Subscribe:

Lunes, Pebrero 27, 2012

Can it be Love (Part 08)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com


Makki, Ramy from Qatar, Hansen and Nick, thanks sa mga comments nyo, and dun sa mga silent readers, maraming maraming salamat po sa inyo, sana magcomment na din kayo, para naman maramdaman ko ang presensya nyo.





"James, james, gising na!" paggising sakin ng isang pamilyar na boses na sinamahan pa niya ng pagyugyog sakib.




Agad naman akong nagising sa ginawa nito at agad na hinanap ang aking cell phone upang tingnan kung anong oras na. "9:15pm" yan ang oras sa relo ng aking cellphone.




"Ano ba! bakit mo ba ako ginigising!? gabi pa lang ah!?" asar kong wika dito kahit hindi ko pa nakikita kung sino ito.




Narinig ko namang humagikhik ito ng tawa at nagwika na, "tutulog na kasi!"




"Tang ina naman oh! nakakasakit ka ng ulo!" sabi ko dito sabay harap sa kung sino man ang nagsasalita, at agad kong napagtanto na si Jeck pala ang gumising sakin, agad na naalala ko na dito nga pala siya matutulog ngayong gabi.




"Joke lang naman, nakahain na po kasi ang hapunan natin, ipinainit ko yung pagkain natin kaninang lunch, tsaka hindi ka pa po nagaaral, exam na bukas." tatawa tawa nitong sabi.




"mamaya na ako kakain, tinatamad pa ako." asik ko dito.




"Anong mamaya, late na nga po tayo kakain eh, bawal ka malipasan ng gutom!" sabi ni Jeck na sinabayan pa ng paghila nito sa aking kamay. Pero nagmatigas pa din ako at nagpumiglas.




Hila pa din siya ng hila sa akin ng biglang...




***BLAG!!!!***




Nagising nalang ang aking ulirat na nasa sahig na kami ni Jeck at nakapatong ako sa kanya. Nagkatitigan pa kami ni Jeck ng ilang segundo bago muling nagising ang aking diwa, agad akong tumayo sa pagkakabagsak ko sa aking kama at nagayos ng sarili sabay labas ng kwarto. Pero hindi ko na namalayan ang pagbalangkas ng isang ngiti sa aking mga labi.




Agad kong tinungo ang hapag kainan habang hindi ko na namalayan kung nasaan na si Jeck, nakarating ako agad sa hapag kainan at umupo sa pweto ko. Magsisimula na sana akong kumain pero may napansin akong kakaiba sa dining table.




Maayos ngayon at malinis ang buong paligid ng hapag kainan, at napansin kong may mga bulaklak sa gitna nito, napansin ko din na may red wine na nakahanda sa tabi ng mga ulam at meron pang dalawang wine glass. ano to? date? Hindi ko napigilang maitanong sa aking sarili at lumabas nanaman ang ngiti sa aking mga labi.




"Nagustuhan nya!" mahinang bulong ni Jeck sa kanyang sarili pero sapat na para marinig ko ito at magising ang aking diwa sa aking pagiisip. Biglang napalitan ang aking ngiti ng asar sa itinuran ni Jeck.




"Ano yon?" mataray kong tanong dito.




"ah. eh. wala! kain na, sabi ko!" natatawang sabi  ni Jeck.




"Para saan ba ang mga to Jeck?" sabi ko sabay turo sa mga nakahandang BAGO sa aming hapag kainan.




"Naisip ko lang na gusto mo magwine ngayon, baka lang kasi namiss mo na ang alak." nakangiting wika ni Jeck.




"Yun lang ba yun?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon, pero bigla nalang itong lumabas sa aking bibig.




"Wag ka na masyado pang madami pang tanong James, halata namang nagustuhan mo to eh. Kain nalang tayo." si Jeck na nakangiti pa din.




"Nawalan na ako ng gana! Ikaw nalang ang kumain." sabi ko dito na sinamahan ko pa ng pagtayo at paglakad palayo sa aming hapag kainan.




"Isn't it obvious James!" Biglang sigaw ni Jeck sakin, "Ilang araw ko na namimiss ang trainings ko! Ilang linggo na din akong nagbantay sayo sa ospital! ANG MANHID MO NAMAN!" dugtong pa nito.




Sa sinabi ni Jeck ay lalung naguluhan ang aking isipan, Ano ba sinasabi nitong si Jeck! Hindi ko napigilang maitanong sa aking sarili.




"James, I'm sorry, pero I think I'm inlove with you!" sabi ni Jeck sabay naramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig nito sa aking katawan.




Sa ginawa ni Jeck ay para akong naistatwa, hindi ko mawari ang aking isipan, hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko sa aking narinig, sa isang parte ng aking utak ay nagsasabing mali ito, pero sa kabilang banda naman ay nagsasabing gustong gusto nito ang mga nagaganap.




Nagising ang aking ulirat ng biglang hinalikan ako ni Jeck sa likod na parte ng aking tenga.




Siniko ko si Jeck sa kung saang parte man ng katawan nya tumama ito, malakas ito na naging dahilan ng pagkakapilipit niya.




"Jeck! kaibigan kita, thanks for those times na nandyan ka sa tabi ko, lalu na nung nasa ospital ako, pero mali ito! nagkamali na ako minsan, and that's more than enough for me to learn my lesson!" sabi ko dito sabay takbo papunta sa aking kwarto.






Pagdating ko sa aking kwarto ay agad akong nagmuni muni sa mga naganap, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinabi ni Jeck, hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya. Pero kung iisipin ko, mali talaga, at isa pa, gusto siya ni Kely, ayaw kong masaktan ang aking kaibigan ng dahil lang sa akin.




...Flash Back...


"Hi James." Bati sakin ng isang lalake matapos kong magpark sa Parking Lot ng school namin.



..............................................................



"And finaly, the most mysterious among us, and he happens to be our Top 2 sa class and our class president! si James the Singer!" Mahabang pagpapakilala sakin ni Kely.




"kailangan ganon kely?!" asar kong sabi kay Kely at saka tumingin sa kanila.




"Oo, dahil kanina pa kayo dito, pero wala kang ginawa dyan kundi kumain lang ng kumain!  Ni hindi ka nga tumingin samin kanina nung umupo ka dyan sa dulo eh!" sabi naman ni Kely.




"Kilala ko sya kely." biglang sabat ni Jeck. "hindi nga namamansin yan kanina eh!" sabi pa nito na ipinagtaka ko naman. "Jeck nga pala." sabay lahad ng kamay sakin.




"James, pare!" sabay abot ng aking kamay. "What do you mean na hindi ako namamansin kanina? nagkita na ba tayo?" sabi ko dito sabay bitaw sa kanyang kamay at nagbigay ng nagtatakang titig.



"Nasa parking lot ako kanina, ako yung nag hi sayo, hindi mo naman ako pinansin." sabi nito sabay tingin sakin gamit ang malulungkot nitong mata.



"Ahh, ikaw pala yon, pasensya na, akala ko kasi..." tugon ko kay Jeck.




"na ano? itutulad mo pa ako sa mga kumakastigo sayo. wag ganun pare, hindi mo pa ako ganon ka kilala, gusto ko lang makipagkaibigan." sabi nito sabay ngiti.




"ahh, ganon ba? salamat." tanging tugon ko dito at ibinalik ang aking sarili sa pagkain.



......................................................



"James, teka, hintay!" sigaw ng lalakeng tumatawag sa akin. At agad ko naman itong nilingon.




"oh, bakit?" wala sa sarili kong sabi sa taong ngayon ay nakatayo na sa harap ko.




"anong bakit? at bakit ganyan ka? amputla mo!" pagpuna nito.




"Masama kasi ang pakiramdam ko, pasensya na." walang gana kong sabi dito.




"Kaya mo ba magdrive?" tanong nito.




"Oo, kaya pa naman, pero, parang babagsak na din ako any moment." Wala pa din sa sarili kong sabi.




"sige, samahan nalang kita, hindi kasi ako maalam magdrive, para lang masure na makakauwi ka ng ayos." sabi naman nito.




"Salamat jeck."




....................................................



"Si jeck po ma, boyfriend ng classmate ko..." pagpapakilala ko kay jeck, "Jeck mommy ko tska daddy ko" baling ko naman kay Jeck




"Hello po tito, hello po tita, correction lang po, hindi ko po girlfriend si Kely." sabi nito sabay ngiti.




"Ano ba nangyari sa inyo kanina Jeck?" sa mataas na boses ni daddy. Alam kong galit ito. Pero hindi pa din malinaw sa akin kung ano ba talaga ang nangyari.




"Nawalan po kasi si James ng malay kanina habang nagdadrive, buti nalang po at maagap ang reflex ko, nahila ko agad ang handbreak." sabi nito sabay buntong hininga. "Nandon pa po ang kotse sa may malapit sa kanto ninyo, wala naman po galos yung kotse, tsaka maayos ang pagkakapark, ipinapark ko po kanina dun sa Traffic Enforcer na malapit sa inyo. Tapos po ay tumawag na ako ng tricycle para madala sa ospital tong si James." kwento pa nito.




.........................................................



"Ano pa ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jeck.




"Hinhintay ka magising, iniwan kasi ako dito ng ate lyn mo, nakiusap sya na bantayan daw kita, kasi may susunduin daw siya sa Cabuyao, kaso, 3 hours ago pa yon eh." sabi nito sakin.




"ahh, anong oras na ba?" tanong ko ulit.




"8 na po ng gabi James." sabi nito sakin.




"Oh, baka hinahanap ka na sa inyo, sige na, kaya ko na mag isa dito." pagtataboy ko dito.




"Okay lang, ang alam nila nasa training ako, 10 pa naman ako hahanpin sa bahay." sabi nito sabay bigay sakin ng matamis na ngiti.




"Hindi ka umatend ng training nyo?!" gulat kong sabi sa kanya.




"hindi" sabi nito sabay ngiti ulit. "Okay lang yun, para namang hindi mo ako kilala, I'm the best on my career james!" mahanging dugtong nito.




"Anlakas naman ng aircon, pakihinaan nga!" sabi ko.




Hindi ata niya nakuha ang ibig kong sabihin, lumapit ito sa aircon at hininaan nga ito.




"Okay na ba to?" tanong pa nitong seryoso sa akin.




Hindi ko naman napigilan ang aking pagtawa, uto uto din pala ang isang to! sabi ko sa aking isip.




"Bakit ka natawa?" sabi nito sakin at nagbigay ng nagtatakang tingin.




"Wala, ang ibig ko lang po kasing sabihin kanina ay ang hangin mo kasi, edi ikaw na ang magaling sa swimming!" sabi ko rito.




"ahh, hahaha, yun pala yun. sensya na, slow kasi ako." sabi nito.




"Kung anong binilis mag langoy, syang binagal ng isip." pabulong kong sabi sa aking sarili.




"Ano yun james?"




"Wala, baka hinahanap ka na po kasi sa inyo, hala, alis na. baka malaman pa ni Kely na nandito ka, masabihan pa akong bakla nun, or maissue pa tayo!"




"Wala naman ako pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh, ang mahalaga lang sakin ngayon ay ang maging close sayo." walang kaabog abog nitong sabi.




"huh? ano sinasabi mo Jeck?" at binigyan ko siya ng isang matalim na tingin.




"Wala, kasi ikaw nalang hindi ko kaclose sa barkada nyo..." sabi nito.




"ahh, buti na nagkakaliwanagan, ayokong maissue tulad ni.... ahhhh, just forget it!" sabi ko dito.




................................................................


"Ano, pagkatapos ng kuya nya, siya naman?!" hindi ko naiwasang maisantinig.




"Bakit, ano meron sa kuya ni Brent?" biglang may nagsalita na nanggagaling sa CR.




"S-Sino yan?" Natatakot kong sabi.




Tumawa ito ng malakas at lumabas sa CR sabay nagpakita sa akin.




"Langya ka Jeck! kanina ka pa nandyan? akala ko ba umuwi ka na?" nasabi ko nalang sa pagkagulat sa kanya.




"Hindi ako umuwi, baka kasi mamaya kung ano gawin sayo ng kumag na yun, kaya hindi kita iniwan." sagot nito sa akin sabay nagbigay ng matamis na ngiti.




"Jeck, kaibigan ko si Brent, kaya walang gagawin saking masama yon."




"Talaga? Kaibigan? o Ka-IBIGAN" may pagbibigay diin sa IBIGAN.




"Tigilan mo ako Jeck, kung gusto mong mapauwi na din, ipagpatuloy mo yang sinasabi mo!" inis kong sabi dito na tinawanan lang niya.




"Eto naman, hindi na mabiro, ang cute cute mo talaga pag nagagalit."




Sa sinabi nito ay ramdam kong umakyat ang aking dugo sa aking muka. James, ano ba nangyayari sayo? biglang sigaw ko sa aking isip.




Agad akong tumalikod sa kanya para hindi nito makita ang pamumula ng aking muka, ngunit huli na ang lahat.




"Bakit ka namumula?" sabi nito na tatawa tawa.




"Ewan ko sayo jeck, wag mo ako asarin dahil hindi ako natutuwa!" sigaw kong sabi sa kanya.




"Hindi natutuwa pero ang ngiti oh, kita ko mula dito."




ano ba james! tumigil ka! ano nanaman ba nangyayari sayo?! asar kong sigaw sa aking isip.




Pero kung anong pagtanggi ng aking isip ay siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso, waring gustong gusto ang mga nangyayari.




Nang maramdaman kong wala na ang aking pamumula, ay agad na akong humarap sa kanya at binigyan ito ng isang malademonyong tingin.




"Jeck, kung ayaw mong matulad kay Brent ang gagawin ko sayo, tigilan mo ako sa mga ganyan mo, siguro naman narinig mo ang sinabi ko kanina diba!" seryoso kong sabi dito




Naku, kunwari ka pa! kinikilig ka naman! agad kontra ng isang parte ng aking isip.




"Okay, sorry. Tatahimik nalang ako kahit iba nakikita ko sa mga reaksyon mo!" sabi nito sabay ngiti.




..............................................................


"a-ano ginagawa mo dito?" medyo may pagkagulat kong sabi ng makita ko ang taong ngayon ay nasa harap ko na at siya na ang nagsarado ng pinto pagkapasok nito.




"Narecieve ko ang txt ni ate Lyn, Tulog na ako nung makita ko ang txt nya, buti nalang nagising ako ng 2am, nagmadali na ako pumunta dito." sabi ni Jeck, may dala itong isang malaking bag na nike. "Bakit ka nakatayo? okay ka na ba?"




"Okay na ako, pwede ka na umuwi ulit." medyo mataray kong sabi, pero sa totoo lang ay natutuwa na ang aking dugo dahil sa pagkakita ko sa kanya.




"Kararating ko lang, papaalisin mo na agad ako, tsaka eto oh, dala ko na po gamit ko" sabay taas nito sa bag na hawak niya, "dito na sana ako manggaling papunta sa school mamaya eh, kaso, pinapaalis mo na ako." tampung dugtong pa nito.




Ako naman ay hindi na sumagot, dahil sa pinipigilan ko ang aking tawa sa mga pinapakita niya, para siyang batang pinalayas sa kanila, na ngayon ay wala ng mapuntahang iba kundi dito sa akin.




"Sige, dun nalang ako sa lobby magpapalipas ng oras" sabi nito sabay talikod sa akin at akmang bubuksan na ang pinto.




Agad ko naman itong pinigilan sa pamamagitan ng paghila ng kanyang braso, at sabay sabing "Hindi ka na mabiro, dito ka na!" natatawa kong sabi dito.




Nang marinig ang aking sinabi ay agad kong nasilayan ang kanyang mga ngiting animo'y nanalo sa huweteng, "Talaga? magpapaturo din kasi ako sayo eh, may quiz kasi kami mamaya, hehehe, okay lang ba?" nakangitong sabi.




"Oh xa, sige na, pero tahimik ka lang, natutulog kasi yung BANTAY KO!" sabi ko na may pagbibigay diin sa "Bantay Ko" na agad naman naming tinawanan.




Nagtungo na kami sa kinaroroonan ng kama, at ako naman ay pumwesto nang pahiga sa kama, habang si Jeck naman ay kinuha yung table na pang mga pasyente at inilatag duon ang kanyang mga libro at inilapit ito sa akin, siya naman ay umupo sa tabi ko matapos nyang gawin ang mga unang nasabi.




"ano bang ipapaturo mo?" may kahinaan kong sabi para hindi magising si Ate/Kuya ko.




"Algebra, yung algebraic equation lang, alam ko naman na magaling ka dito, si Pride of Laguna!" sabi nito.




"Pride of laguna ka dyan! matagal na yun!" sabi ko.




"oo nga, pero atleast diba, simulan na natin, hindi ko kasi magets to..." sabi nito.




may 2 oras oras ko din siyang tinuruan ng tungkol sa subject na sinabi niya, hindi siya ganoon katalino, napakaslow niya pagdating sa subject na ito, pero halata mong gustong gusto nitong matuto. Sa buong oras nang aking pagtuturo sa kanya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang ginagawa niya ang mga exercises na binibigay ko, lagi naman ako nitong nahuhuling nakatitig sa kanya, at sa tuwing mangyayari ito, lagi siyang magtatanong na "Bakit? may dumi ba sa muka ko?" sabay tatawa ng pigil para hindi magising si Ate Lyn.




"james, wait lang ah, magbibihis lang ako sa CR, 6 na, baka malate ako sa 1st subject ko."sabi nito sabay tungo sa CR.




Wag ko kaya siya paalisin? papayag kaya siya? hehehe, joke, mag aral siya! may quiz siya eh, tapos papaabsenin ko, tsaka, baka kung ano na isipin nila mommy at daddy pag nakita nanaman siya dito, buti na yung nag iingat. sabi ko sa aking isip at hindi ko napigilang hindi mapangiti. Sa mga oras na ito, alam kong may bumubukas na pintuan sa akin para kay Jeck, pero dapat ko itong pigilan, para na din sa aking ikabubuti, ayokong maging bading kailan pa man, pero bakit ganito, waaah, hindi dapat, and at the same time, kakikilala ko lang sa kanya kahapon, malay ko ba kung ano talaga intensyon neto! pigilan mo james.




"Bakit ka tulala dyan?" pambasag ni Jeck sa aking pagiisip, kanina pa pala ito tapos mag bihis, amoy na amoy ko ang RL niyang pabango, kung hindi ako nagkakamali. shet, ambango! nasabi ko agad sa aking isip.




"Aalis na ako james, balik nalang ako mamaya, iwan ko muna yung isang bag ko ah, nandun yung mga pang training ko mamaya. Pagaling ka James." Sabi pa nito, at nagbigay nanaman ng ngiti.




"sige na, baka malate ka pa, ingat ka jeck!" sabi ko dito, at si jeck nga ay hindi na nag-atubili pa, at ito ay umalis na sa kwarto.



....................................



"Anong ginagawa mo pa dito?" asik ko dito, "Kanina pa kayo umalis ni Kely ah?"




"Bumalik ako after an hour, kaso tulog ka naman, kaya nagaral nalang ako dito, luckily, i finished them all." sabi nito at nagbigay sakin ng isang napakatamis na ngiti.




"oh, tapos ka na pala mag aral eh, ginawa mo pang library tong ospital, makakauwi ka na!" mataray kong sabi dito.




"kanina po ay nandito sila tita, sabi, bantayan daw muna kita, pinakuha na din po ako ng gamit ko para dito na din daw po muna ako matulog, bukas po kasi ay hindi ka masusundo nila tita, kaya ako daw muna ang maghatid sayo sa inyo, at..."




"Teka, may pasok ka bukas ah!" putol ko sa sasabihin niya.




"oo nga, meron nga po, pero si mommy mo na daw ang bahala sa excuse letter ko, kaya pwede ako mag absent." tatawa tawang sabi nito.




"Umuwi ka na, diba hanggang 10 ka lang dahil hanggang 10 lang naman ang training nyo, baka mapagalitan ka ng mommy mo!"




"Nagpaalam na ako kay mama, sabi ko may mahalagang tao lang akong babantayan sa ospital." medyo nahihiya nitong sabi na sinamahan pa niya ng pagpadyak padyak ng paa at tingin sa malayo.




"mahalaga?" medyo gulat kong sabi




"opo, mahalaga." mahina pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.




Sa sinabi nito'y hindi na ako nakaamik, may kung anong tuwa ang naramdaman ko sa aking sarili, pero sa kabilang banda naman ay may kung ano din na pumipigil sa akin para matuwa sa mga itinuran ni Jeck, hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanya, o hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga ipinapakita nya, pero hindi pa talaga ako handang magmahal muli. 




go with the flow! yan ang unang unang pumasok sa isip ko sa katahimikang namuo sa pagitan naming dalawa ni Jeck.




"Pano mo nasabing mahalaga?" hindi ko naiwasang maisantinig.




"ah. eh. special ka naman eh." sabi tingin nito sakin, "Special Child" biro nito sabay tawa!




"ahh, ganon! hintayin mong lumabas ako dito sa ospital! naku naku!" sabi ko sabay napatawa na din.




"bakit? ano gagawin mo sakin?" nakangiti pa ding sabi nito.




"malalaman mo bukas!" asar kong wika dito, alam ko kasing puro biro nanaman ang lalabas sa bibig nito.




"Hai naku james, mag aral ka nalang, ito dinisscuss ng class nyo kanina oh." sabay abot sakin ng pinaphoto copy nyang notes ni Kely.




"Salamat" Maikli kong sabi dito.




"iwan muna kita, bibili lang ako ng pagkain natin, hindi mo magugustuhan rasyon ng ospital." sabi nito.




"bakit? ano ba pagkain?"




"walang lasang sabaw plus galunggong na hindi mo alam kung kahapon pa ba niluto." tatawa tawang sabi nito.




"hai nako, kemahal mahal ng bayad dito! tapos, yun lang iseserve nila, teka lang, kuha ako pera para pambili ng pagkain natin, nakakahiya naman sayo, ikaw na nagbabantay, ikaw pa ang gagastos." sabi ko at tatayo na sana ako pero agad niya akong pinigilan.




"Wag na james, gusto ko tong ginagawa ko, kaya hayaan mo lang ako." si Brent na nakatitig sa aking mga mata na para bang may iba pang gustong sabihin.




"oo na, sige na! bitawan mo na ako, bumili ka na at magaaral pa ako." sabi ko dito na nagpupumiglas pa, pero nakangiti pa din.




"eh bakit ka namumula?" biglang tanong nito sakin sabay ngiti.




"Hindi ah!"




"hindi daw oh, kitang kita na ebidensiya oh, wag na magsinungaling!"




"Wag mo na kasing pansinin! kasalanan mo to eh!" hindi ko napigilang masabi sa kanya.




"ahh, so ibig sabihin ako pala ang dahilan nyan" sabi nito sabay turo sa aking pisngi.




Sa itinuran nito ay hindi ako nakapagsalita, bagkus ay tumalikod nalang ako sa kanya at nagtakip ng unan.




"hahaha, si James, namumula, dahil sakin, isa lang ibigsabihin nyan!" may pangaasar nang wika nito




"Tigilan mo ako jeck! bumili ka na sabi ng pagkain natin eh! gutom na ako!"




"opo mahal ako, este, boss pala" natatawa tawa pa din nitong sabi.




.............................................


James, aral ka mabuti ha, alam ko namang matalino ka, at alam ko din na kayang kaya mong ipasa ang exams mo, nandito lang ako palagi sa tabi mo. -Jeck-


..............................................


"oo naman, namiss ko na ang class noh, tagal ko nawala, mahirap din pala kapag lagi ka wala sa klase." sagot ko ditong nakangiti.




"basta pag may problema ka ah, punta ka lang sa room ko, alam mo naman section ko diba?"




"Wag na, alam ko naman kung saan ako lulugar sa class and alam ko din na hindi ako kaya ng mga kaklase ko. Tsaka wala naman sakin mangaaway dun, takot nalang nila dito oh" sabay flex ng biseps kahit wala naman na tinugon naman nito ng malakas na tawa.




..............................................


"A.anong meron dito ma?" tanong ko nang makalapit sakin si mommy.




"Alam ko namang namiss mo ang mga paborito mong ulam, kaya eto, pinagluto ka ng daddy mo" si mommy




"huh? ah. eh, salamat ma" sabay kiss kay mommy




"wag ka samin magpasalamat james, jan sa kasama mo, siya ang nagplano ng lahat ng to, kinuntsaba lang kami nyang kaibigan mo." si daddy, biglang sumingit sa kawalan.




Agad naman ako napalingon kay Jeck at ngingiti ngiti lang itong nakatingin sa akin.




..............................................




"Love as if it is your first time, Be true to your partner, and Accept him/her for who he/she is."



.............................................



............present...................





Hindi ko alam kung kwan, pero sa huling nagflashback sa akin ay nagising ang aking ulirat, bigla kong naalala si Jeck, agad akong bumaba sa kung saan ko huling iniwan si Jeck, pero hindi ko na siya nakita pa doon, hinanap ko siya sa buong bahay, ngunit hindi ko siya nakita, hindi ko alam, pero parang nangulila ako bigla sa kanya.




Nang biglang may narinig akong tumatawa sa ilalim ng hagdan kung nasaan ang aming mga lumang gamit, napansin kong may awang ito kaya napagtanto ko na nandoon si Jeck...




...Itutuloy...

5 comments:

  1. ang haba ng flashback! lol

    ala! inamin na niya!

    RJ yohooooo! where are you? Jeck is now on his 1st base!

    :)

    TumugonBurahin
  2. oo nga ang haba ng flashback.. heheh tinatamad mag type?? heheh
    kay LEA nalang ako.. GO lea.. balik kana kc..
    parang ang yabang naman ni jeck. hahah mas ok pa ata c brent kesa kay jeck.. pero c brent pa din ang nag kalat ng video..

    TumugonBurahin
  3. Finally.. nagtapat na si kuya Jeck ..

    ayyyiiieee .. AMININ .. KINILIG siya .. CHOS! XD
    parang anHIRAP naman kasi pigilan ng nararamdaman mo pag andun ka na sa sitwasyon ee .. grabe ..
    parang ang sarap mag 'go with the flow' .. ahehehe!

    basta .. sobra akong kinilig at nalungkot sa bandang huli .. at natawa ulit dahil sa kalokohan ni kuya Jeck .. ahahha!

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin
  4. oi jc, ur so artemuch! tulak ng bibig, kabig ng dibdib lng yn! hahaha

    nku jeck, akin k n nga lng! wala kming yaya ni didoko! wag k ng magapply dhil tanggap k n agd!!! hihihi

    jc, bleeeeeeeeh! naisahan k ni jeck! hihihihi


    -drew<3mak

    TumugonBurahin