dahil ba kay
Kelly?” Tanong ko sabay bitaw ng isang buntong hininga. “Kung dahil sa kanya,
kayang-kaya ko siyang hiwalayan para sayo James.”
“Hindi lang dahil sa
kanya Jeck, magulo pa ang utak ko ngayon.” Sabi nito at umayos na siya ng
pagkakahiga.
“Sige, maghihintay
ako James. Habang naghihintay ako, hayaan mo lang akong mahalin ka, masaya na
ako.” Sabi ko at niyakap kong muli si James, ipinatong ang aking ulo sa kanyang
dibdib at idinantay ang aking paa sa kanyang paa.
“Kung maghihintay
ka, siguraduhin mong kaya mo.” Makahulugang sabi ni James.
“Opo.” Tanging
naisagot ko nalang habang naghikab. “James, tulog na tayo, inaantok na ako, may
pasok pa tayo bukas.”
“Sige, good night
Jeck.” Sabi nito at hinalikan ako sa aking noo.
“I Love You James.”
Wala akong narinig
na kahit anong response galing sa kanya, marahil ay hindi pa nga talaga ito
handa sa relasyon kaya din hindi na ito sumagot pa. Nakatulog nalang ako sa
ganoong posisyon ko sa kanyang dibdib.
...itutuloy...
uhmm hi james.. uhm as a reader, parang di ko naman nkita ung pag ka special ng chapter na to.. :) peace. parang mas special pa ung sinundan. :) peace ulit.. yan lang ung naramdaman ko.. xenxa na po.
TumugonBurahinpero ayos pa din naman...
ahh alam ko na kung bakit naging special ang chapter na to dahil parang iflinasback lang kung paano nag kakilala si jeck at si james. pero ang special dito ay yung nararamdaman ni jeck para kay james. heheh loe it mr author galing mo talaga sana yung kasunod ay mas special pa...KASUNOD NA PO.. Godbless..
TumugonBurahin