By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: http://jamesstoryline.blogspot.com/
Editor: Jecko Frenz (Tambay sa: http://zildjianstories.blogspot.com/)
Maraming maraming salamat po kay EckoRenz na nagproofread ng chapter na ito, sobrang naapreciate ko po ang pagproofread na ginawa niya.
Maraming salamat din po sa mga nagcomment na sila Makki, Mr. Green Chris, Nick and Coffee Prince, solomot po sa mainit na pagtanggap at sa patuloy na pagcocomment sa story ko, sana po tuloy tuloy pa din kayo magcomment.
Tsaka po yung mga nagcocomment sa BOL, maraming maraming salamat po sa inyo. Kaso, hindi ko po malagay names nyo dito, kasi, nagsusubmit na po ako sa BOL ng mas maaga, I mean, bago pa man nila ipost ang chapter before this, nakapagsubmit na po ako sa kanila.
And sana po, yung mga hindi pa nakakapagcomment, magcomment na din po, sa mga silent readers ko po dyan, madami dami kayo, hehehe, sana naman magcomment na po kayo. maraming salamat po.
“Ate Lyn, kelan
ka pa umuwi?” Gulat kong sabi kay ate Lyn.
Nagulat na lang
ako nang makarating kami ni Jeck sa bahay ay nandun na si ate Lyn, hindi kasi
nagpasabi ito na uuwi, at wala din namang itinawag sa akin sila mommy at
daddy na darating
ito. Sila mommy naman ay nasa business trip pa din,
sabi nila, 3 days daw sila doon, kaya malamang ay bukas, nandito na sila.
Wala namang
sinabi sa akin si Paeng kanina nang ito ay pumunta sa tinatambayan namin nila
Mena, sa may bench na natatakluban ng puno. Nakitambay lamang ang mga ito,
marahil ay namiss lang din nila na tumambay roon. Puro kulitan lamang, kami
at ang ikinatuwa ko pa ay naging magkaibigan na din nila si
Jeck.
Ganoon naman si
Jeck, mabilis pakisamahan, isa itong taong palaging sinasabing just go with the
flow. Kaya pati kay Kelly, nag-go with the flow din ito.
“Bakit parang
nakakita ka dyan ng multo? Kanina lang ako dumating,
hindi na ako nagpasundo sayo, dahil hindi din naman alam nila
mommy na umuwi ako, akala ko naman nandito sila, isusurprise ko sana.” Mahabang
paliwanag ni ate Lyn. “Oi, Jeck, nandyan ka pala.” Baling nito kay Jeck.
“Yup ate Lyn,
dito ako matutulog mamaya, inom tayo.” Aya kaagad nito kay ate Lyn.
“Mukhang
alak ka talaga!” Asar ko naman dito. “Kakainom lang natin nung isang gabi, mag-iinom na naman
ngayon. Tumigil ka na nga!” sabi ko pa dito na tinawanan naman namin ni ate
Lyn. “Dito ka ba matutulog KUYA?” baling ko naman kay ate Lyn.
“Eh kung sampal-sampalin
ko kaya yang bunganga mo! Maka-Kuya ka dyan ha! Talagang in-emphasize mo pa eh
noh!” Sarkastikong
sagot nito sa akin. “Baka hindi ako dito matulog at makaabala pa ako sa inyong
dalawa.” Biro naman nito sa amin ni Jeck.
“Hay naku
ate Lyn, napakaconservative
nyang kapatid mo. Pa-hard to get pa.” Sagot naman ni Jeck, talagang naging
close na din si ate Lyn at si Jeck, simula kasi nang aminin ni Jeck kay ate Lyn
ang pagkagusto nito sa akin ay hindi na sila nawalan ng komunikasyon, daig pa
nga ako ni Jeck kasi lagi niyang katext o minsan naman ay katawagan si ate Lyn.
“Tumigil ka nga
Jeck!” Asar kong wika dito na tinawanan lamang nila. Dahil dito ay napikon ako kaya
hinayaan ko nalang silang mag-usap, nagpunta na lang ako sa
aking kwarto para na din magbihis at makapagpahinga. Ngunit bago pa man ako makaakyat ay narinig ko
pang nagsalita si ate Lyn na “Walk-out King talaga yang
mahal mo noh!” na naging dahilan ng pagkaplaster
ng ngiti sa aking mga labi.
“Hui, gising ka
na po.” Pag gising sa akin ni Jeck.
Hindi ko na
namalayan na nakatulog na pala ako mula sa aking pagkakapahinga. Pero sa paggising
sa akin ni Jeck ay nakaramdam akong mang-trip, kaya kinuha ko pa ang unan na
ginagamit ko at itinaklob ko ito sa aking muka at nagtulug-tulugan.
“Hala, ayaw
gumising ng kurimaw oh, gusto pa magpalambing!” Pagbibiro nito at naramdaman ko
na ngang umakyat ito ng aking kama.
“Hindi ka
talaga gigising?” Tatawa-tawa nitong sabi pero hindi pa
din ako kumibo.
Niyapos ako
nito ng pagkahigpit-higpit, yung parang sa sobrang higpit ay kahit na sino ay
hindi makakahinga. Dahil dito ay napilitan akong bumalikwas.
“Gusto mo ba ko
patayin?” Sabi ko dito habang naghahabol ng hininga.
“Yun naman pala
eh, gising naman pala, nag-iinarte lang.” Natatawa’t sarkastikong balik nito sa
akin.
Hindi ko nalang
pinatulan pa ang sinabi nito dahil alam kong hahaba lamang ang diskusyunan
namin, bagkus ay dumiretso nalang ako sa CR at naghilamos at nag-ayos ng
sarili. Hindi pa man ako tapos sa aking ginagawa ay pumasok sa loob ng CR si
Jeck.
“Pa-wiwi lang po
saglit.” Natatawa-tawa nitong singit.
“Ano ba Jeck,
hindi ka ba talaga makapaghintay man lang…” Sabi ko dito
habang dahan-dahan na humaharap sa kinaroroonan niya. Natigilan nalang ako sa
pagsasalita ko nang makita ko si Jeck na paharap sa akin habang umiihi.
Kitang-kita ko tuloy si junjun.
Is he trying to seduce me? Biglang sabi ng
aking isipan.
“Hoy!” Basag ni
Jeck sakin.
“Huh?” Ang
tanging nasabi ko nalang.
“ Anong huh ka
jan? Bakit ka nakatulala diyan?” Sabi nito sa nang-aasar na tono.
“Wala!” At
nagmadali na akong lumabas ng CR para na din makaiwas sa kung anong komosyon.
Hindi ko alam
kung anong gustong mangyari ni Jeck, hindi ko din alam kung anong gustong
iparating ng mga kilos nito, at lalung hindi ko alam kung ano din ba
talaga ang gusto kong mangyari, pero isa lang ang alam ko, yun ay ang hindi ako
sigurado sa kahihinatnan ng gabing ito.
Lumabas na ako
ng CR at dumiretso sa baba para magluto sana ng makakain namin ni Jeck for
dinner, pero naunahan ata ako ni mokong, dahil pagbaba ko ay nakahanda na ang
pagkain sa hapag, kaya siguro ako nito ginigising kanina marahil ay kakain na.
Tiningnan ko
kung anong ulam ang inihanda ni Jeck para sa aming dalawa, nakita kong
Caldereta pala ito, isa sa mga paborito kong pagkain sa lahat.
Sino kaya nagluto nito? Si Jeck kaya? Tanong ko sa
aking sarili. Sana naman hindi nya to
pinaluto sa kung sino lang, dahil hindi ko talaga to kakainin.
“Natikman mo
na? Sorry ah, baka kasi hindi ko nakuha yung lasa ng luto ni tito.” Biglang
sabi ni Jeck mula sa aking likuran.
Siya nga nagluto!! Ang tila
kinikilig na sigaw ko sa aking sarili. Teka,
teka James, bakit ka ba kinikilig dyan? Kontra naman ng isang parte ng
aking utak.
“Hindi ko pa
natitikman eh. Tara! Kain na tayo, excited na ako matikman tong luto mo!”
Define kinikilig at excited, ako yun.
“Hala,
nakakahiya kaya yang luto ko.” Kung kanina ay parang napakamaloko ng
tono ni Jeck, ngayon ay halatang halata mo ang kaba sa kanyang boses dahil sa
pagka-crack nito.
“Wag ka na
mahiya dyan Jeck, kumain na tayo, kahit naman hindi gaanong masarap to, ang
mahalaga, galing sayo.” Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga katagang
iyon, pero effective naman, dahil nasilayan ko ang mga ngiti mula sa labi ni
Jeck.
Agad na nga
kaming kumain, masarap ang luto ni Jeck, nakuha niya ang timpla ng tatay ko, yung
medyo maanghang kasi ang gusto kong timpla ng Caldereta, yung tipong kulang
nalang ay lumabas ang almuranas mo dahil sa taglay na anghang nito.
“Mamahalin na
kita dahil dito!” Hindi ko napigilan ang aking bibig sa aking nasabi. Nilagyan
siguro ni Jeck ng kung anong gayuma ang pagkain na ito kaya kung sino man ang
makakain nito ay siguradong maiinlove sa kanya. (makapag assume naman ako.
Hahahah)
“Talaga? Mahal
mo na ako James??” Tila excited na sabi nito.
“Alam mo Jeck,
masarap na pulutan to.” Biglang segway ko
ng topic, kasi, kahit ako man ay nagulat sa sinabi ko, alam ko sa sarili
ko na mahal ko na si Jeck, pero hindi ko lang siguro alam kung paano ko
sasabihin sa kanya. Pero hindi pa naman talaga pwede, kasi nga, sila pa ni
Kelly, kaya kailangan kong magpigil ng sarili.
“Edi mag-iinom na naman
tayo mamaya?” Hala, mas excited pa sakin ang mokong na to, ambilis talaga
magpalit ng mood nito basta inuman na ang usapan.
“Ikaw bahala,
ano ba gusto mo inumin ngayon?” Balik-tanong ko dito.
“Kahit Matador
lang, okay na sakin. Solve na ko dun.” Sabi ni Jeck na nagpatawa sakin.
“Matador ka
dyan! Hindi naman ako nainom ng Matador, tsaka pangkanto lang yun!” Sabi ko
dito. “May natira pa yata tayo nung isang gabi na fundador, ubusin nalang natin
yon, for sure naman, labis labis pa yun para sating dalawa.
“Jeck, ano pinag-usapan
ninyo ni ate Lyn kanina?” Tanong ko kay Jeck.
Pagkatapos
kumain ay nilinis lamang namin ang aming
pinagkainan at pumunta na sa garden para mag-inom, dito ko napiling mag-inom
dahil presko ang hangin na humahampas sa balat. November pa naman ngayon, malamig
ang panahon, ramdam na ramdam mo na ang kapaskuhan. Ang bahay namin ay pinuno ng
nanay ko ng Christmas Lights. Kung titingnan mo mula sa labas ang aming bahay,
lutang na lutang ito sa mga karatig nito dahil ang bahay lang namin ang
punong puno ng mga pailaw.
“Ah. Kanina?
Wala naman yun, sabi lang niya, ingatan daw kita. Mahalin daw kita. Wag daw kitang sasaktan. At makipagbreak na daw ako sa GF ko para
sayo.” Tipsy na si Jeck, halata sa boses nitong paliko liko na ang tono nito.
“Wag mong
gagawin yan Jeck, kaibigan ko pa din si Kelly, at alam kong mahal na mahal ka
nun.” Pagsaway ko sa plano nito.
“Pero James,
ikaw ang mahal ko, sana naman pagbigyan mo tong nararamdaman ko para sayo.”
Sabi nito at tumagay na ulit ng alak.
“Jeck, hindi
naman pwedeng dalawa kami ni Kelly, at ayoko din naman na saktan mo siya.”
“Eh pano tayo?
Hindi na pwedeng maging tayo, James, wag ka namang ganyan.”
May himig ng pagtatampo nitong sabi.
“Jeck, we don’t
need to be committed, for us to be happy, pwede naman tayo maging masaya ng
ganito lang diba? Hindi ka pa ba satisfied sa ganito Jeck? Lagi mo ko kasama,
isang text mo lang, okay agad ako, isang sabi mo lang, hindi ako tumatanggi. Hindi natin kailangang maging
tayo, kasi, daig pa natin ang may relasyon sa estado natin ngayon.” Mahabang
paliwanag ko dito sabay kuha ng shot glass at tinagay ang laman nito.
“But James,
alam ko, mas magiging masaya tayo kung magiging tayo James. Commitment makes
relationships better and stronger.” Hala, nag-english na, lasing na nga talaga
tong si Jeck. “I know you’re not yet ready, I’m willing to wait for you naman
eh.” Taas-baba na ang tono nito.
“Jeck, lasing
ka na naman.
Tama na nga tong inuman na
to. And let’s drop the topic.” Sabi ko at kinuha
ko ang bote ng Fundador at tumayo na ako.
Sa kasamaang
palad, na-out of balance ako sa aking pagkakatayo na naging dahilan ng
pagkakatumba ko kay Jeck. Mabilis
naman akong nakabawi dahil inalalayan ako nitong tumayo. Tinulungan na din niya
akong maglinis
ng aming pinag-inuman at himpilin ang mga ginamit namin
sa pag-iinom.
Pagkatapos ng
lahat ay umakyat na kami sa kwarto ko, dumiretso ako sa CR at nag-quick shower.
Pagkatapos nito ay si Jeck naman ang nag-quick shower. Nang marinig ko na
pinatay na ni Jeck ang tubig ng shower, agad akong nagtalukbong ng kumot at
nagkunwaring tulog na. Para na din hindi na ako kulitin nito.
Ilang saglit
lang ay naramdaman ko nang tumabi sa akin si Jeck ng paghiga. Naramdaman ko
nalang din ang pagyakap nito sa akin na kasabay nito ay ang pag-aayos niya ng
aking higa paharap sa kanya. Nagparaya naman ako sa kanyang ginagawa para na
din hindi nito mahalata na ako ay gising pa. Nilambotan ko ang aking katawan
para na din makasunod sa pag-aayos niya ng pwesto ko.
“James, mahal
na mahal kita. Handa kong iwan ang lahat para sayo. Pagbigyan mo sana ang
nararamdaman ko James.” Pabulong nitong sabi sa akin, kasabay nito ay ang
paghaplos-haplos niya ng mukha ko. “Wala na akong ibang
mahihiling pa James kundi ang mahalin mo, mahalin ng lubos at walang pag-aalinlangan.
Yung tipong, we
can say proudly na mahal natin ang isa’t isa. Pangako ko sayo, kahit ganito tayo, proud ako
at sasabihin ko sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Kahit kay mama, sasabihin ko
lahat.” Sabi nito pero nanatili lamang akong nakapikit at nakikinig sa kanya.
Hindi ko ipinahalata sa kanya na ako’y gising pa.
“James, kung
mabibigyan lamang ako ng pagkakataon na maging tayo, hinding hindi kita bibiguin. Mamahalin kita ng lubos,
at hinding hindi kita iiwan. I’ll
be by your side as long as you want me to, James. Hayaan mo lang akong mahalin ka,
ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na hinahanap mo.
Hihigitan ko ang mga nagawa ni RJ sayo. Hinding-hindi kita sasaktan, pangako
yan.” Sabi ni Jeck at tumahimik ito.
Hindi pa din
ako gumalaw, hindi din ako umimik, naramdaman ko nalang na may dumikit sa aking
labi na malambot at medyo mamasa-masang bagay na kung hindi ako nagkakamali ay
ang mga labi ni Jeck. Hinalikan niya ako sa aking mga labi, pero hindi ako lumaban,
gusto kong manatili sa kanyang isipan na ako’y tulog na.
Mabilis lamang
ang mga halik na pinakawalan ni Jeck, pagkatapos ng kanyang paghalik ay niyakap
niya ako ng mahigpit. Iniyakap
niya ang aking kamay sa kanyang katawan, inihilig niya ang aking ulo sa kanyang
dibdib at hinaplos haplos ang aking buhok.
“James, alam
ko, rinig mo ako, alam ko gising ka pa, pero sige, pakinggan mo lang ako,
pakinggan mo at pakiramdaman mo ang tibok ng puso ko, ikaw lang ang tinitibok
niya, hindi si Kelly, hindi ang kung sino pa man. Ikaw lang. Mahal na mahal ka
niyan James, at hindi yan titibok ng ganyan ka-bilis kung mawawala ka sa kanya.
Ikaw lang ang nagpapatibok ng mabilis dyan, at kung minsan na mawawala ka, ikaw
lang din ang nakakapagpabagal niyan. Sana James, ganyan din ang tinitibok ng
puso mo. Sana ako lang din ang laman niyan. Sana, at madaming madami pang sana.
Basta ang alam ko lang, mahal na mahal kita.” Mahabang turan ni Jeck.
“Jeck, mahal
kita.” Sabi ko pero mahina lang, yung tipong hindi maririnig ng taong kausap
mo.
Niyakap ko siya
ng mahigpit, ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko din siya sa pamamagitan ng
aking pagyakap sa kanya, at ang mainit na yakap na ito ang naging dahilan ni
Jeck para lalung bumilis ang tibok ng puso nito.
“Mahal na mahal
din kita James. Mahal na mahal.” Sabi nito at ginantihan niya ang aking
pagkakayakap sa kanya.
…itutuloy…
love is in the air! naks! goodluck na lang kay Kelly... i know its gonna be a tough one..
TumugonBurahinhaist,.. kaka inlove talaga,,, tatagos talaga sa puso ng kung cno man makakabasa nito.. haist sarap talaga mainlove.. kelan kaya darating ang "JECK" ko.. hihihi..
TumugonBurahinsarap basahin...
miss you a lot....(july 2.)
wowwww grabe summer ngayon pero parang valentines heheh kaka inlove ih...hehhe Job well done mr author just keep it up. and morepowers GodBLess...muwahhhhh..
TumugonBurahinwooohh! i love it ..
TumugonBurahinnikikilig ako sanyong dalawa .. grabe ..
goodluck na nga lang talaga sa inyong dalawa pag dumating na ang panahong .. kailangan ng ipagtapat kay Kelly ang lahat ..
May the odds be ever in your favor ---
Thanks kuya JC ~
parehas kme ni james ayaw ng commited kse namn diba
TumugonBurahin.
,""Hinde namn porket hinde kayo commited nung tao ee hinde muna mahal , minsan mas kailngan mu lang tlga piliin yung side na alam mung dun kayu mas tatagal""...
. nkakarelate ako sa storyline ,, ahahaah sana lang mapangatawanan ni Jeck laht ng mga sinabe nya kay James at hinde puro talk shit lng ahahaha ,, nice work author ramdam ko lhat sa pag define mo ng settings ahaha galing .. feel ko yung cold season tpos kayung dalawa lng ,, hayss basta ,, nkakarelate ako sa story ahaha kya author bilisan ang next chapter