Subscribe:

Huwebes, Pebrero 23, 2012

Can it be Love (Part 07)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com




Nick, Makki, Ramy from qatar and Hansen, thanks sa comments po, pasensya na kung palaging nadedelay, lagi lang talagang busy sa work, sana nageenjoy pa din kayo sa pagread ng story ko, and sana dun sa mga silent readers, magcomment na din kayo, para naman maramdaman ko din support nyo sa story ko, hehehe thanks po ng madami and God Bless.









"James, ready ka na bukas pumasok?" Si Jeck habang nakasakay kami sa tricycle pauwi sa amin.




Binantayan lang ako ni Jeck kagabi hanggang kaninang umaga, hindi na kami nakatulog dahil excited na akong lumabas ng ospital, hindi naman niya ako iniwan, nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan tungkol sa buhay namin, doon ko nalaman na 4 silang magkakapatid, 3 sila sa unang asawa ng mama nya at isa sa pangalawang asawa.




Samantalang ang kanyang ama naman ay isang drug adict kaya hiniwalayan ng kanyang mama, bunso siya sa unang asawa ng mama niya, ang panganay ay may trabaho na, at ang ate naman niya ay kakadebut lamang nung isang taon.




Nalaman ko din na naka 5 girlfriends na siya, lahat ay seryoso siya, pero iniwan din siya sa huli, dahil hindi naman daw siya mahal ng mga ito at ang gusto lang daw ay ang kanyang katawan.




"oo naman, namiss ko na ang class noh, tagal ko nawala, mahirap din pala kapag lagi ka wala sa klase." sagot ko ditong nakangiti.




"basta pag may problema ka ah, punta ka lang sa room ko, alam mo naman section ko diba?"




"Wag na, alam ko naman kung saan ako lulugar sa class and alam ko din na hindi ako kaya ng mga kaklase ko. Tsaka wala naman sakin mangaaway dun, takot nalang nila dito oh" sabay flex ng biseps kahit wala naman na tinugon naman nito ng malakas na tawa.




Nakarating din kami agad sa bahay, hindi ako pinagbuhat ni Jeck ng aking mga gamit, bagkus, siya na ang nagbuhat nito, pinapasok niya na lamang ako sa aming bahay.




"SURPRISE!!!!" Biglang sigaw ng mga tao sa loob ng bahay ng makapagbukas ako ng pinto.




Ako naman ay naestatwa nalang sa aking nakita, nagulat ako dahil napaka daming pagkain na nakahanda sa hapag at lahat ito ay paborito ko pa. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong si Jeck ay tatawa tawa sa aking reaksyon.




"A.anong meron dito ma?" tanong ko nang makalapit sakin si mommy.




"Alam ko namang namiss mo ang mga paborito mong ulam, kaya eto, pinagluto ka ng daddy mo" si mommy




"huh? ah. eh, salamat ma" sabay kiss kay mommy




"wag ka samin magpasalamat james, jan sa kasama mo, siya ang nagplano ng lahat ng to, kinuntsaba lang kami nyang kaibigan mo." si daddy, biglang sumingit sa kawalan.




Agad naman ako napalingon kay Jeck at ngingiti ngiti lang itong nakatingin sa akin.




"Oh hala, kain na, alam kong gutom ka na!" si daddy, "Jeck, sabayan mo na tong kaibigan mo, alam ko namang gutom ka na din sa pagbabantay dyan sa kaibigan mo." baling nito kay Jeck.




"opo, sige po, lapag ko lang tong mga gamit ni james, susunod na po ako." si Jeck




"wag na, ipaubaya mo na yan kay Ate Nina iwan mo na yan diyan." si daddy ulit.




"Hoi, kumag, hindi ka ba kikiss sa ate?" biglang singit ni ate lyn, hindi ko siya napansin kanina nang pumasok ako sa bahay.




"oh, andyan ka pala?" gulat kong sabi dito.




"Kanina pa po, nandyan din si Kaye, kanina ka pa hinihintay, may pasalubong sayo." si Ate Lyn.




Si ate Kaye ay ang girlfriend ng ate/kuya ko, sexy siya, masasabi mong susyal dahil sa pananamit niya, pero sobrang kalog, lalu na kung lagi mong nakakasama, makinis ang kanyang muka, matangos ang ilong, ang mga mata ay bumabagay sa kanyang muka, at ang tindig niya ay mala model, alam na alam mo na galing siya sa mayamang pamilya dahil sa kanyang pananamit.




"Asan si ate Kaye?" tanong ko kay ate Lyn matapos kong humalik sa kanyang pisngi.




"Andun sa sala, puntahan mo nalang, kanina ka pa hinihintay nun." sabi nito sakin.




Agad nga akong pumunta kay Ate Kaye, nakadress ito na pencil style na talaga namang bumagay sa kanyang tindig. "Ate kaye!" sigaw ko dito na parang batang tumatakbo papunta sa kanya.




"oh bunso, kamusta na pakiramdam mo?" si Ate Kaye.




"Okay na po ate kaye, asan bubong ni james?" bata bataan kong sabi dito.




"oh, eto oh, ingatan mo to huh, binili ko pa yan sa italy 3 weeks ago." si Ate Kaye, sabay abot sakin ng isang paper bag.




Agad kong tiningnan ang laman ng paperbag na inabot sa akin ni Ate Kaye at nakita ko ang isang frame, agad kong tiningnan ang laman ng frame at nakita ko ang isang quatation "Love as if it is your first time, Be true to your partner, and Accept him/her for who he/she is."




Hindi ko naintindihan kung anong gustong iparating ni Ate Kaye sa akin dito, kaya ibinalik ko nalang sa paper bag ang frame, sabay yakap sa kanya at sabing "Thank you ate Kaye" sabay kiss sa pisngi nito. "Tara, kain na tayo, dami pagkain niluto ni daddy." aya ko dito.




"Sige bunso, kain na tayo, kanina ka pa din namin hinihintay eh. Gutom na nga ako eh oh." si Ate Kaye




Agad na kaming pumunta sa Dinning Area kung saan nandoon ang mga pagkain, at nakita ko naman silang lahat na naghihintay na sa amin ni Ate Kaye, hindi talaga nila sinimulang kumain ng wala kami ni Ate Kaye.




"Tara na, kain na tayo, gutom na ako!" si Jeck na halatang excited na kumain.




"Ano? Excited ka?" pambabara ko dito na siya namang tinawanan ng aking kapamilya.




Agad na nga kaming nagdasal para kumain at pgakatapos nito ay sinimulan na namin ang aming pagkain, Merong adobo, Kare-kare, Laing, Pastel, Menudo at Caldereta na talaga namang paburitong paburito ko.





Madaming kwentuhan ang naganap sa gitna ng hapag kainan, puro kulitan naming mga bata, ang iba naman  ay lambingan ni daddy at si mommy, o di kaya ay si Ate Lyn at Ate Kaye. Habang kami naman ni Jeck ay puro kain nalang ang inaatupag. Hindi naman namin namalayan na nakatingin na samin si Ate Lyn at Ate Kate habang nagbubulungan, napansin ko lamang ito ng akmang ipapaabot ko sana ang adobo kay Ate Lyn.




"Tigilan nyo yang pagbubulungan nyong yan! Naiinis ako!" asik ko sa mga ito.




"Feeling mo naman ikaw ang pinaguusapan namin?" sa nangaasar na tono ni ate Lyn.




"Sino pa nga ba? eh sakin kayo nakatingin!"




"napaka great observer mo talaga!" Si ate Lyn sa nagaasar pa din nitong tono.




"Hala! paabot nalang nung adobo! at andami ko pang gutom." asar kong wika dito.






Natapos na nga ang aming kainan, si Mommy at si Daddy ay agad ng umalis sa bahay, madami pa daw kasi silang aasikasuhin sa office. Ang natira nalang sa bahay ay ako, si ate Lyn, si Ate Kaye, si Jeck at si Ate Nina (ang tita ko na nagsilbing tiga laba at tiga plantsa ng aming mga damit na sa tuwing may okasyon ay lagi din ipinapatawag ni Mommy para daw may katulong siya sa paglilinis, wala kasi kami talagang katulong, sinanay kami ni mommy at ni daddy na sanay sa gawaing bahay.)




"Ate Lyn, magpapahhinga muna ako, wala pa akong tulog dahil dyan kay Jeck!" paalam ko kay ate Lyn.




"Hoi, anong kasalanan ko? ikaw kaya dyan ang hindi nagpatulog sakin!" biglang singit ni Jeck.




"Eh kinwento mo ako ng kinwento eh, kaya kasalanan mo! umuwi ka na nga, para makapagpahinga ka din!" mataray kong sabi dito.




"Hindi pa siya uuwi James, dito siya matutulog ngayong gabi, as per request of daddy, dahil hindi nanaman sila dito magstay, ako naman ay paluwas na din kami ni Ate Kaye mo mamaya sa sa Manila, dahil namiss ko nanaman ang class ko ngayong araw na to, baka madrop na ako sa mga class ko. Sabay na kayo ni Jeck pumasok bukas." Mhabang paliwanag ni ate Lyn.




Agad naman akong lumingon sa kinaroroonan ni Jeck at nakita ko itong tatawa tawa sa sinabi ni ate Lyn.




"Saan siya matutulog?" hindi ko naiwasang maitanong kay Ate Lyn.




"Sa kwarto mo, your room is big enough para sa inyong dalawa ni Jeck, at anlaki laki ng kama mo, you can share it with Jeck!" sabi ni Ate Lyn.




"Whaaaaaaaat???!!!!!!"




"May pawhat what ka pa dyan. Alam ko namang gusto mo din!" nangaasar na wika ni Jeck.




"Hoi, Jeck, Tigilan mo ako! Umuwi ka nalang at kaya ko naman mag-isa dito sa bahay!"




"Magagalit sakin si daddy mo, kaya hindi pwede." Si Jeck




"Magrerequest nalang ako kay ate Nina na dito nalang matulog."




"James, hindi ako pwede ngayon, pupunta ako kay tiya anita mamaya at kailangan daw ng makakasama mamaya ng matanda." Biglang singit ni Ate Nina sa kawalan.




"That leaves you no choice James!" si Ate Kaye naman, na sinamahan pa ng malakas na tawa.




Agad na nga akong tumayo at nagasar asaran sa itinuran nilang lahat. "BAHALA NGA KAYO DYAN! PINAGTUTULUNGAN NYO KO!" asik ko sa mga ito at umakyat na sa aking kwarto.




...itutuloy...




Guys, pasensya na po kung laging late ang updates, lagi lang talagang busy, hope you understand guys, isinisingit ko lang po sa free time ko ang paggawa nito at pag uupdate dito. Thanks po. And Please Leave your Comments guys.

6 comments:

  1. RJ pa rin ako.. hahahaha..

    hmmm.. mukhang seryoso itong si Jeck ah.. may pagka sweet naman siya.. may pagka maalahanin.. hmm...

    aabangan ko na lang ang kasunod.. looking forward sa muling pagbabalik ni RJ..

    TumugonBurahin
  2. talaga namang pinagtulungan ka ng ate / kuya mo..... ha ha ha... pano yan james jan sleep si jeck at tabi pa kayong dalawa...... sure naman na may gusto sa u si jeck... kita naman sa mga kilos nya ikaw ba naman na bantayan sa ospital para maalagaan ka nya...

    ramy from qatar

    TumugonBurahin
  3. NO! RJ parin ako!
    -hansen

    TumugonBurahin
  4. haist,, ayan.. naku.. tagal ni lea.. lea balik kana nga..

    TumugonBurahin
  5. panalo k jeck! kaw n tlga ang bet(log) ko!!! wag k dyn ky james, kkainis yn!!!! peace po hihihi

    oi james! lam k yng gnyng arte!!! arte ng ayaw-ayawan pro deep inside, kilig to the bones!!!! bwaahaaaaaahaaaaaa

    jc, im back!!! hihihi

    -werd-

    TumugonBurahin
  6. Welcome Back kuya james :)

    ahahahah!
    kakatuwa reactions ni kuya James .. tahahaha XD

    ayyyyiiieeee! kayo lang magkasama ni kuya Jeck sa bahay niyo at sa kwarto mopa mismo .. ayyyyiiie!

    LIKE na LIKE ko talaga si kuya Jeck .. hehe!
    ikaw na ang may ka-MU .. hehe!
    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin