By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
Edited By: Swiss Wenger (http://makingsenseofeverything.blogspot.com) and Zildjian Ace (http://zildjianstories.blogspot.com)
Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumosoporta ng aking akda, sana po ay nagugustuhan ninyo ito, and sana po, magcomment kayo, yun lang po. Maraming maraming salamat po sa nagproof read ng story ko, kay swiss wenger at zildjian ace. Ahlabyu both. Muah!
Nagmadali kong gisingin si Jeck sa kanyang pagkakatulog pero sobrang
mantika nitong matulog, ginawa ko na ang lahat para lang magising ito, kulang
na lang ay ihulog ko ito sa kama para lang magising, pero hindi talaga ito
nagpaabala sa pagkakatulog kaya napagdesisyunan ko na lang na ilayo si Lea sa
kwarto para rin hindi na nito makita pa si Jeck.
Agad ko nang tinungo ang labas para papasukin si Lea sa loob ng bahay. Siguro naman ay hindi magtatagal ang isang ‘to.
Sabi ko sa aking isipan habang papunta sa kinaroroonan ni Lea.
“Hi babe, I miss you!” Salubong sa ‘kin ni Lea nang pagbuksan ko ito ng
gate. Agad ako nitong sinunggaban ng halik.
“Ano ba Lea?” pagpuna ko dito, hindi kasi ako sanay sa ganitong ugali
ni Lea na basta-basta na lang nanghahalik in public.
“I just missed you James, didn’t you like it?” Tampu-tampuhan ni Lea sa
tono nitong may panglalandi.
“Hindi naman sa ganon Lea, pero nasa public place naman tayo. At hindi
mo ba naisip kung anong sasabihin ng ibang makakakita sayo na ikaw pa ang
pumupunta sa bahay ng lalake?” Sabi ko dito at pinagbuksan na siya ng ayos ng
gate para makapasok na ito sa loob.
“Sorry na! I thought this would make you happy na pumunta ako dito.”
“Sige na, okay na ‘yon. Teka, kumain ka na ba?”
“Opo, eto nga oh, may dala rin ako para sa ‘yo.” Medyo tampo pa rin
nitong balik sa akin.
“Sige, sige, salamat. Lagay mo na lang muna dun sa lamesa.” Sabi ko na lang
at nang tumahimik na.
Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng uneasiness sa pagdating ni Lea
ngayon, siguro dahil nandito rin si Jeck at tulog na tulog pa ito sa loob ng
kwarto ko. Hindi ko mawari kung anong sunod na mangyayari dito, pero wag naman
sanang bumaba ng basta-basta si Jeck.
Binalak kong i-text si Jeck, pero shit happens, nakalimutan ko rin pala
ang CP ko sa loob ng kwarto ko. Hindi naman ako makaakyat para lang kunin ang
CP ko dahil alam ko at sigurado ako na susunod sa akin si Lea.
Lord, tulungan n’yo po ako, sana ‘wag
bumaba si Jeck. Pagkausap ko kay Lord sa aking isipan.
“Hindi ka pa ba kakain?” Pagtawag sa akin ng pansin ni Lea, napansin
siguro nito ang pananahimik ko.
“Hindi muna. Teka, may pasok ka di ba? Bakit hindi ka pumasok?” Call me
bad, pero ito lang ang naisip kong paraan, ang itaboy si Lea paalis ng bahay.
Hindi ko gustong saktan ito, pero lalo lang masasaktan si Lea kapag nakita nya
si Jeck na nandito rin sa bahay.
“Eh ikaw din naman ah, may pasok ka rin, bakit hindi ka pumasok?”
pamimilosopo nito sa akin, ni hindi man lang sinagot ng maayos ang aking
tanong.
“Lasing po kasi ako kagabi.” Ang naibulalas kong sagot dito.
“Lasing ka kagabi? Sino naman kainuman mo? Eh nag-iisa ka dito sa bahay
nyo. At bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin?” parang armalite nitong tanong
sa akin.
“Nag-inuman kami magkakabarkada kagabi...”
“’Wag ka magsinungaling James!” putol nito sa idudugtong ko pa sana,
“Nasa school sila Paeng kanina, I asked them kung nasaan ka, sabi nila, hindi
ka raw pumasok at hindi ka rin daw nagparamdam simula pa kagabi.” Mataray na
dugtong pa nito.
“Bakit? Lahat ba ng barkada ko, kilala mo Lea?”
Ano ba naman ‘yan James, make a
better reason, kaw kasi eh, ang bilis mong madulas! Biglang singit ng isang
parte ng aking isipan.
“Siguraduhin mo lang James na hindi mo ako niloloko ha!” at umupo na
ito sa sofa at sabay binuksan ang TV. Feeling at home na at home na talaga
itong si Lea sa bahay noon pa man, palibhasa kasi ay boto sa kanya si Daddy, kahit
na ayaw dito ni Mommy. Naiinis kasi si Mommy kapag nakikita nyang masyadong
kampante ang sinuman na kaibigan/girlfriend namin ng ate/kuya ko sa bahay.
“Kumain ka na d’yan, manunuod muna ako dito.” Tila may-ari ng bahay na asta
nito.
‘Yon ang ugali ni Lea na kinaasaran ko dati pa na hanggang ngayon ay
hindi pa rin niya binabago, pero sadyang noong mga panahong iyon ay mahal na
mahal ko ito kaya bigay hilig na lang. Hindi ko alam ngayon kung gano’n pa rin
ang magagawa ko. Kung noon ay nagagawa kong ignorahin at pagtawanan na lang ang
bagay na iyon, siya namang pag-iiba ng ihip ng hangin ngayon. Napakabilis kong
maasar sa kanya ngayon dahil sa ugali nitong kakaiba.
Agad na akong tumungo sa dining area para kainin ang dinalang paslubong
nito, mabilis ko itong kinain dahil alam kong hindi mapapakali itong si Lea at
any moment ay kayang-kaya niyang mag-inspection sa bahay. Ganito ka busisi si
Lea, lahat ay pinapakialaman niya just to lead to something she eventually
won’t like. Kung hindi mo nga ito kilala ay masasabi mong gumagawa lamang ito
ng dahilan para maghiwalay kami. Pero ‘yon lamang talaga ang way niya para
ipakita niya na mahal niya ako.
“Babe, hindi ba tayo aalis?” tanong ni Lea habang nakahilig sa aking
dibdib ang kanyang ulo habang nanunuod ng TV.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa sofa para samahan si Lea
na manuod ng TV. Agad naman itong humilig sa akin habang nanunuod ng TV para
daw mas masarap ang panunuod niya. Hindi na ako tumutol pa dahil paniguradong
bagong issue na naman kung tatanggi pa ako sa gusto niyang mangyari.
“Parating na sila mommy dito sa bahay. Maybe you should go now.” Walang
kapreno-prenong naibulalas ng aking bibig. Maybe it’s in my subconscious kung
saan, nasabi ko ang tunay kong nararamdaman o mas tamang sabihin na gusto kong
mangyari, ‘yon ay ang umalis na si Lea.
“Pinapaalis mo na ako babe? Hindi pa ba alam ni tita na nagkabalikan na
tayo? Okay lang naman sa daddy mo na nandito ako di ba?” Tanong ni Lea.
“Hindi ko pa nasasabi sa kanila, and Lea, isipin mo naman, ano sa
tingin mo ang iisipin nila kapag naabutan ka nila rito?” in my convincing tone.
Hindi pa naman talaga parating sila mommy, ayoko lang talaga na makita
niya si Jeck na nandito.
“Saan naman ako pupunta? Hindi naman alam sa amin na hindi na ako
pumasok, at kung papasok pa ako, sobrang late na ako for the 2nd
subject.” May himig na naman ng pagtatampo nitong balik sa akin.
“Lea, sino ba naman kasing nagsabing pumunta ka rito?”
“Masama bang ma-miss ko ang boyfriend ko? At dalawin sa bahay nila para
alamin kung anong nangyari at hindi nakapasok ang BOYFRIEND ko?” sabi nito na
binigyang diin ang salitang boyfriend.
“Hindi naman masama ‘yon Lea, ang akin lang, wag mo akong sisihin kung
bakit hindi ka nakapasok.” Medyo naiinis ko nang sabi rito, pakiramdam ko kasi
talaga ay isinisisi niya sa akin kung bakit hindi siya nakapasok.
“Ganito na lang, samahan mo na lang ako sa mall, may gusto kasi akong
bilhin, kaso, kulang ang pera ko.” Biglang pagbabago ng mood ni Lea na lalo
kong ikinainis.
“Ano naman yan? Kulang pa nga pera mo di ba? Bakit tayo pupunta ro’n
kung hindi mo pa mabibili?” Naiinis kong balik dito na sinamahan ko pa ng
pagkamot-kamot ng ulo.
“Eh nand’yan ka naman eh, alam ko namang kaya mong bilhin yon for me.”
Sa sinabi nito’y parang nagpanting ang aking tenga.
Ano? This time, peperahan lang
niya ako? Ganon ba ‘yon? Biglang sabi ng isang parte ng aking isip.
“Wala akong pera ngayon Lea” tanging sabi ko na lang.
“May credit card ka naman ah? Sige na, please.” Pangungumbinsi pa ni
Lea.
“Tigilan mo ako Lea, we better stop this relationship kung pera lang
ang magpapatakbo nito!” Inis na inis ko nang sabi kay Lea.
“Hindi naman ganon babe, gusto ko lang talaga yung dress na nakita ko,
mura lang naman yun, mga 800 lang, sige na, please.” Pangungumbinsi pa lalo
nito sa akin.
“Kung pera lang ang habol mo kay James, makipaghiwalay ka na lang!”
Biglang singit ng isang boses sa aming usapan, nang lingunin ko ito, si Jeck na
nakatayo sa hagdan at nakamasid sa amin. “James, maybe this is enough proof for
you para malaman mo na niloloko ka lang niya!”
Dugtong pa nito sa seryosong tono.
Tiningnan ko si Lea at nakita ko sa mukha nito ang pagkabigla, tumingin
ito sa akin at nakita ko ang expresyon ng mukha nitong nagtatanong.
“Hindi mo na ‘ko kailangang ipakilala pa James, nairita lang ako sa
sinasabi nyang ‘GIRLFRIEND’ mo dahil halatang-halata na pera lang ang gusto
niyan!” sabay akyat nito pabalik ng k’warto.
Siguro ay kanina pang nakikinig si Jeck sa usapan naming dalawa kaya
siya nakapagsalita ng ganoon, may punto si Jeck, dahil nga naman sa mga sinabi
ni Lea ay makikita mong hindi ito totoo sa kanyang sinasabi, na pera nga lang
siguro ang habol sa akin ni Lea.
May kung anong kiliti ang naidulot ang ginawa ni Jeck para sa akin.
“SIYA BA JAMES?? SIYA BA!? KAYA KANINA MO PA AKO PINAPAALIS DITO! DAHIL
NAND’YAN SIYA! SINO SIYA SA BUHAY MO JAMES! AT ANO AKO SA BUHAY MO!?” Si Lea naman
ang nanggagalaiti ngayon sa galit.
Hindi ako umimik, bagkus ay tumungo na lang ako, hindi ko ini-expect na
mangyayari ang ganitong bagay, pero sa kabilang banda ay natutuwa pa rin ako sa
ginawa ni Jeck.
“TUMINGIN KA SAKIN JAMES! PUTANG INA! AKALA KO NAGBAGO KA NA JAMES! YUN
PALA HINDI! ISA KANG BAKLA!!!!!! BAKLA KANG HAYOP KA! HINDI KA NA NAGBAGO! NO’NG
UNA, BESTFRIEND MO! NGAYON, KUNG SINU-SINO NA LANG!”
“Bakit Lea? Ano ba ang plano mo sakin? Nakipagbalikan ka nga, pero ano
lang ang gusto mo? Ang pera ko? Ganon ba ‘yon Lea?” mahinahon kong balik dito.
“Tama na Lea, hindi ko hahayaang maloko mo ako, dahil sa totoo lang Lea, kay
RJ, hindi kita niloko, it was just a simple misunderstanding. Hindi mo lang ako
pinag-explain noon kaya hindi mo nalaman ang totoo! Walang karapatang gumanti
Lea! And just for your information, me and Jeck are only friends. Nagkataon
lang na dito siya pinatulog ni daddy kagabi dahil wala akong kasama dito sa
bahay!”
Hindi na nakaimik pa si Lea, hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa
kanyang isipan, pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon, ‘yon ay ang napipintong
pakikipaghiwalay ko ngayon kay Lea.
“Lea, please leave my house, you are not and will never be welcomed
here anymore!” pagpapaalis ko kay Lea.
Hindi naman ito gumalaw sa kanyang kinatatayuan, nakita ko na lang ang
mumunting butil ng luha na unti-unting umaagos sa kanyang magkabilang pisngi.
Hindi ito umiimik, ang tanging maririnig mo lang mula sa kanya ay ang mga mumunting
hikbi nito.
Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya, pero desidido na akong
makipaghiwalay na muli sa kanya, hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng
kasisimula pa lamang ulit sana naming relasyon.
“Umalis ka na rito kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas!” sa narinig
ko ay nanlaki ang mata ko, nakita ko si Jeck mula sa hagdan na nakatingin kay
Lea na parang nanlilisik ang mga mata nito, siguro nga ay apektadong-apektado
ito sa mga sinabi ni Lea.
“Sino ka ba!?” nagawa pang sumagot ni Lea kay Jeck, pero patuloy pa rin
ito sa pagluha.
“James, kung madadaan ka sa pagpapaawa ng isang ‘yan, ako ang aalis
dito.” Nakangiting sabi nito sa akin. Hindi naman ito kita ni Lea dahil
nakatalikod sa kanya si Lea.
“Lea, please leave my house!” pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.
“Siya talaga ang pinili mo ha! James, tandaan mo ‘to, pagsisisihan mo ‘to!”
Si Lea, sabay nito ay ang paglalakad niya papalayo sa akin palabas ng bahay.
Nang maipinid na ni Lea ang pinto at masiguro ko nang wala na ito sa
labas ay nilapitan ko si Jeck at niyakap ng mahigpit.
“Salamat Jeck.” Bulong ko rito habang nakayakap sa kanya.
“Salamat saan?”
“Basta salamat. ‘Yon na ‘yon.” Nakangiti kong bulong dito.
“okay, sabi mo eh, isa na lang ang problema natin. Si Kelly.” Sabi ni
Jeck na nagpakunot ng noo ko.
“Anong sinasabi mong problema Jeck? Bakit si Kelly?” hindi ko naiwasang
maitanong sa kanya.
“Para maging tayo na, si Kelly na lang naman ang pumipigil sa ating
dalawa eh. Mahal kita James, and I’m more than willing na makipaghiwalay kay
Kelly just to give way for the two of us.” Sabi ni Jeck sa akin habang
magkayakap pa rin kaming dalawa.
“Jeck, we don’t need to be committed. Masaya tayo na ganito, okay sa akin
na kayo ni Kelly, wala akong tutol doon. Mas magiging masaya ako kapag minahal
mo si Kelly ng buong-buo, na walang kahati kahit na ako.” pagpapaliwanag ko kay
Jeck.
“Ayaw mo ba sakin James?” tanong nito.
“Wala akong sinabing ganyan Jeck, masaya ako kapag kasama kita, kapag
hindi kita kasama, nangungulila ako, pero ang akin lang, ayokong masaktan ang
kaibigan ko dahil sa akin. Kaibigan ko si Kelly, Jeck, kaya ayokong s’yang
masaktan.”
“James! Bakit dalawang araw kang hindi pumasok? Buti na lang hindi
nagpa-quiz ang mga titser natin.” Ani ni Mina.
“Sumama lang ang pakiramdam ko, naalala ko no’ng nagka-dengue ako, kaya
hindi muna ako pumasok para naman makapagpahinga.” Pagsisinungaling ko rito.
Maaga talaga akong pumasok sa araw na ito dahil alam kong maaga ring
papasok si Jeck, usapan kasi namin kagabi bago siya umuwi ay sisimba muna kami
sa chapel ng 6:30 ng umaga bago pumasok, pero 6:15 na ay wala pa rin ito. Kaya
napagpasyahan ko munang pumunta sa classroom para tingnan kung may mga tao na.
Laking gulat ko na lang na nandito na rin pala si Mina at heto nga
siya, kausap ko na.
“Bakit pala ang aga mo pumasok ngayon?” tanong ko rito.
“Wala naman, naisip ko lang na magsimba sa chapel, magbabawas ng
kasalanan.” Sabi nito sabay tawa. “Eh ikaw? Bakit ang aga mo rin ‘ata ngayon?”
balik-tanong nito sa akin.
“Ah... Eh. Naisip ko lang din na magsimba. Tara na, baka ma-late pa
tayo at wala nang maupuan, 6:20 na rin oh, in 10 mins, magsisimula na ang
misa.” Sabi ko rito sabay tayo.
Pano ba ‘to? Kasama ko rin si
Jeck, waaaah, eh kung hindi ko pa isasama ‘tong si Mina, magtataka ‘to kapag
nakita nya kami ni Jeck na magkasama sa chapel. Hala, bahala na nga mamaya! Pagkausap
ko sa sarili ko.
Mabilis naman kaming nakarating ni Mina sa chapel, wala pang gaanong
tao kaya nakaupo kami ng maayos, nag-iwan ako ng isang espasyo sa aking tabi,
para kung sakali mang dumating si Jeck ay may mauupuan ito.
Sa may bandang likuran lang kami umupo ni Mina, para na rin hindi
ganoon kasikip kung sakali man. Nagdasal muna kami ni Lea habang naghihintay ng
pag-umpisa ng misa.
“Sorry, na-late ako.” naghahabol ng hiningang sabi ng isang pamilyar na
boses.
Napalingon kami ni Mina sa kinaroroonan ng nagsalita at napag-alaman
naming si Jeck ito. Tiningnan ko ang reaksyon ni Mina kay Jeck, at bumaling ito
sa akin nang tingin.
“Kasama mo siya?” maya maya’y tanong nito.
“Ah... Eh. Oo” medyo nahihiya kong tugon dito.
...itutuloy...
tama ka James.. wag mo ka munang pumasok sa isang relasyon.. kasi... parating na si RJ... hehehe..
TumugonBurahinayayyay! mukhang seryoso na nga si Jeck kay james..
ano meron kay Mina? ano connection nito kay Jeck? ex?
abangan.....
TumugonBurahinmakajump to conclusion ka naman kuya makki .. hehe PEACE LANG!
TumugonBurahinnagtaka lang si Mina kung bakit kasama ni James si Jeck na magsisimba .. hehe .. sa tingin ko yun lang yun XD
at buti nga kay Lea at napudpod siya ng masasakit na salita galing kay Jeck ..
kulang pa nga yun ee ..
She should experience the WORST OF THE WORST for all the pains that she inflicted to kuya James.
at ngayon pera naman ang habol nya kay kuya James .. anKAPAL nya ngang talaga .. damn her ..
thanks kuya Jeck .. knight in shining armor? CHOS .. ahaha!
Thanks kuya JC ~
12:48 AM .. natapos sa pagmamarathon ..
grabe na-enjoy ko pagbabasa ng bawat chapters kuya James..
LIKE NA LIKE! :)
ayan aa .. I kept my promise to you kuya James aa ..I've put up my comments in every chapter I've read ..