Subscribe:

Biyernes, Marso 2, 2012

Can it be Love (Part 09)


By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com









"JECK! LUMABAS KA DYAN AT WAG MO AKONG PAGTAWANAN!" sigaw ko kay Jeck na agad naman nitong tinugon ng malakas na tawa sabay lumabas na din sa lunggang pinagtaguan niya.




"Kanina pa ako dito naghihintay sayo, lintik ka! antagal mo bumalik ha!" tatawa tawa pa nitong sabi. "May isang oras ata akong pinagkakakagat ng mga lamok at ipis dun!" reklamo pa nito.




"I-ipis?" medyo nabubulol kong sagot dito.




"oo, ipis, bakit? don't tell me takot ka sa ipis?"




"huh? ah. eh. akyat na ulit ako ha." paalam ko dito




Oo, takot ako sa ipis, lalu na sa mga lumilipad, ewan ko, pero nandidiri ako sa kanila at sobrang sakit nila mangagat, kaya takot ako sa kanila. Naexperience ko na kasi na makagat ng ipis at may ilang araw din akong kinati at nagiiyak dahil sa iniwan nitong marka sa aking kaliwang pisngi.




Naglakad na ako palayo kay Jeck pero pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak nito sa aking mga balikat sabay bitiw ng mga salitang, "Sorry james, I like you, and please, wag mo akong iwasan dahil sa nalaman mo."




Agad ako nitong iniharap sa kanya at akmang hahalikan pa ako sa aking mga labi pero agad kong hinarangan ang aking mga labi gamit ang aking mga kamay, kaya ang kamay ko ang kanyang nahalikan.




"Jeck, wag ka masyadong mabilis, hindi ko alam, pero... basta!" medyo nahihiya kong sabi dito pagkahalik niya sa aking kamay.




"Anong basta james? may problema ba sakin?" tanong nito




"Tingin mo jeck, knowing na parehas tayong lalake, hindi ba dun pa lang, mali na to?"




"Bakit, mali din ba yung sa inyo ni RJ dati?" biglang bulalas sa bibig ni Jeck.




Sa sinabi nito ay agad akong napatulala sa kanya, literal na napanganga ako dahil hindi ko din alam kung paano niya nalaman, I'm caught of guard sa tanong niyang yon, pero nang makabawi ako sa aking pagkakatulala ay agad akong nakaisip ng paraan.




"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito.




"James, don't you know the issue sa school? Hindi pa ba sinasabi sayo ng mga barkada mo?" biglang seryosong tono ni Jeck sakin. 




"Anong sinasabi mo? anong meron sa school?"




"Ikaw lang naman ang hottest topic sa school james, it started as speculations sa school 2 weeks before you got sick, may nakakita daw sa inyo dati sa SM Lipa, summer pa daw noon, then, kinonfirm samin lahat ni Brent na naging kayo nga daw ng kuya nya the day before you got sick, kaya kinabukasan, sinubukan kong makipagclose sayo, kaso nagkaskit ka nga, thanks to your mom and dad, pinayagan nila na ako nalang ang magbantay sayo sa hospital. But before that, I tried flirting with kely a week before ka magkasakit para lang makaclose ko ang barkada nyo lalung lalu na ikaw." mahabang paliwanag ni Jeck.




"SINABI SA INYO NI BRENT?!" malakas na sigaw ko na kay Jeck.




"yup, and mind you james, sa room nila nagstart ang sex video ni RJ. I have a feeling na si Brent ang nagkalat ng video ng kuya nya, kaso, for what reason?" sabi nito na sinamahan pa ng pagiisip na parang bata na nakaturo pa sa sentido nito ang kanyang kanang hintuturo.




Hindi ko alam, pero nagawa nya akong mapatawa ng wagas sa kanyang ginawa, parang batang ulikba kasi na medyo cute na ewan, basta!




"oh, bakit ka nagtatawa dyan?" tanong ni Jeck at nagbigay sakin ng nagtatakang tingin.




"Para ka kasing bata! teka nga, kumain ka na ba?"




"Hindi pa, hinintay talaga kita, sayang naman yung pinrepare ko kung hindi kita makakasabay kumain."




"Tara na, kain na tayo, nakakahiya naman sayo kasi eh noh, naghanda handa ka pa kasi ng ganito, after natin kumain, magaaral na tayo ha! kung may ipapaturo ka, ipaturo mo na. kasi, mamayang madaling araw, hindi mo na ako maaabala." sabi ko sabay akbay sa kanya at punta sa hapag kainan, hindi pa din pala nito inaayos ang hapag, kung pano ko ito iniwan ay ganon pa din ang pagkakaayos nito.




Agad na nga kaming umupo at sinimulan na ang pagkain, hindi maiwasan na mapatingin ako sa gawi ni Jeck, at ito din ay nakatingin sakin, sa tuwing magtatama ang aming mga tingin ay agad kong iniiwasan ito, habang si Jeck naman ay agad humahagikhik.




"James, okay na ba tayo?" pambasag ni Jeck sa katahimikan habang kami ay kumakain.




"What do you mean jeck?" sabi ko sabay kuha ng baso at inom ng tubig.




"I mean, okay lang ba na I Like You?" dirediretsong sabi ni Jeck.




"okay lang naman jeck, basta hanggang dun lang." seryoso kong sabi




"ibig sabihin ba nun, walang chance? na maging tayo?" biglang nagbago ang aura niya, parang biglang nalungkot.




"meron naman!" nagulat nalang ako sa ibinulalas ng aking bibig, parang hindi pinag isipan ang salita at bigla nalang itong lumabas.




"Talaga????!!!!" Agarang palit ulit ni Jeck ng reaksyon sa mga muka nito. Naging masaya ulit ang aura nito katulad kanina.




"huh? ah. eh. ewan ko, tingnan naten, but i can't promise" sabi ko nalang, para naman hindi maspoil ang kasiyahan ni Jeck.




"Okay lang, willing to wait sir!" sabi nito, at agarang lumapit sa akin at yumakap.




......flashback....




"uhm, diba best friends tayo?" sabi niya




"oo naman. bakit, ano ba yun?" sagot ko naman




"uhm, pano kung.... mmmmmmmm...." ang tila nag aalangan nyang sabi.




"ano nga yon?? masyado ka namang pabitin eh!!" sabi ko na tila naiinis na dahil sa pambibitin niya.




"uhm, james, kasi, mmmmm, akala ko.... akala ko kasi bestfriend lang tingin ko sayo, kaso, iba na pala, james, mahal kita!" ang tnahihiya nyang pahayag na ikinagulat ko.




"wag kang mag biro ng ganyan, alam mong galit ako sa bakla!!!" ang nakasigaw ko ng sagot sa kanya sa pagkabigla sa itinuran niya.




"james, sorry, pero mahal na talaga kita, please, pagbigyan mo nararamdaman ko, o kung hindi man, sana wag magbago ang tingin mo sakin" ang nagsusumamo nyang sabi sakin.




"RJ, wala naman ako magagawa sa nararamdaman mo, pero sana hindi mo nalang sinabi sakin" sabi ko sa kanya na masama pa din ang tingin ko sa kanya




"James, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, sorry, pero mahal kita, ramdam kong mahal mo din ako, kaya please, sabihin mo na, nang matapos na to" sabi niya




"RJ tigilan mo ko, ayoko ng ganito!"




"James, mahal na mahal kita, ayoko nang magpigil pa, hindi ko na kaya, mahal talaga kita!"





...... Present........




Nagising nalang ang aking ulirat sa pagyugyog na ginawa sakin ni Jeck, "James, ano nangyari sayo, bakit ka tulala dyan?" si Jeck.




"ah. eh. wala naman, may naalala lang." patay malisya kong sagot dito




"Care to share it?"




"wag na, sa ibang araw nalang siguro, kukulangin tayo ng oras kung kikwento ko pa sayo yun." sabi ko at binalikan ko na ang aking pagkain. "Kumain nalang tayo at exam na bukas, kailangan pa natin mag aral."




"Okay, sabi mo eh." sabi nito at agad na ngang bumalik sa pag kain.




Mabilis na kaming natapos sa pagkain na walang imikan, hindi naman namin nainom ang red wine na binili niya, bagkus ay sabi ni Jeck na dadalhin nalang daw niya sa kwarto para daw may iniinom kami habang nagaaral, para hindi daw boring. Sanay naman ako sa ganoong set up dahil minsan ay nagaaral din ako na may katabing alak.




"Ako na maghihimpil, nakakahiya naman sayo, ikaw na ang nagprepare eh." sabi ko sabay tayo at kuha ng aming mga pinagkainan.




"Wag na, ako na, umakyat ka na doon at kailangan mo pang magaral." sabay hawak nito sa mga pinggang hawak ko at waring nakikipag agawan pa.




"Wag na nga, ako na nga, okay lang ako, kaya ko naman to eh." sabi ko dito sabay hila ng mga pinggan, agad naman niya itong nabitawan at ako naman ay nagmadali na papunta sa lababo para mailagay at mahimpilan ang mga pinagkainan.




Ang buong akala ko ay umakyat na si Jeck para magsimula na magaral, pero nakaramdam  nalang ako nang may biglang pumulupot sa aking mga baywang na mga bisig at ang baba nito ay isinaklang niya sa aking kaliwang balikat, agad akong napatingin sa gawi niya at magsasalita pa sana ako pero inunahan ako ni Jeck




"shhhhhh, hayaan mo lang sana ako, let me make you feel that you are loved, and let that feeling come from me." pabulong at punong puno ng lambing na sabi ni Jeck.




Hinayaan ko nalang siya sa kanyang ginagawa habang ako ay naghihimpil, pero bigla kong naalala ang mga kataga nito kanina na "kinonfirm samin lahat ni Brent na naging kayo nga daw ng kuya nya"




"Jeck, may paguusapan pa tayo, madami pa, basta dapat kwentuhan mo ako ha, pero wag muna ngayon, kailangan nating magaral eh. basta magtatanong ako sayo sa tamang panahon."




"opo..." malambing pa din nitong sagot sakin




...itutuloy...

7 comments:

  1. see! si Brent ang salarin!

    hay naku brent hindi na pagmamahal yang ginawa mo.. obsession na yan... grabe ka,, nagawa mopang sirain ang buhay ng kuya mo... kainis ka!

    mukhang nahuhulog na nga ang loob mo James... panu si RJ?

    ah basta solid JAMES <3 RJ parin ako... :)

    TumugonBurahin
  2. feeling ko makaahanap na si RJ ng bago eh so pagbalik nya, at least nandyan pa si Jeck para may sumalo sa kanya...

    TumugonBurahin
  3. Sa tingin ko noon pa man mahal na ni Brent si James. Ayun yung hindi niya masabi-sabi, kaya nag-aabang lang siya ng pagkakataon kay James. Pero ang ginawa niya sinira niya ang kuya niya para lang subukang makuha si James. At ngayon mas nagiging malapit si Jeck kay James malamang eeksena si Brent. At magiging mas magulo ang roller-coaster ride na ito. Buti naman ay hindi na umeeksena si Ezra at parang hindi na talaga nagparamdam si Lea. May regrets sa paghihiwalay nila James at RJ pero I think ay yun ay isang part na lang na lang ng kanilang buhay. Sa ngayon alam na ni James ang tendencies niya pero di niya pa rin tanggap ang kanyang nararamdaman. Kung titingnan kulang pa sa maturity ang damdamin at isip nila kaya hindi ko pa masasabi kung meron ba talagang true love...


    Cheers!:)

    TumugonBurahin
  4. grrrrrrrrrrrrrrrrr....Rj where art thou? sana bumalik kna.... huhu..pwd umiyak?? Rj parin ako! please, obsessed lng noh?hehe

    -hansen

    TumugonBurahin
  5. dapat focuz muna sa pag aaral, , din auzin muna ung problem, den tsaka na lovelyf pag ok na lahat.

    TumugonBurahin
  6. ang bilis naman ni jeck.. napainlove din agad nya c james... tagal ni LEA...

    regards nalang james.. i know ur bc.. bye. :'(

    TumugonBurahin
  7. MAGKAPATID NGA KAYO BRENT AT RJ!

    YOU .. TWO ... DUMB-ASSES will definitely ROT in HELL ..

    kala ko pa naman Brent .. iba ka sa kuya mo.. I thought your FAR BETTER from him .. but that's TOO GOOD TO BE TRUE pala ..

    walang-hiya ka talaga Brent .. nag-iinit na dugo ko sayo .. P.I ka .. at nagawa mo pa talagang ipagkalat sa campus na naging si James at kuya mo HUH?

    ANO DAHILAN MO HUH?!
    HUWAG MO SABIHING PAG-IBIG ... DAHIL P.I KUNG IDADAMAY MO PA ANG PAG-IBIG SA KAGAGUHAN MO .. LECHE KA!
    kakarmahin ka rin .. BWISIT KA!

    Thanks kuya JC ~
    HB ako .. >.<

    TumugonBurahin