By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
Agad kong nilingon kung sino ang nagtatanong kung saan ako pupunta. Nagulat nalamang ako dahil nalaman kong si Jeck ito na iba na ang suot at nakapang bahay pa. Hindi ko alam kung anong binabalak ng kurimaw na to pero kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.
"Anong ginagawa mo pa dito? diba pinaalis na kita?" asar kong wika dito.
"Dito ako matutulog ng mga 3 days, dahil wala akong kasama sa bahay. Pumayag naman sila tito, and you're under my responsibility. Kaya I'm asking kung saan ka pupunta?" may pagkapilosopong sabi ni Jeck.
"And who the hell gave you the right na pang himasukan ang buhay ko at ng pamilya ko!?"
"Ako." biglang singit ng isang malagong na boses sa kung saan. Mabilis kong nilingon kung sino ito at napag alaman kong si Daddy pala. "James, jeck will be staying here for 3 days, dahil wala siyang kasama sa kanila, Ang family niya ay nag out of town. And the good part is, me and your mom will go out of town too for 3 days, mamaya na ang alis namin, kaya kinontak ko tong si Jeck para pasamahan ka muna." dugtong pa ni daddy.
"I can handle my self dad." matigas kong sabi dito.
"I know you can, pero tulong ko na din ito kay Jeck since wala naman siyang ibang makakasama. And at the same time, parehas naman kayo ng pinagtitrainingan eh, kaya magsabay nalang kayo papunta dun." si Daddy
"Hindi na po ako magtitraining dun, babalik na ako sa dati kong pinaglalaruan, actually, am on my way going there, para makapag bayad na din ako ng membersheep fee." pangangatwiran ko kay daddy
"NO!" malakas na sabi ni daddy. "This conversation is enough James, as long as wala pa kami ng mommy mo dito, Jeck will be the one that has the responsibility on you!" si Daddy.
Agad kong nilingon si Jeck at nakita ko itong tatawa tawa sa gilid.
"Pupuntahan ko lang si Lea! may usapan kami" asar kong wika dito at nagdirediretso nang lumabas ng bahay.
Hindi ko alam kung anon g binabalak ni Jeck sa araw na ito, damn, kakatapos lang ng undas, pero parang hinahabol ako ng multong ginawa ko sa sarili ko. Para akong timang dahil noon ay pinipigilan ko pa ang sarili kong mafall kay Jeck, pero ngayong may GF na siya, ay ako namain itong mukang tangang bitter bitteran sa mga pangyayari.
Si Lea nalang ang aking matatakbuhan, hindi para gumanti, pero para ibalik ang naudlot naming nakaraan. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, ang alam ko lang, ito nalang ang makakapagsalba sa natitira ko pang kahihiyan sa mundo.
Naging mabilis ang byahe ko papunta kina Lea, siguro ay dahil na din sa mga emosyon na nararamdaman ko, kaya ganito, mabilis ang tibok ng puso ko na animo'y kinakabahan sa mga susunod na mangyayari, hindi mawari kung tama ba o mali ang mga susunod kong disisyon. Pero iisa lang ang gusto ko mangyari sa mga oras na ito, iyon ay ang maayos ko ang kung ano mang nawala sa akin sa mga nagdaan na buwan, iyon ay si Lea.
"Lea, dito na ako sa labas nyo, tara na." Sabi ko kay Lea, tinawagan ko ito para hindi na ako bumaba pa sa sasakyan at pumasok sa kanila.
"Sige, 5 minutes, lalabas na ako." si Lea sa kabilang linya.
"Wag ka na mag ayos pa, gagala lang naman tayo." pabiro kong sabi dito, pero bakas pa din sa tono ng pananalita ko ang pagkaseryoso.
Hindi na ito sumagot pa kaya pinutol ko na ang linya, alam kong palabas na din ito dahil sa pagmamadali ng tinig nito nang sumagot ito sa aking tawag. Kaya wala pang ilang minuto ang lumilipas ay nakita ko na itong palabas ng bahay nila. Agad naman akong bumaba ng kotse, at pinagbuksan siya ng pintuan upang ito ay makapasok sa loob.
Pagkasakay na pagkasakay nito ay isinara ko agad ang pintuan at nagmadali na akong pumunta sa kabilang bahagi upang makasakay na din.
"Saan mo gusto pumunta?" agad kong tanong dito.
"Kahit saan James, basta ikaw ang kasama ko." si Lea sa malandi nitong boses.
"Lea, just be natural, ayokong isipin nila na ang girlfriend ko ay malandi or kaladkarin." Seryoso kong balik dito.
"Girlfriend?" nagulat nitong sabi.
"Ayaw mo ata eh. sige, wag nalang." pagbibiro ko dito.
"Hindi, sabi ko nga, babe." natatawa tawa nitong sabi. "What makes you decide na makipagbalikan sakin?" dugtong na tanong nito.
"Kailangan ko pa bang sagutin yan Lea?" sabi ko dito sabay paandar ng kotse. Naisipan kong dalhin siya sa Tagaytay. Medyo matagal na din kasi akong hindi nakakapunta dito, at isa pa, matagal na din ang nakaraan nang huli kong makadate tong si Lea, kaya lulubos lubusin ko na. Gusto kong kahit papaano ay makalimot sa problema, at susubukan kong baguhin ulit at ibalik sa dati ang aking kapalaran.
"Hindi naman James. Sige, saan ba tayo pupunta? at bakit parang biglaan naman yata? ilang oras palang nung naghiwalay tayo ah?" sabi nito.
"Sa tagaytay, namiss ko kasi dun eh, napagisip isip ko lang na I missed you so much, kaya balak kong bumawi, and wala naman akong oras sa inyo diba? basta ako ang kasama mo, okay lang kay tita?" sabi ko dito na nakapukol ang tingin sa daan.
"Ang sweet naman ng babe ko oh, pakiss nga, namiss ko din ikiss ka eh." sabi nito sabay hilig ng kanyang muka sa aking mga balikat at hinalik halikan ito papataas hanggang makaabot siya sa aking pisngi.
Nabigla nalang ako sa naging reaksyon ko sa ginawa ni Lea, iniiwas ko bigla ang aking muka sa pag halik niya, parang hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari.
"may problema ba babe?" maya maya'y tanong ni Lea.
"Wala naman, hindi lang siguro ako sanay na ganyan ka, and besides, am driving Lea, let me focus first." seryoso kong balik sa kanya.
"sorry." sabi nito
Mabilis namuo ang katahimikan sa loob ng kotse, hindi ko nalang pinansin ang pamumuo nito, bagkus ay ipinukol ko nalang ang aking mga mata sa daan.
Mabilis dumaan ang oras, kung anong bilis nito ay tila bagal ng takbo ng kotse, hindi ko alam pero parang tinatamad na ako pumunta sa tagaytay, sakto naman na nasa tapat kami ng Solenad, kaya tinanong ko si Lea kung okay lang sa kanya na dito nalang kami magpunta. Pumayag naman ito at mabilis ko na ngang iniliko pakanan ang kotse at naghanap na ng mapaparkan.
Agad din naman akong nakahanap ng mapaprkan dahil sa unti ng tao dito ngayon, marahil ay dahil weekdays at pagabi na din, kaya ganito. Agad kaming dumiretso ni Lea sa Starbucks at umorder ng paborito naming dalawang hot coffee dito, ang Caramel Macchiato, agad kaming humanap ng maayos ayos na mapupwestuhan dito, ang napili namin ay ang nasa labas, para presko ang hangin at makakapanigarilyo pa ako.
"Sorry for what i've done in the past Lea" Pagsisimula ko sa usapan naming dalawa nang makaupo kami sa napili naming pwesto.
"Okay na yun James. Let's just forget the past, and start a new life, na magkasama tayo ulit. I Love You James, let's make it better from now on." si Lea.
"Are you sure, you wanted to open another page with me? I mean, sigurado ka bang gusto mo talaga na magkabalikan tayo?" may pagaalangan kong tanong dito, dahil kahit ako ay hindi din sigurado sa ginagawa ko.
"Oo James, and i'm sure, you will not do the same mistakes that you've done before."
"Thanks for the trust Lea." ito nalang ang lumabas sa aking bibig at nagsindi na ako ng sigarilyo, siguro, dahil guilty talaga ako sa nangyari sa amin in the past.
"Just make sure na hindi mo na ako ipagpapalit, ngayong wala na si RJ, sana naman ako nalang talaga. I'm very willing to forget the past for you James." si Lea.
Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko nalang na mamayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa,
Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ito, pero ito nalang talaga ang nakikita kong paraan para itama ang mga mali ko sa nakaraan. Hindi ko din alam kung magiging masaya ba ako sa disisyon ko na makipagbalikan kay Lea. Basta ang alam ko, ito ang tama. Hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon nila pag humarap na kami ni Lea sa publiko. At sana, hindi ang pag ganti kay Jeck ang dahilan ng lahat ng to.
...itutuloy...
sana nga lang hindi paghihiganti yan! baka pagsisihihan mo yan sa huli.
TumugonBurahinhindi lang ikaw ang masasaktan nyan james... pati na rin si Jeckz.. poor lea.. walang ka muwang muwang yung tao... nadamay pa... :(
biglaan ang lahat ng nangyare,, at ppumapasok ka agad sa isang desisyon na hindi mo naman talaga pinag iisipang mabuti,, yes tama yang ginawaga mo na makipag balikan ky lea pero aminin mo sa sarili mo na ndi pa yan ang tamang panahon, at nakapag decide agad agad dahil galit ka lang kay jeck ni hindi mo pa nadidinig ang paliwanag ni jeck. tapos ano,? after ilang weeks? buwan? at marinig mo ang paliwanag ni jeck, tska ka mag sisisi, kung bakit binalikan mo si lea.
TumugonBurahinlea lea, dapat di ka nalang bumalik,, panakip butas ka lang..
james, for the second chance, sasaktan mo lang si lea.
That's ridiculous! Halata namang di mo na sya gusto... So bakit ka pa nakipagbalikan sa kanya... You two will end up hurting each other.. Tst...
TumugonBurahinYou're just fooling yourself James.
TumugonBurahinAlam na alam mo na hindi na katulad dati ang pagmamahal mo kay Lea ..
atsaka ..
A mistake can NEVER be covered up by another mistake.
tandaan mo yan ..
kung ayaw mong magsisi at habambuhay na maging luhaan ..
Thanks kuya JC ~