Subscribe:

Lunes, Marso 26, 2012

Can it be Love (Part 18)


By: James Cornejo
Email: mystoryline.blogspot.com
Proof Readers:
....Grammar Editor: Zephiel (http://zildjianstories.blogspot.com/)
....Over-all-Editor: Swiss Wenger (http://makingsenseofeverything.blogspot.com/)
Approved by: Jeh Quijano (tambay sa http://zildjianstories.blogspot.com/)




Maraming maraming salamat sa aking cyber family, my daddy zeke, my daddy swiss and my tito jeh for making this chapter something. And for all the ideas you gave me for me to improve my writing skills.




Maraming maraming salamat din po sa mga nagcocomment, sana yung mga silent readers ay magcomment na din, dahil sobrang nakakataba ng puso ang mga comments, hehehe, salamat po ng madami.




Special Mention ko lang si Coffee Prince, kanina lang kasi niya nalaman itong blog ko, eh, sabi ko sa kanya, dapat magcomment sya in every chapter, so ayun nga, ahahhaa, nag marathon siya kani kanina lang, so maraming maraming salamat sayo Coffee Prince, hehehe, sobrang naapreciate ko po ang pagcomment mo, hope to see more of your comments in the future, hahahaha.




And syempre, ang hindi nagmintis ng pagcocomment since "Ang Simula" na si Makki, maraming maraming salamat din sa pagsubaybay ng story ko, hehehe, sobrang naaaprciate ko kayo, promise, hope to read more of your comments din.




And para dun sa mga nakakakilala saking true identity sa blog na tinatambayan ko EVERY NIGHT see you there, same time. heheheh, and sana naman magcomment na kayo, hontogol nyo na nagbabasa eh. wahahahahha.




Sa mga nagbabalik sa pagcocomment dito, like drew and Gaz, maraming salamat sa inyo, sana tuloy tuloy na yang pagcocomment nyo, hehehe.




Nageenjoy po talaga ako sa pagbabasa ng mga comment sa story ko, sana naman yung mga silent readers ay magcomment na din, para naman mamention ko kayo.




Nick, hindi na ako nakakapagtext, pasensya na, bawal na kasi ako magtext, busy na din kasi, sobra.









“Peace be with you.” Masuyo’t malambing na wika ni Jeck.




Hindi na naman gaanong pinansin ni Mena kung bakit biglang sumulpot si Jeck sa chapel, malamang ay nagulat lamang ito dahil hindi naman nila alam na paminsan-minsan ay sa amin natutulog itong kurimaw na ito, at hindi din nila alam na close kami nito.




Wala namang ibang nakakaalam ng mga bagay na ito kundi kaming dalawa ni Jeck, hindi man namin pinag-usapan ang tungkol dito, siguro ay pakiramdaman na lang. And besides, kahit naman malaman nila, okay lang, kasi wala naman kaming ginagawang masama ni Jeck, it’s just that, nagustuhan ni daddy and ni mommy ang pakikitungo nito sa kanila, kung kaya’t nakakalabas-masok ito sa pamamahay nmin.




Doon ako humahanga kay Jeck, mahirap makuha ang loob ng mga magulang ko, lalong-lalo na ang tatay ko, pero nagagawa ni Jeck na makipagbiruan sa mga ito, at nagagawa pa nitong pumunta sa bahay kahit wala ako doon para lamang makipagkwentuhan o minsan ay makipag-inuman sa tatay ko.




“Peace be with you.” Tugon ko kay Jeck at bumaling naman ako ng tingin kay Mena, “Peace be with you” sabi ko rin dito.




“I Love You.” Bulong ni Jeck sa akin na naging dahilan ng pag-init ng aking magkabilang pisngi na hudyat na namumula ang mga ito. Hindi ako naka-imik sa binulong iyon ni Jeck, hindi ako nakasagot, napako ang tingin ko sa malayo na animo’y may iniisip. Hindi na rin ako nakasabay sa pagkanta sa misa.




“Narinig ko ‘yon.” Biglang sabi ni Mena sa aking tabi, nang tingnan ko ito ay nakangiti itong nakatingin sa akin.




“A-Alin?” Nabubulol at nahihiya kong tanong dito.




“Na nag-I Love You sayo si Jeck.” Tatawa-tawa nitong sagot sakin.




“Hindi ah.” Mariing pagtanggi ko sa kanyang paratang.




“Nako James, sige, ako lokohin mo, eh bakit ka namumula d’yan?” Medyo napalakas na sabi ni Mena na naging dahilan para masaway kami ng ilang tao na nasa unahan namin.




Hindi ko na pinatulan pa ang kung anong sinabi ni Mena, baka kasi pag kinumpirma ko sa kanya ang sinabi ni Jeck ay maging issue pa ito sa buong klase, o kung hindi naman ay sa buong campus.




Sana pagkatapos ng misa, hindi na maalala ni Mena yun. Bulong ko sa aking isipan.










Pamula sa ‘peace be with you’ ay mabilis nang natapos ang misa. Agad akong lumabas sa chapel para na din makaiwas sa pagtatanong ni Mena, alam ko namang kukulitin ako nito tungkol kay Jeck, how I wish nakalimutan na niya ang narinig niya.




“Hoi, James! Wag mo akong iwan! May itatanong pa ako sa ‘yo!” Si Mena.




Paktay! Sa isip ko. “Ano ba yun Mena? Male-late na tayo oh.” Sagot ko dito.




“Hindi mo man lang ba hihintayin kami ni Jeck?” Nakangiting nang-aasar na turan nito.




“Maalam kayong maglakad! Bilisan nyo na, male-late na tayo!” Sabi ko na lang at naglakad na nang mabilis papalayo sa kanila.




Mabilis naman akong nakarating sa classroom, pero bago pa man ako makaupo sa aking upuan ay naramdaman kong nagvibrate ang aking CP.




“Nandito kami ni Mena sa canteen, 30 mins pa naman, punta ka muna dito. Please.” Text ni Jeck.




“Magbabasa pa ako, kayo na lang.” Reply ko.










“Uy, James, may hindi ka sinasabi sakin huh, katampo ka na.” Si Mena.




Mabilis naman natapos ang lahat ng klase namin sa umaga, lunch break na ngayon, at napagkasunduan namin ni Jeck na mag-lunch ng sabay. Pero hindi ako makaalis dahil sunod sakin ng sunod itong si Mena kung saan ay sinusundan din ito nila Kelly at ni Joan.




Alam kong may kutob si Mena na si Jeck ang pupuntahan ko, pero with those other girls behind her, hindi ko mapupuntahan si Jeck.




“Mena, may pupuntahan lang ako, ‘wag naman kayo sumunod.” Bulong ko dito.




“Kay Jeck noh?” Balik-bulong nito sa akin.




“Issue ka Mena, hindi, sa labas lang ako kakain.”




“James, sama mo naman kami sa labas.” Si Kelly.




“’Wag na Kelly, sa canteen na lang tayo kumain, ayoko ng mga pagkain sa labas, mukang marumi.” Si Joan.




Gusto ko sanang magpasalamat kay Joan dahil sa sinabi niya, pero hindi ko dapat ipahalata sa mga ito na ikinatuwa ko iyon. Nagdire-diretso ako palabas para na rin makakakain at makasama na rin si Jeck. Pero sumusunod pa din si Mena sa akin, hanggang sa makalabas ako.




“Mena, bakit ka ba sunod ng sunod?” Tanong ko rito nang kami ay makalabas na.




“Wala naman James, para lang kasing may itinatago ka sakin.” Sabi nito na may ngiting nang-aasar pa rin sa mga labi.




“Ano naman ang itatago ko sa ‘yo Mena?”




“Wala naman, wag na nga.” Sabi nito sabay tawa ng nang-aasar. “Alam ko namang si Jeck ang katagpo mo ngayon, nabanggit lang niya sa ‘kin kanina no’ng nasa canteen kami. T’saka hindi kita sinusundan, nand’yan boyfriend ko sa labas, kasama ni Jeck.” Sabi nito sabay naglakad ng mabilis na may patawa-tawa pa palayo sa akin.




Hindi ako nakapagbigay ng reaksyon sa sinabing iyon ni Mena, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero ang nakakapagtaka ay wala man lang akong naramdamang inis kay Jeck. Parang natuwa pa nga ako sa aking narinig.




Hindi man ganun ka-reliable si Mena pagdating sa mga secrets, dahil sa likas na kadaldalang meron ito, pero alam ko namang hindi ako kayang ipahiya ni Mena.




Teka, teka, si Mena? May boyfriend? Kasama ni Jeck? Sunod-sunod na tanong sa aking isipan.




Nagmadali na nga akong pumunta sa kinaroroonan ni Jeck, at nakita kong nagtatawanan na ang mga ito kasama si Mena. Hindi ko nagawang pumasok agad dahil pakiramdam ko ay ako ang pinag-uusapan nilang tatlo. Nasa ganoong pagkakatayo ako sa pintuan ng naturang kainan sa labas ng school nang makita ako ni Jeck.




“Teka Jeh, may ipapakilala ako sayo, saglit lang.” Narinig kong sinabi ni Jeck at tumayo ito patungo sa kinaroroonan ko.




“Kanina ka pa ba d’yan?” Wika nito sa akin nang siya ay makalapit.




“Huh?”




“Hala, natulala ka naman sa akin? Papakilala kita kay Jeh.”




Sa sinabi nito sa akin ay nakaramdam ako ng ibayong hiya, hindi ko man alam kung anong pagpapakilala ang gagawin ni Jeck sakin, ang alam ko lang ay kabado ako ngayon.




Lord, please, sana naman maayos ang pagpapakilalang gagawin ni Jeck, pasens’ya na po, pero pag may sinabing kakaiba itong si Jeck, baka makasapak ako ngayon. Pagdadasal ko sa aking isip habang papalapit sa kinaroroonan ni Jeh at ni Mena.




“Pare, si James, I think you know him naman di ba, siya ‘yon.” Sabi ni Jeck kay Jeh na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo at pagtingin kay Jeck na animo’y nagtatanong.




“S’yempre naman, sino ba namang hindi makakakilala kay Mr. Math. By the way, Jeh pala pare.” Sabay lahad nito ng kamay sakin. “Jeh Quijano” Dugtong pa nito nang maglapat na ang aming mga kamay.




Jeh Quijano, number 2 swimmer ng school namin, number 4 sa buong lungsod namin, number 7 sa buong lalawigan at hindi ko na alam sa buong Pilipinas. Maitim din ito tulad ni Jeck, mas matangkad nga lang kay Jeck ito, siguro ay nasa 5’9 ang height, full 6 pack abs, pumapangatlo sa mga heartthrob ng Highschool department. At number 1 na laging bisita sa Guidance Office dahil sa mga kalokohan nito.




“Ahh, the swimmer dude, Mr. Gold Medalist” Sabi ko rito at sabay na nakipagkamay ng maayos sa kanya. “James pare, James Cornejo.”




“Oh, tama na ‘yang pagkakamay na yan, nagseselos na ako!” Basag ni Jeck at hinawakan nito ang parehas naming kamay at pinaghiwalay.




“Oo nga Jeck, nakakapang-selos nga noh?” tatawa-tawang singit ni Mena.




Umupo na kaming apat sa naokupahan ng mga itong pwesto sa naturang kainan. Ang siste, kami ni Mena ang magkatabi, habang si Jeck ay sa aking harap, at si Jeh naman ay sa harap ni Mena.




“Teka lang, oorder na kami ni Jeh, uhm, James, anong gusto mo?” Si Jeck.




“Kahit ano Jeck, alam mo naman na kung ano ang hindi ko kinakain di ba?” Sabi ko rito at tumingin kay Mena para sana makipag-usap at tanungin ang mga nalalaman niya. Pero nang mabaling ko ang aking tingin sa kanya ay nakita kong nagpipigil itong matawa.




“Bakit?”




“Wala, nakakatuwa lang kayo ni Jeck, para kayong magjowa.” Tatawa-tawa pa ring sagot ni Mena.




“Tigilan mo ako Mena huh.” Asar kong wika rito.




“Eh totoo naman po kasi James, pa’no naman pati ang hindi mo mga gustong ulam, alam na niya. Hindi naman natin nakakasama ‘yan sa kainan.” Nakangiti pa ring balik nito sa akin.




“Eh kasi, ilang beses na ring natutulog si Jeck kila James!” Biglang singit ni Jeh sa usapan namin ni Mena, tapos na pala silang umorder ni Jeck.




“Ow really? Bakit hindi namin alam yan James?” Tatawa-tawang sabi ni Mena, halata mo sa kanya na may nalalaman ito.




“James, sorry, nasabi ko kay Jeh, hindi ko naman kasi alam dati na sila ni Mena eh, and I know, alam naman ni Jeh ang ibigsabihin ng secret.” Biglang singit ni Jeck sa aming usapan.




Kahit na nagkakabukuhan na sa pagitan naming apat ay hindi ko pa rin magawang mainis kay Jeck, sa katunayan ay ikinatuwa ko pa ito, at kung ano ang dahilan? Hindi ko alam. Basta masaya ako sa nangyayari ngayon.




“Ah, so, kayo na pala?” Si Jeh.




“Intriga? Hindi kami at walang kami noh!” basag ko sa pang-iintriga ni Jeh.




“Talaga lang huh?” Sabay na sabi ni Jeh at ni Mena.




“Walang kami pare, napaka-hard-to-get kasi nitong si James eh.” Nakangiting sabi ni Jeck.




“Eh kasi po, kayo pa ni Kelly, what do you expect? Masyadong mahal nitong si James ang barkada nya, kahit na...” Hindi naituloy ni Mena ang sasabihin nito.




“Kahit na ano, Mena?” Nakakunot-noo kong baling dito.




“Wala naman Jeck, pero ingat ka sa kanila, lalo na kay Kelly. Pansinin mo, hindi ako gaanong nagsasasama sa kanila.” Si Mena. “At alam lahat ‘yan ni Jeck, ewan ko nga ba kung bakit pinatulan pa niya yung babaeng ‘yon.” Dugtong pa nito.




“Hindi ko kayo magets. Paki-explain naman po ng maayos oh.”




Dahil sa sinabi ni Mena ay naging magulo ang aking utak, hindi ko naman kasi napapansin ang ibang tao sa paligid ko, kahit na kabarkada ko pa ang mga ito, hindi katulad noong sila Paeng pa ang kabarkada ko na lahat ay alam ko tungkol sa kanila.




“Si Jeck na lang mag-eexplain sa ‘yo. Pero totoo ang sinabi ni Jeck sa ‘yo noong isang gabi na pinilit lang siya ni Kelly. Itong kumag naman na ‘to, nagpapilit!” Si Jeh. “Hon, dun tayo sa kabilang table, para naman masolo kita.” Yaya nito kay Mena na sinang-ayunan naman nito.




Nang iwan kami ni Jeh at Mena, namagitan ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa ni Jeck, malamang ay nahihiya ito dahil nabuko ko siya na may pinagsabihan siya ng tungkol sa amin, pero sa totoo lang ay ikinatuwa ko pa ito, lalo na no’ng sinabi ni Mena na may something kina Kelly. Alam ko namang hindi ako ilalaglag ni Mena, kaya kampante ako sa kung anumang sunod pang mangyayari.




“’Wag kang masyadong seryoso d’yan, okay lang ‘yon, naiintindihan ko naman.” Basag ko sa katahimikang namuo sa pagitan namin.




“Sorry James, alam ko namang mapagkakatiwalaan ko si Jeh eh, ‘wag ka sanang magagalit sakin. ‘Tsaka bestfriend ko naman si Jeh.” May hiya pa ring sabi ni Jeck.




“Wag ka na magsorry Jeck, as I’ve said, okay lang ‘yon, naiintindihan ko naman.” Nakangiti kong sabi dito. “So, sabi ni Jeh, ikaw na raw mag-eexplain sa ‘kin. Ano ba meron sa girlfriend mo na hindi ko alam?”




“Ahh, yon ba? Wala naman. Kapag kasi kasama ko siya, wala nang ginawa kundi ang siraan ka sa ‘kin.” Diretsahang sabi ni Jeck.




“Siraan, Ako? Ano namang mapapala niya kung sisiraan nya ako?” Hindi makapaniwalang tugon ko rito.




“Ikaw bahala James kung ayaw mo maniwala. Pero ewan ko, I have a feeling na may insecurities siya sa ‘yo.” Sabi nito.




Hindi ko magawang mapagdugtong-dugtong ang mga pangyayari, parang napaka-imposible namang plastikin ako ni Kelly, at wala naman sigurong motibo ito para plastikin ako. And for what reason? Sa pagkakakilala ko kay Kelly, totoong tao ito ayon sa mga nakikita ko sa kanya.




“Just for your information James, Kelly, Joan, and your ex are best of friends way back their elementary days pa.” Sabi ni Jeck na lalong nagpagulo ng aking utak.




“Sinong ex ko?” nakakunot-noo kong tanong dito.




“Sino pa ba? Eh di ‘yong nagwawala sa bahay mo no’ng isang araw.” Sa sinabing ito ni Jeck, para akong nanglambot bigla, para ko na ring sinabi sa sarili ko na, bullshit James, kalat na sa buong campus ang totoo!




“’Wag ka mag-alala James, I’m here to protect you. Kaya ko namang itanggi eh. And don’t you worry about Mena, hindi ‘yan magsasalita ng laban sa ‘yo.” Jeck’s assurance made me feel at ease. Hindi ko na lang muna po-problemahin habang wala pa.










Mabilis na naming natapos ang aming pagkain sa labas kaya agad kaming pumasok sa loob ng campus. Nasa ganoong paglalakad kami nang magvibrate ang aking CP, kinuha ko ito mula sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang nagtext. Si Paeng.




“Asan ka?” napakahabang text ni Paeng sa ‘kin. Hindi ko na lang ito binigyang pansin dahil malamang ay gusto lamang akong makasama nitong mga `to na magluch, kaya hindi ko na lang din ni-replyan. Pupuntahan ko na lamang sila mamaya bago magsimula ang klase ngayong hapon.




Nasa ganoong paglalakad kami nang mapansin ko ang mga taong nakatingin sa aming apat. Mapanuri ang mga titig na ibinibigay ng ilang estudyanteng nakakasalubong namin, ang iba naman ay nagbubulungan pa habang nakatingin sa amin. Hindi ko na pinansin pa kung anong ibig sabihin ng mga titig nilang iyon. Nagdire-diretso na lamang kaming maglakad papunta sa aking paboritong spot sa campus. Ang bench na natatakluban ng puno ng mangga na kung saan ay kitang-kita mo mula rito ang basketball at volley ball court. (Ito rin ang lugar kung saan kami nagkakila-kilala nila Paeng, Mike, Ondoy at RJ noong kami ay mga bata pa.)




Umupo lamang ako at tumahimik, habang si Mena at si Jeh ay naglalampungan sa kabilang bahagi ng bench. Si Jeck naman ay tumabi lamang sa akin at tumahimik, marahil ay iniisip din ang mga pwedeng mangyari. Pero dahil sa presensya ni Jeck, nararamdaman kong lahat ng problema ko ay kaya kong lampasan.




Hindi man kami ni Jeck, sa mga assurance naman na ibinibigay nito sa akin ay nararamdaman ko ang pagmamahal nito. Pero alam ko sa sarili ko kung saan ako lulugar, hindi ko pa rin naman naku-kumpirma ang sinabi nila tungkol kay Kelly kaya kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya.




“Jeck, would you take risks for me?” Hindi ko alam kung saang lupalop ng utak ko ginalugad ang katanungang iyon, pero ‘yan ang nagpabasag ng katahimikan namin ni Jeck.




“Of course James. Kahit anong risk pa ‘yan, gagawin ko, para lang sa ‘yo.” Seryosong balik sa akin ni Jeck.




“Bakit ako?”




“Kasi, ikaw ay ikaw.” Seryoso pa ring sagot nito pero nakatingin sa malayo.




“Hindi ko maintindihan.”




“Wala akong dahilan James, nakita ko lang that you’re unique, alam ko sa sarili kong totoo lahat ng pinapakita mo, at alam kong totoo kang magmahal.”




“Pano mo nasabi?”




“Ewan ko, ramdam ko.” Sabi nito sabay tumingin sakin. “Kasi mahal kita.”




“Are you expecting something from me?”




“Nakakabastos naman ‘yang tanong mong ‘yan James.” Singit ni Mena.




“Alam mo, panira ka talaga ng moment Hon.” Si Jeh naman. Na sinabayan pa nila ng nakakalokong tawa.




Kanina pa palang nakikinig sa amin ang dalawang ‘to. Sabi ko sa aking isip at tiningnan muli si Jeck, pero bakas sa mukha nito ang pagkabastos, siguro ay dahil sa aking sinabi.




“Sorry Jeck, I didn’t mean...” Natigilan ako sa aking sasabihin dahil tumitig si Jeck sa aking mga mata at naramdaman kong sinsero ito sa kung anumang sasabihin niya.




“Okay lang James, naiintindihan kita, isa lang masasabi ko sa ‘yo, sa tingin mo ba, mag-stay ako sa tabi mo for almost 3 months na hindi mo pinapansin ang nararamdaman ko at walang commitment if I was expecting something in return?”




“James! Kanina pa kitang tinetext at tinatawagan! Hindi ka man lang nasagot!” Biglang singit ng kung sino sa seryosong usapan namin ni Jeck.




“’Yan, may dumating pang mga panira ng moment oh!” Biro ni Jeh.




...itutuloy...

5 comments:

  1. ang pagbabalik ni Paeng! ( magiging hadlang kaya siya sa pagiibigang James at Jeck? )

    napabilib ako ni jeck ah..

    pagibig nga naman.. ayiiiie!

    TumugonBurahin
  2. Haist.......paganda ng paganda......exciting ang bawat chapter....

    TumugonBurahin
  3. haist, nalaman ko din,, ok lang,,,ganun talaga...

    GO JECK....ikaw na nga.. wala ng iba...

    TumugonBurahin
  4. PROBLEMS are APPROACHING.
    XD (Plants VS Zombies)

    ano kayang bad news ang hatid ni Paeng kay James?
    as usual tungkol na naman 'to sa dalawang bida ..

    and what makes Kelly think that she can brainwash Jeck?
    dun palang sa scene sa classroom nung kakapasok palang ni James galing sa hospital .. alam ko ng .. may bahid ng kasamaan yang Kelly na yan ..

    hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Kelly para lang masira ang pagmamahalang Jeck at James?

    pakatutukan .. haha XD

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin
  5. c james n ang mdming llki share nmn jn.... aqn c paeng haha

    TumugonBurahin