Subscribe:

Sabado, Marso 10, 2012

Can it be Love (Part 13)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423.gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com









"May problema ba James?" unang tanong sakin ni Lea matapos ang mahabang road trip naming dalawa, maging ako man ay naninibago sa aking mga ginagawa, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, at hindi ko din talaga alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.




"Huh?" ang nasabi ko nalang na parang iniiwasan ang tanong na ito, dahil, ayokong, sa pangalawang pagkakataon, makakagawa ako ng parehas na kasalanan sa iisang tao.




"Hindi ka naman ganiyan dati ah? I guess somethings bothering you." Paguusisa nito, hindi talaga nagpapatalo si Lea sa mga ganitong usapan, gusto niya, alam niya lahat, pero disidido pa din ako na itago sa kanya ang kung ano mang bumabagabag sa akin, at isa pa, dahil hindi ko din naman talaga mawari sa aking sarili kung ano ba talaga ang problema ko.




"Wala Lea, okay lang ako, naisip ko lang yung nangyari sa school kanina." Pagdadahilan ko nalang dito para na din makaiwas SANA sa kung ano mang pagtatanong pa ni Lea tungkol sa kung anong pinoproblema ko ngayon.




"Bakit? ano bang nangyari kanina?" Paguusisa pa nito, ayaw talaga patalo eh.




"Basta Lea, wag muna ngayon." sabi ko nalang.




"Okay, sasabihin ko nalang kung anong ipinapakita mo sakin ngayon." si Lea sabay bigay ng isang buntong hininga. "Sa expresyon ng muka mo, kitang kita na nasaktan ka, hindi mo man sinasabi, pero sa mga kilos at gawa mo, nakikita din ito, kaya alam kong nasaktan ka, kanino at bakit? James, nandito ako oh, hindi mo na kailangan pang masaktan pa." mahabang dugtong nito.




"Lea, please. Enough of this topic." asar ko nang wika dito. Ayaw ko kasi talagang pag usapan ang kung ano mang bumabagabag sa akin, dahil in the first place, hindi ko alam kung bakit ako binabagabag nito.




"Okay James, I just like to tell you na I'm here to erase the damages there." sabi nito sabay turo sa aking kaliwang dibdib kung nasaan, sabi nila, ang ating mga puso.




"Thanks for the concern Lea" maikling sagot ko, na halata pa din sa aking boses ang pagkaasar.




Pagkasabi ko nito ay namayani na ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, si Lea ay abala sa pagtetext samantalang ako naman ay abala sa pag iisip, nagising lamang ang ulirat ko nang dumating na ang aming mga inorder.




Wala pa ding imikan ang naganap sa aming pagkain, hindi na muling nagsalita pa si Lea, marahil ay napahiya ito sa pagkaasar ko kanina. Mabilis ko namang naubos ang aking pagkain at agad akong tumayo upang bayaran ang aming inorder sa counter at lumabas na para manigarilyo.




Malalim pa ding pagiisip ang nangyari sa akin habang hinihithit ang sigarilyong hawak ko, hindi ko na namalayan ang mga lumalabas at pumapasok sa kainan, malayo ang aking tingin at halatang halatang malalim ang iniisip, kung tutuusin ay para akong luko luko sa aking tayo.




Nagising ang aking ulirat sa pagtakip sa akin ng isang tao mula sa aking likuran, nilingon ko ito at napagalaman kong si Lea ito.




"Are you done? Let's go?" walang kagana gana kong tanong dito.




"Not yet James, pahingi akong yosi." si Lea




"Since when did you learn to smoke?" sabay abot ko dito ng isang stck ng Marlboro Lights.




"Ngayon lang" sagot nito.




"Bakit ka maninigarilyo? for what?" usisa ko dito, dahil hindi naman talaga ito naninigarilyo, kung tutuusin, tutol na tutol ito sa aking paninigarilyo noong kami pa.




"For me to fit in your lifestyle, para hindi ka na mahihirapan pang magtago sa akin, magjajamming na tayo sa paninigarilyo, pati pag iinom ay pag aaralan ko, para lang hindi ka na manibago, sasamahan kita sa lahat ng trip mo. Kung yan lang ang makakapag pabalik sayo sa akin." makahulugang sabi ni Lea.




"You don't need to do that Lea, you're more than enough, but the truth is, I'm not worthy of that love Lea." Sabi ko nalang dito na pahina nang pahina.




"Everyone is worthy to be loved James, and I want to do this for you, so don't stop me, dahil gusto ko ang ginagawa ko." sabi nito sabay sindi ng sigarilyong hawak nito.




Wala na akong nagawa kahit na si Lea ay inuubo na sa kahihithit ng sigarilyong ibinigay ko, ayaw niyang magpapigil sa kanyang ginagawa, kaya niyaya ko nalang itong umuwi. Bukas ang bintana kong binaybay ang Pacita upang makarating sa Southwoods Exit. Nagsindi na din ako nang sigarilyo para na din pang tulong panunaw ko sa aking kinain.




Nang makarating kami sa SLEX, si Lea ay nakatulog na, siguro ay nahilo ito dahil halata sa kanyang first time niyang manigarilyo. Mabilis naming natapos ang kahabaan ng SLEX kaya pagdating sa calamba ay agad ko itong ginising.




"Lea, gising na, dito na tayo malapit sa inyo." Pag gising ko dito sabay nang pagyugyog ko sa kanyang balikat.




"Huh?" ang parang gulat na gulat nitong sabi nang magising.




"Sabi ko, malapit na tayo sa inyo, ihahatid na kita, mukang pagod ka eh." walang kaemoemosyon kong sabi dito.




"S..sige, s..salamat" medyo nauutal pa nitong sabi na sinabayan ng pagaayos nito ng sarili.




Sa pagpayag nito ay agad ko na ngang dineretso ang daan patungo sa kanila. Medyo malapit na ito sa aking binabaybay na daan, kaya wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa village nila. Hiningan ako ng ID para makapasok dito.




Bago pa man makarating sa kanila ay tumunog nanaman ang aking CP, agad kong hinugot ito mula sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si daddy...




"Hello dad?" pagsagot ko sa tawag nito.




"Nasan ka?" tanong nito na halatang halata mo ang galit sa tono nang pananalita nito.




"Inihahatid po si Lea sa kanila." ang tanging naisantinig ko nalamang sa takot na mapagalitan ako nito.




"Bakit hindi ka pumasok!? nandito si Jeck sa bahay. Kanina pa!" si daddy na nakasigaw na. "Ikaw talagang bata ka!" dugtong pa nito.




"Sige po daddy, pauwi na po diyan." sabi ko nalang sabay putol ng linya.




"Sino yon? Daddy mo?" paguusisa ni Lea.




"Oo eh, galit, may bisita daw ako sa bahay. Kanina pa nandon."




"Sino daw?"




"Basta, isang kaibigan." sabi ko nalang dito.




Nasa labas na kami ng bahay nito, akala ko ay bababa na, pero nagkamali ako.




"Before you go, please let me do this." sabi nito bago inilapit ang muka niya sa akin sabay inangkin ang aking mga labi.




Naghalikan kami nang may katagalan. Hindi ko na alam kung gaano katagal ito, pero naramdama ko mula sa kanyang mga halik ang pagmamahal nito noon sa akin na ikinaulila ko dito nang may ilang buwan.




"I want you back James. Please comeback." sabi nito sabay bukas ng pintuan ng kotse.




Hindi na ako sumagot pa sa sinabi nito, Bagkus ay pagkasara ng pinto ay pinaharurot ko na ang sasakyan para mabilisan na ding makarating sa aming bahay.




15 minutes ang lumipas at nakarating na ako sa bahay, buti nalang at walang traffic, kaya mabilis ko lamang binaybay ang kahabaan ng daan patungo sa aming bahay. Pagkapark ko sa kotse ay mabilis na nga akong tumungo sa loob. Naabutan ko si daddy at si jeck na naguusap sa sala.




"Ayan na pala si James." mahinahong sabi ni daddy. "Iwan ko muna kayo dito Jeck."




Nagtaka naman ako sa itinuran ni daddy, parang kanina lamang ay galit na galit ito sa akin dahil sa tono nito sa CP, pero ngayon, parang isang maamong tupa.




"Daddy, Bless po" sabi ko dito nang ito ay dumaan sa aking harapan, sabay kuha ng kamay nito at dampi sa aking mga noo.




"Kumain ka na ba James? nagluto kami ni Jeck ng paburito mong ulam. Adobo." sabi nito na may ngiti sa akin.




"Ah. eh. opo eh, kasama ko si Lea, kumain na din kami kanina bago umuwi."




Umalis naman agad si daddy sa aking harapan, at nang lingunin ko si Jeck ay nakita ko ang isang dismayadong muka mula sa kanya.




"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jeck.




"James, let me explain..." sabi nito.




"Explain what jeck? you don't need to explain anything." sabi ko dito sabay talikod. "Please leave." dugtong ko pa dito at naglakad na palayo, patungo sa aking kwarto.




Hindi ko na pinansin pa kung anong sinabi ni Jeck matapos kong umakyat, hindi ko alam kung umalis na ba ito, ang akin lang naman ay ayokong makita nitong nang gigilid ang mga luha ko mula sa aking mata. Dito ko din napagtanto na ang dahilan talaga ng aking pagkakaganito ay ang nalaman ko kaninang umaga mula kay Kely. Na sila na ni jeck.




Pagkaakyat ko sa aking kwarto ay agad kong inilock ang pintuan. Hindi na ako nagpalit ng damit, bagkus ay dumapa na ako diretso sa aking kama, hindi ko na muling napigilan pa ang aking mga luhang dumaloy sa aking mga pisngi.




Sabi nya, gusto nya ako, sabi nya, inlove siya sakin. Hinayaan ko naman siya sa nararamdaman niya diba, pero bakit ganito! Hindi manlang siya nagtanong kung gusto ko na ba siya, bago pa siya nakipagrelasyon kay Kely! Masakit din pala pag umasa ka na! Tapos, biglang mawawala lahat. Ang masakit pa, hindi ko manlang naparamdam sa kanya na gusto ko din siya! Tuloy tuloy kong sabi sa aking isip habang ang aking masaganang luha ay pumapatak sa aking mga mata.




Babalikan ko nalang si Lea. Biglang sabi ng isang parte ng aking isipan.




Sa aking naisip ay parang naging otomatiko ang pag galaw ng aking mga kamay, hinugot nito ang aking CP mula sa aking bulsa at pumunta sa Messages mula sa menu ng aking CP, pagkatapos nito ay ang inbox, pagkatapos ay parang may hinanap na numero sa aking Inbox, sabay pindot sa call button. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya at ang nasabi ko nalang ay, "Susunduin kita diyan, ngayon na. Be ready, I'll be there in 15 minutes"




Agad din sumunod sa pagiging otomatikong gumalaw ang aking katawan, nagbihis, at agad na lumabas ng kwarto, bumaba ng hagdanan at akmang lalabas na sa pintuan nang biglang may magsalita.




"Saan ka pupunta?" sabi ng isang boses mula sa aking likuran.




...itutuloy...

7 comments:

  1. wag magpadala sa maling emosyun...

    bat hindi mo pakinggan ang explanation ni Jheckz?

    Nasa huli ang pagsisisi... yun lang masasabi ko..

    TumugonBurahin
  2. ang tigas talga ng ulo mo james..dapat pakinggan mo muna si jeck kung ano man ang sasabihin nya... sumasangayon ako kay makki....na baka pag sisihan mo sa huli..... lalo ka lang masasaktan at may masasakatan ka ring ibang tao....

    ramy from qatar

    TumugonBurahin
  3. ano bang masasabi ko. uhmm wala lang.. SAD.

    TumugonBurahin
  4. Hmm nice story:):)

    TumugonBurahin
  5. hindi gaano makapag-update si author kasi hellweek sa PUP. :))))

    TumugonBurahin
  6. mahirap padalos dalos ang desisyon. . .

    TumugonBurahin
  7. uu nga .. kuya James ..
    ISN'T IT UNFAIR to Jecks part?

    you know with yourself that you're not doing the right thing ..
    your just aggravating the situation ..
    why don't you give the poor boy a little chance to explain his side ..

    para na rin mas maliwanagan ka at gumaan na ang pakiramdam mo ..

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin