By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com
Nagpapasalamat po ako sa sumuporta ng "Ang simula, sana ganun din ang pagsuporta nyo dito sa next story ko. hehehe.,
Again, ipapaalala ko lang po, this is a true to life story, wala na po akong babaguhing scenario sa mga parts nito. Salamat po in advance guys...
Ilang buwan na din ang nakalipas nang maghiwalay kami ni RJ, mga ilang araw lang matapos ng paghihiwalay namin ay nabuwag ang aming barkada dahil sa kagagawan ni BJ, hindi naging maganda ang pakitungo niya sa aming apat, si Paeng naman ay nakahanap na ng ibang sasamahan na barkada, inaya niya kami ni Mike na sumama sa kanya pero mas pinili namin ni Mike na makisama nalang sa mga babae naming kaklase, dahil sa kanila, nagkaron kami ng comfort zone ni Mike, habang si Ondoy naman ay sumasama pa din sa amin ni Mike tuwing break time ng klase.
Si RJ naman ay hindi na muling nagparamdam sa kahit kanino sa amin, siguro ito ay nahihiya sa lumabas na Sex Video namin na siya lang ang namukaan ng mga nakapanood nito.
Ang kapatid naman nito na si Brent ay hindi nawala sa tabi ko sa tuwing break time, end of class at sa mga araw na walang klase, lagi ako nitong pinupuntahan sa bahay, Moral support daw ang tawag niya doon, pero may iba akong nararamdaman sa tuwing pumupunta siya sa amin, kaya ako na mismo ang dumidistansya sa kanya, dahil ayaw ko nang may sumunod pa SANA kay RJ.
Ako naman ay hindi na muna nakipagrelasyon sa kahit na sino, inaantay ko pa din ang pagbabalik ni Lea, parati ko siyang tinetext, umaasang babalikan ako nito sa takdang panahon.
Pero sadya nga naman talagang mapaglaro ang tadhana sa akin, at dito ko sisimulan ang aking kwento.
September 13, 2005 (Tuesday)
"Hi James." Bati sakin ng isang lalake matapos kong magpark sa Parking Lot ng school namin.
ano ba yan, 6:30 pa lang, may mang iinis na! bad trip naman oh! sabi ko sa aking isip dahil alam ko namang isa lang ito sa mga araw araw na pang aasar sa akin, nakasanayan ko na din siguro kasi pamula nang mapaalis si RJ sa school namin ay naging kumpulan naman ako ng pang aasar ng mga school mates ko, kesyo "best friend ko daw eh may sex video", "siguro bading din talaga yan kaya sila naging magbestfriend" o kaya naman ay, "ui, naalala nyo pa ba yung HS party naten? diba magkatitigan sila nung may sex video habang kumakanta siya?" ilan lang yan sa mga naririnig kong pang aalaska nila sa akin, pero hindi ko nalang ito pinatulan, baka kasi masabihan pa ako na 'GUILTY' kaya pinag kibit balikat ko nalang.
Hindi ko naman pinansin ang lalaking ito at nagdire-diretso na akong maglakad patungo sa aming classroom. Nagmamadali akong maglakad para din makaiwas na sa ibang mangaasar, alam ko kasing sa classroom namin ay safe ako, dahil wala namang may angas na mang aasar sakin doon, takot nalang nila, I'm still their president. And besides, close close kami, parang magkakapatid na din ang turingan naming lahat.
Agad naman akong nakarating sa aming classroom at agad na lumapit kina Mena, Mike, Kely, Charmaine at Joan, ang aming new set of friends ni Mike sa loob ng classroom. Nang maabutan ko sila ay naguusap usap ang mga ito tungkol sa nakuha nilang grades for the 2nd grading. Katatapos lang kasi ng Card Giving last saturday. Pero hanggang ngayon ay parang hindi pa din sila makaget over sa mga grades nila, ambababa kasi maliban samin ni Mike at Joan. Si Joan ang top 1 sa class, ako ang sumunod na bago sa lahat dahil hindi naman ako talaga nageexist dati sa ibang subjects maliban sa Math at English, at si Mike naman ang top 3.
"ayan na si Top 2 oh, ano ba ang grades mo nung 2nd grading huh james?" may inggit na sabi ni Charmaine.
"ah, eh, ayaw ko nalang pagusapan." sabi ko dahil ayaw ko naman talaga ipagmayabang ang grades na nakukuha ko.
"asus, alam na namin, nakita ko records mo sa Principal's office, nandon kami kahapon." sabi naman ni Kely.
"talaga kayo, dapat pa bang tingnan talaga ang grades ni James?" si Mike
"oo naman noh, baka maungusan ako nyan, buti na nagiingat." si Joan naman, mayabang talaga ang babaeng to, pero maganda, beauty ang brains pero messed up ang attitude. Ewan ko nga ba kung bakit namin nakasama tong babaeng to.
Ako naman ay nanatili nalang na tahimik dahil ayaw ko talagang makipagyabngan ng grade, pero syempre nakikinig din ako sa kanila.
"oh james, ang tahimik mo ata? may nangasar nanaman ba sayo kanina? tara, sapakin ko! ituro mo!" sabi ni Mike ng mapansin ang pagtahimik ko.
"ah eh.. hindi naman nang asar eh, hindi ko na kasi pinansin nung nag hi sakin. ni hindi ko nga nakita ang muka eh." sabi ko naman.
"speaking of new people, guys, may ipapakilala ako sa inyo mamaya, kaya kayong dalawang lalake, sasama kayo samin mamayang recess!" si Kely sa malandi niyang boses.
Wala naman kaming nagawa kundi ang umoo nalang, basta dapat ay kasama namin si Ondoy mamaya. Yun lang naman ang kundisyon namin kapag nasama kami sa kanila.
Madami pang kulitan, yabangan at kung ano ano pang harutan ang nangyari sa amin at dumating na ang teacher namin sa Chemistry. Discussion, Quiz at madami pang discussion ang nangyari sa buong umaga namin. Hanggang sa dumating na ang recess.
"Mike, tara, kain tayo, nagutom ako eh!" aya ko kay Mike. "puntahan na din natin si Ondoy."
"sige, tara!" pagsangayon ni Mike.
Akmang lalabas na kami ng Classroom ng biglang. "ooops, wait boys! akala ko ba napagusapan na natin kanina na sasama kayo samin?" si Kely na sinamahan pa niya ng mataray na tingin.
"ay, oo nga pala" sabi ko sabay ngiti at kamot sa ulo. "saglit lang, hintayin nyo nalang kami dito, susunduin lang namin si Ondoy."
Tumango naman si Kely at kami ay lumabas na para puntahan si Ondoy sa kanyang classroom.
"Guys, order na tayo, gutom na gutom na ako!" reklamo ko sa mga kasama ko, may sampung minuto na din kasi nghihintay sa ipapakilala ni Kely sa amin, gusto kasi nito na sabay sabay na kaming kakain kasama ng hinihintay niya.
"teka lang james! konting tiis nalang, parating na yon." si kely, halatang inis na din sa paghihintay.
"10 minutes na tayong naghihintay Kely, 20 minutes lang ang recess, ano ba! oorder na kami sa ayaw at sa gusto mo!" si Charmaine na pinairal na ang pagkamataray nito.
Tumayo na kami at pumunta sa pila ng estudyanteng bumibili ng pagkain. Mabilis lang naman ang pila kaya nakabili na kami agad at naglakad na pabalik sa kinaroroonan ni Kely.
Nang makalapit kami sa upuan na inokupa ni Kely ay nakita ko na may kasama na ito. Hindi na ako nagatubili pa at sumalampak na ako ng pagkakaupo sa corner ng table na inokupa namin kanina para makapagsimula ng kumain. Hindi ko na pinansin pa kung sino ang kasama ni Kely dahil gutom na gutom na talaga ako.
"Guys, si jeck!" narinig kong sabi ni Kely nang makaupo na ang lahat ng aking mga kaibigan.
Jeck? yung swimmer? biglang sabi ng aking isip.
"Jeck, si Mike." narinig kong sunod na sabi ni Kely, pero hindi pa din ako tumingin, bagkus ay nilalantakan ko pang lalo ang aking pagkain. Hindi naman ako ganoon kainterested kasi sa mga ipinapakilala ng mga ito sa amin ni Mike. "Mike pare!" maya mayay narinig kong sabi ni Mike.
"Si Joan nga pala, ang top 1 ng Class namin." pagpapakilala ni Kely kay Joan. Na tinugon naman ni Joan ng kinikilig na tili.
"hoi joan! tumino ka jan huh! akin to!" Basag ni kely sa ginawa ni Joan. "Si Charmaine, Jeck." At ginaya din ni Charmaine ang pagtiling ginawa ni Joan na animo'y kilig na kilig.
"hala, eto pa ang isa oh! kayong dalawa huh! tigilan nyo! taken na!" basag ulit ni Kely. "Si Mena, Jeck"
"wag kang magalala Kely, hindi ko sya type!" pangunguna ni Mena kay Kely.
"may sinabi ba ako!?" narinig kong padabog na sabi ni Kely. "And finaly, the most mysterious among us, and he happens to be our Top 2 sa class and our class president! si James the Singer!" Mahabang pagpapakilala sakin ni Kely.
"kailangan ganon kely?!" asar kong sabi kay Kely at saka tumingin sa kanila.
"Oo, dahil kanina pa kayo dito, pero wala kang ginawa dyan kundi kumain lang ng kumain! Ni hindi ka nga tumingin samin kanina nung umupo ka dyan sa dulo eh!" sabi naman ni Kely.
"Kilala ko sya kely." biglang sabat ni Jeck. "hindi nga namamansin yan kanina eh!" sabi pa nito na ipinagtaka ko naman. "Jeck nga pala." sabay lahad ng kamay sakin.
"James, pare!" sabay abot ng aking kamay. "What do you mean na hindi ako namamansin kanina? nagkita na ba tayo?" sabi ko dito sabay bitaw sa kanyang kamay at nagbigay ng nagtatakang titig.
Si Jeck ay 2nd year High School palang, pero siya ang pinakamagaling na swimmer sa school namin. As expected sa swimmers, maiitim, maganda ang katawan. yan ang masasabi mo sa unang tingin mo kay Jeck, hindi siya ganoon kagwapo, pero masasabi mong may dating, dahil sa tikas ng tindig nito.
"Nasa parking lot ako kanina, ako yung nag hi sayo, hindi mo naman ako pinansin." sabi nito sabay tingin sakin gamit ang malulungkot nitong mata.
...itutuloy...
nasa moving on stage kana pala.
TumugonBurahinhmmmm... si "Jeckz" na kaya ang siyang muling magbubukas ng naka padlocked mong puso?
o di kaya'y mag re-return of the comeback si RJ sa buhay mo?
kaabang-abang!
mhmmmmm so bj pala ang salarin....sayang ang naging samahan ng barkada nyo... at least may mga bago frends u.... im still worried pa rin kay rj.... hope na bumalik na sya sa dati... kahit wala na sya sa circle of frends mo... baka ito na ang second love mo james...
TumugonBurahinramy from qatar
naku,, ndi pwede yan.. hahah
TumugonBurahinjames, wag muna ah... masakit pa yan hehehe,,
na miss ko na c brent.. heheh :)
come back rj......
TumugonBurahintaga_cebu
hmmmm.... new love life sa story ..... kelan yung current ???
TumugonBurahinhehehehehe
makatiboy
ok, this is the start of your life after rj...dito rin ba mababasa ung mga nangyari sa college life mu??sori po pla sa nagawa ko...sana mapatawad mo pa ako.
TumugonBurahinHay.... Nice start James! : ))
TumugonBurahinSna mkgwa dn kyo ng beautiful love story ni gaz!!!! Hihihi
Akosidrew
naku ndi pwede yan... :)
TumugonBurahinjames may problem???
TumugonBurahinmakatiboy
yun oh .. at last! .. nakamove-on na si kuya James ..
TumugonBurahin@makki .. sana di na bumalik si RJ .. kaloka siya .. XD
and a new character comes out .. :)
Jeck .. the swimmer .. NICE!
Thanks kuya JC ~