Subscribe:

Miyerkules, Pebrero 8, 2012

Can it be Love (Part 02)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com

Makki, Ramy from Qatar, Nick Deguzman, Taga_Cebu, Makatiboy, TheLegazpiCity, Nick, Akosidrew, Makatiboy thanks sa comment., hahaha., kahit kayo lang ang nagcocomment, sobrang naappreciate ko, hahaha.,ü kasi kasi, ayaw magcomment nung iba., mmmmmm., bakit kaya., mmmmmmm, pero thanks pa din sa mga silent readers., hehehe.,ü Sa last part ulit nito ko sasagutin ang mga comments nyo.,ü para masaya., hehehe., keep the comments coming.,ü Thanks.,,ü






"Ahh, ikaw pala yon, pasensya na, akala ko kasi..." tugon ko kay Jeck.




"na ano? itutulad mo pa ako sa mga kumakastigo sayo. wag ganun pare, hindi mo pa ako ganon ka kilala, gusto ko lang makipagkaibigan." sabi nito sabay ngiti.




"ahh, ganon ba? salamat." tanging tugon ko dito at ibinalik ang aking sarili sa pagkain.




Hindi na ulit ako kinausap nito pero nang matapos akong kumain, tiningnan ko ang mga kasama ko, lahat sila ay abala sa pagkukwentuhan habang si Jeck ay nakatitig sa akin habang nilalandi siya ni Kely.





"Pare, uwi muna ako, baka hindi din ako makapasok mamayang hapon. Medyo sumama pakiramdam ko." Pagpapaalam ko kay Mike at Ondoy.




"Cge pare, ingat nalang." Sagot ni Mike.




Lunch break palang pero masama na ang pakiramdam ko, hinang hina ako, tapos ang sasakit ng mga kalamnan ko, hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko pa, nilalagnat ako. Nawalan din ako ng ganang kumain ng lunch, ang gusto ko lang ay ang umuwi sa amin.




Naglalakad ako palabas ng school patungo sa parking lot, nang makalapit na ako sa aking kotse, may biglang tumawag ng pangalan ko.




"James, teka, hintay!" sigaw ng lalakeng tumatawag sa akin. At agad ko naman itong nilingon.




"oh, bakit?" wala sa sarili kong sabi sa taong ngayon ay nakatayo na sa harap ko.




"anong bakit? at bakit ganyan ka? amputla mo!" pagpuna nito.




"Masama kasi ang pakiramdam ko, pasensya na." walang gana kong sabi dito.




"Kaya mo ba magdrive?" tanong nito.




"Oo, kaya pa naman, pero, parang babagsak na din ako any moment." Wala pa din sa sarili kong sabi.




"sige, samahan nalang kita, hindi kasi ako maalam magdrive, para lang masure na makakauwi ka ng ayos." sabi naman nito.




"Salamat jeck."




At sumakay na kami sa kotse. Walang imikan kami sa kotse, tanging ang stereo lang ang  maririnig mo sa bawat sulok nito, hindi pa kasi ako ganoon kakomportable na kasama sya, but to make sure that safe akong makakauwi, isinama ko na din ito.






"Mommy, daddy? nasan ako?" yan na lang ang natatandaan ko matapos ang scene sa kotse.




"nasa ospital ka anak, buti nalang kasama mo tong..." si mommy sabay turo sa kinaroroonan ng taong sinasabi nitong kasama ko.




Tiningnan ko naman agad kung sino ang tinutukoy ni mommy at napagalaman kong si Jeck pala ang tinutukoy nito.




"Si jeck po ma, boyfriend ng classmate ko..." pagpapakilala ko kay jeck, "Jeck mommy ko tska daddy ko" baling ko naman kay Jeck




"Hello po tito, hello po tita, correction lang po, hindi ko po girlfriend si Kely." sabi nito sabay ngiti.




"Ano ba nangyari sa inyo kanina Jeck?" sa mataas na boses ni daddy. Alam kong galit ito. Pero hindi pa din malinaw sa akin kung ano ba talaga ang nangyari.




"Nawalan po kasi si James ng malay kanina habang nagdadrive, buti nalang po at maagap ang reflex ko, nahila ko agad ang handbreak." sabi nito sabay buntong hininga. "Nandon pa po ang kotse sa may malapit sa kanto ninyo, wala naman po galos yung kotse, tsaka maayos ang pagkakapark, ipinapark ko po kanina dun sa Traffic Enforcer na malapit sa inyo. Tapos po ay tumawag na ako ng tricycle para madala sa ospital tong si James." kwento pa nito.




"Buti naman kung ganon." sabi ni daddy sabay baling sakin ng masamang tingin. "and you young man! pagkalabas mo dito ay hindi ka na ulit magdadala ng kotse!"




"Daddy naman, hindi pa nga natin alam kung ano sakit ni James, ganyan ka na agad. Can we just wait for the result of the test peacefully?" si mommy.




"Bahala kayo dyan, lalabas muna ako at maninigarilyo!" Si daddy sabay labas ng kwarto.




"Mommy, ano po sabi ng doctor?" tanong ko kay mommy sa mangiyak ngiyak na boses, dahil sa ginawa ni daddy sakin, pakiramdam ko ay napahiya ako kay Jeck.




"Sabi ng doctor, possible daw na may dengue ka dahil sa mga rushes mo, hindi mo naman sinabi samin kaninang umaga na masama na pala ang pakiramdam mo, dapat pinacheck up ka na namin kanina."




"Hindi naman po masama ang pakiramdam ko kanina diba jeck?" sabi ko


"Oo nga po tita, anlakas pa nga niyang kumain kanina eh." pagsang-ayon ni Jeck.




Pagkatapos magsalita ni Jeck ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si Ate/Kuya ko "Anong nagyari sa kapatid ko!!??" ang may pagaalalang sigaw ni Ate/Kuya ko pagkapasok ng pinto na ikinatawa naman naming tatlo. Ngayon lang nagbigay ng pagaalala sakin ang kapatid ko, ang OA pa.




"Wag kang OA jan, buhay pa ako oh!" pagbibiro ko




"Eh ang sabi kasi sakin ni mommy, nabangga ka daw ih!" may pagkaasar nitong wika.




"Ikaw pala naman mommy eh, may sa OA ka din pala magkwento." pagbibiro ko kay mommy.




"Wag ka mangasar jan james huh! umuwi ako from manila para lang mapuntahan ka! kaya wag mo akong simulan! kundi, pagtuturuin kita ng mga namiss ko sa class ko ngayon!" Asar na sabi ni ate/kuya ko.




"eh-hem" biglang parang inubo si Jeck.




"And he is?" sabi ni ate maan na may pagtaas pa ng kilay, pertaining to Jeck.




"ay, teh, si Jeck, KALANDIAN ng kabarkada ko" sabi ko sabay tawa, "Jeck, ate ko." baling ko kay Jeck.




"Hi ate, nice to meet you." sabi ni Jeck.




"Don't call me ate, we're not even close!" mataray na sabi ni ate/kuya ko.




"Lyn! be nice sa bisita ng kapatid mo!" saway ni mommy kay ate/kuya ko. "Siya ang kasama ni James kanina nung dinala siya dito sa ospital, kung hindi siya kasama ni James kanina, malamang, nabangga nga itong si James!"




"okay, what ever!" sabi ni ate maan at umupo na sa tabi ng kama na hinihigaan ko.




Ilang  saglit pa ay dumating na ang doctor na tumitingin sa akin."Sino po ang pamilya ng pasyente?" sabi nito.




"Kami po!" sabay sabay na sabi ni mommy, ate/kuya ko at Jeck.




"Ay, sila lang po pala." pagbibiro ni Jeck na tinawanan naman naming lahat maliban kay ate lyn. "Labas po muna ako tita, ate, nice meeting you po." sabi pa nito bago lumabas ng tuluyan.




"Sino ba yun james? I don't like him!" asar na sabi ni ate lyn.




"New found friend!" bulong ko kay ate/kuya ko.




"The test done confirmed our speculations na dengue ang tumama sa anak nyo mam" paunang sabi ng Doctor kay mommy. "Sa ngayon po kasi, wala pang gamot ang pwedeng ibigay sa dengue, mga swero lang po ang pwede nating ibigay dito..." sabi ng Doctor.




"Alam ko na po yan. i'm a pharmacist doc, wag nyo na sabihin ang mga gamot, yung tungkol nalang sa kalagayan ng anak ko!" sabi ni mommy.




"okay po mam, actually, second strain na po ang umatake sa anak nyo. Pwede po siya makaexperience ng Nose Bleeding, Flushing, Vomiting of Blood, or pwede din po ang Blood sa feces..."




"Panong second strain doc? bakit hindi namin nakita ang first strain?" Paglilinaw ni mommy.




Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na sinabi ni Doc kay mommy, kinulit ko nalang si Ate Lyn ng kinulit, masyadong technical ang mga terms na ginagamit kasi ni Doc na puro Health Care Professionals lang ang makakaintindi. Highschool palang ako, hindi ko pa maiintindihan yan! sigaw ko sa isip ko at nagsimula ng kulitin si ate lyn.




"Ate Lyn, bubong ko?" bata bataan kong sabi kay ate/kuya ko.




"Bubong ka dyan! eh napauwi lang naman ako ng wala sa oras dahil sayo!"




"Andaya naman nito oh! Dapat may bubong si james! hmpft" parang bata ko pa ding sabi dito at nagbigay ng galit na facial expression.




"Hoi james, umayos ka dyan ha! Sino ba yung kasama mo kanina?" inis na sabi ni ate lyn.




"New found friend nga, pinakilala lang sakin ni Kely kanina, ewan ko ba kung bakit nandito yan ngayon!"




"Baka naman bakla yan james ha! umayos sya kamo sakin!"




"Wag mo nga tarayan, mabait naman ata yun."




"Mabait, pero hilig mang asar! and what makes he think na part sya ng family natin! Feeling Close agad oh!"




"Nagbibiro lang naman yung tao kanina, kaw talaga. Hayaan mo nalang." sabi ko para matapos na ang usapan. Kahit ako man ay nagtataka kung bakit kailangan pang magstay dito ni Jeck, nakapagpaliwanag naman na siya kay mommy at kay daddy, pwede na siyang umalis.




"James, pagaling ka ha." biglang sabi ng doctor sa akin. "We'll be monitoring you from time to time. Kaya iexpect mo na may mga nurse na laging kukuha sayo ng dugo to be subjected to tests, para malaman natin ang improvements mo. Okay?"




"Yes doc!" masigla kong sabi dito na parang bata.




"Misis, mabilis gagaling tong anak nyo, tingnan nyo, halatang lumalaban sa sakit niya oh, hindi nagpapaapekto." sabi ni Doc kay mommy sabay ngiti. "sya sige po, ako ay magrorounds muna, madaming pasyente pa ang naghihintay sakin." at umalis na nga ito sa aking kwarto.




"Mommy, inaantok nanaman ako. tulog po muna ako ulit ha." sabi ko kay mommy ng makalabas si Doc.




"Sige james, mamaya ay aalis na din muna kami ng daddy mo, aasikasuhin pa namin yung botika, iwan ka na din muna namin sa ate mo." sabi nito.




Ako naman ay mabilis na nakatulog sa aking kama, malamig kasi sa kwarto, kaya ang sarap matulog. hehehe.









"ARAY!!" Nagising ako sa parang kagat ng langgam sa aking hintuturo.




"Pasensya na po sir, kukuhanan lang po namin kayo ng dugo, mabilis lang po ito." sabi ng babaeng naka all white.




Pumikit nalang ako para tiisin ang sakit na nanggagaling sa aking mga daliri. langya naman tong mga to oh! natutulog ako eh! bwiset! sabi ko sa aking isip.




"sir, tapos na po. Balik po kami after 30 minutes." sabi ulit ng babae.




"Bakit? kukuhanan nyo nanaman ako ng dugo?" tanong ko.




"hindi po sir, after an hour pa po ulit kayo kukunan ng dugo, ibibigay lang po namin yung results ng test mamaya." sabi ng babae.




Aking iginala ang aking mata ng makalabas ang mga nurse sa aking kwarto, hinanap ko kung meron ba akong kasama. Laking gulat ko nang makita ko si Jeck na hindi na naka uniform at matamang nakatingin sakin habang nakangiti.




"Ano pa ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jeck.




"Hinhintay ka magising, iniwan kasi ako dito ng ate lyn mo, nakiusap sya na bantayan daw kita, kasi may susunduin daw siya sa Cabuyao, kaso, 3 hours ago pa yon eh." sabi nito sakin.




"ahh, anong oras na ba?" tanong ko ulit.




"8 na po ng gabi James." sabi nito sakin.




"Oh, baka hinahanap ka na sa inyo, sige na, kaya ko na mag isa dito." pagtataboy ko dito.




"Okay lang, ang alam nila nasa training ako, 10 pa naman ako hahanpin sa bahay." sabi nito sabay bigay sakin ng matamis na ngiti.




"Hindi ka umatend ng training nyo?!" gulat kong sabi sa kanya.




"hindi" sabi nito sabay ngiti ulit. "Okay lang yun, para namang hindi mo ako kilala, I'm the best on my career james!" mahanging dugtong nito.




"Anlakas naman ng aircon, pakihinaan nga!" sabi ko.




Hindi ata niya nakuha ang ibig kong sabihin, lumapit ito sa aircon at hininaan nga ito.




"Okay na ba to?" tanong pa nitong seryoso sa akin.




Hindi ko naman napigilan ang aking pagtawa, uto uto din pala ang isang to! sabi ko sa aking isip.




"Bakit ka natawa?" sabi nito sakin at nagbigay ng nagtatakang tingin.




"Wala, ang ibig ko lang po kasing sabihin kanina ay ang hangin mo kasi, edi ikaw na ang magaling sa swimming!" sabi ko rito.




"ahh, hahaha, yun pala yun. sensya na, slow kasi ako." sabi nito.




"Kung anong binilis mag langoy, syang binagal ng isip." pabulong kong sabi sa aking sarili.




"Ano yun james?"




"Wala, baka hinahanap ka na po kasi sa inyo, hala, alis na. baka malaman pa ni Kely na nandito ka, masabihan pa akong bakla nun, or maissue pa tayo!"




"Wala naman ako pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh, ang mahalaga lang sakin ngayon ay ang maging close sayo." walang kaabog abog nitong sabi.




"huh? ano sinasabi mo Jeck?" at binigyan ko siya ng isang matalim na tingin.




"Wala, kasi ikaw nalang hindi ko kaclose sa barkada nyo..." sabi nito.




"ahh, buti na nagkakaliwanagan, ayokong maissue tulad ni.... ahhhh, just forget it!" sabi ko dito.




...tok...tok...tok...




"ui, may kumakatok, nilock mo ba yung pinto?" basag ko sa namuong katahimikan sa aking kwarto matapos ang aking huling mga salaysay.




"hindi, baka yung nurse kanina, wait lang, i'll get it." sabi ni jeck at nagtungo na sa pintuan.




"oh, tol, ano ginagawa mo dito?" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.





...itutuloy...

7 comments:

  1. hmmmm.. um-effort tong si Jeckz ah..

    RJJJJJJJJJJJJJ! asan ka na ba?

    sana ikaw na yan! ayyyyeeeee!

    TumugonBurahin
  2. maka eksena naman tong si jeck... WAGASSSS...
    hahaha... effort kung effort... :)

    TumugonBurahin
  3. Sobrang obvious nmn ni jeck! O kaw james, ngaun taboy-taboy, later on, chummy n kyo! Hihihi

    Ung ate/kuya m nmn, ang taray, pd nmn civil s bsita kht d nya gsto! Kainis!!! Hehe

    Nxt chapter n! Hihi

    TumugonBurahin
  4. RJ!!!!! wer kna??? pro-RJ parin ako!!

    -hansen

    TumugonBurahin
  5. rj akin ka na lang. hehehhe

    taga_cebu

    TumugonBurahin
  6. and who's the boy behind the door? haha ..
    Brent .. ikaw ba yan?

    bat ang daming boto kay RJ? kakabwisit nga yun ee .. ;(
    at kay ate'kuya Lyn naman .. -- bawal bang gumalang? kainis .. -_-

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin