By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
Maraming maraming salamat po kila Zildjian (zildjianstories.blogspot.com), Swiss (makingsenseofeverything.blogspot.com) , at kay Jeh Quijano na tambay sa blog ni Zildjian kung saan ang blog ni Zildjian ang nagpatagpo sa aming apat at kung saan ay pamilya na ang turing namin sa isa't isa. Maraming salamat sa pagproof read ng chapter na ito. hehehe. Ahlabyu!!!!!
“James, wala na ba talagang
possibility na magbago ang disisyon mo?” si Jeck sa tono nitong medyo lasing
na.
Magdadalawang oras na rin nang kami ay magsimulang uminom ni Jeck, puro
kulitan at halakhakan lamang ang simula namin, minsan ay nagiging seryoso ang
usapan pero mabilis kong binabago ang mood para hindi na din maspoil pa ang
gabi naming dalawa.
Nangangalahati na rin ang di-tengang fundador na nilalaklak naming ni
Jeck, medyo may tama na din ako, at paniguradong pati si Jeck ay may amats na rin,
malakas mag-aya itong si Jeck ng inuman, pero siya din naman ang unang unang
bumabagsak. Hindi rin kasi ito kalakasan uminom.
Naisama ko na rin kasi minsan itong si Jeck sa inuman namin nila Paeng,
pero ganito yata talaga ito, mabilis tamaan ng alak.
“Ano ba namang klaseng tanong yan Jeck, I thought we’re done with that
topic? Kami na ulit ni Lea, and this time, I want to make it right.” Medyo may
amats na ring sagot ko kay Jeck.
“Umaasa lang sana na makalusot yung tanong ko. Kanina ka pa kasi
umiiwas dyan sa tanong na ‘yan eh.” May himig ng pagtatampong sagot sa akin ni
Jeck.
“Jeck, let’s just be friends for now, ayokong lokohin si Lea, at lalong
ayokong maulit ang pagkakamaling ginawa ko noon kay Lea. Let’s see, maybe if
this time, hindi pa rin magwork ang meron kami ni Lea...”
“Wait.” Pagputol ni Jeck sa susunod ko pang sasabihin. “so you mean, may
ganito na ring nangyari sa ‘yo dati? Yon ba yung sa inyo ni RJ?” Pag-uusisa ni
Jeck.
“Never mind Jeck, wag nalang nating pag-usapan.” Pag-iwas ko sana sa
topic.
“No James, kailangan mo ring ilabas yan noh. Hindi naman habang-buhay,
maitatago mo ang nakaraan mo. I’ll lend my ears for you James.”
“Pero Jeck, I’m not yet ready na ikwento, lalu na’t sayo pa.”
“Kelan ka pa magiging ready James? Mabuti nga yung ganito eh, tayong
dalawa lang. Kesa naman i-aannounce mo pa in public yan.” Sabi nito sabay kuha
ng shot glass at ininom ang laman nito bago ulit nagsalita. “And besides James,
your secret is safe with me, unlike Brent na halos ipangalandakan na ang meron
sa inyo ng kuya nya dati.”
Jeck has a point, spill it out na
James! Biglang sabi ng isang parte ng utak ko. Tsaka, wala naman mawawala sayo kung sasabihin mo sa kanya, mahal ka n’ya,
kaya walang gagawin yan na ikakapahamak o ikakasira mo.
“Hoy!” pagbasag ni Jeck sa aking pag-iisip.
“Huh?” medyo gulat kong tugon dito.
“Anong huh’? Natutulala ka na po Mr. Cornejo, lasing ka na ‘ata eh!”
“Hindi, may naisip lang.” Sabi ko sabay bitiw ng isang buntong hininga.
“Gusto mo ba talaga malaman Jeck?”
“Oo naman James. Gusto ko malaman kung pano ka napasagot ni RJ.” Sabi
nito sabay bigay nito ng isang interesadong tingin sa akin.
“Sige, ganito na lang. Magtanong ka, then, sasagutin ko with all
honesty.” Sabi ko sa kanya.
Akala ko’y hindi na magtatanong si Jeck at tatamarin na rin itong
magtanong tungkol sa amin ni RJ, pero nagkamali ako, nag-isip lamang pala ito
at tinype pa nito sa kanyang CP ang mga itatanong niya.
“Okay, first question, how did it all started?” Maya-maya pa’y tanong
nito sa akin.
“Ano ‘to? Interview?” natatawa kong balik dito.
“Wag ka na makulit d’yan, sagutin mo na lang tanong ko.”
“Yes boss.” Natatawa ko pa ring balik dito. “It all started nung...”
...flashback...
Isang araw ng
bakasyon, katatapos lamang ng tournament namin sa manila, May 22 yon, dahil
kinabukasan, birthday ko na, nagpasya kami ng best friend kong si RJ na magyosi
sa may ilog malapit sa court na aming pinaglalaruan, varsity din si RJ ng
Badminton, para pag-usapan sana ang magaganap na birthday ko kinabukasan.
"Tol, anu na
balak bukas? magpapainom lang ako eh." sambit ko ng makaupo kami sa ilalim
ng puno malapit sa ilog.
"Syempre, the
usual, punta kami sa inyo, tapos punta tayo sa resort nila paeng, dun na lang
tayo mag- inuman."
"Sige, gandang
ideya yan" sabi ko at tumahimik na akong muli.
"Tol, hindi pa rin
ba kayo magkakaayos ni Ondoy?" ang biglang sabi ni RJ.
Si Ondoy ang naging
dahilan noon ng pagkakahiwalay namin ni Ezra, ang una kong girlfriend at ang
masasabi kong una ko sa lahat.
Nanatili akong
tahimik at piniling ‘wag na lang sagutin ang kanyang tanong.
"Ok, sorry kung
naitanong ko, uhm , may isa pa pala akong tanong." sambit nya
Tumingin lang ako sa
kanya para ipaalam na nakikinig ako.
"Uhm, di ba bestfriends
tayo?" tanong nito.
"Oo naman. Bakit,
ano ba yun?" sagot ko naman.
"Uhm, pa’no kung....
mmmmmmmm...." ang tila nag- aalangan n’yang sabi.
"Ano nga ‘yon??
Masyado ka namang pabitin eh!!" Sabi ko na tila naiinis na dahil sa
pambibitin niya.
"Uhm, James,
kasi, mmmmm, akala ko.... akala ko kasi bestfriend lang tingin ko sayo, kaso,
iba na pala, James, mahal kita!" Ang tila nahihiya n’yang pahayag na
ikinagulat ko.
"Wag kang magbiro
ng ganyan, alam mong galit ako sa bakla!!!" Medyo inis ko nang sagot dito,
nainis kasi ako sa itinuran nito.
"James, sorry,
pero mahal na talaga kita, please, pagbigyan mo ang nararamdaman ko, o kung hindi man, sana wag
magbago ang pagtingin mo sa kin" Nagsusumamo n’yang wika.
"RJ, wala naman
ako magagawa sa nararamdaman mo, pero sana hindi mo na lang sinabi sakin."
sabi ko.
"James, hindi ko
na talaga mapigilan ang sarili ko, sorry, pero mahal kita, ramdam kong mahal mo
rin ako, kaya please, sabihin mo na, nang matapos na to." sabi niya
"RJ tigilan mo ‘ko,
ayoko ng ganito!"
"James, mahal na
mahal kita, ayoko nang magpigil pa, hindi ko na kaya, mahal talaga kita!"
Sobrang nakukulitan
na talaga ako sa kanya, pero hindi ko kayang saktan ang bestfriend ko, malaking
parte na kasi ng buhay ko ay kasama siya.
Napabuntong hininga
na lang ako sabay sabi na "RJ, hindi kita kayang saktan, oo may
nararamdaman din akong kakaiba sayo, pero ayoko, siguro nga, mahal kita, pero
ayoko rin talaga, at alam mong kami ni Lea, mahal na mahal ko siya, ayokong
mawala siya sa buhay ko dahil lang sa nararamdaman natin sa isa't isa, and
besides, mahal kita as my bestfriend." sabi ko sabay alis sa kinaroroonan
namin. Iniwan ko siyang nagiisa at nag-iiyak sa isang tabi.
“Ang tanong ko, pa’no kayo nagsimula ni RJ, hindi kung pa’no mo siya
binasted!” Basag ni Jeck sa pagkukwento ko.
“Eh sa dun kami nagsimula eh. Tsaka yun ang puno’t dulo ng lahat ng
naging problema namin ni Lea! Ikaw na lang kaya ang magkwento, seryoso ako
kanina eh, binasag mo naman!” Naiinis
kong wika dito. “Teka, tagay ko na ba ‘yan?”
Tumango lamang ito kaya kinuha ko ang shot glass sabay tungga ng laman
nito.
“Going back.” Sabi ni Jeck matapos kong tumagay. “Pano kayo nagbreak ni
Lea noon?”
“Nalaman ni Lea ang nangyari sa ilog. Nirecord pala ni RJ ang usapan
namin, pero inalis niya ang part na kung saan sinabi ko na mahal ko siya bilang
bestfriend ko.”
“Dahil don? Kaya kayo nagbreak ni Lea? Hindi man lang ba niya
pinakinggan ang paliwanag mo?”
“Hindi.” Maikli at bakas ang lungkot na sabi ko kay Jeck.
“Hindi ka mahal ni Lea kung gano’n, she’s back because she wants
revenge.” Ang siguradong siguradong sabi ni Jeck.
“Pa’no mo naman nasabi ‘yan?”
“Kasi, dati, hindi ka niya pinakinggan, gano’n naman ang mga babae,
kapag nasaktan at hindi makaget- over, babalikan ka para gumanti.” Tila may
pinaghuhugutang sabi ni Jeck.
“Nangyari na sayo yan noh?” Tanong ko dito. “Teka, puro ako lang ah, ikaw
nga, nakakailang GFs ka na ba?” Tanong ko rito.
“Makakalimutin ka talaga Mr. Cornejo, nasabi ko na sa ‘yo sa ospital na
nakaka-limang GFs na ako ah! Kaya ikaw lang ang dapat ini-interview dito. Wag
mong ibalik sa akin ang mga tanong ko!”
“Ay, oo nga pala noh.” Natatawa kong sabi. Pero kita pa rin sa mukha ni
Jeck ang pagiging seryoso. Siguro ay dahil sa nangyari na nga sa kanya ang
ganitong scenario. “Hoy, wag kang masyadong seryoso d’yan, ang pangit mo na
nga, papangit ka pa lalo.” Pagbibiro ko rito para naman maiba ang atmosphere sa
pagitan naming dalawa.
“Ako? Pangit? Kung pangit ako, eh di sana walang naghahabol sa akin
ngayong kabarkada mo!” At tumawa na ulit ito. “Wag mo ngang ibahin ang usapan,
this is about you, kaya answer my questions!” Dugtong pa nito.
“Oo na, sige na, bring it on!”
“Nagsex ba kayo ni RJ?” Walang kaabog-abog na tanong ni Jeck.
“Ano ba namang klaseng tanong yan Jeck!” Nabigla kasi ako sa itinanong
nito, hindi ko akalaing tatanungin niya pati ang sex life ko.
“Just answer it James, sabi mo, with all honesty, sasagutin mo lahat ng
tanong ko, kaya go!” Halata na sa tono ni Jeck ang pagkalasing, alam kong any
moment ay babagsak na ito.
“Eh kasi naman, private naman na ‘yan, hindi ako talkshit!” Matapos
kong sabihin ito ay tumayo ako para pumunta sa CR. Hindi ko na rin kasi
mapigilan ang pag-ihi ko, and at the same time, alam kong pagbalik ko ay
makakatulog na itong si Jeck.
“Gusto ko lang ma-confirm na hindi ikaw yung nasa sex video ni RJ. Sana
hindi ikaw yon James, sana.” Narinig kong sabi ni Jeck habang ako ay papalayo
na sa kanya at papunta sa CR ng kwarto ko.
Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos kong magCR ay tulog na si Jeck,
kaya agad ko nang inayos ang aming pinag-inuman. Ibinaba ko ang natirang alak
pa sa Bar at hinugasan na ang mga ginamit namin sa pag-iinom.
Naging napakahaba ng araw ko ngayon, hindi ko akalain na dahil lamang
sa isang araw na ito ay maraming magbabago. Nagsimula lamang sa pagsasabi sa
akin ni Kely na sila na ni Jeck, tapos ay nakapunta ako sa Simbahan ng Calauan
kung saan, nakausap ko si Father na hindi ko naintindihan kung anong gustong
iparating sa akin.
Hindi ko rin ine-expect na makikipagkita sa akin si Lea ngayong araw na
ito, and I don’t know if it’s good, pero ngayon ding araw na ito ay
nakipagbalikan siya at tinanggap ko naman.
Ngayong araw na ito din ay muntikan nang may mangyari sa amin ni Jeck.
Hindi ko alam kung ireregret ko ba ito o ipagpapasalamat ko pa, dahil sa totoo
lamang ay nagustohan ko naman ang nangyari, naisip ko lamang talaga si Lea.
May point naman si Jeck sa sinabi nitong pwedeng gumanti lamang si Lea
sa akin, pero ipinagkibit balikat ko nalang ito. I’ll just go with the flow.
Para na rin hindi masaktan ng sobra kung sakali mang magkatotoo ang mga sinabi
ni Jeck.
Pagkatapos ko sa paglilinis ng mga kinalat naming ni Jeck ay umakyat na
ako sa kwarto, ramdam ko pa din ang epekto ng alak sa akin. Medyo nahihilo kaya
napagpasyahan kong maligo muna ulit bago matulog. Para na din makapagpahulas.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong tulog na tulog si Jeck sa aking
kama, hindi ko na ito inabala pa, bagkus ay dumiretso na ako sa banyo para na rin
maligo.
Nangangalahati pa lamang ako sa aking paliligo ng kumatok si Jeck sa
pintuan ng CR. “James, pabukas ng pinto! Nasusuka ako!” Sigaw nito.
Agad kong binuksan ang pintuan na hindi man lang ako nagtapis, ayaw ko
lang kasi na magsuka ito sa sahig ng aking kwarto, kaya napilitan na rin akong
buksan agad ang pintuan.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay dumiretso ito sa kasilyas.
Kahit may mga sabon at shampoo pa ang aking katawan ay sinamantala ko na ang
pagkakaSAMBA ni Jeck sa kasilyas, kaya kinuha ko na ang tuwalya sa likod ng
pintuan at agad na itinapis ito sa aking balakang. Matapos nito ay pinuntahan
ko si Jeck at hinagod-hagod ko ang kanyang likod. Lasing na lasing ito sa ginawa
naming pag iinom.
“Wag na tayong pumasok bukas please, hindi ko kayang pumasok bukas.”
Singit na sabi nito habang patuloy pa din sa pagsusuka.
“Ano pa nga ba? Alas dos na ng madaling araw, tingin mo ba magigising
pa tayo ng tamang oras nito?” Pamimilosopo kong sagot. Natatawa kasi ako sa
kanya, ang lakas ng loob uminom, hindi naman pala kayang tumagal.
Sige sa pagsusuka si Jeck, hindi na ito halos makatayo mula sa kanyang
pagkakaupo sa sahig ng CR. Nabasa na rin ang suot nitong short at damit ng
kanyang suka, dahil sa kalasingan ay hindi na makuhang mai-shoot ni Jeck ang
kanyang mga suka sa kasilyas, ang iba ay pumupunta sa damit at short nito.
Naawa naman ako sa kanyang hitsura kaya inisa-isa ko na ang kanyang damit na
tanggalin. Plano ko na rin kasing paliguan na ito para naman makabawas sa epekto
ng alak.
Nang mahubad ko na ang kanyang suot ay inalalayan ko ito papunta sa
paliguan. Binuksan ko ang shower at sinimulan nang paliguan si Jeck.
Para itong batang walang muwang sa mundo, ni hindi man lang nagawang
pumalag sa ginagawa ko. Inabutan ko ito ng sabon para sabunin sana niya ang
kanyang katawan, pero hinang-hina ito kaya kinuha ko ulit ang sabon at ako na
ang humagod sa kanyang katawan.
Mabilis kong natapos paliguan si Jeck habang ako ay may mga sabon pa rin
sa katawan. Siguro ay nahulasan na itong kumag kaya nang akmang aalis na ako
para kumuha ng spare na tuwalya para sa kanya ay iginitgit ako nito sa paliguan
at binuksan din ulit ang shower na naging dahilan para mabasa ako at ang
tuwalyang gamit ko.
“Hubarin mo na yang tuwalya, sabay na tayo maligo.” Sabi nito sa lasing
pa din niyang tono.
Wala na nga akong ibang nagawa pa, magbabanlaw na lang naman ako, kaya
hinubad ko na ang tuwalya at tumapat ng ayos sa shower.
Niyakap ako ni Jeck mula sa likuran ko habang kami ay parehas na
nababasa ng tubig galing sa shower. Hinalikan ni Jeck ang aking batok na naging
dahilan para magising si junjun. Pero hindi pwede ang gusto nitong mangyari
kaya mabilisan ko nang tinapos ang aking pagbabanlaw. At agad na lumabas sa CR
para kumuha ng dalawang tuwalya. Wala namang ibang tao dito sa bahay kaya ayos
lang na lumabas ako sa CR ng hubo’t hubad.
Iniwan ko muna si Jeck sa CR dahil basang basa pa rin ito. Kumuha lang
ako ng tuwalya sa aking cabinet at binalikan na si Jeck. Pinunasan ko ang
katawan niya hanggang sa matuyo. Inalalayan ko siya palabas ng CR at inihiga ko
muna ito sa kama ko para makapagbihis na ako at makakuha ng damit para sa kanya.
May mga damit na rin kasi ito dito sa bahay dahil sa ilang beses na rin itong
natulog dito sa amin.
Pagkatapos kong magbihis ay ipinukol ko naman ang aking atensyon sa
pagbibihis kay Jeck, mabilis ko namang nabihisan si Jeck kaya hinayaan ko na
itong makatulog ng maayos. Pagkatapos kong isampay ang mga tuwalyang ginamit
namin ay humiga na rin ako sa tabi ni Jeck para na rin matulog.
“James, pa-hug!” as usual, lagi naman itong ganito paglasing, gusto
lagi ay hug. Kaya hinayaan ko na lang ito, inistretch ko ang aking kaliwang
kamay para mahigaan niya at agad na nga itong yumakap sa akin.
Wala pang limang minuto ay nakatulog na rin kami ni Jeck.
Mag- aalas-onse na nang magising ako dahil sa ring ng aking CP. Agad
kong tiningnan si Jeck at ito ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Kaya
tumayo ako at lumabas na ng kwarto para sagutin ang tawag sa aking CP.
“Hello?” pupungas-pungas kong sagot sa tumatawag.
“James, nandito ako sa labas nyo, hindi ka kasi pumasok, kaya naisipan
kong puntahan ka na rito.” Ang turan ng tao sa kabilang linya.
...itutuloy...
ayun si lea yun! may point si Jeck dun.. naghihiganti ang siguro si Lea..
TumugonBurahinTama ,i agree kay makki...
TumugonBurahinuy .. si Lea ba yun? O.o
TumugonBurahinmay point nga naman si Jeck ..
maybe Lea really come back to take a revenge ..
anKAPAL naman niya .. sya na nga tong nang-iiwan nalang basta-basta tapos ngayon may pahiganti-higanti pa siyang nalalaman .. kakarmahin din yang loka-lokang babaeng yan .. >.<
Thanks kuya JC ~