Subscribe:

Linggo, Pebrero 12, 2012

Can it be Love (Part 04)



By: James Cornejo
Email: mystoryline.0423@gmail.com
URL: jamesstoryline.blogspot.com




Salamat po ulit kina Makki, asd, Ramy from Qatar and TaongPinaasoMo sa mga comments nyo, keep the comments cooming guys, hehehe, naooverwhelm akong basahin mga comments nyo. Thanks for showing me your love.









"Ano bang problema nung Jeck na yon?" Si ate Lyn.




Ilang minuto na din ang nakakaraan ng umalis si Jeck, saktong alas diyes siya ng gabi umalis dito sa ospital, hindi ko na siya kinausap pa para makaiwas na din at maitanggi ko sa sarili ko ang pagkagusto sa mga ginagawa nito para sa akin.




Si mommy naman ay nagtext na lamang na hindi na makakadaan pa dito sa ospital dahil siya raw ay pagod na at madami pang gagawin, sabay na daw sila ni daddy bukas na pupunta dito.




"Aba, ewan ko dun" pasinghal kong sagot kay ate lyn.




"Sabihin mo nga sakin james, boyfriend mo ba yon?" walang kaabog abog na tanong sa akin nito.




"ate lyn, kilala mo ako. Alam mong galit ako sa bading diba?!" asar kong sagot dito.




"Yun na nga eh, kilala kita! I know what might happen to you. alam kong there is a possibility..."




"Na ano? maging bading ako? ganon ba ate lyn?" sigaw ko na dito.




"Sige! sigawan mo ako! alam ko ang sa inyo dati ni RJ! hindi ako tanga james!"




Sa sinabi nito, ramdam kong namutla ako at napahiya, imbis na singhalan pa ito ay binigyan ko nalang ito ng isang gulat na tingin.




"wala kang maitatago sakin james, alam ko lahat, sa kilos mo palang kanina nung nandito siya, alam kong gusto mo sya." mahinahong sabi ni ate lyn.




"Tigilan mo ako ate ha! hindi na ako natutuwa!" Singhal ko dito sabay talikod. Naramdaman ko nalang na tumabi ito sa akin at hinimas himas ang aking buhok.




"James, wala namang masama sa nararamdaman mo, just be discreet okay?" pagaalo nito sakin.




"Hindi nga! ano ba!" tanggi ko na sinamahan ko pa ng paggalaw galaw ng aking ulo para maalis ang kamay nya.




"Hindi ko naman sasabihin kila mommy, wag ka magalala, ang gusto ko lang, mailugar mo, alam ko namang kaya mo james." sabi pa nito at binalik ulit ang kanyang kamay sa aking buhok, "Sige, ikaw bahala, kung ayaw mo talaga sabihin sa KUYA, maghihintay nalang ako."




Sa sinabi nitong kuya ay agad naman ako napangiwi, pinigilan ko ang aking pagtawa, pero huli na ang lahat, nakatitig pala ito sa akin tila tinitingnan talaga ang aking reaksyon sa sinabi niya.




"Anong tinatawa tawa mo jan?"  Natatawa na ding sabi ni ate lyn




"Wala! para ka kasing baliw! anong kuya ka dyan!" sabi ko dito at iniayos na ang aking higa para makausap na ng ayos si ate/kuya ko. "Asan si ate kaye? akala ko kasama mo sya dito magbabantay sakin?"




"Ayun, inaway nanaman ako kanina!" at nagbuntong hininga, "Teka nga, hindi naman ako ang pinaguusapan kanina ah, bakit napapunta sakin ang topic? James, ganito kasi yan, sa totoo lang, yung effort na pinapakita sayo ni Jeck is good, kaya ko sya sinusungitan kanina dahil kung magiging kayo man, ayokong hindi sya takot sakin, and ayokong saktan ka niya..."




"hindi naman siya nanliligaw ih..." pabulong kong sabi




"Ay, echusera! tingin mo naman manliligaw yun! lalake yun at lalake ka, as if naman james!" natatawang sabi ni ate lyn.




"narinig mo pa yun? lakas talaga ng pandinig mo! tsaka ano ka ba, nagbibiro lang ako, kanina ko nga lang nakilala yung jeck na yun! kuliiiiiit."




"hai nako, bahala ka na nga dyan! bibili muna ako ng pagkain sa labas, hindi pa ako nagdidinner." 






Ano nga kaya gusto iparating ni Jeck? Hai, ready na ba ako ulit? Waaah, hindi ko alam, ano ba dapat kong gawin? May gusto nga bas akin si Jeck? Hindi pa ulit ako ready masaktan, ayoko na masaktan, James, hangga’t maari, umiwas ka, ano nalang sasabihin ng mga kaibigan mo James, napaka unexpected kung magiging bading ka ng dahil lang sa kanila, kaya pigilan mo! And besides, hindi mo pa sya ganun kakilala, kaya tigilan mo. Mga katagang gumugulo sa aking isipan. Mga ilang minuto na din ang nakakalipas ng nakaalis si ate lyn sa kwarto ng ospital, hindi ko napigilang mapaisip sa mga sinabi ni ate lyn sakin, hindi ko alam kung anong nagbago sakin, pero kailangan kong maibalik sa dati ito.




Agad ko namang naalala ang pinapabigay ni RJ sa akin. Hinanap ko kung saan ito iniwan ni Brent kanina, at agad ko din naman itong nakuha sa side table, nakapatong ang isang papel at isang box.





Ikie,

          Sorry for what I’ve done, sana mapatawad mo pa ako. And also, gusto kong magpasalamat sayo, madaming bagay ang natutunan ko sa iyo, alam kong minahal mo din ako at naibalik mo ang pagmamahal na binibigay ko sayo, pero nagkamali akong ivideo ang kamunduhang ginawa natin. Pero alam ko na kung sino ang nagkalat ng video, hahayaan ko nalang na siya na ang magsabi sayo. Habang buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko sayo, sana kapag nalaman mo kung sino ang nagpakalat ng video, mapatawad mo pa siya, dahil alam ko, mahal ka niya. Alam ko, habang binabasa mo to, nakasakay na ako sa eroplano, I’m going to Canada, dun na ako pag aaralin nila mama at papa dahil na din sa kahihiyang nangyari sakin. I’m now letting you go james, but before that, I just want you to know that I will always love you James, till the day I die. I hope you will find your true love. And please accept this little peace offering james, sana magustuhan mo, and sana itago mo, kapag nagkita tayong muli, sana Makita kong suot suot mo yan. Mahal na mahal kita ikie, pero this would be the end of what we had.


          Nga pala, I heard, may dengue ka daw, pagaling ka ha. Babalitaan naman ako ni brent  tungkol sayo, kaya wala kang maitatago sakin, wag mo na din iwasan ang kapatid ko, naawa ako sa kanya nung nagsumbong sya sakin na umiiwas ka na daw.



Love Lots,
Ikie, (Ryan Jake Esqueta)




Habang binabasa ang sulat ni RJ ay hindi ko na namalayan ang pagpatak ng aking mga luha, naramdaman ko nalang na nababasa na ang aking mga pisngi. Agad kong kinuha ang isang maliit na box na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa Silver Works, agad kong tiningnan ang laman nito at napag alaman kong isa pala itong bracelet, na may naka engrave sa silver plate nitong “J & R forever”.




Lalung bumuhos ang aking mga luha sa nakita kong nakaengrave dito, at ng ibabalik ko na ito sa lalagyan, agad kong nakita ang isang maliit pang papel, kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang nakasulat.




Ikie, hindi ko man natupad ang pangakong walang hanggan, kahit sana dito sa simpleng bracelet na to, maging sign ng aking pangakong yun. I Love You so much james.




Nakaramdam ako lalo ng pangungulila sa aking pinaka unang minahal na lalake, hinahanap hanap siya ng aking puso, parang may kulang sa akin ngayon, hindi ko malaman pero parang isinisigaw ng aking puso ang pangalan ni RJ , gusto ko Makita si RJ! Waaaaah! Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya! Sigaw ko sa aking isipan.




Nasa ganoong sitwasyon ako at nakaramdam nanaman ako ng antok, hindi ko na napigilan ang aking pagtulog, agad naman akong nakatulog dahil na din siguro sa mga luhang pumatak sa aking mga mata.






“James! James!! Gising!! Gising!! NURSE!!!! Tulong dito!!!” naririnig kong sigaw ng isang taong hindi ko malaman kung sino, pero hindi ko magawang makapagbigay ng reaksyon, hindi ako makagalaw ng ayos, parang ambigat ng pakiramdam ko.

...itutuloy...

6 comments:

  1. hindi ako naniniwalang hanggang doon lang sila RJ at James ..

    Ganoon lang ba yun? Kalimutan na lang basta basta ang lahat? Ganun mo na lang kadali isuko ang pagmamahalan na meron kayo? napaka unfair naman siguro sa side mo James ni hindi mo man lang siya nkausap, ni marinig ang paliwanag ng isa't isa.. sa tingin ko may iba pang sigurong paraan para mag usap kayo.. ( alam mo parang ako itong nasasayangan sa pinagsamahan niyo. di ko talaga lubos maisip na ganun lang na sa isang iglap eh biglang naglaho na ang lahat.. )

    Si Brent nga kaya ang nagkalat ng Sex Video? ( nasambit ksi ni RJ sa letter na mahal na mahal siya ng taong nagkalat ng Video. ) whatever reason it may be sana di na lang ginawa yun! kainis! sinira niya ( kung sino kaman) ang sana masayang pagsasama nila!

    I hope na it's not the end for the both of you.

    James <3 RJ pa rin ako!

    :)

    TumugonBurahin
  2. NAKU baka si ate lyn mo ay lesbian din.... he he he....mukhang si brent,,,, ang nag pakalat ng video nyo.... sayang at umalis na rin si rj lumayo papuntang canada... d mo naman masisi si rj kung kaya lumayo na lang sya para doon ipagpatuloy ang study... till now ikaw pa rin ang mahal ni rj... at may munting gift pa para sa yo...at d mo rin makaila sa puso mo na mahal mo pa rin si rj.... sana hintayin mo na lang ang timen na magkita kayo ulit ni rj...james mag pagaling ka s dengue...wag kang bibitaw marami ang nag mamahal sa u...

    ramy from qatar

    TumugonBurahin
  3. Nice post though..I'm still here watching what you're doing..Please be good always.

    TumugonBurahin
  4. may bitterness si taongpinaasmo??

    TumugonBurahin
  5. c taongpinaasa ba at c rj ay iisa?? heheh toink.. la lang my maisingit lang haha..

    uhmm naisip ko lang.. cguro karma din ni rj ung nangyare.. kc db if maalala nyo nirekord ni rj ung pinag usapan nila ni james at binigay ky lea sa mismong birthday ni james.. kaya naghiwalay c james at lea. at ngaun naghiwalay c james at rj dahil sa video pinakalat ni ___________ (brent. heheh cguro..)

    talagang gagawin at hahamakin lahat alang alang sa pag ibig..

    pero brent. kung ikaw nga un.. kakarmahin ka din.. heheh :)

    hi james.. happy valentines...

    TumugonBurahin
  6. so si Brent pala ang nagpakalat ng video? O.o

    kaya ba siya nagsosorry kay James nung last time bago yung scene sa hospital?

    how could he do this?
    kumokontra isip ko .. sinasabi nito na si BJ daw ang nagpakalat .. XD .. basta .. kung sino man siya .. bala siya sa buhay nya .. >.<

    alam naman pala ni KUYA Lyn (hahaha) yung pagkatao ni James ee ..
    eto namang si James .. AYUN .. hanggang ngayon .. CONFUSED pa rin ..

    Thanks kuya JC ~

    TumugonBurahin