Subscribe:

Lunes, Marso 5, 2012

Can it be Love (Part 10)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com










"James, gising ka na! baka malate na tayo sa class." Paggising sakin ni Jeck.




"Anong oras na ba?" antok na antok at pupungas pungas kong sabi.




"6 na po, medyo matraffic pa papunta sa school. Exams pa naman ngayon! Kanina pa ako ligo oh, kanina pa din kita ginigising! napakamantika mo pala matulog!" sermon ni Jeck na dahilan para mapangiti ako. Ilang buwan na din kasi akong hindi nasesermonan ni mommy sa pag gising ko.




"At ngingiti ngiti ka pa dyan! Hala! Maligo na! Kaninang kanina pa!" si Jeck ulit.




"Opo, eto na po, maliligo na po." At dahan dahan akong tumayo, hindi naman talaga ako mabagal kumilos, pero gusto ko lang talagang asarin tong si Jeck, nakakatuwa kasi siyang magsermon sakin. Daig pa si mommy.




"Aba! at babagal bagal ka pa dyan! James! kapag lang tayo, nalate sa exam natin, patay ka sakin!"




"Eto na nga po oh, papunta na sa CR! napaka mainipin mo naman." at naglakad na nga ako pero mabagal pa din papuntang CR.




"Aba! at talaga namang nagbabagal pa!" si Jeck kasabay ng paghabol nito sakin na naging dahilan para mapabilis ang pagpasok ko sa CR.




Mag 3am na nang matulog kami ni Jeck kagabi, napuno ng katahimikan ang aking kwarto dahil parehas kaming nagaaral para sa exams namin ngayon, paminsan minsan, nagtatanong sakin si Jeck ng mga tungkol sa subjects nya, at sinasagot ko din naman ito kaagad.




Mabilis akong natapos maligo, pero nang hanapin ko ang twalyang magsisilbing saplot ko lamang para makalabas at makakuha ng aking susuutin para sa araw na ito, napansin kong wala akong dalang tuwalya.




SHIT! PANO AKO LALABAS NITO!!!!! Sigaw ko sa aking isipan.




Agad akong pumunta sa pinto ng CR at sumilip kung nandun si Jeck sa aking kwarto, inilibot ko ang aking mga mata at napansin kong wala ito, kaya agad agad akong lumabas at agad hinanap ang tuwalya.




'Looking for this?" Biglang may nagsalita mula sa aking likuran. Agad akong tumakbo patungo sa kama at ibinalot ang sarili ko sa kumot. Nang lingunin ko naman si Jeck ay nakita kong tatawa tawa ito na hawak hawak ang tuwalya ko. "Kasi naman, napaka absent minded! hindi manlang naisip na wala syang dalang tuwalyang dala!" natatawa tawa pa din nitong dugtong.




"Akin na yan, please" pagmamakaawa ko dito.




"Ayoko nga, nakita ko na, wag ka na mahiya! Inihanda ko na din po ang uniform na gagamitin mo, para naman hindi na dalas dalas ang pagbibihis mo at baka magulo pa ang cabinet mo!"




"okay, salamat, pero akin na muna yang tuwalya, para naman madali na tayo." pagmamakaawa ko pa din na sinamahan ko pa nang pagpapaawang muka.




"oh, eto na po." sabay lapit sakin ni Jeck at abot ng tuwalya.




Ang akala ko ay iaabot lang sakin ni Jeck ang tuwalya, pero nagulat nalang ako nang higitin nito ang kumot na nakapulupot sa akin na naging dahilan para matumba ako sa kama at bumalandra ang aking katawan sa mga mata ni Jeck.




Napakabilis ng mga pangyayari, nakita ko nalang si Jeck na nakapatong na sa akin. at magkadikit na ang aming mga labi. Lumaban ako nang pakikipaghalikan sa kanya. Naging mapusok ang aming halikan. Dahan dahan kong binuksan ang mga botones ng polo ni Jeck.




Biglang may dalawang bagay na pumasok sa aking isip. Ang isa ay may exam pa kami ngayon, at ang pangalawa ay walang kami ni Jeck, kaya agad ko ring itinigil ang aking ginagawa at itinigil ko din ang halikang namuo sa amin ni Jeck.




"Bakit?" may pagkadismayadong tanong ni Jeck sakin.




"Ah. eh. may exams po tayo ngayon." sabi ko nalang




"oo nga pala, hehehe, sorry. maya nalang pala pagkatapos ng exam." malokong sabi nito.




"Bumaba ka na nga! hintayin mo nalang ako sa baba!" asik ko dito.




"opo" sabi nito pagkatayo habang inaayos ang kanyang polo. ako naman ay tumayo na din at agad nang ipinulupot ang tuwalya sa aking bewang pababa. "mamaya nalang huh." singit pa ni Jeck bago lumabas ng kwarto at nagbigay pa ng malakas na tawa.




Lokong to, iisahan pa ako! Sigaw ko sa aking isip.




Nagbihis na nga ako ng mabilis at agad na bumaba. Napansin kong may nakahain na pagkain sa aming dinning table.




"Kain na muna tayo." sabi ni Jeck habang ako ay pababa ng hagdanan.




"sige, pero bilisan na natin, excited na din kasi akong pumasok."




Kumain na nga kami ng umagahan, nagluto si Jeck ng hotdog at itlog at isinangag niya ang aming mga natirang pagkain kagabi. Binilisan na namin ang pagkain para makaabot kami sa aming exam.




Iniwan nalang namin ang mga himpilin sa lababo at agad na tinungo ang palabas. Pero bago pa man kami makalabas ay tumunog ang aking cp. Kaya agad kong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si daddy pala.




"Hello daddy, bakit po?"




"nasan na kayo?" si daddy sa kabilang linya.




"Nandito pa po sa bahay, nalate po kasi ako ng gising. kaya late na din po kami aalis ng bahay."




"okay. Dalhin mo na muna ulit yung kotse, tutal, kasama mo naman yang si Jeck, kaya for sure safe kayong makakarating sa school nyan! ingat pagmamaneho anak." si daddy




"Sige po dad, thanks." sabi ko sabay putol sa linya.




Agad kong kinuha ang susi ng kotse at agad na hinigit si Jeck palabas ng bahay. Nagtataka man si Jeck ay sumunod nalang ito sa aking ginawa sa kanya.




"Bakit mo daldalhin yung kotse?" sabi ni Jeck nang mapansin na papunta kami sa parking area.




"Dapat pala niloud speaker ko para nakinig nya." pabulong kong sabi.




"ano yun?"




"wala po, si daddy po yung tumawag, pinapadala na yung kotse."




Mabilis na nga kami nakarating sa school, before 7 nandon na kami and thank God, 8am pa ang start ng exam, so may 1 oras pa kami para magreview and to catch things up with my classmates and some friends.




Hinatid ako ni Jeck sa classroom namin para daw safe ako makarating sa classroom, langya tong mokong na to, ginawa pa akong mang mang! hoy, maalam pa akong maglakad oh! Sigaw ko sa aking isip habang tatawa tawang naglalakad papunta sa aming classroom kasama si Jeck.




"Galingan mo sa exams mo ah." malambing na sabi ni Jeck nang makarating kami sa labas ng aking classroom.




"Opo. Ikaw din." maikli kong sagot dito.




"Yes Boss, for sure, mataas makukuha ko sa exams ko, kasi tinuruan mo ko eh." magiliw nitong sabi. "Hala, sige na, pumasok ka na dyan, at makipagkulitan sa mga kaklase mo! Punta na ako sa room ko, I Love You." dugtong pa nito sabay takbo papalayo.




"MAMBOBOLA!" sigaw ko sa kanya habang ito ay papalayo na sa akin.




Agad na akong pumasok, at laking gulat ng lahat ng makita nila ako sa may pintuan, isang makakabinging katahimikan ang isinalubong nila sa akin. Ang iba ay medyo masasama ang tingin sa akin, habang ang iba naman ay mapanghusgang tingin ang ibinato sa akin. Ako naman ay napako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung pano ko sasalubungin ang mga tingin nila.




Anong meron? Tanong ko sa aking sarili





"James, welcome back!" si Kely mula sa kanyang kinauupuan na sinabayan pa nito ng pagtayo at pagpunta sa aking kinaroroonan.





"amplastic naman!" medyo mahinang pasaring ng isa sa aking mga kaklase pero sapat na ito para marinig ko ang kung anong sinabi niya, pero ipinagkibit balikat ko nalamang ito. Ayokong masira ang araw ko dahil lamang sa mga taong walang alam kundi mangkastigo sa akin.




"Hi Kely, thanks." sabi ko dito sabay yakap. "Ano meron, bakit ganyan sila?" pabulong kong dugtong dito nang mayakap ko siya.




Bumitiw naman si Kely sa pagkakayakap ko sa kanya sabay humarap sa aming mga kaklase.




"Guys, listen to me, James here is asking me kung ano daw meron at bakit daw ba kayo ganyan sa kanya?" si Kely na kinausap ang aming mga kaklase.




"Go ahead kely, tell him." Sigaw ng isa ko pang kaklase mula sa likurang parte ng aming classroom.




Sakto namang harap sakin ni kely ang pagbubukas ng pinto ng aming classroom at iniluwa nito ang aming proctor para sa unang pagsusulit na aming kukunin.




"Mr. Cornejo, you're back, are you sure that you can take the exam today? You can request for another schedule for this exam if you want." Pauna ng aming guro.




"Okay lang po mam, kaya ko po magexam ngayon." sabi ko dito.




"Okay, if that is so, you can now take your sit, the exam will start in a few minutes." sabi ng aming guro na naging dahilan ng mabilisan kong pagupo sa bakanteng upuan sa likuran kung nasaan nandoon si Mike.




"Class, cheating is allowed, but if I caught you doing it, I will send you directly on the deportment office." Si mam at agad na nga niyang idinistribute ang mga test paper. "Please keep all your notes." dugtong pa nito.





...itutuloy....

4 comments:

  1. ala! naghalikan sila! me I love you pa! ( mukhang nahuhulog na loob mo sa kanya ah! LOL)

    Yoooohhhooo! RJ where are you?

    TumugonBurahin
  2. Tsss.. Kahit kelan talaga di nawawala ang mga intrigera at plastic.... Haha...

    Galing ng chapter! Pero gusto kong patamblingin sa thumbtucks mga clsssmates niya... Amp...

    TumugonBurahin
  3. oo nga.. pakipot pa daw... gusto din naman c jeck.. :) uhmm

    my naalala tuloy ako.. :'(

    oist,, kakatampo kana huh.. hmmp kc naman...

    TumugonBurahin
  4. YUN OH!
    ambilis ng mga pangyayari ..
    naghalikan agad sa kama .. ahaha! ambilis rin pala ng REFLEX ni kuya Jeck pagdating sa 'ganyan' .. ahaha LOLz
    at wala ng maitatago si James .. nakita na ni Jeck yung junior .. ahaha ..

    ang akkapal ng mukha ng mga classmates ni James .. kala mo kung sino silang malinis .. BWISIT! anSARAP nilang pagsasasapakin . >.<

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin