By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
May ilang linggo na din kaming laging magkasama ni Jeck, kada tapos ng class, everytime na walang pasok, and every break time. Lumipat na din ako ng court na pinaglalaruan, lumipat ako sa kung saan nagtitraining si Jeck ng swimming, mas maayos at mas maganda kasi ang court nila dito, and exclusive pa sa members, kaya walang sino man ang ibang makakapag laro, at lahat din dito ay magkakakilala, and at the same time, may kasama na ako palagi pag pupunta dito, si Jeck.
Nawala na din ang issue sakin sa campus dahil hindi naman nila napatunayan ang kung ano mang iniisue nila sakin. Si BJ naman ay tumahimik na pero umiba na ng barkada. Kami naman ni Mike at Ondoy ay palagi na ulit namin kasama si Paeng, pero hindi pa din nawawala samin ang mga kasama naming babae, si Charmaine, Mena, Joan at Kely.
November 07, 2005, Monday (1st day of class after All Souls Day/ All Saints Day)
"Jeck! Jeck!" pagtawag sakin ng isang pamilyar na boses.
"oh, bakit Kely?"
"May babalita ako sayo!" may sa excited na sabi ni Kely.
"Ano yon?" agaran kong sagot dito. Medyo naexcite din kasi ako sa kung anong gustong sabihin ni Kely.
"Kami na!!!!"
"Nino?"
"Ni Jeck! Sino pa ba?" May pagkapilosobong sagot nito.
"Ahh. Okay, Kely" sagot ko dito na medyo nawala na din ang pagkaexcite, Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano sa aking puso. Parang may kumurot. "Alis muna ako Kely, may gagawin lang ako sa library saglit. See you in class." dugtong ko pa at naglakad na palayo.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Kely, naglakad ako patungong CR, alam kong may namumuo ng mga luha sa aking mata na any moment ay babagsak na. Hindi ko na nga ito napigil dahil hindi pa man ako nakakarating sa CR ay bumagsak na ang mga ito, kaya nagtatakbo na ako papunta sa CR.
Humarap ako sa salamin at mariing tiningnan at sinuri suri ang sariling mukha.
Ano bang problema mo James! Bakit ka nagkakaganyan! Stop acting like you're hurt! Bakit ka naman pati masasaktan? at kanino? kaya tumigil ka dyan! wag ka kasing masyadong maging attached sa isang tao, lalu na't alam mong MALI! Pagkausap ko sa aking sarili.
Mabilis umagos at hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak mula sa aking dalawang mata, hindi ko alam kung bakit at anong pinaghuhugutan ko sa mga luhang pumapatak, pero aaminin kong nasaktan ako sa ibinalita sa akin ni Kely.
Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may pumasok sa CR, kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at lumabas na sa CR na pinanggalingan ko. Naglakad ako sa kung saan, hindi ko alam kung saan ako pupunta, lakad lang ng lakad hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa isang lilom na lugar. At agad kong naalala na ito din ang lugar kung saan ko naalala ang pinagdaanan naming magkakabarkada bago ito nabuo. Ang bench na nagpapaalala sakin ng mga bagay mula sa aking kabataan.
Umupo ako dito at nagmuni muni. Pero talagang walang ibang pumapasok sa aking isip kundi si Jeck, masyado akong naapektuhan sa kung anong sinabi ni Kely. James, tandaan mo, lalaki ka at lalaki siya, walang ibang pwede sa lalaki kundi babae, kaya mali kung ipupush through mo pa ang kung anong nararamdaman mo kay Jeck. Pagkausap ko sa aking sarili.
Dahil sa aking naisip ay agad nanamang tumulo sa aking mga mata ang masaganang luhang matagal tagal na din nang huling pumatak. Hindi ko nanaman ito mapigilan. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang tumunog ang aking CP, agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Napag alaman kong si Jeck ito.
"Hello" pag sagot ko sa aking CP na pinipigilang mahalata na ako'y lumuluha.
"James! Nasan ka?" may pagaalalang sabi ni Jeck sa kabilang linya.
"Nandito lang sa tabi tabi. Bakit?"
"Saan yan? pupuntahan kita!"
"Para saan pa Jeck? wag na, pupunta na din ako sa classroom."
"Whatever Kely said, please let me explain."
"no need Jeck, wala sakin yon. And at the same time, MAGKAIBIGAN lang naman tayo diba!" sabi ko na may diin sa salitang magkaibigan.
"Sorry James..." nagsasalita pa ito pero pinutol ko na ang linya, ayaw ko muna ng kahit sinong kausap, gusto ko mapag isa sa mga oras na ito kaya ako ay dali daling lumabas ng campus at tinungo ang kotse na pinapadala sakin ng tatay ko.
Inistart ko ito at nag drive nang nagdrive hanggang sa dalhin ako ng sarili ko sa isang lumang simbahan sa may calauan. (Dito mo matatagpuan ang malaking pinya)
Ipinark ko ang kotse at bumaba agad dito, mabilis akong naglakad papasok sa naturang simbahan at umupo sa isang pahabang upuan na malapit na sa bandang unahan. Umupo lang ako at nagmuni muni, nakita ko nalang ang sarili ko na kinakausap ang rebulto sa unahan.
"Ano bang problema sakin? Bakit hindi ako kayang panindigan ng ibang tao, kay Ezra palang, nasaktan na ako, hanggang kay RJ nasaktan ako, pati ba naman kay Jeck! Habang buhay mo na ba ako papahirapan? Pagsubok lang ba ito? anong klaseng pagsubok pa ba ang dapat kong maranasan dahil lang sa LINTIK na pusong to!" naluluha kong sabi sa rebulto sa unahan.
Umiyak ako nang umiyak, hindi ko na napigilan ang sarili ko, hindi ko na alam kung ilang minuto pa akong lumuha nang lumuha, naramdaman ko nalang na may tumatapik sa aking mga balikat.
"F.father, s.sorry po." medyo nauutal kong sabi kay Father nang lingunin ko ang taong tumatapik sa akin at malaman kong isang pari pala ang gumagawa nito.
"Okay lang yan anak, sige lang, iiyak mo lang." sabi ni Father.
Pinunasan ko ang sarili kong mukha para maikubli ang lungkot na bakas mo dito.
"Ano ba ang naging problema mo anak? bakit ka nagiiyak?" maya maya'y sabi ni Father.
"Sorry po father, pero hindi ko lang po matanggap na halos lahat ng minahal ko ay niloloko lang ako." pagsasalaysay ko kay father.
"Anak, ito ang tatandaan mo, walang bagay na ibinibigay sa atin ang Diyos na walang dahilan. Kung ito man ay problema, hindi niya ito ibibigay sa atin kung hindi natin ito kayang gawan ng solusyon. Wag mo siyang sisisihin sa kung ano mang pagsubok ang dumadating sa iyong buhay anak, dahil sa huli, siya at siya pa din ang makakaalam ng kung ano ang nararapat sayo." Mahabang salaysay ni father.
Hindi ko alam kung anong gustong iparating ni father sa mga kataga niyang ito, pero kung titingnan mo ay malayong malayo ito sa problemang sinabi ko sa kanya, kaya't ipinagkibit balikat ko nalamang ang mga sinabi nito.
"Anak, sa lahat ng oras, dapat kang tumatawag sa Kanya, sa lahat ng desisyon mo, dapat ay ikinukunsulta mo muna sa Kanya, kung lagi mo Siyang kasama, hinding hindi ka mawawala sa tamang daan anak." maya maya'y sabi ulit ni father.
"Opo father." maikli kong sagot dito.
May sasabihin pa sana si father nang biglang may magtext sa akin, agad kong kinuha ang aking CP sa loob ng aking bulsa upang tingnan kung sino ito.
"See me at burger king calamba now, nandito ako." isang hindi nakarehistrong numero sa aking CP.
"Anak, hinahanap ka na ata ng mga kasama mo, tandaan mo ang mga sinabi ko sayo, hindi mo man magamit yan ngayon, pero nasisiguro ko sayong magagamit mo din yan sa takdang panahon." salaysay ni Father.
"oo nga po father, pasensya na po, uuna na po ako." sabi ko dito sabay nagmano sa kanya. "salamat po father."
Agad ko nang tinungo ang kotse at pinaandar ito, hindi ko man alam kung sino ang taong ito ay walang kaabog abog ko pading pinatulan ang kanyang text sa akin. Mabilis akong nagmaneho papunta sa burger king sa calamba.
Alam kong traffic sa Los Baños dahil doon ako dumaan kanina, kaya't sa loob ng UP na ako dumaan, na ang labas ay sa makiling, para lang makaiwas sa traffic.
Wala pang 45 minutes ay nakarating na ako sa Burger King, bumaba ako ng kotse at agad na pumasok sa loob ng naturang fastfood chain. Dumiretso ako sa counter at umorder ng aking makakain. Pero habang sineserve ang aking pagkain ay iginala ko ang aking mga mata para malaman kung may kakilala ba ako dito para malaman ko kung sino ang nagtext sa akin.
Nagulat nalang ako sa isang babaeng nakatingin sa akin. Isang kilalang kilala kong tao na may malaking partisipasyon sa aking buhay. Si Lea.
Nagdadalawang isip man na siya ang nagtext sa akin, pagkakuha ko nang inorder ko ay agad kong tinungo ang upuan na inokupa ni Lea.
"Ikaw ba ang nagtext sakin?" nakangiti kong sabi dito.
"Oo" matipid nitong sabi.
"Bakit? may problema ba?"
"wala naman, alam mo ba kung anong meron ngayon?"
Agad kong tiningnan ang aking relos para malaman kung anong date na, nalaman kong November 7 na pala ngayon.
"anong meron?" sobrang takang taka kong sagot kay Lea.
"January 7 nang sagutin kita, ngayon, alam mo na kung anong meron ngayon? Supposedly, this should be our 10th monthsary mr. James Cornejo." sagot sakin ni Lea.
"ahh." may pagtataka man ay umupo na din ako sa tapat na upuan ni Lea, mabilis nabuo ang katahimikan, isang awkwar silence ang nangyari sa amin.
"Anong satin ngayon?" pagbasag ko sa unti unting lumalalang awkward silence.
"wala naman, sabi ko kasi sa sarili ko, haharapin kita on our SUPPOSEDLY 10th monthsary, para malaman kung ano na bang bago sayo, or kung natuloy ba ang kung ano mang meron sa inyo ni RJ dati." may kung ano sa tono ni Lea na hindi ko mawari kung ano.
"well, okay naman ako lea, walang kami ni RJ, so masaya ka na?" pag ganti ko sa pagiging mataas nito.
"I'm sorry james... sorry for what i've done to you."
"Yun na yun lea? after all, ngayon ka pa magsosorry?"
"Alam kong mali ang iwan ka sa mga panahong alam kong dapat nasa tabi mo lang ako, please give me another chance, and please, let's make it right this time." si Lea sa may pagsusumamo niyang tinig.
"What do you mean lea?"
"I want you back James."
Sa sinabi nito ay hindi na ako nakaimik pa, alam kong may nararamdaman pa din ako para kay Lea, medyo matagal tagal na din ang hinintay ko para lang mapagbigyan muli ng panahon ang kung ano man ang nasimulan namin dati. Pero parang may pumipigil sa akin na kung ano sa utak ko, alam kong sa utak ko lang siya. Dahil ang puso ko ay tumitibok na mabilis, kung saan, ramdam mong gustong gusto nito ang nangyayari.
"James, magsalita ka naman dyan oh, i said i'm sorry for what I've done, and I honestly want you back!" si Lea
"Lea, don't pressure me, ilang buwan kang wala sa buhay ko, and hindi ko alam kung magugustuhan mo ang mga pagbabago sa buhay ko."
Nagbigay ng isang butong hininga si Lea na palatandaan na siya ay sumusuko na.
"Lea, hindi ko sinabing ayaw ko, ang akin lang, wag tayong magmadali."
"Osige james, aasahan ko yan...." si Lea
May sasabihin pa sana si Lea nagring nanaman ang aking CP, kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tumatawag sa akin.
"Yes?" pagsagot ko sa tumawag.
"James, nasan ka ba? hindi ka pumasok! ano ba!' si Jeck sa kabilang linya.
"Kailangan ko magpaalam sayo?" sabi ko dito.
"Ahh, okay, sige, magingat ka nalang!" may pagtatampo sa tono ng pananalita nito.
"Okay." sabi ko sabay putol ng linya.
"sino yun?" Tanong ni Lea nang mapansin nitong ibinaba ko na ang CP ko.
"Ahh, wala, isang kaibigan." sabi ko nalang para makaiwas sa topic.
"Eh bakit kailangan mo magpaalam sa kanya kung nasan ka?" pangungulit ni Lea.
"Wala lang nga yun!" inis kong sagot dito.
"Okay, sorry."
Hindi ko ginalaw ang pagkain na inorder ko, bagkus ay niyaya ko nalang si Lea na umalis na sa lugar at magpunta sa kung saan. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang mapirme sa isang lugar, para akong may hinahanap na hindi ko matagpuan.
Sumama naman sakin si Lea, nagdrive lang ulit ako nang nagdrive, diretso dito, diretso doon, punta dito, punta doon, liko sa kanan, liko sa kaliwa, hindi ko mawari kung saan ko gusto magpunta, nakarating kami sa San Pedro, Laguna, at doon ay nakaramdam ako ng gutom, kaya humanap ako ng makakainan, alam kong gutom na din si Lea dahil hindi naman namin ginalaw ang inorder ko sa Burger King, bagkus ay iniwan lang namin ang pagkain na nakatiwangwang sa lamesa.
...itutuloy...
Hmmm ,,,,,naku laki ng problem nyan ah ang pagbabalik nang nawalay na girlfriend?naku. Dapat maging wais nyan si james sa desisiyon nya kasi kapag mali sya ,sya din ang masasaktan dyan......
TumugonBurahinBy the way mr.james sorry if ngayon lang ako nakapagcomment ehe pero isa ako samga silent readers ng story mo pero ngayon mgcocoment naku kasi ang ganda tsaka magmula nung kay rj and james love story sunusubaybayan kuna hanggang ngayon ..........keep up the good work,and thanks sa mgandang story......takecare
ganti gantihan lang yan!
TumugonBurahinDi kaya nag aassume lang si Kely na sila na ni Jeck?
yesssss... aun na si lea.. yehey.. GO lea... i miss u. james. :)
TumugonBurahinkausapin mo sin jeck tungkol jan,,,, kung sila nga ni kelly.... kapag true un wala ka nang magawa in first place d naman naging kayo ni jeck,,,, ang sabi mo pa nga sa kanya na d ka pa handa makipagrelasyun ulit ng dahil sa may nararamdaman ka pang pag mamamahl kay rj.... at friends lang kayo ni jeck d b... mahirap kayang pinapaasa mo lang si jeck na wala naman maskit un para sa kanya kasi d mo nman binigyAN ng chance si jeck... at lalo na ngayun na dumating ulit si lea para makipagbalikan ulit s u....
TumugonBurahinramy from qatar
I can't blame skuya James if he chose to leave Jeck alone for a while ..
TumugonBurahinmasyado siyang nasaktan sa narinig kay Kely kahit di pa siya sure na totoo nga un .. masyado siyang naguluhan at gustong mapag-isa .. :(
kakainis lang .. bakit ngayon pa .. bakit ngayon pa lumitaw ang MAPAGMATAAS na si Lea .. after all this time .. para sakin ..
Lea isn't WORTHY for any love that James can give.
Thanks kuya JC ~