Subscribe:

Martes, Pebrero 14, 2012

Can it be Love (Part 05)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com



Makki, Ramy from Qatar, TaongPinaasaMo, Anon, and Nick, salamat sa comments guys, Happy Valentines sa lahat, even sa mga silent readers, thanks for supporting my updates, and please, kung magagawan po ninyo ng paraan, sana makapagcomment po kayo, hehehe. Again, Happy Valentines, God Bless you all.









"Ate Lyn, a-anong nangya-yari?" medyo nabubulol kong sabi. "B-bakit ka umiiyak?"




"Walangya ka! pinakaba mo ko! Nagseizure kang bata ka!" sagot  ni ate lyn.




"Ano yung seizure ate? wag ka na umiyak, okay naman na ang pakiramdam ko." pagaalo ko dito.




"Anong okay ka dyan! kung hindi ako dumating kanina, malamang hindi ka na namin kasama!" medyo mataray na sabi ni ate lyn, at kasabay nito'y ang kanyang pagluha




Tumahimik nalamang ako at nakiramdam kay Ate Lyn, hinayaan ko nalang itong lumuha, hindi ko man alam kung anong ang nangyari sakin kanina, pero ramdam kong masama ang nangyari, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng seizure, but it sounded dangerous. Hindi ko muling napigilan ang aking mga luhang pumatak mula sa aking mata dahil sa nakikita kong reaksyon ni ate Lyn sa nangyari sa akin.




"Pinapunta ko dito si Jeck para may kasama akong magbantay sayo, mahirap na, baka mamaya may mangyari nanaman sayo." maya maya'y sabi nito.




Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin, ata agad naman nitong nakuha ang aking gustong iparating.




"Iniwan nya dito kanina number nya." sabi nito, sabay lahad ng isang maliit na papel, na may nakasulat na mga numero at "please text me if something will happen, thanks Ate Lyn, -jeck-" "Malamang inilagay nya dyan sa side table nung nag-CR ako kanina bago sya umalis."




"Nagreply ba ate?" tanong ko dito, sabay pahid sa mga luhang bumasa sa aking pisngi. at nagbigay ng isang ngiti.




"Ano? Excited ka?" Sabay ngiti na din ni ate Lyn sakin. "Hindi pa nagrereply, pero kanina pa ko nagtext dun, malamang, he's on his way na."







Mabilis dumaan ang mga oras, mag ti-3 na ng madaling araw, pero hindi na ako muling dinapuan ng antok, madami pa ding bumabagabag sa aking isipan, si RJ, si Brent, si Jeck at ang aking sakit, yan ang ilan sa mga bagay na nagpapagulo ng aking isipan, mabaliw baliw na ako kakaisip kung ano ang dapat gawin at kung dapat ko bang ipagpatuloy ang nasimulan na. Nakakailang kuha na din sakin ng dugo mula nang ako ay magising sa "seizure" na sinasabi ni Ate Lyn. Maya maya'y




*tok*tok*tok*




ano nanaman ba yan? papatayin ata ako nitong mga nurse na to sa kakakuha ng dugo ah! asar kong sabi sa aking isip.




"Ate Lyn, may nakatok." Pag gising ko sa natutulog na si Ate Lyn. Ngunit ayaw nitong gumising, Hai, tulog mantika nanaman! sabi ko sa aking isip.




Ako nalang ang tumayo, binitbit ko ang swero na nakakabit sa aking mga kamay, at nagtungo sa pintuan ng kwarto at binuksan ito.




"a-ano ginagawa mo dito?" medyo may pagkagulat kong sabi ng makita ko ang taong ngayon ay nasa harap ko na at siya na ang nagsarado ng pinto pagkapasok nito.




"Narecieve ko ang txt ni ate Lyn, Tulog na ako nung makita ko ang txt nya, buti nalang nagising ako ng 2am, nagmadali na ako pumunta dito." sabi ni Jeck, may dala itong isang malaking bag na nike. "Bakit ka nakatayo? okay ka na ba?"




"Okay na ako, pwede ka na umuwi ulit." medyo mataray kong sabi, pero sa totoo lang ay natutuwa na ang aking dugo dahil sa pagkakita ko sa kanya.




"Kararating ko lang, papaalisin mo na agad ako, tsaka eto oh, dala ko na po gamit ko" sabay taas nito sa bag na hawak niya, "dito na sana ako manggaling papunta sa school mamaya eh, kaso, pinapaalis mo na ako." tampung dugtong pa nito.




Ako naman ay hindi na sumagot, dahil sa pinipigilan ko ang aking tawa sa mga pinapakita niya, para siyang batang pinalayas sa kanila, na ngayon ay wala ng mapuntahang iba kundi dito sa akin.




"Sige, dun nalang ako sa lobby magpapalipas ng oras" sabi nito sabay talikod sa akin at akmang bubuksan na ang pinto.




Agad ko naman itong pinigilan sa pamamagitan ng paghila ng kanyang braso, at sabay sabing "Hindi ka na mabiro, dito ka na!" natatawa kong sabi dito.




Nang marinig ang aking sinabi ay agad kong nasilayan ang kanyang mga ngiting animo'y nanalo sa huweteng, "Talaga? magpapaturo din kasi ako sayo eh, may quiz kasi kami mamaya, hehehe, okay lang ba?" nakangitong sabi.




"Oh xa, sige na, pero tahimik ka lang, natutulog kasi yung BANTAY KO!" sabi ko na may pagbibigay diin sa "Bantay Ko" na agad naman naming tinawanan.




Nagtungo na kami sa kinaroroonan ng kama, at ako naman ay pumwesto nang pahiga sa kama, habang si Jeck naman ay kinuha yung table na pang mga pasyente at inilatag duon ang kanyang mga libro at inilapit ito sa akin, siya naman ay umupo sa tabi ko matapos nyang gawin ang mga unang nasabi.




"ano bang ipapaturo mo?" may kahinaan kong sabi para hindi magising si Ate/Kuya ko.




"Algebra, yung algebraic equation lang, alam ko naman na magaling ka dito, si Pride of Laguna!" sabi nito.




"Pride of laguna ka dyan! matagal na yun!" sabi ko.




"oo nga, pero atleast diba, simulan na natin, hindi ko kasi magets to..." sabi nito.




may 2 oras oras ko din siyang tinuruan ng tungkol sa subject na sinabi niya, hindi siya ganoon katalino, napakaslow niya pagdating sa subject na ito, pero halata mong gustong gusto nitong matuto. Sa buong oras nang aking pagtuturo sa kanya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang ginagawa niya ang mga exercises na binibigay ko, lagi naman ako nitong nahuhuling nakatitig sa kanya, at sa tuwing mangyayari ito, lagi siyang magtatanong na "Bakit? may dumi ba sa muka ko?" sabay tatawa ng pigil para hindi magising si Ate Lyn.




"james, wait lang ah, magbibihis lang ako sa CR, 6 na, baka malate ako sa 1st subject ko."sabi nito sabay tungo sa CR.




Wag ko kaya siya paalisin? papayag kaya siya? hehehe, joke, mag aral siya! may quiz siya eh, tapos papaabsenin ko, tsaka, baka kung ano na isipin nila mommy at daddy pag nakita nanaman siya dito, buti na yung nag iingat. sabi ko sa aking isip at hindi ko napigilang hindi mapangiti. Sa mga oras na ito, alam kong may bumubukas na pintuan sa akin para kay Jeck, pero dapat ko itong pigilan, para na din sa aking ikabubuti, ayokong maging bading kailan pa man, pero bakit ganito, waaah, hindi dapat, and at the same time, kakikilala ko lang sa kanya kahapon, malay ko ba kung ano talaga intensyon neto! pigilan mo james.




"Bakit ka tulala dyan?" pambasag ni Jeck sa aking pagiisip, kanina pa pala ito tapos mag bihis, amoy na amoy ko ang RL niyang pabango, kung hindi ako nagkakamali. shet, ambango! nasabi ko agad sa aking isip.




"Aalis na ako james, balik nalang ako mamaya, iwan ko muna yung isang bag ko ah, nandun yung mga pang training ko mamaya. Pagaling ka James." Sabi pa nito, at nagbigay nanaman ng ngiti.




"sige na, baka malate ka pa, ingat ka jeck!" sabi ko dito, at si jeck nga ay hindi na nag-atubili pa, at ito ay umalis na sa kwarto.




Ako naman ay ngingiti ngiti sa mga nangyari, para akong nahipnotismo ng kanyang pabango, hindi pa din maalis sa aking pang amoy ang kanyang humahalimuyak na bango, para akong naadik sa kanya, hindi ko na namalayan ang iba pang nangyayari sa loob ng kwarto ng ospital.




"Anong nginingti mo dyan James?" pambasag ni Ate Lyn sa aking pagmumuni muni.




"huh? ako? nakangiti? hindi kaya." maang maangan ko.




"Ikaw ha! kaaalis alis lang ni Jeck, alam ko, kanina pa ako gising, pinapanuod ko lang kayo." natatawang sabi nito.




"Bakit? wala naman kami ginawang masama ah? tinuruan ko lang siya." sabi ko dito.




"Talaga lang huh, eh kung makatitig ka, parang kakainin mo siya ng buong buo!" natatawa pa ring sabi nito.




Sa sinabi ni Ate Lyn ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko alam na talaga palang kanina pa itong gising, ang buong akala ko ay ang nakita lang niya na umalis na si Jeck.




"Alam mo james, wala ka na maitatago sakin, tingnan mo nga oh, namumula ka, ibigsabihin, totoo, sabi ko nga sayo, hindi mo kailangang mahiya sakin, naiintindihan kita, pero just an advice huh, wag masyadong pa-easy to get, baka mamaya saktan ka lang niyan. ikaw din, baka makapatay ako, sige ka." sabi nito sabay tawa nanaman. "Parating na sila mommy, matulog ka muna at baka mapagalitan ako nung mga yon, sabihin nun hindi kita pinatulog, halatang halata pa naman sayo pag puyat ka! ampangit mo!" pang aasar pa nito.




"Hindi ako dapuan ng antok ate Lyn, kanina pa."




"Gusto mo paturukan muna kita ng pampatulog? aba iho, mahal yon, tumigil ka dyan, matulog ka na, kundi, susumbong kita kay Jeck!" may pangaasar pa din sa himig nito.




"Bakit kay jeck?" medyo natatawa kong sagot dito.




"eh kasi po, siya ang iyong love life ngayon." parang batang kinikilig na sabi ni ate lyn.




"Hala! ewan ko sayo teh! bahala ka nga dyan! matutulog na ko, tatry ko na, at may kung anong hangin nanaman ang pumasok dyan sa utak mo!" pagganti kong asar dito.




At agad naman akong tumalikod ulit sa kanya, pero sa aking pag talikod, ay nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo, "a-ate, a-ate Lyn, na-nasusuka a-ako" nabubulol kong sabi




Agad namang kinuha ni Ate Lyn ang isang bowl, at pinasuka ako, natakot ako sa lumabas na suka sa aking bibig, madaming buo buong dugo ang lumabas dito, na naging dahilan din para magpanic si Ate Lyn.




"Nurse! Nurse!" narinig kong sabi ni ate Lyn ng maibigay niya sakin ang bowl at nagtatakbo palabas ng kwarto.




Mabilisang dumating ang mga nurse sa aking kwarto at nabigyan agad ako ng tubig na maiinom para mapigilan ang pagsusuka, samantalang si Ate Lyn ay parang takot na takot sa isang tabi na nakatitig sa akin habang inaayos ako ng mga nurse, nakita ko pang pumapatak ang kanyang mga luha habang hawak hawak ang kanyang CP at waring may tinetext.




"Sir, matulog na po muna kayo, hindi po kayo nakapagpahinga ng ayos kagabi, kaya po ganyan kayo ngayon, bibigyan na po muna namin kayo ng pampatulog para magtuloy tuloy na po ang inyong tulog." Sabi ng nurse na nagasikaso sakin at nagturok ng kung ano sa aking swero, maya maya ay naramdaman ko nalang ang unti unting pagpikit ng aking mga mata.









"James, James, James," may himig na bulong sakin. "James, pagaling ka na, para magkasama na tayo, miss na kita."




Dinilat ko ang aking mga mata, ngunit wala akong nakita, purong puti lamang ang aking nakikita, "Sino yan?" sigaw ko.




Hindi na muling nagsalita pa ang taong yun, bagkus ay lalung lumiwanag sa buong lugar na para bang dinadala ako sa kung saan.




Maya maya, ay nakakita ako ng dalawang bata, naglalaro na magkasama sa isang opisina, pamilyar ito sa akin, napag alaman ko na ako yung isang bata dahil sa tabas ng buhok nito, habang yung isa naman ay inaaninag ko pa kung sino, pero naging mabilis ang mga pangyayari, pumuti ulit ang buong kapaligiran at dinala nanaman ako sa isang lugar.




Nakita ko naman ang isang puno, na may dalawang lalaking naguusap, hindi ko marinig kung ano ang pinaguusapan, pero pamilyar sakin ang mga pangyayaring yon, parang, parang... bigla nanamang pumuti ang buong lugar.




Nakita ko ang isang rest house, pamilyar din ito, nakita kong buhat buhat ako ng isang lalaki habang ako ay tulog na tulog sa kanyang mga bisig papasok ng nasabing rest house, pumuting muli ang buong lugar. Parang bigla akong ipinasok sa loob ng nasabing rest house, at nakita kong may dalawang lalaking nakain sa hapag kainan, hindi ko pa din makilala kung sino ang isa, pero alam kong ako yung isa, at alam kong pamilyar lahat sakin ang mga pangyayari.




Dinala ako ng aking diwa sa isang kwarto, kung saan, kitang kita ko ang dalawang lalaking nagtatalik habang nakita ko naman ang aparador, doon nagsimulang umitim ang lugar, at ang tanging nakikita ko lamang ay ang dalawang lalaki na nagtatalik at ang isang video camera na nakatutok sa kanila.




Dito ko napagtanto na si RJ at ako ang nakikita ko. Lumuhod ako sa isang banda kung saan kulay itim ang buong lugar at umiyak ng umiyak, para akong ibinalik ng aking Diwa sa nakaraan.




Nagising nalang ako na lumuluha... Panaginip lang pala sabi ko sa aking isip.




...itutuloy...

5 comments:

  1. magrereturn of the the comeback na ba si RJ? ayyyyyeeee! ok tong si Jeck ha.. kso kilalanin mo muna siya ng mabuti.. mahirap na wag pa dalus dalos. :)

    TumugonBurahin
  2. malay mo na baka babalik sa buhay mo ulit si rj.... pero kawawa naman si jeck... dapat mas maaga pa sabihan mo na si jeck kung ano ba talaga... mahirap magpaasa sa tao... kaya un dapat gawin para walang komplekadong mangyari sa buhay...sundin ang sinasabi ng puso mo...

    ramy from qatar

    TumugonBurahin
  3. REVELATION na next chapter I guess ..

    si Brent nga kaya talaga ang nagvideo ng mga nangyari kay RJ at kuya James? I can't believe it. :(

    anyway --
    kakatuwa yung 'tutorial' scene .. kakakilig si Jeck .. haha! pero ingat ingat din kuya James .. tulad ng sinabi ni KUYA Lyn .. baka mamaya saktan ka lang niyan .. ikaw rin :)

    Thanks kuya JC~

    TumugonBurahin