Subscribe:

Biyernes, Pebrero 10, 2012

Can it be Love (Part 03)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com


Again, kay Makki, Nick Deguzman, Hansen, Taga_Cebu, Akosidrew at kay hindi nagpakilala, hehehe, thanks sa comments, keep your comments comming guys, thanks.








"wala tol, sinamahan ko lang si James, wala kasing kasama eh. iniwan sya dito ng ate nya." Narinig kong sabi ni Jeck.




"Jeck, sino yan? papasukin mo nga." sabi ko.




"yes boss, anjan na."




At agad na nga sila pumasok sa aking kwarto.




"Oh, Brent, ano ginagawa mo dito?" tanong ko nang makupirma kong boses nga ni Brent ang aking narinig kanina.




"Masama bang dalawin ka? ikaw nga ang dapat kong tinatanong ngayon eh." at nagbigay ito sakin ng nagtatakang tingin na agad ko namang nakuha ang ibig sabihin.




"Si Jeck ang nagdala sakin dito sa ospital, nakita kasi niya ako kanina sa parking lot ng school, namumutla, kaya pinasama ko na siya to make sure na makakauwi ako ng ayos. kaso..." sabi ko




at bigla namang sumingit si Jeck, "kaso kasi tol, nung malapit na kami sa kanila, bigla siya nawalan ng malay, buti na nga lang at mabilis ang kamay ko, na..." sabi nito.




"okay na tol, wag ka na magpaliwanag, ako na muna magbabantay dito, makakauwi ka na." biglang singit ni Brent sa hindi natapos na sasabihin ni Jeck.




"Bakit? maaga pa tol, hindi muna ako uuwi, dito muna ako, babantayan ko si James." sabi ni Jeck. "Diba James, okay lang naman sayo na andito ako?" biglang baling nito sakin.




"Ah, eh. kayo bahala. teka nga, ano ba pinagtatalunan nyo? pwede naman kayo magstay dito dalawa ah!"




Hindi naman nakaimik ang dalawa, si Jeck ay yumuko nalang sa aking sinabi samantalang si Brent ay umupo sa aking tabi.




"Sorry" bulong ni brent sakin.




"Alis muna ako, balik nalang ako siguro bukas." malungkot na sabi ni Jeck. "ay, teka, number mo pala, penge." sabi nito sabay kuha ng kanyang CP at inabot sa akin.




"Oh, yan. text ka nalang. ingat ka pag uwi mo Jeck and salamat pala kanina. pag pasensyahan mo nalang si Ate Lyn ha. Ingat ulit." sabi ko dito sabay abot ng kanyang CP.




"Okay, see you tomorrow James." sabi nito sabay lakad palayo sa amin.




Maya maya ay narinig na namin ang pinto na sumara na naging palatandaan na kaming dalawa nalang sa kwarto.




"Ano bang ginagawa ni Jeck dito?" Pagbasag ni Brent sa katahimikan.




"Aba, ewan ko dun, hindi ko alam, basta kasi kanina, nung natulog ako, wala siya, nung pag gising ko, nandito na ulit siya." sabi ko.




"Eh bakit kailangan pa nyang magstay dito ng matagal?"




"Kung gusto mo, sa kanya mo itanong, hindi ko talaga alam. and wait Brent, bakit ba ganyan ka?" inis kong sabi dito, muka kasing alam ko na ang patutunguhan nito, at hindi ko gusto, ano, after ng kuya nya, sya naman? ganon ba yun? sigaw ko sa aking isip.




Sa sinabi ko, tila nawalan ng dila si Brent, hindi ko alam kung bakit, pero nakatitig lang siya sakin na para bang nangungusap. Iniwas ko naman agad ang aking tingin sa kanya at tinulak ito palayo sa akin.




"Ano ba brent! ano bang problema mo!" sigaw ko sa pag kainis dito. Hindi ko na kasi talaga nagugustuhan ang mga titig at pananalita niya sa akin, iniwasan ko na nga ito dahil sa pagdikit dikit niya sa akin nung nawala na kami ng kuya niya, pero eto nanaman siya, ako naman ay hindi makatakas dahil sa dextrose na nakasalpak sa aking mga ugat.




"Bakit ka umiiwas sa akin?" seryosong sabi ni brent.




"Ako? umiiwas? bakit naman kita iiwasan?" pagsisinungaling ko dito. "Masyado lang po busy kaya hindi din ako nakakapunta tuwing nagtetext ka."




"Talaga lang ha, wag ka na magsinungaling sakin james, kilala kita."




"kung dahil lang dyan kaya ka pumunta dito, pwede ka na din umalis, sumunod ka na kay Jeck!" sabi ko sabay talikod, hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga sinasabi nito.




"May pinapabigay sayo si kuya, iwan ko nalang dito, alis na ako!"




Hindi ako humarap sa kanya bagkus ay hinintay ko nalang na sumara ulit ang pinto para malaman na nakaalis na nga siya. Hindi naman ako natagalan sa paghihintay, agad na sumara ang pinto.




"Ano, pagkatapos ng kuya nya, siya naman?!" hindi ko naiwasang maisantinig.




"Bakit, ano meron sa kuya ni Brent?" biglang may nagsalita na nanggagaling sa CR.




"S-Sino yan?" Natatakot kong sabi.




Tumawa ito ng malakas at lumabas sa CR sabay nagpakita sa akin.




"Langya ka Jeck! kanina ka pa nandyan? akala ko ba umuwi ka na?" nasabi ko nalang sa pagkagulat sa kanya.




"Hindi ako umuwi, baka kasi mamaya kung ano gawin sayo ng kumag na yun, kaya hindi kita iniwan." sagot nito sa akin sabay nagbigay ng matamis na ngiti.




"Jeck, kaibigan ko si Brent, kaya walang gagawin saking masama yon."




"Talaga? Kaibigan? o Ka-IBIGAN" may pagbibigay diin sa IBIGAN.




"Tigilan mo ako Jeck, kung gusto mong mapauwi na din, ipagpatuloy mo yang sinasabi mo!" inis kong sabi dito na tinawanan lang niya.




"Eto naman, hindi na mabiro, ang cute cute mo talaga pag nagagalit."




Sa sinabi nito ay ramdam kong umakyat ang aking dugo sa aking muka. James, ano ba nangyayari sayo? biglang sigaw ko sa aking isip.




Agad akong tumalikod sa kanya para hindi nito makita ang pamumula ng aking muka, ngunit huli na ang lahat.




"Bakit ka namumula?" sabi nito na tatawa tawa.




"Ewan ko sayo jeck, wag mo ako asarin dahil hindi ako natutuwa!" sigaw kong sabi sa kanya.




"Hindi natutuwa pero ang ngiti oh, kita ko mula dito."




ano ba james! tumigil ka! ano nanaman ba nangyayari sayo?! asar kong sigaw sa aking isip.




Pero kung anong pagtanggi ng aking isip ay siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso, waring gustong gusto ang mga nangyayari.




Nang maramdaman kong wala na ang aking pamumula, ay agad na akong humarap sa kanya at binigyan ito ng isang malademonyong tingin.




"Jeck, kung ayaw mong matulad kay Brent ang gagawin ko sayo, tigilan mo ako sa mga ganyan mo, siguro naman narinig mo ang sinabi ko kanina diba!" seryoso kong sabi dito




Naku, kunwari ka pa! kinikilig ka naman! agad kontra ng isang parte ng aking isip.




"Okay, sorry. Tatahimik nalang ako kahit iba nakikita ko sa mga reaksyon mo!" sabi nito sabay ngiti.




Mabilis namuo ang katahimikan sa kwarto, wari'y nakikipagparamdaman kami sa isa't isa, tumalikod ako sa kanya habang siya naman ay nakangiti pa din na nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na ito, parang gusto kong maglaho na parang bula dahil nahihiya ako sa nagiging reaksyon ng katawan ko sa mga pasaring niya. James, compose yourself, hindi ka bading at tama na ang isang pagkakamali, gusto mo bang may mawala nanaman sa mga kaibigan mo? dahil lang sa maling nararamdaman? And james, ano nalang sasabihin sayo ng pamilya mo? at ng mga kaibigan mo pag nalaman nila to? sabi ko sa aking isip.






*tok...tok...tok*




"Oh, bumalik nanaman ata yung ka-IBIGAN mo!" pag basag nito sa aming katahimikan at pumunta sa pinto para buksan ito.




Hindi ako umimik, bagkus ay hinintay ko nalang muli kung sino ang kumakatok pagkalapit nito sa aking kama.




"Kamusata si James? gising na ba?" Si mommy, alam ko kay mommy na boses yon.




"opo tita, kanina pa nga po kami nagkukwentuhan, dumating nga po pala si Brent., buti nalang hindi ko iniwan si James..." si Jeck




"Ma! GUTOM NA AKO!" pag sigaw ko para lang mapigilan si Jeck sa susunod nyang sasabihin.




"Anjan na, may dala na akong pagkain mo." at nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin. "kamusta pakiramdam mo anak?"




"Okay na po ma, masigla na nga ako eh, gusto ko na lumabas dito! naiinip lang ako dito." parang bata kong sabi kay mommy.




"Hindi pa pwede James, dengue yan, natural na maging maganda ang pakiramdam mo ngayon, pero bukas, panigurado, masama nanaman pakiramdam mo." si mommy




"hmmmm, naman eh, gusto ko na po lumabas ma, miss ko na mga kaibigan ko. mmmmm" sabi ko na may pag pout pa ng lips, tamputampuhan.




"Wag ka na makulit james, tama si tita, baka mamaya, sa school ka pa abutin" si Jeck naman na nakangiti nanaman sakin.




"Ma, san si ate lyn?" Pagsnob ko sa sinabi ni Jeck.




"mamaya pa daw ang dating, sya ata magbabantay sayo mamaya dito, kasama si Kaye"




"eh si daddy?"




"As usual, nasa extracurriculars nanaman nya" (Guys, remind ko lang po, ang meening ulit ng extracuriculars ay mga activities nya sa kanyang mga club na sinalihan.)




"galit pa ba sya sakin?" tanong ko kay mommy




"Hindi naman yon galit sayo anak, wag ka magalala, pagpapaliwanagan ko nalang." sabay haplos sa aking mga buhok, "Jeck, kumain ka na ba? baka hinahanap ka na sa inyo huh, 9 na ng gabi." Baling nito kay Jeck.




"Okay lang po tita, masaya naman ako na nagbabantay sa anak nyo eh, kahit laging tulog. hehehe" Masiglang sagot nito kay mommy.




"Oh xa, iwan  ko muna kayo dito, Jeck, pakiprepare muna ng pagkain kayo ni James, para makakain na kayo, may pupuntahan lang ako saglit. balik ako agad." si Mommy.




"sige po tita. ako na muna bahala kay James." sabi nito sabay tingin sakin at bigay ng isang kindat.





...itutuloy...





Guys, pasensya na kung maikli, babawi ako sa next part, promise. may inaasikaso kasi po ako. sana maintinhan nyo po, salamat.

-james cornejo

6 comments:

  1. hmmm.. kala ko pa naman si RJ na yun.. si Brent pala... ayayyayyy!

    uy Brent wag maxadong mag selos! mahirap nang ganyan. hmp!

    Uy Jeckz ! pansin ko lang huh! di ka maxadong pahalata.. LOL

    RJ and James together again..
    Kailan kaya ang RJ moment na yun?

    Magpakita ka na kasi RJ !

    :)

    TumugonBurahin
  2. Jeck Jeck ikaw n! Galing galing mng dumiskarte!

    James yan n nga, ngccmula n ang rumble s puson este puso m! Haha

    Puchi kala k p nmn mkkgwa kyo ng beautiful love story ni gazeous un pla kyo ni euse! Hihihi

    Nxt chap n nga! Pkihabaan ha! Hehe

    -asd-

    TumugonBurahin
  3. james basahin mo kaya ang pinabigay ni rj sa para s u.... ikaw talaga ang daming may gusto sa u.... tsskkk nag paparamdam si brent at si jeck.... sino ang mas matimbang??? si brent o si jeck.....

    ramy from qatar

    TumugonBurahin
  4. haizzz...dami moments dito..pero ako nawalan ng moments sa buhay ng taong ito..:c

    TumugonBurahin
  5. done.... ang ikli nga.. :) ok lang next chap na.. agad agad. naguguluhan ako. meron akong ndi maintindihan..

    TumugonBurahin
  6. haha .. anGALING ko lang manghula ..
    sabi na nga ba ee .. c Brent yun .. :D

    at kala ko umalis na talaga c Jeck .. yun pala nagtago sa CR .. LOLz

    di ka naman masyadong pahalata Jeck? yan tuloy kinikilig na si kuya James .. ahahah!

    at ikaw naman kuya Brent .. sayang ka .. kung di lang sana si RJ ang kuya mo .. pwede ko sana .. tutal gwapo ka't mabait compared dun sa damuho mong kuya >.<

    (may galit? ahaha! ganun talaga! XD)

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin