By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
"Mike, mike, hintay!" paghabol ko kay Mike habang ito ay palabas ng classroom.
Katatapos lang ng exams namin para sa araw na ito, pero ang aking mga kabarkada maliban kay Mena na siyang kumakausap sakin sa tuwing matatapos kaming magexam. Bawat isa sa aking mga kaklase ay binibigyan ako ng isang mapanghusgang tingin sa tuwing ako ay mapapatingin sa gawi nila. Hindi ko alam kung anong issue nila sa buhay, pero alam kong tungkol sa akin ito, at ito ay aking ikinakabagabag. Kaya balak kong kausapin si Mike tungkol dito.
Mabilis na lumabas si Mike ng classroom hindi batid ang aking pagkuha ng kanyang pansin. Kaya binilisan ko din lalo ang aking paglakad at mabil ko ding nakita si Mike na ngayon ay kasama na si Ondoy. Tinawag ko silang dalawa, si Ondoy lang ang tumingin sa akin at agad ding iniiwas ang tingin, at agad na ding naglakad silang dalawa palayo sa akin.
Ano nanaman ba to, kakagaling ko lang sa sakit, ilang linggo na nga akong nawala, pagbalik ko issue pa din! Sigaw ko sa aking isip habang hinahabol ko pa din ang dalawa. Nakita kong palabas na sila ng campus, pero talagang disidido akong malaman ang kung ano mang dahilan ng pag iwas nila sa akin. Kaya mariin ko pa din silang sinundan sa kanilang pupuntahan, napansin ko na lamang na papunta sila sa ilog na madalas naming tambayan. Dahil dito, nagkalakas ako ng loob lalo na kausapin sila, dahil alam kong dito sa Ilog na ito ay kakausapin nila ako, hindi man sa mabuting paraan, basta kailangan kong malaman ang kung anong dahilan nila.
Mabilis sila nakarating sa ilog, ng ako ay makarating ay sa ilog ay nakita kong kompleto sila, si Mike, Ondoy, BJ at Paeng. Ramdam kong nakaplano ang pagpapasunod ni Mike at Ondoy sa akin dito, kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at naglakad na ako palapit sa kanilang kinaroroonan.
"M-may problema ba?" medyo nauutal at nahihiya kong tanong nang ako ay makalapit.
"Ask that to yourself James!" may diin na sabi ni Mike.
"Tol, wag nyo naman ganyanin si James, wala siyang kasalanan." Si Ondoy.
"Anong walang kasalanan, tang ina, bakla yan! hindi yan pwede satin!" Si BJ.
Sa sinabi ni BJ ay para akong natigilan, hindi ako makahanap ng sasabihin, napatulala nalang ako sa sinabi ni BJ.
"Ano? silence means yes James!" mapang gagong wika ni BJ.
"Ano ba tol, it's James's decision, wala tayong magagawa dun kung totoo nga ang issue." biglang singit ni Paeng sa malumanay nitong boses. "James, totoo ba?" biglang baling nito sakin.
"A..ang alin?" nakayuko ko nang sabi.
"Na naging kayo ni RJ?" deretsahang tanong ni Paeng.
"OO" sigaw ni BJ sa isang tabi. "Nakita ko sila...." dugtong pa nito.
"Shut up BJ!" Pagpapatigil ni Paeng kay BJ. "Sige James, ikaw na ang sumagot, gusto ko lang naman malaman yung totoo, pero honestly, hindi ako galit sayo. At hindi din kita kinamumuhian, actually, gusto pa nga kitang tulungan eh." sabi ni Paeng na papalapit na sa akin.
"oo, totoo" pabulong kong sabi.
"Ano yon? hindi ko marinig James." si Paeng pa din sa malumanay at may concern nitong tono.
'oo paeng, totoo, naging kami ni RJ." Nilaksan ko na para marinig nilang lahat.
"Bakit hindi mo sinabi samin? para naman sana naprotektahan namin kayo, wala namang kaso samin yun eh." si Paeng pa din.
"Anong protektahan!!!? Ngayon kakampihan nyo pa yan!" si BJ.
"Putang ina mo BJ, tumahimik ka nga, tandaan mo, SAMPID ka lang dito!" Si Ondoy na nag gagalaiti na sa galit sa itinuran ni BJ.
"Sorry paeng, natakot kasi ako sa kung anong pwedeng maging reaksyon ninyo." sabi ko nalang.
"Sino samin ang may alam nito?" si Paeng.
"Si Ondoy, alam niya, at si BJ, nahuli niya kami sa playground bago pa man lumabas ang sex video." mahiya hiya ko pa ding sabi.
"Osige, let's not bring the past na James, stop this issue, basta tandaan mo nalang to james, what ever happens, nandito lang kami sa likod mo." si Paeng pa din.
"Pasensya ka na James kung hindi kita pinapansin kanina, alam mo naman tong si Paeng, pag nagplano. Nandito pa din ako for you, wag mo isipin na lalayuan ka namin James, gusto ka nga naming tulungan eh." Si mike.
"sabi ko naman sayo eh, dapat sinabi mo na sa kanila dati pa." si Ondoy.
Sa sinabi ng mga ito ay unti unti nang bumalik ang aking pagngiti, unti unti ding bumalik ang tiwala ko sa aking mga dating kaibigan.
"Sorry." ang nasabi ko nalang sa kanila dahil sa hindi ako makahapuhap ng ano mang sasabihin.
"Okay lang yan James, ang mahalaga, alam mo na ngayon na mapagkakatiwalaan mo kami. Diba BJ?" Si paeng
"Bahala kayo! Kung yan ang gusto nyo!" si BJ sabay alis sa lugar.
Hindi na namin hinabol pa si BJ sa kung saan pa niya gustong pumunta, hindi na din ako nabagabag pa sa kung ano man ang sasabihin niya, ngayong pa at alam kong nasa likod ko ang aking mga dating kaibigan. Wala na akong dapat ikabahala pa.
Puro kamustahan sa buhay buhay, at pangungulit, namiss namin ang isa't isa, nagpagabi kami sa ilog, hindi ko na namalayan pa ang oras. Nang kami ay maghiwahiwalay, ako ay bumalik sa school para kunin ang kotse.
"Saan ka galing?" Si jeck. Nakalimutan ko pala na may kasabay nga pala akong uuwi, hindi ko na namalayan ang oras.
"pasensya na, nagusap usap lang kami ng mga dati kong kaibigan."
"Bakit hindi ka man lang nagtxt? kanina pa ako naghihintay dito ah! anong oras na!" galit na galit na sabi ni Jeck.
"Sorry na. wag ka na magalit." may paglalambing kong sabi kay Jeck.
Natawa naman si Jeck sa ginawa ko, parang nagulat pa nga ito, kahit ako man ay nagulat din sa ginawa ko, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, pero basta basta nalang, parang hindi pinagisipan.
"sige na, hindi na ako galit, tara na umuwi. samahan mo ako sa training ko ah." may paglalambing ding sabi ni Jeck. "Magdala ka na din ng pang laro mo, may badminton court dun, pwede ka maglaru don. Madami ka makakalaro dun." dugtong pa nito.
"Okay." sabi ko sabay pasok sa kotse.
...itutuloy...
;SIGH ..
TumugonBurahinnakahinga naman ako ng maluwag sa chap na 'to ..
buti nalang naintindihan ng mga former friends ni James ang lahat ..
except sa NARROW-MINDED na si BJ ..
kung ayaw nyang makaintindi .. bala siya sa buhay niya .. LECHE! kakahayblad .. buset!
Thanks kuya JC ~