By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspto.com
Salamay po kay Makki, Nick and Ramy from Qatar sa pagcomment, please, keep the comments coming, para masaya, hehehe.
"James, kelan ka lalabas dito? 2 weeks ka na wala sa school ah, miss ka na nila Mrs. Vergara." Sabi ni Mena.
May 2 linggo na din ang nakakalipas nang ako ay maospital, ang Ate Lyn naman ay bumalik na ng maynila para ituloy ang kanyang pagaaral matapos magbantay sa akin ng 3 gabi. Ang nanay at tatay ko naman ay busy na palagi sa trabaho, and guess what, Si Jeck ang palaging nagbabantay sa akin dito sa ospital.
Kinukuha ni Jeck ang mga notes ni Kely, at pinapaphotocopy ito sa labas ng school bago bumalik sa ospital, para naman ibigay sa akin ang mga notes, para daw hindi ko mamiss ang mga dinidisscuss sa araw araw, awa ng Diyos ay nakakacoup up pa ako sa mga pang yayari sa school at sa mga studies ko, thanks to Jeck.
Si Brent naman ay hindi na muna muling nagpakita sakin sa ospital, marahil ay tampo ito sa akin sa ginawa ko sa kanya noong huling pagkikita namin, habang si RJ naman daw ay nakarating na sa Canada, nasabi sakin ni tita Lali noong dumlaw sila dito noong isang araw.
Ang Dengue ko naman ay nawala na ayon sa doctor ko, pero under observation pa daw ako for 24 hours, kaya kailangan kong maglagi dito sa ospital hanggang bukas ng umaga, pero maaari na daw ako pumasok sa school kinabukasan.
"Bukas ata lalabas na ako, miss ko na school eh." sabi ko naman at binigyan sila ng isang masayang ngiti.
"Andami mo namiss sa class pare! Pano ka makakabawi nyan? sa thursday, Quarterly Test na natin." si Mike.
Imbis na sagutin si Jeck ay binigyan ko nalang ito ng nakakalokong ngiti, Hindi pala alam ng mga kumag na dinadala dito ni Jeck ang mga notes ni Kely, tatawa tawa kong sabi sa aking utak.
"Oh xa, eto, reviewhin mo muna, para naman makapag exam ka naman ng ayos sa Thursday." Si Charmaine naman sabay lahad ng kanyang notebook sakin.
"Wag na, wag na, magreview nalang kayo, kaya ko na yan." ngingiti ngiti ko pa ding pag tanggi sa offer ni Charmaine.
"Hala, hindi mo naman alam mga dinidisscuss sa classroom ah?" si Joan
"Okay nga lang ako, promise, aral nalang kayo, lalo ka na Joan, Top 1 ka pa naman sa class."
"Bahala ka nga! ikaw na inaalala jan eh! ayaw mo pa." inis na wika ni Mena na nginitian ko lamang.
*tok*tok*tok*
"Tol, may bisita ka?" tanong ni Mike.
"Ewan ko, baka nurse lang yan, iminomonitor pa din kasi nila yung dugo ko, paki pabuksan nalang tol." sabi ko na agad namang sinunod ni Mike.
Laking gulat ng lahat ng iniluwa ng pintuan si Jeck at sabay sabay silang bumaling sa akin sabay bigay ng nagtatakang tingin.
"Bakit?" Tanong ko na ngingiti ngiti pa din.
Pero wala sa kanilang sumagot ng tanong ko, bagkus ay ipinagpatuloy lamang nila ang pagtitig sa akin na wari mo'y nagtatanong. Ako naman ay hindi makahanap ng salita para sabihin sa kanilang si Jeck ang nagbabantay sa akin.
"Ngayon lang ako dumalaw, nabalitaan ko kasi na nadengue si James, pasensya na, nakaabala ata ako sa inyo. Balik nalang ako mamaya" Pagbasag ni Jeck sa namuong katahimikan.
Thanks Jeck sabi ko sa isip ko.
"Wag na Jeck, dito ka nalang, nandito naman ako." Si Kely na lumapit kay Jeck sabay pulupot sa mga bisig nito.
Natawa naman ang aking mga kabarkada sa ginawa ni Kely habang ako ay nanahimik habang nakatitig sa ginawa ni Kely kay Jeck.
"James, sure ka ba na hindi mo na hihiramin yung mga notes namin?" si Mena
"Hindi na, sa libro nalang ako magbase, kaya ko na yan. Tsaka kailangan nyo din mag aral noh, kaya ko na to." Sabi ko
"Osige, aalis na muna ako, ewan ko sila, madami pa akong aaralin, kailangan magbawi ngayong quarter eh." sabi nito sabay bumaling sa mga kabarkada ko, "Guys, una na ko, wala bang sasabay sa inyo?"
"Ako, sabay na ko, magaaral pa din ako eh." si Mike.
"Ako din." si Charmaine.
"Iiwan nyo ba ko?" si Joan.
"Wala na magbabantay kay James, dapat may maiwan dito kahit isa." Si Mike ulit
"Hindi na guys, kaya ko na mag-isa dito. Ilang weeks na din naman ako nagiisa dito, kaya ko na to." sabi ko sabay bigay ng ngiti.
"Hindi, kami ni Jeck, magstay muna kami, para naman makasama ko tong si Jeck ko." si Kely
"yun naman pala eh, may maiiwan na, alis na kami James" si Mena, "Oi Kely, ospital to ha! hindi motel!" baling nito kay Kely na tinawanan naman ng lahat, maging ako ay napatawa na din sa sinabi ni Mena.
Ilang oras na din ang nakakalipas ng makaalis sila Joan sa aking kwarto, habang si Kely ay mariin pa ding nilalandi si Jeck, ako ay nanuod nalang ng TV, si Jeck naman ay tahimik lamang, sa mga commercials sa TV ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa, Si Jeck ay nakatitig lamang sa akin at sa tuwing magtatama ang aming mga mata ay mabilis kong ibinabaling sa iba ang aking paningin.
dito pa yata maglalampungan tong dalawang to ah! inis kong sabi sa aking isp.
Maya-maya'y narinig ko si Kely na nagsalita, "Jeck, uwi na tayo, kaya naman na ni James mag isa dito."
"Una ka na, hindi pa nga kami nagkakausap ni pareng James eh." sabi ni Jeck
"Magaaral ka pa din ah." parang batang sabi ni Kely na sa palagay ko'y nagtatampu tampuhan. Pero hindi ko pa din sila nilingon
"Dala ko naman gamit ko, dito na ako magaaral, nakakaawa si James oh, walang kasama dito."
"Wag na Jeck, kaya ko na magisa dito." matigas kong sabi kay Jeck.
Binigyan lamang ako nito ng isang masamang tingin at binalikan ko din siya ng ganoong tingin, ayokong maghinala si Kely sa amin ni Jeck, mabilis kumalat ang chismis sa school, kaya hangga't kayang mag ingat, dapat mag ingat.
"Una na kami James huh, pasensya na, kailangan na din kasi mag aral, malapit na ang quarterly exams." Si Kely na ang nagbasag ng katahimikang namuo matapos kaming magtitigan ni Jeck ng masama. "Tara na Jeck, alis na tayo." baling nito kay Jeck. "James, una na kami huh, ingat ka dito, if you need something, txt ka lang okay?"
"Sige sige kely, salamat."
At agad na nga silang umalis ng kwarto, samantalang si Jeck ay hindi na nagpaalam sa akin, siguro ay masama ang loob, pero hahayaan ko nalang siya.
Ako naman ay naisipang matulog nalang muna nang makapag pahinga na din sa panggugulong ginawa sa akin ng aking mga kabarkada sa ospital.
Onting oras nalang james, makakalabas ka na din dito, onting tiis nalang. sabi ko sa aking sarili bago makatulog.
10pm na nang ako'y magising mula sa mahimbing na pagkakatulog, iginala ko ang aking mata at agad kong nakita ang isang lalaki sa aking kwarto.
"Anong ginagawa mo pa dito?" asik ko dito, "Kanina pa kayo umalis ni Kely ah?"
"Bumalik ako after an hour, kaso tulog ka naman, kaya nagaral nalang ako dito, luckily, i finished them all." sabi nito at nagbigay sakin ng isang napakatamis na ngiti.
"oh, tapos ka na pala mag aral eh, ginawa mo pang library tong ospital, makakauwi ka na!" mataray kong sabi dito.
"kanina po ay nandito sila tita, sabi, bantayan daw muna kita, pinakuha na din po ako ng gamit ko para dito na din daw po muna ako matulog, bukas po kasi ay hindi ka masusundo nila tita, kaya ako daw muna ang maghatid sayo sa inyo, at..."
"Teka, may pasok ka bukas ah!" putol ko sa sasabihin niya.
"oo nga, meron nga po, pero si mommy mo na daw ang bahala sa excuse letter ko, kaya pwede ako mag absent." tatawa tawang sabi nito.
"Umuwi ka na, diba hanggang 10 ka lang dahil hanggang 10 lang naman ang training nyo, baka mapagalitan ka ng mommy mo!"
"Nagpaalam na ako kay mama, sabi ko may mahalagang tao lang akong babantayan sa ospital." medyo nahihiya nitong sabi na sinamahan pa niya ng pagpadyak padyak ng paa at tingin sa malayo.
"mahalaga?" medyo gulat kong sabi
"opo, mahalaga." mahina pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.
Sa sinabi nito'y hindi na ako nakaamik, may kung anong tuwa ang naramdaman ko sa aking sarili, pero sa kabilang banda naman ay may kung ano din na pumipigil sa akin para matuwa sa mga itinuran ni Jeck, hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanya, o hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga ipinapakita nya, pero hindi pa talaga ako handang magmahal muli.
go with the flow! yan ang unang unang pumasok sa isip ko sa katahimikang namuo sa pagitan naming dalawa ni Jeck.
"Pano mo nasabing mahalaga?" hindi ko naiwasang maisantinig.
"ah. eh. special ka naman eh." sabi tingin nito sakin, "Special Child" biro nito sabay tawa!
"ahh, ganon! hintayin mong lumabas ako dito sa ospital! naku naku!" sabi ko sabay napatawa na din.
"bakit? ano gagawin mo sakin?" nakangiti pa ding sabi nito.
"malalaman mo bukas!" asar kong wika dito, alam ko kasing puro biro nanaman ang lalabas sa bibig nito.
"Hai naku james, mag aral ka nalang, ito dinisscuss ng class nyo kanina oh." sabay abot sakin ng pinaphoto copy nyang notes ni Kely.
"Salamat" Maikli kong sabi dito.
"iwan muna kita, bibili lang ako ng pagkain natin, hindi mo magugustuhan rasyon ng ospital." sabi nito.
"bakit? ano ba pagkain?"
"walang lasang sabaw plus galunggong na hindi mo alam kung kahapon pa ba niluto." tatawa tawang sabi nito.
"hai nako, kemahal mahal ng bayad dito! tapos, yun lang iseserve nila, teka lang, kuha ako pera para pambili ng pagkain natin, nakakahiya naman sayo, ikaw na nagbabantay, ikaw pa ang gagastos." sabi ko at tatayo na sana ako pero agad niya akong pinigilan.
"Wag na james, gusto ko tong ginagawa ko, kaya hayaan mo lang ako." si Brent na nakatitig sa aking mga mata na para bang may iba pang gustong sabihin.
"oo na, sige na! bitawan mo na ako, bumili ka na at magaaral pa ako." sabi ko dito na nagpupumiglas pa, pero nakangiti pa din.
"eh bakit ka namumula?" biglang tanong nito sakin sabay ngiti.
"Hindi ah!"
"hindi daw oh, kitang kita na ebidensiya oh, wag na magsinungaling!"
"Wag mo na kasing pansinin! kasalanan mo to eh!" hindi ko napigilang masabi sa kanya.
"ahh, so ibig sabihin ako pala ang dahilan nyan" sabi nito sabay turo sa aking pisngi.
Sa itinuran nito ay hindi ako nakapagsalita, bagkus ay tumalikod nalang ako sa kanya at nagtakip ng unan.
"hahaha, si James, namumula, dahil sakin, isa lang ibigsabihin nyan!" may pangaasar nang wika nito
"Tigilan mo ako jeck! bumili ka na sabi ng pagkain natin eh! gutom na ako!"
"opo mahal ako, este, boss pala" natatawa tawa pa din nitong sabi.
Agad naman akong napangiti sa sinabi niya pero nakataklob pa din ng unan ang aking muka para hindi nya makita ang reaksyon ko sa mga sinasabi niya, alam kong namumula na nung wagas ang aking mga pisngi dahil ramdam kong medyo kumakapal na ito at nagiinit.
Maya maya'y narinig ko nang sumara ang pintuan na palatandaan kong umalis na nga ito sa kwarto, agad kong kinuha ang mga photo copy na inabot nya sakin. Binasa ko ito agad at pinagaralan.
Nasa ganoong lagay ako ng may mapansin akong nakasulat sa likurang bahagi ng unang pahina nang photo copy, alam kong hindi ito bahagi ng pinaphotocopy niya dahil nakabakat pa ang sulat nito sa harapan.
Ganda magsulat ah hindi ko naiwasang masabi sa aking sarili ng tingnan ko ito.
James, aral ka mabuti ha, alam ko namang matalino ka, at alam ko din na kayang kaya mong ipasa ang exams mo, nandito lang ako palagi sa tabi mo. -Jeck-
Yan ang mga nakasulat sa likurang bahagi ng unang pahina, sa nabasa ko aya agad naman akong natuwa at napingiti, biglang bumilis ang tibok ng aking puso na animo'y gustong gusto ang nabasa.
...itutuloy...
ur back... welcome bak james hehe... sobrang busy mo ah. buti at nakapag update kapa.. anyway.. yngat nalang lage ah.. cgeh puh,, antayin kita hehehe...
TumugonBurahinnga pla.. kilala mo ba ko? hehe :)
ay hala! mukhang nagpaparamdam na itong si Jeck ah! Thoughtful and sweet itong si Jeck ah! ang tanong lang eh is that for real?! ( may kutob akong kakaiba kay Jeckz eh1 hmmm..)
TumugonBurahinRJ!!!!!!!! NASAAN KA NA?! nauungusan kana ni Jeckz oh! sige ka! pagsisihihan mo talaga ito! hahahaha
Bumalik ka na ksi! hmf! LOL
wow so sincere and concern talaga si jeck kay james...naku james malapit nang mahulog ang loob mo sa kanya... pero pano naman si rj....
TumugonBurahinramy from qatar
ayaw ko! RJ where kna ba!!!
TumugonBurahin-hansen
WOOOOOOOOOOH! kakakiligggggg! grabe ..
TumugonBurahininhale .. exhale ..
inhale ... exhale ..
kakatuwa reaksyon ni kuya James .. ahahaha!
kayo na ang TUNAY na nagkakamabutihan .. XD ;)
at wala namang kaalam-alam ang mga kaklasmate niya including those running for honors .. Joan at Mike ..
kakairita yung Joan .. anYABANG nya lang ..
pag ikaw naungusan ni kuya james .. matutuwa talaga ako ng bonggang-bongga .. LOLz
Thanks kuya JC ~